webnovel

The Lone Soldier

Nagsimula ang lahat nang sumali ang mga bagong kasapi ng mga sundalo upang sumali sa pakikipagtanggol sa mga traydor na nagsimula ng digmaang pandaigdig. Isa si Justin Cardell sa mga sundalong sumali, mataas ang kumpiyansa niya sa sarili't handang tulongan ang nangangailangan, Ngunit mas lalo pang lumaki ang kanyang kumpiyansa sa sarili ng makita at makilala niya ang kanyang superior na si Alison Smith.

Keruish · History
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 1: Papaano Nagsimula ang Lahat

*July 17, 1980*

"Ano pong order niyo sir?" tanong sa akin ng waitress sa isang restaurant na aking pinuntahan para magpalipas ng oras.

"Same as usual pa rin," sagot ko sa waitress habang nakatingin sa librong hawak ko, hindi naglakad ang waitress papunta sa counter at nanatiling nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kanya at sabi; "may problema ba?" Napataas ang kilay nito at saka ako sinagot.

"Lagi pong malungkot mukha niyo sir? Bakit po?" Sabi ng waitress sa akin at ngumiti na lang ako. Isang bagay lang naman dahilan kung bakit malungkot ang ekspresyon na ipinapakita ko. Kundi ang mga naiwan na alaala ko, noong ako'y isa pang sundalo.

May kumalabet sa likod ko at tinignan ko kung sino ito. "Justin? Nandito ka pala ulit?" tanong ng lalaking kumalabet sa akin.

"John," sagot ko sa kanya. "Bakit ka napa-punta rito?" Pagpapatuloy ko.

"Wala, napansin kita rito sa loob habang naglalakad ako sa labas," sagot nito at naupo siya sa upuan na nasa tapat ko.

Kinamusta niya ako at nagkuwento ng bagay na ginagawa niya ngayon.

Napansin din niya ang malungkot na ekspresyon na nakita sa akin ng waitress kanina kaya nagtanong din ito.

"Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang mga nangyare noon? 35 years na ang nakalipas. Bawat taon napapansin namin sa 'yo yan." Alalang sabi sa akin ni John.

"Sorry kung pinag-aalala ko kayo," sagot ko sa kanya kasabay nito ang napipilitan kong ngiti.

Makalipas ang minuto ay nagpaalam na sa akin si John. "Sige, mauna na ako, may pupuntahan pa akong lugar." Sabi niya at lumabas na siya ng restaurant.

Maya-maya pa at lumabas na rin ako ng restaurant pagkatapos kumain. Naglakad-lakad ako at naalala ang mga dating bahay na maliliit, ngayon ay naging gusali na.

Ang daming nagbago.

Hindi tulad ng mga dating araw.

*June 11, 1941*

"Maayos na ba mga gamit mo Justin?" tanong sa akin ng aking Nanay.

"Opo," sagot ko sa aking Nanay.

Nakangiti sa akin ang Nanay ko at may sinabi na ikinaluwag ng aking isipan.

"Wala akong magagawa Justin, kailangan ng militar ng sapat na tao, alam mo naman ang gera na nangyayare ngayon 'di ba? Tandaan mong nakasuporta ako sa 'yo. 'Wag mo akong isipin, uuwi ako sa probinsya natin sa Mindanao." Tugon ng Nanay ko, niyakap niya ako at nagpaalam na ako.

Habang naglalakad papunta sa sasakyan na sumusundo sa akin, napalingon muli ako sa aking Nanay, nakangiti ito at kumakaway sa akin.

Paalam Nay, ikaw nalang ang pamilya ko na naka-suporta sa akin.

Sumakay na ako sa sasakyang sumusundo sa mga bagong recruit na katulad ko.

Makalipas ang oras at nakarating kami sa lugar na pinagkakampuhan ng bawat sundalo. Nagulat ako dahil sa laki ng puwesto na sinakop nito. Fort Bonifacio ang lugar na ito, dito ang main headquarter ng sundalo ng pilipinas.

Habang papasok na kaming mga bagong recruit, makikitang marami ding tulad namin ang nakapila. "Anong pangalan?", tanong ng isang sundalo na lalaki na nasa unahan. Siya siguro yung naglilista ng mga pangalan ng sundalo bago makapasok sa loob.

"Iven Diven Ace Gisma po kuya," sagot ng lalaking trainee na nasa unahan ko.

"Sa B squad ka, at anong kuya? Sir dapat ang sabihin mo," sambit ng sundalong naglilista sa lalaking trainee na katulad ko. Pagkatapos ng lalaki sa harapan ko, ako naman ang sumunod na tinanong.

"Anong pangalan?" Tanong sa akin at sumagot ako.

"Justin Cardell po," sagot ko na may pagalang.

"Taga saang lugar at anong year ang tinapos?", tanong nito ulit sa akin at ako'y sumagot.

"Taga Mandaluyong city at nagtapos  po ng kolehiyo," sagot ko sa lalaki na patuloy lang ang pagtatanong

"Sa C squad ka, nakikita mo yung kampo na 'yon?", tanong nito sa akin at tinignan ko ang kanyang itinuturo. Charlie ba ang basa doon? Charlie, o C squad.

"Doon ang kampo mo. Sige! sunod na nakapila!" sambit nito at pumunta ako sa loob ng kampong tinuro sa akin.

Pagpasok ko nakita ko ang pitong kama na nakalagay sa loob at may apat na ding mga bagong recruit ang naghihintay sa loob nito.

Agad akong nilapitan ng isang lalaki at nagpakilala sa harap ko.

"C squad ka rin? Ako nga pala si John, John Roble." Inabutan niya ako ng kamay sabay turo sa mga kasama niya. "Tapos yung lalaking nakabonet ay si Rafael Tizon. Si Crystal Kaye Tantoco ang babaeng yun, ang ganda niya noh? Pero boyish yan at ang huli si Janielle Coladilla parang si Crystal lang din siya. Kani-kanina lang kami nagkakilala, kaya binabate ka na rin namin." Binate ako ng lalake at nagpakilala rin ako.

"Justin Cardell. Salamat sa pagbate," sagot ko kay John at sa mga kasama niya.

Mukhang pala-kaibigan siya, halata naman sa kanyang mukha, bilog ito, bahid sa mukha niya ang abot tengang mga ngiti at maganda ang pangangatawan niya. Tumingin naman ako sa dalawang babae na pinakilala ni John, yung Crystal ay may kagandahan, maputi ito, matangos ang ilong niya, ang buhok niya nama'y mahaba ngunit nakatali ito ng mabuti para magmukhang maikli at maayos ang pangangatawan niya. Nilingon ko ang isa pang babae na si Janielle, pareho sila ni Crystal ngunit ang pinagkaiba nila ay ang kanilang kulay, morena si Janielle at hindi gaanong mahaba tulad ng kay Crystal. Ang huli naman na nandito sa loob ay si Rafael, mapayat siya, yung payat talaga, maputi at bahid sa mga mukha nito na hindi siya pala-kaibigan gaano.

"Meron pang dalawa tayong hinihintay, maya-maya darating din yung mga 'yon," sabi ni John sa akin. Nilapag ko ang dala kong bag sa gilid ng kama na paghihigaan ko at dumating ang dalawa na sinasabi ni John.

"Andiyan na pala kayo? Ito yung bago si Justin," sabi ni John sa dalawang babae habang nakaakbay ito sa akin. Ibig sabihin ako ang huling dumating?

"Si Francia Cordova at Roda Zapanta medyo bayolente yang dalawang yan." Pabirong sabi ni John.

Tumingin ako sa isang babae na dumating, siya ata si Francia, nagulat ako ng tinarayan ako nito, mukhang mataray nga siya, halata ito sa kanyang mga mukha, kahit babae siya'y maskulado pa rin ito, mahaba rin ang kanyang buhok, tulad ng kay Crystal at maputi rin siya. Si Roda nama'y simple lang, maikli ang kanyang buhok, ang katawan ay hindi gano'n kalaki o kaliit, sakto lang siya.

May pumuntang sundalo sa kampo namin at nagsabing may darating kami na ensayo para bukas. Hapon na rin ako dumating rito, siguro habang maaga pa'y magpahinga na ako.

Umaga na at nagising na ako. Nakita ko na nagbibihis na ang mga kasama ko at ako na lang ang hindi. Bumangon ako at nagbihis ng pangsundalong suot.

'Ano kayang training ipapagawa sa amin?'

Palabas na kami ng mga kagrupo ko sa kampo at nakitang nakapila na ang ibang squad. Pumila na rin kami at baka maabutan pa kaming hindi nakapila. Maya-maya pa at dumating na ang aming instructor.

"Ako nga pala si Srgt. Macapagal,

ayaw ko ng babagal-bagal! Tumayo kayo ng tuwid!" Sigaw ng Sergeant sa aming mga trainee habang naglalakad siya sa aming harapan at tinitignan ang bawat mukha namin

Nagsimula siyang magtanong sa amin. Iba't-ibang mga mukha ang makikita mo sa mga bago; may mga kinakabahan, may nagkukunwareng seryoso, may mga feeling alam nila ang lahat, at may naghahanda sa mga isasagot. Sa panghuli ako, naghahanda ako sa tanong na sasabihin sa amin.

"Ikaw, sino ka at anong pinunta mo dito?!!" tanong ni Srgt. Macapagal sa lalaking nakatindig at bigla itong sumaludo sabay tingin kay sergeant.

"Iven Diven Ace Gisma po! Handa ako boss sa lahat ng mga gagawin ko!" Kabang sagot ng lalaki na nag-ngangalang Gisma. Napapikit ito ngayon habang nakasaludo sa sarhento. Maputi si Gisma, kung titignan mo ang mukha niya'y matatawa ka na agad, at maganda ang pangangatawan niya.

"Ang tanong ko bakit ka napadpad dito! Anong Boss?!! Sergeant ang sabihin mo! Mag-accountant ka na lang!" sigaw ni Sergeant.

"Yes! Sergeant!" Sagot kaagad ng lalakeng sundalo na napapagalitan na si Gisma.

"Sunod, ikaw!" Nagtawag ulit ito at nagsisi-sigaw, napapangiti lang ako dahil sa sitwasyon na nangyayare.

Maya-maya pa at may nakita akong babaeng sundalo, nakatingin ito sa amin, nakatayo siya habang pinag-mamasdan kaming mga nakapagitan na trainee.

Ang ganda niya. Major ba siya? Parang bulaklak ang nakalagay sa balikat. Maikli ang buhok niya, medyo maamo ang mukha nito kaya hindi mo maiisip na masungit siya at ang mukha niyang 'to ay nakaka-atrakto sa paningin ng mga lalake.

Tumingin ang babaeng pinagmamasdan ko sa akin at nagulat ako. Kaya pala tumingin ito dahil nasa harap ko na si Sergeant.

"Bakit ka tulala?!! Ikaw, sino ka at anong ipinunta mo dito?!!" tanong nito sa akin at tumayo ako ng tuwid at sumagot.

"Justin Cardell! Pumunta po ako dito para ialay ang sarili ko sa lahat! Handa po ako sa lahat ng mga ipapagawa Sergeant!" sagot ko at lumipat ito sa iba upang tanungin din ang mga ito.

'Akala ko sisigawan din ako ni Sergeant.'

Nagsimula ang training namin, pinatakbo kami ng isang libong metro, at pinagapang sa putekan.

Ako ang pinaka-unang natapos. Lumapit sa akin si Sergeant nang makita niya akong nakatayo rito sa gilid habang umiinom ng tubig. "Well done trainee!" sambit nito sa akin at sumaludo ako. May natapos din na isa pang lalaki na nasa B squad subalit hindi ko ito kilala.

"Kayong dalawa, bumalik na kayo sa kampo niyo at hintayin ang ibang kasama na matapos," saad ni Sergeant sa aming dalawa na natapos sa pag-eensayo. Naglakad ako pabalik ng kampo pati ang lalaking kasunod ko matapos. Pumasok ako ng kampo at hinintay ang mga kasama ko sa loob.

Bigla kong naisip ang babaeng Major na nakita ko kanina. "Ang ganda niya, tapos medyo may pagka-amerikana siya— baka nga amerikana siya." Tanong ko sa sarili na naguguluhan.