webnovel

Ang Pagdating ng Pista ng Tagsibol

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na naging kapana-panabik pa para sa mga kasamahan ni Ye Xiu ang pagtatatag ng bagong dungeon record dahil sa wala na silang nakakalaban. Ito'y maihahantulad sa isang karera.

Kung marami ang iyong kalaban ay talagang kapana-panabik ang manalo, pero kapag ikaw lang mag-isa ang tumatakbo ay siguradong nakakabagot ito.

Iyan nga ang nangyari sa ginawang pagsakop ng Guild Happy sa dungeon record ng Gloom Forest, dahil ang matagal-tagal na nilang hinihintay na paligsahan sa mga malalaking guild ay naging walang kwenta at puwang dahil wala naman silang naging kalaban.

Kahit na wala pa ring mapagsidlan ng tuwa ang mga manlalaro ng Guild Happy dahil palagian nilang nakikita ang kanilang pangalan sa pinakaunahan ng Leaderboards para sa Gloom Forest. Pero para sa mga manlalarong nagsikap para makamit ang lahat ng ito, naramdaman nila ang pagot at pagkabagot.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com