webnovel

Thousand Chance Umbrella

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Myriad Manifestation Umbrella.

Paanong katawa-tawa ang mga napili niyang skills para kay Lord Grim?

Una, mabilis na lilipas rin ang mga panahon na kung saan mababa pa ang kanilang mga level.

Sayang lang sa oras ang maingat na pagtutugma sa mga skill. Karamihan sa mga manlalaro ay hindi muna pinuna ang kanilang mga skill hanggang hindi pa nila nararating ang Level 20.

Pangalawa, kahit na sa simula hanggang sa Level 20 ay maaring mapili ng mga manlalaro ang halos lahat ng skills mula sa iba't-ibang class ay karamihan sa mga bagong manlalaro ay may ideya nang naiisip tungkol sa kanilang class.

Kung gusto ba nila maging Mage o maging isang Swordman? O baka naman gustuhin rin nila maging isang class na isang baril ang armas? 

Karamihan sa mga manlalaro ay ganiyang ang pag-iisip. Pero tungkol naman sa mga manlalarong kagaya ni Ye Xiu na kinuha ang halos lahat ng skill sa bawat class? Maraming skills nga ang nagagamit nila, pero ang kanilang lakas ay nakabatay lang rin naman sa kanilang armas.

Halimbawa, kung natutunan mo ang skill ng Sharpshooter na Floating Bullet, hindi mo maaring magamit ang skill na ito gamit ang isang espada. Kaya para magamit ni Lord Grim ang skill na iyon ay kailangan niyang humawak ng baril.

Ganiyan rin ang dapat gawin ng bawat manlalarong gustong gamitin ang mga skill ng bawat class na nasa laro. Kailanga nilang palitan ang kanilang armas bago gamitin ang isang partikular na skill.

Tanging ang dakilang unspecialized na manlalaro lang na nasa nakaraan na ang maaring gawin iyon.

Ano ang mga unspecialized na manlalaro? Sila ang mga manlalaro na walang piniling class. Pero iyon ay nangyari lamang noong ang level cap ay 50 pa lamang. Nang tumaas ang level cap at lumabas ang class awakening, nawala ang unspecialized na uri ng paglalaro.

Ang mga kasalukuyang manlalaro na nakatingin sa skill set ni Lord Grim ay hindi kailanman maiisip na siya ay may planong maging isang unspecialized na manlalaro. Tanging matatawa lang sila.

At saka parang hindi naiisip ni Ye Xiu ang problemang ito dahil noong napadaan siya sa isang tindahan ay ibinenta niya ang nag-iisa niyang armas na isang tansong espada.

Pagkatapos nito, agad siyang dumiretso sa storage chest sa warehouse at binuksan ito. Isang kagamitan ang hindi inaasahang nakalagay sa loob nito.

Ang mga account na lumipat ng server ay dapat walang laman at walang kahit na anong kagamitan. Ang ibig-sabihin ng walang laman ay ang Experience, gold, backpack, mga storage chest, pati na ang mail ay walang dapat na laman.

Ngunit si Lord Grim, na kakalipat lang sa ikasampung server, ay hindi inaasahang may kagamitan sa loob ng kaniyang warehouse.

Walang nakakaalam kung paano ito nangyari, ngunit tila inaasahan ito ni Ye Xiu. Alam niya na makakakita siya ng gamit dito, ngunit matapos mahanap ito, walang bakas ng kasiyahan sa mukha ni Ye Xiu.

Sa katunayan, puno ito ng kalungkutan. Biglang nanginig ang kaniyang kanang kamay, ang panginginig na iyon ay isang pambihirang pangyayari na dalawang beses lang nangyari.

Ang unang beses na nangyari iyon ay nang mawala sa kanya ang One Autumn Leaf. Ngayon, nangyari iyon ng inilabas niya na ang gamit na ito.

Gumalaw pataas ang mouse.

[Myriad Manifestarion Umbrella] - Level 5

Weight: 23 kg, Attack Speed: 5

Physical Attack: 180 ; Magic Attack: 180

'yun lang 'yon. Wala man lang itong karagdagang katangian. Para itong isang blangkong sandata.

Kaso ang kulay ng salita ng Myriad Manifestation Umbrella ay hindi puti, ito ay kulay pilak.

Sa larong Glory, ang tier ng isang kagamitan ay makikita sa pamamagitan ng kulay ng mga salitang nakasulat na naglalahad sa kanilang pangalan: kahel, lila, asul, berde, at puti.

Ang puting kagamitan ay walang karadagang katangian. Ang berdeng tier ng kagamitan ay nakukuha sa pamamagitan ng mga quest reward.

Ang mga asul na kagamitan ay nakukuha sa mga dungeon at nakukuha din ito sa ilang mga quest. Ito ang pangunahing kagamitan. Ang lila at kahel na mga kagamitan ay mga malalakas na kagamitan. Maging karakter man o pera, kinakailangang sila ay namumukod tangi sa anumang paraan para makuha ang mga ito.

Ang kulay pilak na kulay ng mga salitang nagsasaad sa pangalan ng Myriad Manifestation Umbrella ay hindi kabilang sa limang kulay.

Kung nagising si Chen Guo at nakita ito, paniguradong magugulat siya dito. Kulay pilak, ibinibigay lang 'yon sa mga self-made na kagamitan.

Ang mga self-made na kagamitan ay nagagawa lamang dahil sa sariling sikap ng mga manlalaro, bunga ito ng halos ilang taong pagsisikap sa pagsasaliksik ng isang manlalaro.

Dahil dito ay itinuturing sila bilang ang panghuling destinasyon at pangarap ng bawat manlalaro ng Glory. Ang makagawa ng sarili nilang self-made na kagamitan.

Mayroon isang sikat na kasabihan sa Glory: ang self-made na mga kagamitan ay hindi paniguradong malakas, ngunit lahat ng mga pinakamalakas na kagamitan ay mga self-made na kagamitan.

Dahil sa potensyal na lakas na ito ay bawat Club sa Professional Alliance ay naglaan ng mga tao na kung saan ang pagsasaliksik sa kung papaano ginagawa ang mga self-made na kagamitan ang kanilang tanging trabaho.

Ang Battle God One Autumn Leaf ni Ye Qiu ay may isang self-made na armas na tinatawag na Silver Battle Lance, Evil Annihilation! Walang makakakumpara sa armas na iyon.

Ang katangian ng isang self-made na kagamitan ay napakahirap itong gawin ngunit ang bawat isa ay natatangi

Maaaring itong maging isang walang katulad at higit na mas malakas pa sa mga malalakas na kagamitan o ito ay katangi-tanging basura lamang.

Ang Myriad Manifestation Umbrella? Isa ba itong basura o kayamanan?

Kung nagising si Chen Guo, at kung nakita niya ang katangian ng sandatang ito, agad niyang malalaman ang sagot sa katanungang iyon

Top Quality. Ang Myriad Manifestation Umbrella ay tunay na top quality na humihigit sa orange equipment sa parehong level. 180 Physical Attack at Magical Attack.

Ito ay katumbas ng isang Level 10 Orange na sandata. Ngunit ang mga sandatang mataas ang atake ay kadalasang mabigat at mabagal. Peo hindi mabigat ang Myriad Manifestation Umbrella at mayroon itong Attack Speed na 5. Kapag kinumpara sa mga Level 10 Orange na sandata, ang puntong ito ay sapat na para higitan sila.

Ngunit kitang-kita rin ang kahinaan nito: Ang Myriad Manifestation Umbrella walang ibinibigay na karagdagang attributes.

Pero hindi ganito ang inisip ni Ye Xiu dahil alam niya na ang Myriad Manifestation Umbrella na ito ay totoong isang tunay na kayamanan.

Pagkatapos ang hindi na mabilang na dami ng eksperimento at pagkabigo, ang makagawa ng Level 5 Myriad Manifestation Umbrella na ito ay isang napakalaking tagumpay. Ang katangian ng isang self-made na kagamitan ay masusing pagsasaliksik at pagplaplano, maaari itong tuloy-tuloy na mapalakas. Kaya hindi maaaring malaos ang self-made na mga sandata at maaring patuloy na mapapalakas ito sa pamamagitan ng equipment editor.

Dahan-dahang kinuha ni Ye Xiu ang Myriad Manifestation Umbrella at iniligay ito sa mga kamay ni Lord Grim. "Magsimula na tayo!" Mahina niyang sinabi at agad kinontrol si Lord Grim papunta sa Green Forest Dungeon. At tila bang narinig ni Lord Grim ang kaniyang utos.

Ang Green Forest ay isang 5-person dungeon na kinakailangang level 5 ang manlalaro para makapasok. Ang mga nakamit na tagumpay ng mga manlalarong nasa level 10 at higit pa ay hindi kinikilala.

Ibig-sabihin ay hindi sila maaaring lumahok sa iba't-ibang leaderboards para sa dungeon na ito. Maraming open parties ang nakaupo sa labas ng dungeon. Nang dumating si Lord Grim, nakatanggap siya ng ilang mga imbitasyon. Hindi pinag-isipan ni Ye Xiu ang kaniyang pagpili at namili ng team na nangangailangan ng isang tao.

"Nice, nice, nice." Sa pagpasok niya, narinig ni Ye Xiu na sumigaw ang party leader.

"Paano natin hahatiin ang mga drops ng hidden BOSS?" Tanong ni Ye Xiu.

"Oh? Napaka maaalahin mo naman!" Sa pananalita ni Sleeping Moon nang hindi nag-iisip, tila hindi siya isang newbie. Kahit papano, hindi niya tinanong kung ano ang isang hidden BOSS.

Kailangan bumuo ng party upang magkaroon ng pagkakataon na matagpuan ang hidden BOSS. Ang system ay magbibigay ng ilang pahiwatig pagpasok ng dungeon. Ang lakas ng hidden BOSS ay mas malakas nang kaunti sa huling BOSS ng dungeon, pero ang kagamitan na hindi nakukuha sa isang normal na BOSS ay nakukuha dito.

Sa katunayan, sa puntong nasa tuktok pa si Ye Xiu, mayroon siyang sapat na kakayahan upang solohin ang maliit na dungeon na ito.

Ngunit ang pagbuo ng isang party ay kailangan upang matagpuan ang hidden BOSS. Gusto niya ang mga materyales na ilalaglag ng hidden BOSS dahil ang mga 'yon ay kakailanganin para mapalakas ang Myriad Manifestation Umbrella. Malinaw itong naiintindihan ni Ye Xiu. Kumpara sa pagpa-level kay Lord Grim, mas mahirap ang pagpapalakas sa Myriad Manifestation Umbrella. Nagpasya siyang magsimula ngayon.

Sa mga low-leveled na dungeon katulad ng Green Forest, kahit na gaano kaganda ang nalalaglag na kagamitan. Mabilis rin itong mawawala, kaya wala itong halaga. Maliban sa Experience, naaakit ang mga manlalaro sa mga nahuhulog na materyales mula sa hidden BOSS. Ang mga materyales na ito ay hindi malalaos. Kahit sa mga lumang server, maraming tao ang pumapasok sa Green Forest para sa materyales na ito.

Tiyak na nalalaman ito ni Sleeping Moon, kaya agad niyang pinahayag ang kaniyang panukala: Ang lahat ng ilalaglag ng halmaw na 'yon ay maaring maipagpalit sa pera, kaya ang lahat ay nakabatay sa kung sino ang mananalo sa pagpapaikot ng dice!

"Okay." Ito lang ang maaari niyang sabihin. Paano niya makukuha ang lahat ng ito para lang sa kaniyang sarili? Isa itong wild party, kaya hindi niya maaring gawin iyon.

"Mabuti. Ngayon na handa na tayo, tara na." Sabi ni Sleeping Moon. Pagkatapos marinig ang sagot ng lahat, pumasok siya.

Nakikipag-usap si Ye Xiu kay Chen Guo kaya hindi niya suot ang kaniyang headphones. Ngayon inilabas niya at isinuot ito. Pagpasok niya ng dungeon, nakarinig siya ng isang nagagalit na sigaw: "D*mn! Ang swerte, ah! Isang Hidden Boss agad!"