webnovel

The Living Dead

Rhyzel is a girl who's been hurt a lot of times. Who's been alone emotionally and been in the dark for a long time. Who has forgotten the feeling of happiness in her heart. She's supposed to not exist in this world anymore, but still living and seeking something for a reason. And that is... living the best of your life. Written by: JiminieCams All rights reserved © 2019 [Completed]

JiminieCams · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 4

"Naku! Maraming salamat ate! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag tuluyan 'tong nawala. Pinag-ipunan ko pa 'to para sa nakababata kong kapatid." Dumating ang babaeng nanakawan. Kinuha niya ang kanyang cellphone na muntikan nang maitakbo ng hawak na magnanakaw na nasa harap ko.

Napatingin ako sa lalaki. Napatungo siya. Ramdam ko ang kanyang pagsisisi. I'm hoping that he would stop doing this. Sana ay hindi na siya magnakaw pang muli.

"Salamat talaga ate!" Napatingin ako sa babae. I flashed a smile. Alam kong nakahinga siya ng maluwag dahil nabawi niya ang cellphone.

Nagpaalam na ang babae at umalis.

"Tsk, pakielamera," nakangiwi nitong sabi.

"Don't do that again. Isipin at ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ng iba. Isipin mong ikaw ang nanakawan. Ano bang mararamdaman mo?" Matapos sabihin ang mga salitang 'yon, naglakad na ako palayo.

Pagbalik sa bahay ay naabutan ko si Lolai na naghahain sa hapag kainan.

"Halika, Rhyzel. Kain ka, ipinagluto kita oh." Naupo ako at kumain ng ulam na kanyang inihanda. Napangiti ako.

Si Lolai lang ang naging kasama ko sa mundong ito matapos mawala saakin ang lahat noon. Siya lang ang nagparamdam sa'kin na pwede kong sabihin sa kanya ang lahat. That I can say my thoughts to her without being judged.

Pagdating sa school ay ikinagulat ko ang aking nadatnan. Dahil pagpasok ko sa classroom namin ay wala pa ang aming adviser na si Mr. Abuloc. Nakakapanibago dahil walang sumalubong saakin ngayon ng namumula sa galit na si Mr. Abuloc.

Karamihan ng aking mga kaklase ay nandito na din sa classroom at may kanya-kanyang mundo. May mga nakabilog ang upuan para magchismisan, may nagseselfie kahit ang aga-aga, may mga todo basa sa kanilang libro at may mga nakatambay sa upuan ng adviser sa unahan.

Dumeretso ako sa aking upuan. Pansin ko ang tingin ng aking mga kaklase pero binalewala ko ito.

Ibinaba ko ang aking bag sa upuan ko at naupo. Napatingin ako sa aking orasan at nakitang 7 am na. Bakit kaya wala pa rin si Sir? Kadalasan sa ganitong oras ay nagdidiscuss na si Sir kaya nakakapagtaka dahil wala pa siya ngayon.

"Grabe siya. Dahil sa kanya nagkasakit at na-ospital si Sir." I heard some of my classmates talking. Si Sir Abuloc? Na-ospital dahil sa'kin? At the corner of my eyes I saw someone coming.

"Hey." Napatingin ako sa kanya. Hindi na ako nagulat ng makitang ang babaeng nagpunta sa bahay ko at naka-usap ko dati ang nasa harap ko ngayon. What is it again this time?

"Alam mo bang absent ngayon si Sir?"

"Oo narinig ko sa mga kaklase natin kanina. Alam mo ba kung bakit siya absent?" Tanong ko habang kinukuha ko ang aking notebook at ballpen sa bag. Nagsimula akong mag-doodle habang nakikinig sa kanya.

"May sakit kasi siya at na-ospital. May sabi-sabi na ikaw daw ang dahilan kaya siya nangyari sa kanya 'yun... Kasi 'di ba, lagi siyang nagagalit dahil sayo." Napahinto ako sa pagguhit ng marinig ang sinabi niya. So it's my fault after all? Hindi naman siya galit kahapon. Hindi ko siya 'ginalit' kahapon. So why me?

"Okay." Nagpatuloy na muli ako sa pagguhit. At the corner of my eye I can see here opening her mouth and closing it again. May sasabihin siguro siya pero hindi niya maituloy.

"Sorry kung lagi akong lapit ng lapit sa'yo. I just want to be close with you..." I raised my eyebrow. "Gusto ko lang makipagkaibigan." Napatingin ako sa kanya. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo dahil sa kanyang mga mata. But, I don't need a friend. Ayos na akong mag-isa. Like I always used to be.

"Humanap ka na lang iba. 'Wag ako." Napakamot siya sa kanyang ulo. She seems dissapointed. Pero agad din nakabawi at ngumiti.

"Aw, pati pala sa pakikipag-kaibigan ay may nare-reject. Na-stranger zone ako ah. But it's okay, I understand. Siguro hindi ko na dapat ipagsiksikan ang sarili ko sa iba. Sorry." Naglakad siya palayo at nagpatuloy ako sa pag-doodle.

Maya-maya ay may dumating si Sir Gomez, ang Math teacher ng Grade 9 para maging substitute ni Mr. Abuloc dahil wala siya ngayon. He told us that Mr. Abuloc is in the hospital. Maaaring hindi siya makapasok ng ilang araw.

Naisip kong pwedeng hindi na ako pumasok sa mga susunod na araw dahil wala naman si Mr. Abuloc. Walang magagalit at walang lilipad na eraser ang sasalubong sa'kin.