webnovel

CHAPTER SIX

Maagang nagising si Maki at nakita nya ang asawa na mahimbing pang natutulog. "Napaka ganda naman talaga ng asawa ko. I love you Satomi Takara hinding hindi ko pinagsisihan na ikaw ang babaeng minahal ko." mahinang sabe ni Maki at hinalikan si Satomi sa lips.

Kinuha ni Maki ang cellphone na nasa tabi ng lampshade at nagtaka sya ng makita ang 15 misscall ni Fujima. "Ano naman ang kailangan nito sakin." tanong ni Maki sa sarili saka tumayo na para maligo.

"Hon....

Nagulat si Maki ng yakapin sya ng asawa. "Pwede bang wag kana pumasok please." nakangusong sabe ni Satomi.

"Hindi pwede Hon kailangan nila ako. Ganito nalang aagahan kong umuwi mamaya tapos sabay tayong maligo hehehe." ngiting sabe ni Maki at nagtampo naman si Satomi.

"Naiintindihan ko naman trabaho mo eh kaya lang puro kana lang trabaho. Minsan uuwi ka gabing gabi tulog na ako tapos aalis ka tulog parin ako. Maki hindi lang ako basta house wife baka nakakalimutan mo." malungkot na sabe ni Satomi saka tumayo..

Pumunta si Satomi sa kusina para mag handa ng almusal ng asawa kahit masama ang loob nya. "Hon sorry na sige tatawagan ko si Fujima na sila muna bahala sa site. Ayokong magtampo ang maganda at sexy kong asawa eh hehehe." nakangiting sabe ni Maki at sinunggaban ng halik si Satomi.

"Sandali lang Mr. Maki hindi porket sinabe ko na gusto kong dito ka sa bahay gagawa na tayo ng milagro.. aba ayos ka baka gusto mong tanggalan kita ng kaligayahan." sabe ni Satomi at tumawa ng malakas si Maki.

"Eh ano bang gagawin natin dito sa bahay hindi ba gagawa ng bata. Alam mo Hon dapat masanay kana kasi araw araw natin gagawin yun." nakakalokong sabe ni Maki at hinawakan ang pwet ni Satomi.

"Tumigil ka Maki...

"I love you Hon. Alam mo ba kung ano yung pinaka nagustuhan ko sayo kahit na walang laman yang...

"Sige Maki ituloy mo isusungalngal ko to sayo." mataray na sabe ni Satomi...

"Ang ganda ganda mo Hon tara sa kwarto." ngising sabe ni Maki..

"Kwarto mo mukha mo samahan mo ko mag grocery mamaya at ipag grocery narin natin sila Mama mo at Mama ko." sabe ni Satomi at napakamot nalang si Maki.

Pagkatapos kumain tinawagan ni Maki si Fujima na hindi sya makakapasok.

Agad na sumagot si Fujima sa kabilang linya "Sir Maki nandito si sir Eiji nagwawala pag di ka daw pumunta rito pasasabugin daw nya tong kumpanya mo kaya kita tinatawagan kanina." sabe ni Fujima at tumawa lang si Maki.

"Pakisabe tomorrow na sya mag report busy ako." sabe ni Maki saka binabaan si Fujima.

"Tara na Hon...

Nagulat si Maki ng makita ang suot ni Satomi. "Pwede bang magpalit ka ayoko ng ganyan ang suot mo." utos ni Maki..

"Anong masama sa suot ko minsan naman kailangan ko maging maganda sa paningin mo para hindi ka humanap ng sexy at malaki ang pwet mahirap na baka ipagpalit mo pa ako." sabe ni Satomi.

"Hon hindi ko naman gagawin na ipagpalit ka. Sa malaking boobs nga wala akong paki sa malaki pa kaya ang pwet hehehe. Ayoko lang kasi na makita ng mga lalaki yang ganda mo dapat ako lang sige na Hon magpalit kana ayoko mag dress ka tapos ganyan pa kaigsi....

Sumunod naman si Satomi at nag suot ng pants at T-shirt. "Kahit anong suot mo Hon ang ganda mo talaga never kang pumanget sa paningin ko." sabe ni Maki sabay kindat sa asawa.

"Naku Maki bolero ka talaga tara na....

Pag dating sa grocery nakita nila Satomi at Maki ang bata na umiiyak. "Anak pasensya kana wala na kasing pera si Mama. Hayaan mo ibibili kita ng cake sa susunod mong birthday." sabe ng ina ng bata.

"Lage naman kayo nangangako sakin pero di nyo naman tinutupad lage nalang akong walang cake sa birthday ko. Mabuti pa yung ibang bata may cake pag birthday pag ako wala." umiiyak na sabe ng bata saka tumakbo.

Nilapitan ni Maki at Satomi ang babae at kinausap. "Ayos lang po kayo?" tanong ni Satomi.

"Bilang isang ina masakit sakin na hindi ko mabigay ang gusto ng anak ko. Pasensya na kayo nakita nyo pa." umiiyak na sabe ng babae.

"Bibilin ko ang cake para sa kanya. Ano po bang cake ang gusto nya?" tanong ni Maki.

Natuwa naman si Satomi dahil napaka bait ng asawa nya kahit na mayaman ito hindi nito pinagkakait sa mahirap ang perang kinikita nito. "Naku wag na nakakahiya hindi ko rin kasi mababayaran kayo dahil nawalan ng trabaho ang asawa ko." nahihiyang sabe ng babae.

"Wag po kayong mag alala hindi po namin kayo sisingilin. Gusto ko lang makita ang anak nyo na masaya sa kaarawan nya. Miss lahat ng cake na nandito ideliver mo sa kanila." sabe ni Maki at dali daling sumunod ang cashier para ipunched ang lahat ng cake.

"Maraming maraming salamat sa inyong dalawa. Napakaswerte ng mga magiging anak nyo dahil napaka bait nyong magulang." sabe nito at natuwa sila Maki at Satomi.

"Salamat din po wag na kayong umiyak. Kung walang trabaho ang asawa nyo mag report sya sakin at bibigyan ko sya ng trabaho ito ang calling card ko." sabe ni Maki at tuwang tuwa naman ang babae.

"Malaking tulong to sigurado matutuwa ang asawa ko salamat talaga. Ako nga pala si Pamela kayo anong pangalan nyo?" tanong nito.

"Ako po si Satomi at ito naman po ang asawa kong si Maki." pakilala ni Satomi.

"Maraming salamat Satomi at Maki tatanawin kong malaking utang na loob to. Ipagdadasal ko na magkaroon kayo ng malaking pamilya at masayang pagsasama." sabe nito saka nagpaalam na..

"Hon thank you hah hindi ka nag atubili na tulungan sila. Hindi talaga ako nagkamali ng lalaking pinakasalan." sabe ni Satomi at hinalikan si Maki.

"Hindi ko man naranasan maging mahirap pero nararamdaman ko sila. Meron akong ina kaya masakit para sakin na makita syang umiiyak." sabe ni Maki at ngumiti naman si Satomi.

"MAKIIIII....

Nagulat si Satomi sa tumawag ng pangalan ni Maki. "Hello Maki remember me. I'm Mitch dito na ako for good." sabe nito sabay yakap kay Maki.

"Mitch? Teka miss wala akong kilalang Mitch." takang sabe ni Maki.

"Ano kaba naman nagkasama tayo sa america remember kasama pa nga natin si Ikegami." ngiting sabe ni Mitch.

"Ah ikaw na pala yan Mitch nagbago na kasi yang buhok mo hehehe. Sure kabang dito kana for good? Paano business mo sa america?" tanong ni Maki.

"Ehem." inis na umubo si Satomi at mataray na tinignan si Mitch.

"Ah Mitch by the way si Satomi nga pala asawa ko." pakilala ni Maki.

"May asawa kana? Akala ko single kapa and ready to mingle hehehe." nakakalokong sabe ni Mitch.

"Alam mo Witch hindi na sya ready to mingle bibigwasan kita kapag nilandi mo ang asawa ko naiintindihan mo." mataray na sabe ni Satomi.

"Hindi Witch ang name ko Mitch and I'm sorry dahil di ko naman alam na may asawa sya." inis na sabe naman ni Mitch.

"Now you know sige aalis na kami." sabe ni Satomi saka hinatak si Maki.

Habang nag lalakad kinausap ni Maki ang asawa. "Hon masyado ka naman naging bastos kanina kaibigan ko lang naman si Mitch." sabe ni Maki.

"Kaibigan ang turing mo sa kanya pero sya hindi kaibigan ang turing sayo eh halos idikit na nga nya yung katawan nya sa dibdib mo eh. Maki alam ko kapag matino at malandi ang babae." galit na sabe ni Satomi.

"So kapag dumikit malandi na? Hon hindi ba nag usap na tayo na bawasan mo pagiging selosa mo lalo na kung wala na sa lugar nakakahiya dun sa tao." himutok na sabe ni Maki

"So nahihiya ka sa kanya sakin di ka nahihiya? Nag uusap kayo na parang wala ako dun. Kung nahihiya ka sa kanya balikan mo sya uuwi na ako." inis na sabe ni Satomi saka iniwan si Maki.

"Hon sandali." tawag ni Maki.

"Oh bakit di mo sya puntahan nahihiya ka sa kanya di ba. Alam mo Maki nasa lugar ang pag seselos ko hindi ako magseselos kundi nakikita ng dalawang mata ko. Umuwi kana lang kung kailan mo gusto at wag mo kong tatabihan babayagan kita oras na lumapit ka sakin." sabe ni Satomi saka umalis.

"Hay naku naman nagka asawa ka nga naman ng ubod na hay jusko lord habaan mo pasensya ko." sabe nalang ni Maki saka umalis para puntahan si Sendoh.