webnovel

The Last Love Story

Mikayla is a college student of an university who is in search for a volunteer to perform an interview for her thesis. She crossed her path with Josh, a lady she just met and invited through social media. The interview open the door for Joshiah to share the last love story of her life...

Aich · Others
Not enough ratings
3 Chs

The Interview

February 25, 2019

"Ako si Josh, 28 years old, from Mandaluyong City."

"So, pwede na po ba nating umpisahan ang interview?"

"Opo."

'Hindi ko alam bakit ako pumayag dito. Hindi ko alam bakit kusang umoo ako kahit alam kong hindi pa ako handa. Siguro nga hindi pa ako handa pero ito yung hinihintay ko ring pagpapalaya sa akin. Makakalaya sa nakaraan, makakalaya sa alala niya'

Lunes, maagang gumising si Josh para maghanda sa gaganaping interview sa kanya na pinaunlakan niya mula sa mga estudyanteng nag-aaral ng Kolehiyo para sa kanilang thesis. Hindi alam ni Josh kung bakit siya pumayag kahit nabanggit na ang mga maaaring itanong ay may bahid ng personal na buhay. Hindi siya nabahala.

Ala-7 ng umaga ng mag-almusal siya, nasanay na siyang mag-isa, 4 na taon na ang nakakalipas. Pagtapos nito, agad na siyang naligo at nagbihis.

"Ring! Ring!"

"Hello po, good morning po. Si Mikayla po ito, isa po sa mag-iinterview. Male-late lang po ako ng konti Ate kasi traffic po sa EDSA, pasensya na po talaga Ate"

"Okay lang" sabay tawa ng mahinhin, "sanay naman ako mag-isa! Joke lang, paalis pa lang naman ako ng bahay"

"Sige po Ate, salamat ng marami"

Sabay baba ng linya. Naghahalong kaba, saya at pagkagalak ang nararamdaman niya. Parang may paruparo sa tiyan niya at hindi siya mapakali. Bumiyahe siya patungo sa Starmall kung saan sila magkikita ni Mikayla. Dala-dala ang mga alaala at karanasan niya, naghahalo ang nararamdaman niya. Sa wakas, sa haba ng panahon maikukwento na niya ang nangyari bago siya mag-isa sa loob ng 4 na taon.

'Tama ba 'tong ginagawa ko? Hindi naman siguro ako magtatagal dito. Hay! Ano ba naman kasing nasa isip ko at pumayag pa ako, masyado naman kasi akong bida-bida'

"Ate! Ate!"

"Uy! Ikaw ba si Mikayla?"

"Opo, salamat po pala kasi kahit sa FB lang po kami nagbigay ng request, pumayag po kayo."

"Oo naman, napagdaanan ko din 'yan. Teka, saan ba tayo?"

"Sa Jollibee na lang po siguro Ate. Sagot ko naman tanghalian at merienda natin."

"Ano ka ba?! Wag na may pera din naman ako pwede kitang hatian."

Agad silang humanap ng mauuupuan sa bandang sulok ng kainan at nagset-up ng camera si Mikayla habang naghihintay si Josh sa kanya.

"Pwede na po ba nating simulan?"

"Oo, handa na ako."

"Sige po ate."

At nagsimulang mag-record si Mikayla...

"Maaari ko po bang mahingi kahit maliit na background po ninyo? Pangalan niyo po, edad at tirahan?"

"Ako si Josh, 28 years old, from Mandaluyong City."

"So, pwede na po ba nating umpisahan ang interview?"

"Opo. Ako si Joshiah Alvarez but you can call me Josh for short. September 5, 1991 ako pinanganak. Tubong Mandaluyong ako."

"So, okay lang po ba medyo personal ang tanong?"

"Hmm...okay lang, handa na siguro ako."

"Naranasan niyo na po bang magmahal?"

Isang tanong na nagpakabog sa dibdib niya, tanong na inaasahan na niya pero hindi ganon kaaga. Ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan dahil sa kaba pero kailangan niya itong sagutin.

"Ngayon na agad?"

"Opo, para wala na pong paligoy-ligoy", sagot ni Mikayla sabay tingin sa hawak niyang papel ng mga katanungan.

At nabalot ng maikling katahimikan ang kinalulugaran nilang dalawa...

"Ganito kasi 'yon-"

Sabay balik ng lahat ng nakaraan sa kanya na parang kahapon lang ang lahat.

Please support my stories, thank you lovies!

Aichcreators' thoughts