webnovel

Becoming Desperate

More than a year ago…

Nagsisimula pa lang ang party ngunit medyo iba na ang pakiramdam ko dahil sa isang kopitang alak na aking nainom. Hindi talaga ako sanay uminom, samahan pa ng nag-iingayang tao sa paligid at ang patay-sinding ilaw sa entablado. Engagement party ngayon ng bestfriend ko at sa isang kilalang bar ito ginanap. Hindi ko siya matanggihan dahil siya ang nag-iisang bestfriend ko. Simula pagkabata ay magkasama na kami sa kalokohan at kasayahan.

Dahil abala ngayon ang ikakasal sa entablado ay pinagkasya ko ang sarili ko sa isang sulok kung saan malayo sa maraming tao upang hindi ako lalong mahilo. Paunti-unti rin ang pagsipsip ko sa iniinom kung margarita habang pinapanood ang masayang mukha ng bestfriend ko habang nagbibigay ito ng speech sa taas ng maliit na stage.

Masaya ako para sa kaibigan ko dahil sa wakas, matapos ang sampung taong pagiging magkasintahan nila ng boyfriend niya ay ikakasal na rin sila nito. Marami na'ng pagsubok na dinaanan ang relasyon nila ngunit hindi sila sumuko sa isa't-isa. And I also looking for that kind of relationship. Gusto kong isang seryosong lalaki ang makakatagpo ko. Hindi manloloko at walang bisyo sa buhay kundi ang mahalin lang ako.

Bente-otso anyos na ako at ilang taon na lang ay mawawala na ang edad sa kalendaryo ngunit wala pa rin akong boyfriend kahit gustong-gusto ko na magkaroon. Hindi ko alam kung bakit walang lalaking lumalapit sa akin. Maganda naman ako, sexy at isa pa mataas ang estado sa buhay. Hindi naman sa nagmamadali akong mag-asawa pero kasi natatakot akong baka matulad sa mga tiyahin ko at tiyohin na tumandang dalaga't binata dahil sawi sa pag-ibig. Mukhang nasa lahi na nga yata namin ang pagiging matandang dalaga. Kung sinuman ang sumumpa sa ninuno ko ay sana sumpain siya pabalik. Gustong-gusto ko lang naman makapag-asawa, bakit ba kayhirap gawin iyon?

Dahil sa kung saan-saan humantong ang iniisip ko ay hindi ko na namalayang may umupo na pala sa harapan ko na isang lalaki at titig na titig ito sa akin habang sumisipsip ng inumin niya sa kopita niyang hawak. Halata kong medyo nakainom na rin siya dahil sa klase ng kanyang titig. Mapupungay ang mata niyang bahagyang naitatago ng dilim lalo na at ang kanyang pilikmata ay mahahaba.

Napalunok ako dahil sa titig niya pero hindi ako nakaramdam ng kaba na baka may gagawin itong hindi maganda sa akin. Nagkasalubong ang titig namin at dahil nadala ako ng nainom kong alak ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na titigan siya lalo na at nakakaakit ang mga titig niya. Ang ngiti niya ay hinihigop ang buong pagkatao ko.

"Care to share a table with me?"

Napalunok ako ng margarita na iniinom ko nang marinig ko ang baritonong boses niya. Kaysarap niyong pakinggan, parang boses ng paborito niyang singer na si Zayn Malik.

Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Ahm. . . oo naman. Why not? You're harmless right?" wala sa loob na tanong ko. Dahil sa alak na nainom ko ay kung ano-ano na ang pinagsasabi ko. Nginitian ko siya ng matamis na medyo nakakaakit.

Mahina siyang napatawa saka inilapag ang hawak na kopita sa mesa na nababalot ng silk na tela saka tumiim ang titig niya sa akin. Bahagya rin itong dumukwang upang medyo magkalapit ang mukha naming dalawa saka ito sumagot.

"I am not a harm and definitely not a less." Ngumisi siyang muli habang hindi inaalis ang titig sa'kin.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya maintidihan. "Anong harm pero 'di less?"

Umayos siya ng pagkakaupo sa upuan nito at itinukod ang siko sa mesa saka ipinatong ang baba sa kamay niya at malakas na nagsalita dahil sa ingay ng paligid. "What I am trying to say is, I am not harmful, and I am not less." Bumaba ang tingin niya sa mesa na para bang itinituro ang sarili.

Kaagad na namula ang pisngi ko sa narinig. Of course, I know what he meant!

Bago pa ako makasagot ay lumapit sa kinaroroonan ko ang bestfriend ko na si Claire, ang bride to be. Malawak ang ngiti nito at bakas na bakas sa mukha ang kasiyahan. Katabi nito ang fiancé nito na kaibigan din niya. Kaagad na guminhawa ang pakiramdam ko na hindi ko namalayang bigla palang sumikip habang nakatitig sa lalaki.

"Hi, Joanne. Nandito ka lang pala. Akala ko umalis ka na, eh. Ipapakilala sana kita sa pinsan ni Zack— Natigilan ito nang makita kung sino ang kausap ko. "Nagkakilala na kayo?"

"Yes!"

"No!" magkasabay naming sagot.

Lalong nalito sa amin si Claire na ikinatawa ng fiance nito.

"Hon, mukhang nagkakaintindihan na silang dalawa. We shouldn't disturb them," biglang sabad ni Zack. Kaagad nitong niyaya si Claire at nilisan na ang kinaroroonan namin ng estrangherong lalaki upang estimahin ang ibang bisita nila.

Binalingan ko ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Bahagya pa akong napakislot nang makita na matiim pa rin itong nakatitig sa akin na para bang anumang oras ay nais niya akong lamunin ng buhay. "B-bakit?" natataranta kong tanong. Kaagad na dinagundong ng kaba ang dibdib ko.

"Would you like to dance?" anito na agad ko namang pinaunlakan.

Habang nagsasayaw kami ay nag-umpisa kaming magkuwentuhan. At dahil sa sulok kami ng club sumasayaw ay hindi na masiyadong malakas ang tugtog ng musika, lalo na at pinalitan iyon ng malamyos na tugtugin. Nawala na rin ng tuluyan ang pagiging awkward ko sa kanya dahil habang nagtatagal ang aming pag-uusap ay lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Hanggang sa humantong ang unang gabi ng aming pagkikita sa isang hotel. Lasing na ako dahil dumami pa ang aking nainom na alak, kaya lakas-loob akong sumama sa kanya sa isang hotel na nasa itaas na building lang din ng club na pinanggalingan namin. At hindi na ako nag-atubili pa dahil isinuko ko sa kanya ang iniingatan kong pagkababae.

***

Lumipas ang araw ay muling nagkatagpo ang landas naming ni Earl, at nasundan pa iyon ng ilang beses. Hanggang sa isang araw ay bigla na lang niya akong niyayang magpakasal dahil nahulog na raw ang loob niya sa akin.

"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?" Isang araw ay tanong ko sa fiance ko habang papunta kami sa dinner party ng aking magulang. I-a-announce na namin ang aming kasal ngayong gabi sa harapan ng aking pamilya, na simula't sapul ay tumutol na sa pakikipagrelasyon ko kay Earl, lalo na ang aking ina. Subalit ang aking ama ay walang kontra sa desisyon ko. Bagama't hindi nila ako pilit na pinapalayo sa fiancé ko ay ramdam ko pa rin ang hindi pagsang-ayon ng aking ina sa desisyon ko na tanggapin ang pag-ibig ni Earl.

Nang makarating kami sa aming mansiyon ay ang aking ama ang sumalubong sa amin, boto ito kay Earl. Magkapareho kasi ang hilig nila. Mula sa paboritong team sa basketball at soccer, pati brand ng perfume at brand ng relo ay magkatulad din, kaya magkasundo ang mga ito.

"My son, mabuti naman napadalaw ka."

Ngumiti ako at napailing habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking mahal ko sa buhay na masayang nag-uusap. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas ay matulad ako sa aking ina na hindi tumandang dalaga.

Matapos ang kumustahan ay kaagad na kaming niyaya ng aking ina sa hapag. Iba't-ibang putahe ang nakalapag sa hapag-kainan at lahat ng iyon ay paborito kong pagkain. Napatingin ako sa aking ina na may munting ngiti sa labi.

Ibig ba nitong sabihin tanggap na niya si Earl? Tumingin ako sa aking ina na medyo naluluha saka mahigpit siyang niyakap.

Kapag bumibisita si Earl sa aming bahay ay hindi nagluluto ang aking ina at lagi itong nag-oorder sa labas. Ang dahilan nito, hindi siya magluluto sa taong hindi niya gusto. Kaya ang makitang nag-effort itong magluto ay iisa lang ang ibig sabihin, tanggap na nito si Earl.

Isang tanyag na chief ang aking ina at namana ko sa kanya ang pagiging magaling ko sa pagluluto kaya nakapagpatayo ako ng sarili kong restaurant. Samantalang ang aking ina ay sa bahay na lang nila nagluluto at sa kanila lang isini-showcase ang galing nito sa pagluluto, ngunit iba ako. Gusto kong ipalasap sa iba ang sarap ng aking luto kaya nag-pursue ako na makapagpatayo ng sarili kong restaurant.

"Ano ba ang ia-announce mo at kinakabahan naman yata ako? Buntis ka na ba? Magkakaapo na ba kami ng mommy mo?"

Napukaw ang atensyon ko nang magsalita ang aking ama. Bumaling ako ng tingin sa kanya saka sumulyap kay Earl na katabi nito. Alam na nito ang ibig kong sabihin kaya nginitian niya ako saka ito tumayo at bahagyang yumuko sa aking ama.

"Mr. La Senza, nais ko pong hingin ang kamay ng inyong anak upang maging kabiyak ko. Mahal na mahal ko po si Joanne at hindi ko siya pababayaan. Hindi ko siya sasaktan, nangangako po ako sa inyo."

Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao ko dahil bigla akong sinalakay ng kaba nang hindi sumagot ang aking ama. Nanatili lang itong nakatitig kay Earl.

"Papa. . ." wala sa sariling bulong ko habang may nginig sa aking boses.

Ngunit hindi ako tiningnan ng aking ama at nanatili ang mata nito kay Earl. Nilapitan naman ako ng aking ina saka hinawakan sa braso at marahang hinaplos at inginuso ang dalawang lalaki sa buhay ko.

"Ramdam ko ang pagiging sensiro mo iho, ngunit hindi ako papayag—"

Nanlumo ako sa sinabi ng aking ama at yumuko upang itago ang luha na namuo sa aking mata. Ang akala ko ay tatanggapin ni papa si Earl dahil halatang botong-boto ito sa binata pero bakit—

"—na saktan mo ang anak ko! Magkakamatayan tayo!"

I raised my head the moment those words left out my father's tongue. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya lumingon ako kay mama. Nakatingin ito sa akin na puno ng tuwa ang mga mata. Puno ng pagtanggap para sa amin ni Earl. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

Matapos ang araw na iyon ay agad na inihanda ang aming kasal. Mabilisan ang naging preparasyon ngunit bongga pa rin ang kinalabasan at sa loob ng isang buwan ay naikasal na kaagad kami at nangako sa harap ng altar na maging tapat sa isa't-isa. Na mamahalin at aalagaan ang bawat isa at ngayon nga ay magkasama na kami.

Ngunit ang masayang pagsasama namin ay umabot lang ng isang taon dahil sa biglang pagbabago ng aking asawa.

Hindi ko namalayan na patuloy pa rin akong umiiyak habang nakatitig sa masayang larawan namin ni Earl noong ikinasal kami. Sa larawan makikita ang dahilan kung bakit kami nagsasama ngayon ng asawa ko. Bakas na bakas sa mga mata namin na mahal na mahal namin ang isa't-isa, ngunit ngayon, ang nakikita ko sa asawa ko ay purong malamig na pakikitungo.

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa larawan ay bumuo sa isip ang masayang tawanan naming mag-asawa at iyon ang nagbigay sa akin ng determinasyon.

"Hindi ako makakapayag na tuluyang mapunta sa wala ang masayang pagsasama namin ng asawa ko. Wala akong pakialam kahit saktan pa niya akong muli. Kung iyon ang dahilan upang tumahimik ang loob niya, ay gagawin ko. Handa akong magpakadesperada para lang hindi niya ako iiwan."

Sinundan ko ang asawa ko sa kuwarto namin kahit alam kong galit pa rin siya sa akin at ipagtabuyan ako, hindi ako pinanghinaan ng loob. Dahil hindi naman gaanong kalakihan ang bahay namin dahil kaming dalawa lang ang nakatira kaya mabilis kong narating ang kuwarto namin sa second floor mula sa salas. Ngunit pagdating sa labas ng kuwarto namin ay agad akong napatigil nang marinig ko na nagsasalita ang aking asawa, may kausap ito sa cellphone niya at hindi ko alam kung sino. Medyo nakaawang ng konti ang pinto dahil hindi iyon nakasara ng ayos kaya rinig na rinig ko kung ano ang pinagsasabi niya sa kausap niya. Hindi agad ako pumasok at binalak kong makinig sa pinag-uusapan niya ng kausap niya dahil naging malambing ang boses niya.

"Babe, we just met a few hours ago. Nami-miss mo na ako kaagad?"

Napatda ako sa aking narinig at napadausdos sa pader na malapit sa pinto. Lalong tumindi ang kaba sa aking dibdib na unti-unting napalitan ng kirot. "Babe? Bakit babe? Sino 'yon?"

May babae ang asawa ko. Kaya ba siya nagiging malamig sa akin? Pero bakit ako ang inaakusahan niyang nanloloko sa kanya? Ang luha kong natuyo na ay muling dumaloy dahil sa aking natuklasan. Hindi ko akalaing niloloko pala ako ng asawa ko. Pero bakit? Paano? Ano ba ang kulang sa akin?

Patuloy akong nakinig sa kanya kahit masakit na masakit na sa puso ko ang bawat matatamis na salitang binibitawan niya sa kausap niya. Maaayos ko pa kaya ang relasyon namin ng asawa ko?