webnovel

Mga Salitang Matagal Nang Hindi Nasisilayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagpatuloy ang buhay sa loob ng laro na para bang walang nangyaring kahit na ano sa labas nito.

Ang mga manlalaro ay patuloy sa kanilang panghahamon sa mga dungeon na napusuan nila habang ang iba naman ay kumuha ng mga quests, at ang iba naman ay pinagpapatay ang mga halimaw sa paligid para makakuha ng sapat na Experience para maging malakas.

Kahit na sumuko na ang mga kalaban ni Ye Xiu ay hindi pa rin niya hinayaan na maging pabaya siya.

Ito'y dahuk sa alam niya na ang mga aksyong ginawa niya sa mga panahong iyon ay paniguradong magiging dahilan kung bakit kakalabanin na siya ng mga malalaki at mga pangunahing guild dito sa ika-sampung server.

Alam niya na isang temporaryong pangyayari lamang ang pag-atras nilang lahat, at sa mga sandaling makahanap sila ng pagkakataon para umatake ay paniguradong aatake sila't susubukan ang lahat nilang makakaya para patumbahin ang Guild Happy.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com