webnovel

Meet La Eme Ricko

Zans.

Ugh! Shit! Fuck this feelings! Bakit hindi ko ba mapatay-patay si Athena? Damn! Kanina, nang itutok ko sa kaniya yung baril, parang takot na takot siya. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi ko siya natuluyan.

Hindi ko kayang tignan ang mga babaeng natatakot. Bumabalik lang sa isipan ko ang mukha ng ate ko na takot na takot.

"Putcha ka Zans!"

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa sobrang frustration. Letche!

Pagkalabas ko ng room ay agad akong dumiretso sa rooftop.

Nang makarating na ako sa aking pupuntahan ay agad akong tumayo sa may railings at pinagmasdan ang buong paligid. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago ko pinikit ng mariin ang mga mata ko.

"I need to finish Athena's life, as soon as possible no matter how hard it is."

Kahit na alam ko sa sarili ko na mali.

Athena.

Tss. Hindi ko talaga maintindihan si Zans. Hindi niya ako tinuluyan? Damn. Bakit ko ba 'yon pinoproblema? Magpasalamat nalang ako dahil buhay pa ako.

I need some fresh air to breath in.

Tumayo muna ako sa pagkakaupo sa dulo ng kama ko at pumunta sa may balcony. Tumayo lang ako sa may dulo sa tapat ng railings at nilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Habang busy ako sa pagtingin sa magandang tanawin, nakakita ako ng shuriken na lumilipad papunta sa kinatatayuan ko. Shit! Muntik ng madaplisan yung kaliwang braso ko, buti nalang agad ko 'yong nailagan. Nilibot ko pa ang paningin ko kung saan 'yon maaaring manggaling pero, wala akong makitang ni isang senyales.

Hangga't sa isang shuriken na naman ang lumipad papunta sa lugar ko. Damn!

"Fuck!" Daing ko dahil nadaplisan ang kanang balikat ko. Agad na akong pumasok sa kwarto ko at kinuha yung first aid kit. Hindi pa rin tumitigil sa pagdugo, mukhang malalim ang sugat na natamo ko.

Nilinis ko 'yon ng alcohol. Kahit masakit kailangan ko pa rin 'tong gawin. Pagkatapos no'n ay nilagyan ko na ng band aid ang sugat ko.

Tumayo na agad ako sa pagkakaupo at tinungo ang walk-in closet ko. Nagbihis na ako at nagsuot ako ng jacket na pula at sinuot ko yung hood sa ulo ko. After no'n ay pumunta ako sa secret room para sa mga sandata ko. Kinuha ko yung brass knuckles ko at sinuot ko na 'yon sa kanang kamao ko. After no'n ay ibinulsa ko naman sa gilid ng jacket ko ang aking XD-S compact pistol na baril.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Mabuti nalang at walang tao. Kailangan kong tumakas. Hindi na ako safe maging dito sa bahay namin.

Lumabas na ako ng mansion namin at agad na binuksan ang gate. Dahan-dahan ko rin iyong sinara.

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng subdivision namin ay pakiramdam kong may sumusunod sa 'kin. Lumingon ako sa likod ko pero wala namang tao sa likuran ko.

Nang madaan ako sa may eskinita ay agad akong lumiko doon. Naglakad na ako nang mabilis at lumiko ulit sa isa pang eskinita. Huminto muna ako do'n at nagtago. Palingon-lingon ako sa paligid kung may dadaan bang tao na kahina-hinala.

"Waiting for me?"

Nang may magsalita ay kasabay no'n na may naramdaman akong matalim na bagay na nakatutok sa leeg ko. Gagalaw na sana ako nang magsalita ulit yung babae sa likuran ko.

"Stay."

Pagkasabi niya no'n ay mas diniinan niya pa yung pagkakatutok ng dagger sa leeg ko.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. I'm already cornered now and there's no way out of here. Huhugutin ko na sana ang baril ko sa gilid ng jacket ko nang magsalita ulit siya.

"Oops! No guns for today."

Tapos, naramdaman ko na kinuha niya yung baril ko. Damn this girl.

"Whoa? Nice gun, latest version." Mapanuksong sabi niya. The nerve.

"Ibalik mo sa 'kin ang baril ko." May diin na sabi ko.

"What if I don't?"

Nag-init ang dugo ko sa sinabi niya kaya agad kong hinawakan yung kamay niya na nakapulupot sa leeg ko at 'yon ang ginamit ko para patumbahin siya.

Pumatong ako sa tiyan niya at tinignan siya ng masama, "I don't want to be pissed by someone who's fucking stupid like you."

Akmang susuntukin ko na sana siya nang may maramdaman akong matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Dahil sa nangyari ay umikot ang paningin ko at napahiga sa sahig.

Naaninag naman ng dalawang mata ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko at may hawak na steel tube.

Maya-maya pa ay unti-unti nang lumalabo ang paningin ko at all went black.

Third person.

Nang mapag-alaman nilang wala ng malay si Athena ay agad na nila itong piniringan at tinali ang kamay sa may likod at binuhat na nila ito at sinakay sa itim na van.

Habang nasa biyahe sila ay hindi mapakali ang lalaki sa kakasulyap kay Athena sa may rearview mirror.

"Hey! Focus on driving. We might get accident here because of you." Suway sa kaniya ng babae na nakaupo sa passenger seat dahil natatakot na siya dahil hindi mapakali ang lalaki.

'Umuulan pa man din at madulas ang daan, tapos itong katabi ko hindi naka-focus sa pagda-drive.' Sabi ng babae sa kaniyang isipan.

Makalipas ang kalahating oras na biyahe ay nakarating na sila sa isang bodega. Agad silang lumabas ng van at binuhat na rin si Athena papasok sa loob ng lumang gusali.

Pagkapasok nila sa bodega ay bumungad agad sa kanila ang isang lalaking nakaupo sa isang mono-block chair at naninigarilyo.

"La eme Ricko, narito na po ang anak ni yakuza Chin." Sabi ng lalaki habang nilalapag sa sahig ang walang kamalay-malay na si Athena.

"Good, humihinga pa ba?"

Tumango naman ang dalawa bilang tugon sa kanilang amo.

"Igapos 'yan sa upuan."

Agad naman nilang sinunod ang inutos sa kanila. Pinaupo nila si Athena sa isang upuan na kahoy at itinali ang kamay nito sa bandang likod. Tinalian din nila ang kaniyang mga paa gamit ang isang lubid.

Nang matapos na nila itong igapos ay agad namang tumayo ang kanilang amo at lumapit kay Athena. Hinawakan nito ang baba ng babae na tila ba sinusuri nito ang kaniyang pagmumukha.

"Kamukhang-kamukha mo ang tatay mong bastardo."

Pagkasabi niya no'n ay agad niyang sinampal ng malakas si Athena sa kaliwang pisngi nito.

Athena.

Nagising ako sa isang malakas na pagdampi ng palad sa aking pisngi. Fuck! No one dares to slap me. Nang namulat ko na ang aking mga mata ay wala pa rin akong makita. Shit! Bakit ako nakapiring? Where the hell am I?

Mayamaya lang ay may nagtanggal ng piring sa aking mata. Tumambad sa 'kin ang isang lalaking naninigarilyo na nasa mid-30's na at naninigarilyo, isang babaeng kasing edad ko lang ata at si Zans?

"Bakit ako nandito?" Sigaw ko sa kanilang tatlo. Nilibot ko naman ang paningin ko at napagtanto ko na nasa loob ako ng isang bodega.

"Kasi nga, wala ka sa inyo. Hahaha!" Mala-demonyong tawa ng hukluban na nasa harapan ko. Nyeta! Ang baho talaga ng usok ng sigarilyo.

"I'm asking properly, so will you just answer it the same way?" I said with full of sarcasm while my one eyebrow shots upwardly.

"Oh, well. We need to kill you. Nice idea, isn't it?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ng hukluban na 'to.

Papatayin na nga ako, tapos tatanungin niya pa ako kung magandang ideya ba daw 'yon? Sino bang matutuwa kapag nalaman na gusto kang patayin with some unknown reasons?

"Seriously? You're asking me if that's a nice idea? Tss. You're totally out of your mind." Sabi ko habang umiiling pa.

Because of what I'd said, he gave me a punch on my stomach.

"Ack! Damn!"

Shit! It hurts a lot, fuck this bald man in front of me. Is he a gay? Kalalaking tao, pumapatol sa babae.

"Watch your words, Ms. Onozawa."

Sinong tinawag niyang Ms. Onozawa? Me? Haha, that's a shit. I'm Ms. Choi not Ms. Onozawa.

"Ms. Choi, correction." I retorted nonchalantly.

Hindi niya ako sinagot at tinalikuran lang ako. Napatingin naman ako kay Zans na ngayon ay nasa harapan ko.

"Psh. Ngayon, masaya ka na? Mapapatay niyo na ako." Sabi ko nang walang ka-emosyon-emosyon sa aking mukha.

Napailing nalang si Zans sa sinabi ko at pumunta na silang dalawa nung babae sa matandang hukluban na 'yon. Napansin ko naman na may pinag-uusapan sila kaso hindi ko marinig. Masyado silang malayo para marinig ko yung pinag-uusapan nila.