webnovel

THE MAFIA BOSS ACCIDENTAL BRIDE

Rochelle Venice Perez, an ordinary woman with a normal life not until she got abducted and force her to signed a marriage contract with a mafia boss. She was accidentally abducted by the goons of the mafia boss and that day was a hellish day for her because her freedom was taken by that assfrick mafia boss who always annoys her. Will they continue living like this? Having an annoying and amazona wife and an assfrick mafia boss husband in one house would be a great disaster. What if she fell will the mafia boss catch her heart or continue breaking her poor heart in pieces.

Caisen_Park · Teen
Not enough ratings
31 Chs

KABANATA 26

GAIL'S POV

PAGKARATING namin sa ospital agad kaming nagtawag ng tulong.

Isinakay sa stretcher sila kuya at saka mabilis na itinulak papunta sa operating room.

Dasal nang dasal si mom habang yakap naman siya ni dad ang lala ng sitwasyon nila si elle na dumudugo ang noo habang si kuya na may saksak at may tama ng baril.

Ilang oras kaming naghintay OR pero wala paring lumalabas na doctor.

"Walong oras na sila sa operating room bakit antaga-" natigil sa pagsasalita si kuya zeus nang biglang lumabas ang doctor doon.

"Are you all related to Mr & Mrs.Carter?"

"Yes doc, I'm his mother, manugang ko yung isa."sagot ni mom.

"The operation is successful but sadly mrs. carter needs to undergo another operation masyado pong malalim ang sugat niya sa noo hindi lang po basta natamaan ang noo niya pwedi din po iyong maging cause ng pagkawala ng memorya niya but let's just pray na maging successful and second operation. Si Mr Carter naman po ay kailangang magundergo ng blood transfer marami po kasing dugo ang nawala, sino po ang magdodonate."sabi nang doctor saka umalis.

Napa upo ako sa sahig, kawawa naman si elle.

Hinawakan ni jaechin ang kamay ko kaya gumaan ang loob ko kahit papano.dumampi ang labi ni chin sa tuktok ng ulo ko kaya naman napayakap nalang ako sakanya.

Ayokong mastress baka may mangyaring masama sa baby namin kaya inisip ko ang mga masasayang nangyari samin kanina nila kuya at elle.

FASTFORWARD...

Hawak ko ang kamay ni elle. Andaming aparato ang nakalagay sa katawan ni kuya at elle madami ding machines.

"May pakatatag ka elle, wala sanang mangyaring masama."Sabi ko.

"Mom, sa america nalang muna kami mamumuhay ni chin, isasama ko si elle."sabi ko habang nakatitig parin sa mukha ni elle. Alam kong mali ang desisyon ko pero kailangan ko munang ilayo si elle kay kuya hanggat hindi pa niya binibitawan ang position niya sa grupong iyon.

"But gail, magagalit ang kuya mo pagginawa mo yan."sabi ni mom.

"I know, but he needs to change kung mahal niya talaga si elle, bibitaw siya sa grupong iyon at mamumuhay ng mapayapa. Hindi ko naman itatago si elle mom, ilalayo ko lang."sabi ko.

Naalala kong may kaibigan akong babae sa america na kaibigan din ni elle nung nagaaral pa kasi sa middle school kaya alam kong makikilala niya si elle.

Napabuntong hininga nalang si mom habang si dad ay napailing tahimik lang si kuya zeus sa gilid pero alam kong nakikinig siya.

Ililipat nalang namin siya ng ospital sa america para mabilis siyang makarecover.

Ako na mismo ang mag aayos ng papeles niya para hindi na mahirapan sila mom.

KINABUKASAN.....

Nasa airport na kami at naghihintay na mag take off ang eroplano. Nasa kabilang banda si elle may pinasama din akong personal nurse.

Nang magtake off ang eroplano, umidlip nalang ako para makapagpahinga.

AFTER 5 YEARS....

ELLE'S POV

UUWI na daw kami ng pilipinas ngayon may ipapakilala daw si gail sa akin.

Alam kong dahan-dahan nang bumabalik ang memorya ko pero may ibang memorya na hindi ko nakikita, blur siya sa utak ko parang ganon.

"Huy bruha! Nakapag-impake kana?" tanong ni gail sa akin.

"Sino ba ang ipapakilala mo at bakit ngayon mo lang ako ipapakilala?" tanong ko, biglang sumeryoso ang mukha nito at iniwasan ang tanong ko.

"Libangin mo muna si Yania at Sean magiimpake lang ako."sabi niya bago umalis.

Limang taon na kami dito sa america kasama ang pamilya niya ewan ko ba nung unang taon ko dito hindi ko talaga sila maalala kaya nakaramdam ako ng takot hindi ko din alam ang pangalan ko noon pero may ipinakita siyang birth certificate at passport. May ipinakita din siyang family picture malaki ang naging tulong ni gail para maibalik ang ibang memorya ko.

"Tita, may nakita po akong guy kanina habang nasa cafe tayo para pong gusto niya kayong kausapin pero hindi po siya pumasok."sabi ni sean.

"Lalaki?" tanong ko.

"Opo lalaki." sagot ni sean saka isinubo ang lollipop na ibinigay ko kanina.

"Dyan lang kayo may kukunin lang ako sa labas."sabi ko.

Lumabas ako sa kwarto saka naglakad pababa sa hagdan nasa bukana na ako ng hagdan ng may tumawagsa pangalan ko.

"Elle."

Ang boses na iyon, kakaiba ang dating sakin parang matagal ko na siyang kilala, parang siya ang nawawalang parte sa puso ko. Ewan ko kung bakit. Pero pamilyar talaga siya saakin.

Nilingon ko iyon at agad na tumigil ang paghinga ko.

Siya yung lalaking palagi kong napapaginipan.

Imposible.

**