webnovel

Sasamba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hahaha, hahanapin niya ako matapos niyang matalo?" Naging mas masidhi ang pananabik na naramdaman ni Chen Guo matapos niyang marinig ang malakas na sigaw ni Little Ming. Naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ni Little Ming ngayon.

Masyadong nakakahiya naman kasi ang matalo sa loob lamang ng sampung minuto. Pero wala namang problema dito dahil sa lakas ni Ye Xiu ay ang lahat ng mga manlalaro dito sa loob ng Happy Internet Cafe ay mga basura kung ikukumpara sa kaniya!

"Kukunin ko lang siya." Nabalot ng pananabik si Chen Guo matapos niyang marinig ang sigaw ni Little Ming, kaya lumabas siya para kunin si Little Ming.

"Ano bang sinisigaw-sigaw mo? Ang ikalawang palapag ay ang VIP Area. Huwag kang maingay." Sabi ni Chen Guo kay Little Ming.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com