webnovel

Just a Coincidence

Athena.

"Gising na Athena."

Napamulat ako ng mga mata nang 'di oras dahil sa gumigising sa 'kin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Happy 16th birthday!"

Bumungad sa harapan ko si tita Rose, tito Mike at si Thamia na may bitbit na cake.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at nag-indian seat sa kama, "Dapat hindi na po kayo nag-abala pa."

"Ano ka ba iha, kami na nga lang ang pamilya mo dito tapos, hindi pa namin aalalahanin ang kaarawan mo?" Sabi ni tito sa 'kin.

"Pero, ampon lang naman ako 'di ba? Kaya, ibig-sabihin no'n hindi ko po kayo tunay na kamag-anak." Malungkot na sambit ko at yumuko nalang. Nakaramdam naman ako ng kamay na humawak sa baba ko at ini-angat ang ulo ko.

"Sshh. Hindi mo man kami kadugo, dito--" tita Rose paused for a while and point her left chest where her heart is, then she gives me an assuring smile. "--kapamilya ka namin. Hindi importante kung kadugo ka namin o hindi, kasi para sa 'min mahalaga ka at mahal ka namin." Pagpapaliwanag niya sa 'kin.

Kahit papaano, sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko, may mga tao pa ring laging nasa tabi ko. Swerte pa rin ako, at dahil 'yon sa kanila.

"Salamat po talaga." Nakangiting sambit ko.

"Let's have a group hug!" Nilapag muna ni Thamia yung cake sa side table at nagyakapan na kaming apat.

Isang taon na.

Isang taon na ang lumipas matapos no'ng nangyari sa mga magulang ko. Masakit. Hanggang ngayon hindi ko pa rin 'yon matanggap. Mahirap e.

Mas lumalalim ang sugat na naiwan dito sa puso ko sa bawat araw na lumilipas.

Gusto kong patayin yung mga taong gumawa no'n sa magulang ko. Nararapat 'yon sa kanila. Dapat din nilang maranasan ang sakit at paghihirap na naramdaman ko noong panahong 'yon.

Pero, maghintay lang kayo. Darating din ang araw na 'yon. Ang araw kung kailan ko kayo sisingilin.

Matapos no'ng pangyayaring 'yon ay kasabay no'n ang pagkawala ng trabaho ng mga maid at guard sa bahay namin. Wala na kasi akong ipangsusweldo sa kanila. Sila tito, tita at Thamia naman ay dito na nagsimulang tumira sa bahay namin para naman daw may makakasama ako. Hindi nila ako pinabayaan. Tinuring nila akong tunay na kasapi sa pamilya nila. Minahal, inaruga at pinahalagahan.

Si Zans naman ay hindi ko na nakita ulit, wala na siya do'n sa school namin. Ewan ko ba?

Kung sino man ang tunay kong mga magulang, kinasusuklaman ko sila. Bakit niya nagawang ipamigay ako? Kung hindi nila ginawa 'yon, hindi sana darating sa puntong 'to ang mga pangyayari sa buhay ko.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan ko yung nangyari sa mga magulang ko. Paulit-ulit iyong naglalaro sa isipan ko. Kahit sa pagtulog ko, lagi ko 'yong napapanaginipan.

Si mom at dad habang pinapahirapan. Habang nakatali sa lubid at no'ng barilin sila. Wala silang laban.

Galit na galit ako sa sarili ko. Wala man lang akong nagawa para sa kanila.

Kaya, ipaghihiganti ko sila. Sa sarili kong kamay sila mamamatay.

Zans.

"Anak, kain na tayo." Dinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Susunod po ako."

"Sige, basta bilisan mo."

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-i-internet lang. My eyes are already glued on her picture. Nasa timeline kasi ni Athena yung facebook ko. Okay, call me crazy or what-so-ever but I don't give a shit.

Pagkatapos noong nangyari sa bodega na 'yon ay lumipad na kami dito sa States at dito ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Let's say na tumakas kami dahil sa nagawa ko. I remember my stupidity, I shot a gun to la eme Ricko. Hanggang ngayon, tinutugis pa rin nila ako.

Pero isa lang ang hindi ko makakalimutan sa lahat.. the moment she kissed me.

Ang halik niya na nagpatulala sa 'kin noong panahon na 'yon. Hindi ko alam pero may kung anong kumiliti sa puso ko nang gawin niya 'yon. Yeah, it may sounds so gay but that's what it feels.

Alam ko, hinalikan ko na siya one time. Pero iba pala talaga 'pag siya ang gagawa noong bagay na 'yon.

Hindi ko alam pero napapangiti ako sa t'wing inaalala ko yun. I want to go back in the Philippines. But I think, today isn't the right time. Maybe someday.

Someday that I can court Athena because I think, I love her already. Oo, alam ko, masyado pang mabilis para i-deklara na mahal ko na siya pero wala e, lintik na kupido!

"Zans! Ano ba? May balak ka bang kumain o magkukulong ka na lang diyan sa kwarto mo?"

Napabalikwas ako sa pagkakadapa sa kama ko at agad na lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman si mama na nakapameywang at halatang nagagalit na.

"Tss."

Athena.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at naglakad papunta sa walk-in closet ko. Nagbihis ako at sinuot ko sa kanang kamao ko ang aking brass knuckles. Lagi ko na 'tong dala kapag umaalis ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto nila tito at tita. Kumatok muna ako at mga ilang segundo ang lumipas bago iyon bumukas. Nabungaran ko naman si tita sa harapan ko.

"Tita, punta lang po ako sa park. Saglit lang po ako doon." Pagpapaalam ko. Gusto kong magpahangin ngayon.

"Gusto mo bang ipasama ko si Thamia sa 'yo?"

"'Wag na po tita. Gusto ko rin pong mapag-isa sa ngayon." Sabi ko habang umiiling.

"Ganoon ba? Sige, basta mag-iingat ka. 'Wag kang magpapagabi."

Tumango nalang ako at nginitian siya. Sumara na ang pinto ng kwarto nila kaya naman bumaba na ako sa may sala at lumabas na ng mansion namin. Dumiretso na ako sa may garage at tinungo ang aking sasakyan.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad ko iyong pinaandar papunta sa parke.

NANDITO ako ngayon sa isang bench, nakaupo. Pinapanuod ko lang yung mga batang naglalaro. How I wish na sana bata nalang ulit ako. Walang pinoproblema, puro lang saya.

"Ang cute nila tignan, 'no?"

Napalingon ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Siguro nasa mid-30's na siya.

"Oo nga po, puro lang sila saya." Sabi ko habang nakangiting nakatingin sa mga batang naglalaro. I can't help but to smile.

"Alam mo, hindi ka tatatag sa buhay kapag puro lang saya. Kaya nga nandiyan ang problema. Problema na nagsisilbing pagsubok natin. Pagsubok na siyang nagpapatatag sa 'tin."

Napalingon ako sa kaniya at ngumiti nalang. Wala na akong masabi, ang lakas maka-hugot e.

"Ano nga palang pangalan mo iha?"

"Athena Agatha Choi po." Magalang na sagot ko.

"I'm Chin Onozawa."

Onozawa. That surname. No! Hindi maaari. Coincidence lang 'to. Hindi lang naman siguro iisa ang may apelyidong Onozawa sa mundo.

"Watch your words, Ms. Onozawa."

Argh! Nagfaflashback na naman sa isip ko yung sinabi nung matandang hukluban sa 'kin.

"I'm sorry but I need to go." Pagkasabi ko niyan ay tumayo na ako.

"Sige, mag-iingat ka. Hanggang sa susunod na pagkikita natin."

Hindi ko nalang pinansin 'yong huli niyang sinabi at dumiretso nalang sa kotse ko.

I excise another deep sigh and hold tightly the steering wheel of my car. Coincidence lang 'yon Athena. Maraming tao sa mundo ang may apelyidong Onozawa, hindi lang siya.

Ini-start ko na yung engine ng sasakyan ko at pinaharurot ko na ito pauwi sa bahay.

Chin.

Tuluyan na siyang umalis at sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon nang mabilis. Nang mawala na sa aking paningin ang kotseng sinasakyan niya, ngumiti na lamang ako.

Maiintindihan mo rin ako Athena kung bakit ko nagawang ipamigay ka sa ibang tao. Kapag dumating na sa puntong malaman mo na ang dahilan, sana.. hindi mo ako kamuhian.