webnovel

The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog)

A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.

Mai_Chii · Fantasy
Not enough ratings
42 Chs

Mermaid’s Tale: Seiffer vs. Prince Rollo

PUMAYAG si Prinsipe Rollo sa hamon ni Seiffer sa isang one on one na laban. Walang kahit anong sandata ang gagamitin maging mahika hindi sila gagamit. Isang laban ng lakas sa pagitan ng dalawang lalaki. Ang kapalit sa tagumpay ng mananalo ay walang iba kundi si Prinsesa Azurine.

Sa isang malaking arena dinala ang dalawang maglalabang binata. Dito dinaraos ang malaking labanan ng mga sirenong mandirigma upang patunayan ang kanilang lakas. Ito ang Osiris Battle Arena.

Nakahanda na sa isang tabi si Seiffer, dahil hindi siya sireno tulad ni Rollo bawal niyang gamitin ang kanyan mga paa. Hindi rin niya maitatapak ang mga paa sa mabuhanging lupa dahil ang laban nila ay kinakailangan ng matinding galing sa paglangoy. Dito nakalalamang kay Seiffer si Rollo.

"Ginoong Seiffer, sigurado ka ba sa kalokohan mo?" alanganing tanong ni Octavio.

Nasa isang tabi sila at si Octavio ang tumatayong alalay ni Seiffer sa labang ito.

Tapos nang talian ni Seiffer ang mga kamay niya ng benda. "Huwag kang mag-alala bata, kayang-kaya ko 'to! Ako pa!" yabang ni Seiffer.

Malaki ang tiwala niya sa sarili. "Nagawa ko nang makatakas sa tore nila 'di ba? Wala ka bang bilib sa akin." Kinuskos ni Seiffer ang ilalim ng ilong gamit ang hintuturo waring nagmamalaki sa ginawa niyang pagtakas sa tore.

"Paano'ng hindi ka makakatakas, e, ginamitan mo ng pasabog mong mahika iyong tore." Napaisip si Octavio, inilagay niya ang nakatikom na kamao sa ilalim ng baba. "Paano mo nagawang makatakas sa itim na silid sa itaas ng tore? Wala kang makikitang liwanag doon at dapat hindi ka makakagamit ng mahika mo?" taka ni Octavio.

Ang itim na silid na pinagdalhan kay Seiffer ay isang mahiwagang silid ng mga sirena. Isa itong silid na pinaglalagyan ng mga nilalang ng karagatan na may nilabag na batas sa Osiris. Madilim sa loob nito at walang katiting na liwanag na pumapasok sa loob.

"Syempre, ako pa! Palagi yata akong handa sa mga ganitong kalagayan. Ginamitan ko lang ng sekretong magic spell para mapasabog ang silid na iyon. Hayan, hindi lang liwanag ang nakita ko pati ang malaking daan para makatakas. Mabuti na lang at dumating ka kaagad nang marinig mo ang malakas na pagsabog na iyon."

"Mabuti talaga at hinayaan nila akong puntahan ka." Bumuntong hingina si Octavio. "Baliw ka talaga. E, paano ka ngayon? Lalaban ka ng mano-mano ang tanong marunong ka ba?"

"Nyahahaha! Malalaman natin!" Malokong tumawa si Seiffer, halatang kabado rin siya sa kalokohan niya.

Tumunog ang malakas na trumpeta hudyat na magsisimula na ang laban nila. Nanunuod sa itaas ang hari at mga prinsesa kasama si Azurine.

Tumingin sa direksyong iyon si Seiffer, ngumiti nang malaki saka kumaway kay Azurine. "Hoy! Azurine! Hintay ka lang! Tapos kaagad 'to!" yabang na naman ng malokong binata.

"Tumigil ka na sa kayabanang mo! Mamaya ikaw 'tong unang matatapos d'yan!!!" sigaw ni Octavio sa gilid.

Nagharapan sina Seiffer at Rollo. Parehong may puting bendang nakapulupot sa kanilang mga kamay. Pumito sa gitna ang sirenong kawal upang ibigay ang hudyat nang pagsisimula.

"Humanda ka, mayabang na nilalang ng lupa!" Unang umatake si Rollo. "Subukan mong iwasan 'to!!!" Buong pwersa niyang kinilos ang kanang braso upang bigyan ng matinding straight punch si Seiffer.

Dahil nasa ilalim sila ng tubig naging mahirap kay Seiffer ang pag-ilag. Habang si Rollo naman ay walang problema sa bilis dahil sanay na siya sa tubig.

Nagawang iwasan ni Seiffer ang unang pag-atake ni Rollo nang matyempuhan siya sa ilalim ng baba ng kaliwang kamao ni Rollo.

"Ugh!" Malakas ang pagkatumba sa mabuhanging lupa ni Seiffer. "Pwe!" Idinura niya ang laway na may kasamang dugo. Nakagat kasi niya ang ilalim ng labi niya dahil sa natamong upper cut kay Rollo.

"Umpisa pa lang 'yan!" Lumaki ang ngisi ni Rollo. "Ito pa ang kasunod!" Mabilis siyang sumugod hindi pa man nakakatayo si Seiffer.

Sinikap ni Seiffer na umiwas sa pamamagitan ng paggulong sa buhangin. Dahil sa pwersa ng tubig na lumalaban sa bawat pagkilos niya hindi niya magawa ang gusto niyang bilis na pagkilos.

Nahuli siya ni Rollo nang tamaan niya si Seiffer sa sikmura. Isang suntok galing sa taas paibaba sa tiyan ni Seiffer.

Namilipit sa sakit si Seiffer napahawak siya sa kanyang tiyan. Nawalan ng depensa ang itaas niyang katawan kaya naging sunod-sunod ang ginawang pagsuntok ni Rollo sa kanya. Tumama ang kamao ng prinsipeng sireno sa iba't ibang parte ng mukha, dibdib, maging sa braso ni Sieffer.

Duguan na ang mukha ni Seiffer matapos ang sunod-sunod na pagsalakay na iyon. Walang paawat si Rollo at tuwang-tuwa pa sa ginagawa niyang pinsala sa lalaking nakahandusay sa lupa.

"Ano?! Nasaan ang yabang mo, taga-lupa?!!!" sigaw sabay inda ng suntok sa bandang ilong ni Seiffer. "Ang lakas ng loob mong hamunin ako, ni hindi mo naman ako lubos na kilala!" Isa pang suntok ang ginawa niya sa kaliwang mata ni Seiffer.

"Ako lang naman si Prinsipe Rollo na isang mandirigma! Wala akong patawad sa mga kalaban lalo na mga nilalang na sobrang kinaiinisan ko!!!" Halos mapuno ang magkabilang kamao ni Rollo ng dugo galing sa basag na mukha ni Seiffer. "Sisiguraduhin kong mapapasa akin si Azurine." Hinawakan ni Rollo sa kuwelyo si Seiffer saka inangat ang mukha nito. "Sabik na akong matikman ang maganda niyang katawan. Lalo na't may mga paa na siya ngayon. Iisa-isahin kong dilaan ang iba't ibang parte ng katawan niya, lalamasin ko ang matambok niyang dibdib hanggat magsawa ako. Aangkinin ko siya nang paulit-ulit hanggang sumuko ang katawan niya." Ngumisi na parang demonyo si Rollo matapos ibulong ang mga iyon kay Seiffer.

At dahil doon nagliyab ang galit sa katawan ni Seiffer. Isang suntok ang pinigilan ni Seiffer gamit ang isa niyang kamay. Hinawakan niya sa pulso si Rollo saka malakas na itinulak palayo. Tumayo si Seiffer, mabilis na lumangoy para maabutan ang pag-atras ni Rollo. Isang matinding kombinasyon ng body blow, right hook at upper cut ang nagpatumba kay Rollo sa lupa.

Inupuan ni Seiffer sa katawan si Rollo habang nakahandusay ang katawan ng prinsipe sa lupa. Siya naman ang sumuntok nang paulit-ulit sa mukha ni Rollo.

"Hindi ako papayag na dungisan mo ang pagkatao ni Azurine! Hindi kita mapapatawad!!!" sigaw ni Seiffer habang maya't maya ang pagtama ng kamao niya sa mukha ni Rollo.

Matapos ang makailang suntok nangisay ang katawan ni Rollo. Hindi na ito nakalaban at tuluyang nawalan ng malay sireno.

Tumunog ang pito ng kawal na sireno, itinaas nito ang kamay ni Seiffer. "Hindi na makakalaban si Prinsipe Rollo! Ang nagwagi sa laban na ito ay walang iba kundi ang binatang taga-lupa!!!" sigaw ng kawal.

"Ginoong Seiffer!!!" Mabilis na tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Seiffer si Octavio. "Ang galing! Akala ko talaga kanina taob ka na!" mangha niya.

"Sabi ko—ugh!"

Sinalo siya ni Octavio saka inakay sa balikat. "Magyayabang ka pa, e, bugbog sarado ka rin!"

"Teh-heh! Salamat sa pag-akay!" Nginitian niya si Octavio.

"Tara, humarap ka na sa hari." Tinulungan ni Octavio na maglakad si Seiffer patungo sa harap ng hari at ng mga prinsesa.

Lumangoy patungo sa kinaroroonan nila si Haring Aegaeus. "Nagtagumpay ka, binata."

"Ginoong Seiffer!!!" Mabilis na niyakap ni Azurine si Seiffer. "Nanalo ka! Talagang nanalo ka!!!" Mahigpit niya itong niyakap.

"A-Aray!"

"S-Sorry!" Kaagad namang inalis ni Azurine ang katawan niya sa pagkakayakap sa bugbog na si Seiffer. May tinamo rin kasi siyang matinding tama sa sikmura kanina.

Maya-maya pa'y nagkamalay na si Rollo. Inalalayan naman siya ng iba pang mga sirenong alalay niya.

"Nanalo ako kaya katulad ng pinag-usapan sa akin na si Azurine!" Inakbayan ni Seiffer si Azurine sa baywang saka hinatak patungo sa kanyang bisig.

"Pwe! Alam ko!" Tumalikod si Rollo.

"Sandali, Prinsipe Rollo paano ang napipintong kaguluhan dahil hindi—"

"Wala na akong pake!" sabat ni Rollo sa pagsasalita ni Haring Aegaeus. "Bahala na ang kaharian ng Osiris! Wala nang bisa ang kasunduan at wala rin na rin akong balak makipagdigmaan sa kaharian ninyo! Ang gusto ko lang ay si Azurine! Dahil natalo ako ng hamak na taga-lupa, para na rin akong natalo sa isang digmaan!" Tiningnan niya nang matalim si Seiffer.

Hindi naman nagpadaig si Seiffer sinuklian din niya nang matalas na tingin si Rollo. "May kilala akong mas malakas pang sumuntok sa 'yo. Huwag mong minamaliit kaming taga-lupa!"

"Tch! Bwisit ka! Sa susunod nating paghaharap sinisiguro kong hindi ka na magigising sa suntok ko!" Nag-walk out si Rollo sa Arena kasama ng mga alagad niya.

"Ginoong Seiffer?" Naramdaman ni Azurine ang biglang pagbigat ng katawan ni Seiffer. "A-Ayos ka lang ba?"

Tuluyang natumba ang katawan ni Seiffer at sumubsob ang mukha niya sa malambot na dibdib ni Azurine. "Pagod na ako, Azurine," malokong lambing ni Seiffer habang lalo pang isinusubsob ang mukha sa pagitan ng dalawang matambok na dibdib ng sirena.

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo sa anak ko, ha?!"

"Ama, hayaan n'yo siya. Pagod na pagod si Ginoong Seiffer."

"P-Pero anak, manyak naman 'yang napili mong lalaki." Napasapo na lamang sa noo ang hari.

"Teh-heh, ang lambot talaga sa dibdib mo, Azurine. Ang sarap gawing unan, nyahaha!"

"Hay! Magpakilala ka nga nang maayos binata!" Nagsalubong ang dalawang kilay ng hari, tinitigan nang masama si Seiffer.

"Seiffer Wisdom, dating prinsipe ng Alemeth. Pero ang tunay kong pagkatao ay…" Inangat niya ang ulo sabay taas ng kamay. Inilabas niya ang magical scepter sa kamay. "Isa akong black wizard!"

"Ama, siya po ang batang prinsipe na niligtas ko noon. Siya rin po ang binatang minahal ko mula noon hanggang ngayon."

Napalunok-laway na lamang ang hari nang makita niya sa kanyang harapan ang matamis na paghalik ni Azurine sa labi ni Seiffer. Natulala siya nang malamang agresibo na pala ang bunso niyang anak.