webnovel

The Ideal Man

Laking probinsya pero puno ng pangarap para sa pamilya si Jeanlie Cruz. Average student lang kung maituturing siya pero puno ng determinasyon at pagsisikap na siyang baong inspirasyon niya sa buhay. Dahil malapit siya sa ama, laging laman ng isip na ang ito ang kanyang idolo dala na rin sa taglay nitong sipag na para itaguyod ang pamilya nila. Isang simpleng babae na nangarap ng magandang buhay para sa pamilya. Sa likod ng kanyang taglay na kabaitan isang mapagmahal rin na anak at magandang dalaga. Mga katangiang taglay ng isang Jeanlie Cruz na nagagamit niya sa tuwing sumasali siya ng dance contest at beauty pageant. Nabago ang buhay at pananaw niya ng dumating ang isang Jethro Montenegro, isang kilalang mayamang tagapagmana ng MONTENEGRO CORP-  a multinational company that run a digital marketing ads and shipping line. Sa isang beauty contest na sinalihan ni Jeanlie Cruz nagtagpo ang landas nilang dalawa. Isang probinsyanang dalaga at billionaire bachelor na playboy. Paano babaguhin ang pananaw ni Jeanlie Cruz na ang isang Ideal Man ay hindi ang tulad ng tatay niya. Parang aso’t pusa ang dalawa pero huling tanda ni Jeanlie inalok siya nitong maging mistress at bibigyan ito ng isang anak na maging tagapagmana nito, kapalit ng marangyang buhay na pinangarap niya. Bibigay ba si Jeanlie? O mababago ba niya ang pananaw ni Jethro na magkaroon ng isang masayang pamilya, knowing the fact, that Jethro’s perspective of marriage is boring and tiring obligation. Newbie here. If you want to support me, here's my paypal account. paypal.me/chalian. Thank you.

Chalian_Quizo · Teen
Not enough ratings
30 Chs

Chapter 22: Photoshoot

Bawat araw ang lumilipas, ay yun din ang mga araw na unti unting nagpalagayan ng loob sila Jeanlie at Jethro. Hanggang sa dumating na ang araw na magkaroon na ng photoshoot si Jeanlie para sa bagong barko na ilalabas ng mga Montenegro.Si Jeanlie kasi ang main cast na maging modelo sa bago nilang barko. Habang naghanda na si Jeanlie para papunta sa photoshop ay agad namang nagboluntaryo si Jethro na siya na ang sasama kay Jeanlie. Hindi na tumanggi si Jeanlie dahil sa malapit naman na sila nito."Ayey!ihahatid ka daw ng prince charming mo, ay sasamahan pala.Mag-ingat ka ha?"Pakilig na pabulong ni Feisha kay Jeanlie na nasa tabi niya. Siniko na lamang ni Jeanlie ang kaibigan, at tumayo na ito para papunta sa binata na nakatayo na sa kanilang harapan.Habang nasa sasakyan sila ay panay tawa at kwentuhan sila Jeanlie at Jethro, kaya hindi nila namalayan na dumating na pala sila sa photoshop.Agad namang bumaba si Jethro at pumunta sa gawi ni Jeanlie para pagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse.Talagang likas na gentleman talaga si Jethro,kaya isa din yan sa pinakagusto ni Jeanlie sa kanya.Pagkababa nila sa kotse ay agad silang sinalubong ng isang magandang seksing babae na siguro ay nasa 5'7 ang height nito. Agad lumapit ang babae kay Jethro at niyakap at pinisil ng halik sa magkabilang pisngi ng binata.Hindi naman na bago kay Jeanlie ang ganoong tagpo, kasi sa ma empluwensya at taglay na kagwapuhan ng binata ay posibleng madami itong mga kakilala. At halos naman kasi ng mga babae na kaibigan ni Jethro ay ganuon din."Excuse me Jeanlie ha, pupuntahan nalang kita sa shoot mo later. "Paalam ni Jethro sa kanya, habang nakahawak ito sa baywang ng babae,painis siyang tiningnan ng babae habang naglalakad na ang mga ito papalayo sa kanya. Sinalubong naman siya ni Pula na kanina pa siyang hinihintay, si Pula kasi ang kinuha niya na personal assistant pag mayroong mga event na ganito, kagaya ng pinag-usapan nila nung nasa pageant pa siya. Agad naman siyang hinawakan ni Pula at sabay na silang nagtungo sa dressing room.Habang inaayusan siya ni Pula,ay palaisipan parin sa kanya ang tagpo nila kanina nung babaeng kasama ni Jethro, wala din kasi itong kinukwento si Jethro sa kanya kung may nobya na ba ito. Sa tuwing kasing pasimplehan niya ng tanung ang binata kung may nobya na ba ito, ay agad binabaling sa ibang bagay ang kanilang usapan. Pero baka isa lang din iyon sa mga kaibigan, at kilala ni Jethro. Narinig kasi niya kay Feisha na mayroong pagka playboy ang binata.Minsan nga ay ang mga babae na ang pumupunta sa opisina para bisitahin ito.At wala daw sa bukabolaryo ng binata na magkaroon ng seryosong relasyon.Parang hindi naman malaking dahilan iyon na hindi na siya magkakagusto kay Jethro. Naiinis nga siya sa sarili niya, kasi alam niya na ganoon na ang binata ,pero pilit parin niyang pinapaniwalaan na magbabago ito. Dahil sa mayroon siyang nakitang espesyal pag magkasama sila. At sa ilang araw at linggo na sila halos magkasama, ay wala naman itong ginawang kabastusan sa kanya.Sinasabi lahat ni Feisha iyon sa kanya para malaman niya ang totoo at hindi niya ito sisisihin kung sakaling mahuhulog na ang loob niya sa binata.Naputol nalang ang iniisip ni Jeanlie ng sinabihan na siya ni Pula na ready na siya para sa photoshoot, kung kaya ay tumayo at tiningnan ni Jeanlie ang sarili sa salamin. Napahanga siya sa sarili ng tingnan niya ang sarili niya sa salamin,fit na fit sa kanya ang below the knee na highwaist na kulay gray na palda, talagang hapit na hapit sa mapusong kurba ng kanyang pwet, at tenernuhan ng kulay mint green na poloshirt ,at may nakatali na isang pirasong tila sa kanyang leeg na terno ng kulay sa kanyang palda. Nakapusod ang kanyang buhok na may nakapatong sa gilid na maliit na cap.Para nga siyang flight steward sa kanyang porma at 2 inches na pointed shoes.Pati si Pula ay napamangha din sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan. Hindi halata na high school graduate palang siya. Dahil sa tindig at pananamit niya ay para talaga siyang isang professional na.

****

Gandang ganda sa kanya ang photographer, at ang sabi nito ay mabilis lang daw niya makuha ang bawat pinapagawa nito sa kanya. "Good decission ang ginawa ng Montenegro na maghanap ng bagong modelo para sa bagong barko nila. At ikaw ang bagay sa posisyon na to iha, your fresh, tapos mala anghel pa ang mukha mo. Tumpak na maraming bibili sa magazine na ito, yung beauty mo kasi ay natural lang, hindi na kinakailangan.pa ng makakapal na make -up, para lang maganda tingnan sa billboard at magazine. Ikaw ang magpapayaman lalo ng mga Montenegro".Saad ng photographer sa kanya habang nagpapahinga pa sila for second set ng photoshoot nila. Nagpasalamat at ngumiti naman si Jeanlie sa photographer. Nagtingin tingin siya sa paligid para hanapin si Jethro, na kanina pang wala sa loob. Nakadama agad siya ng pagka miss nito. Baka nga ay napamahal na siya sa binata. Kahit alam niya na imposibleng maging sila dahil sa estato ng kanilang buhay. Kahit anong sabihin ni Feisha na play boy si Jethro. Naniniwala parin siya na magbabago pa ito.Hindi kasi niya makita sa mukha ni Jethro ang pagka playboy pag magkasama sila,kasi puro trabaho lang ang pinag-uusapan nila. Pero bahala na si batman! Napangiti nalang si Jeanlie sa kanyang iniisip. "Jean! halika na oi, e reretouch muna kita bago ka isalang sa next set.!Huwag muna kasi siyang isipin,dahim may mahal na yung iba. "Paputol at pabirong tugon ni Pula sa kanya habang nakangiti ito. Natigilan nalang siya at hindi nakaimik sa sinasabi ni Pula. "Girl, alam kung may gusto ka kay Sir Jethro, halatang halata,huwag munang e deny! Kanina nga nung dumating kaayo,ang saya saya mo pang bumaba sa sasakyan habang pinagbukasan ka niya ng pintuan, pero biglang nag iba ang awra mo nung lumapit yung girlfriend ni Sir Jethro sa inyo. "saad ni Pula sa kanya habang inumpisahan na siyang e retouch. Nagulat si Jeanlie sa narinig mula kay Pula. "Girlfriend?Hindi naman niya nabanggit sa akin na may nobya na siya. "

"Kaya nga huwag mong hayaan na mahulog ka sa kanya, kasi kalat na kalat na hindi daw nakipagrelasyon ng seryosohan yang si Jethro. Playboy nga daw yan eh, mabilis magsawa sa mga babae. Kaya gurl focus nalang sa mga ambisyon mo sa buhay."Paalala na sabi ni Pula sa kanya.

May nakapa siyang sakit sa kanyang dibdib ng marinig ang sinasabi ni Pula. Pero wala naman siyang dahilan na makadama ng ganoon, dahil wala namang sila. Isa lang siyang hamak na empleyado. Napabuntong hininga nalang si Jeanlie.