Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko.
Haaaahhhh, inaantok pa ko pero kailangan kong maging maaga. First day ko ngayon kaya dapat maganda ang impression sakin ng mga magiging teacher ko.
I checked my phone to see if there is a message from my parents at hindi nga ko nagkakamali. There are 5 messages from my mom and 3 from my dad.
From: Mommy
Goodmorning princess, are you awake? Don't forget to eat your breakfast okay?
From: Mommy
We miss you already princess, wala na kong gigisingin tuwing umaga.
From: Mommy
I baked pancakes today, kaso wala ka ng uubos nito.
From: Mommy
We love you princess
From: Mommy
Goodluck in your first day princess.
Ang sweet talaga ni mommy, lalo ko tuloy siyang namimiss.
From: Daddy
Goodmorning princess, how are you?
From: Daddy
Don't hesitate to make friends okay? Your mommy and I know that you are a sweet person, maraming kang magiging kaibigan dahil sa ugali mong yan.
From: Daddy
Kapag may manliligaw kana diyan tell us immediately, you have a unique beauty. Alam kong maraming magkakandarapa sa ganda mong yan. Pero kailangan dumaan muna sila sa akin. I love you princess.
Aww si daddy talaga, di ko pa naman iniisip ang tungkol diyan.
To: Mommy; Daddy
I love you and I miss you too mom and dad.
Naligo na ko at nag-ayos. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may kumatok.
Binuksan ko na ito at bumungad sakin ang isang matandang lalaki na may peklat sa mukha.
Wait this is the old man that my parents are talking to.
"Goodmorning Ms. Beaufort." ngumiti ito sa akin, well medyo nabawasan yung pagkatakot ko sakanya dahil sa ngiti niya.
"Goodmorning sir" I bowed.
"Tito Varlisle, just call me tito Varlisle. I'm your father's bestfriend."
Kaya pala, bestfriend pala siya ni daddy.
"Nice to meet you tito Varlisle"
"Nice to meet you too, nandito nga pala ako para sabihin sayo na if you need anything just call me and please don't easily give your trust to someone. Kinausap ko ang parents mo na pag aralin ka dito para mabantayan kita at mahasa ang kapangyarihan mo. What is your special ability again?"
"Water po"
"Oh water, an elemental ability. Kailangan mong mahasa yan para sa ikabubuti mo." he looked at his watched and look at me again.
"You still have 35 mins. before you go to your class, what is your House?"
"Phoenix po"
"Phoenix, great. Now go to the cafeteria and eat your breakfast. I'll go now_see you later." hindi na ko hinintay magsalita ni Tito Varlisle at diretso ng umalis.
Pumunta na ko ng cafeteria gaya ng sabi nito dahil may 30 mins. pa ko bago magstart ang first class ko.
I only ordered Milk and Sandwich.
After kong maubos ang inorder ko, dumiretso na ko sa classroom ko.
Tinignan ko kung anong oras na sa wall clock namin sa classroom, may 20 mins. pa and I am alone here in this room dahil wala pang pumapasok na mga studyante. Inilibot ko ang paningin ko sa buong room, this room is also made of ice except sa blackboard at wall clock, our desks and chairs are also made of ice pero hindi mo mararamdaman ang lamig niya, I don't know how they did this but this is amazing.
Maya maya pa ay unti unti ng dumarating ang mga classmates ko. Nakatingin silang lahat sakin.
Bakit? May dumi ba ko sa mukha?
Nakita ko na lang na umayos ng pagkakaupo ang mga classmate ko dahil pumasok na ang professor namin.
"Goodmorning class I'm professor Lowel your professor in Hystory. Hindi muna tayo magkaklase ngayong araw na to because I want you to introduce yourselves here infront, tell us your name, age, your special ability and also tell us if you're a royal or elite."
Kailangan ba talaga nun? Kinakabahan tuloy ako, hindi pa naman ako sanay makipag-interact sa iba.
Isa isa ng nagpapakilala ang mga classmates ko, naka alphabetically arrange kami Beaufort ako so malapit na ko.
Magpapakilala na sana ang kaklase ko ng may biglang pumasok.
Wait, yan yung lalaking muntik nambugbog sa library ah! Don't tell me kaklase ko siya?!
"Bakit ka nandito?! Di ka naman bagay sa klase na to ah!" Di ko namalayan na napasigaw na pala ako.
Lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin
"Sino ba siya? Makasigaw akala mo kung sino."
"Kaya nga, papansin lang yan."
Oops! What have you done Sephine?! You're so stupid!
Akala ko magiging maganda ang araw ko ngayon, hindi pala. Bakit kaklase ko siya? Isama pa na pinag uusapan na ko dahil sa ginawa ko.
"Next, Ms. Beaufort"
Natauhan lang ako ng marinig ko ang surname ko.
Pumunta na ko sa harap para ipakilala ang sarili ko.
"Goodmorning everyone I'm Miracle Joesphine Beaufort, 17 years old, my special ability is water"
"Ooh elemental ability huh" narinig kong sabi ng lalaki sa likuran.
"I'm from a royal family of Beaufort Kingdom that's all thank you."
"Royal pala siya."
Bumalik na ko sa upuan ko at nakinig na lang sa mga susunod na magpapakilala.
"Goodmorning everyone I'm Mandy Delion, 17 years of age, I'm a Plant manipulator and I came from a royal family of Delion Kingdom."
"Ang ganda niya talaga, mukha siyang dyosa."
"Sana ganyan rin ako kaganda."
Magbubulung bulungan na nga sila yung rinig pa, pero totoo nga naman ang sinasabi nila na maganda siya, well she really looks like a goddess, a goddess of plants.
"Goodmorning everyone I'm Mardy Delion, 17 years old, twin brother of Mandy I'm also a Plant manipulator and I came from a royal family of Delion Kingdom."
Nagsimula ng magtilian ang mga babae ng magpakilala ito sa harapan.
"Kyah! Ang gwapo niya talaga!"
"Diba siya yung kakambal ni Princess Mandy! Ang gwapo niya!"
"Halikan mo ko Prince Mardy! I can be your princess in bed!"
Ang sagwa naman pakinggan nun, princess in bed talaga?! Aral muna bago lande hah.
May ilan pang nagpakilala at nakuha ng atensyon ko ang lalaking may wind ability.
"Goodmorning, I'm Layne Gother, 18 years old, I have a wind ability and I came from a royal family of Gother Kingdom."
"That's Prince Layne right?! Kyah! Ang gwapo niya pala sa malapitan!"
"Akin kana lang Prince Layne!"
"Dati puro sa pictures ko lang siya nakikita, ngayon sa personal na! Kyah! Prince Layne ang gwapo mo!"
Tumigil lang ang tili nila ng may iba na ulit na nagpakilala.
Argh! Feeling ko mababasag ang mga eardrums ko! Bakit ba sobra sila kung makatili akala mo naman wala ng bukas! Argh! My poor ears.
Akala ko tapos na ang pagkatorture ng tenga ko pero hindi pa pala. Mas lalong lumakas ang tili nila nang mag pakilala ang isang lalaki sa harapan.
"Tober Markey Ortiz, 18, lightning fire ability, came from a royal family of Ortiz Kingdom."
"Kyaaahhh!!!!"
"I'm gonna die!! I'm gonna die!!"
Ang OA naman ng mga to, anong nakita nila sa mukhang kuneho na to at kung makatili wagas, may pa I'm gonna die pang nalalaman.
Pinagmasdan ko ang lalaking nagpapakilala ngayon sa harapan.
Aaminin ko gwapo siya, he has this medium tapered brown eyes, thick eyebrows, long and narrow nose, red lips, sharp jawline and a jet black hair. He looks like a god, a perfect figured god of lightning fire.
Umiling iling ako at pilit inaalis sa isip ang pagkagwapo niya.
Ahh! Ano ba yang iniisip mo Sephine, stop thinking about that! He's handsome but he's evil! Don't be deceived by his looks. Tandaan mo yung ginawa niya sa library!
Natauhan lang ako ng mapansin kong nasa harapan ko na siya.
Why is he infront of me?
He smiled at me, not the sweet smile or something. But an evil smile.
He lean closer to me, I can feel his breath on my left ear.
"You're the gray eyed girl from the library right?"
I looked at him with a shock on my face.
He saw me? But that's impossible, I'm hiding behind those shelves.
"I can remember those beautiful eyes staring at me and those white hair that glows behind the bookshelves."
Right, now I know how he saw me. My hair glows when it's dark. Argh! Stupid Sephine!
Buong klase ay tulala parin ako dahil sa nangyari kanina. Hanggang sa hindi ko na namalayan na wala na pa lang tao sa classroom at ako na lang ang naiwan.
San sila nagpunta?!
Chineck ko ang schedule ko para malaman kung anong next subject namin at baka sakaling dun sila pumunta.
PE? Tama, baka nasa Training Room sila.
Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko saka dumiretso sa Training Room.
Unang sumalubong sa akin nang makarating ako ay ang mga matang direktang nakatingin sakin.
"Ms. Beaufort, you're late!"
"Sorry mam"
"Go to the locker room and change your clothes."
"Y-yes mam."
Hindi na ko nag-aksaya ng oras at nagpalit na ng PE uniform.
Agad akong lumabas nang matapos akong magbihis.
"Ok class, form two lines from smallest to tallest, one line for girls and one line for boys."
Nagsimula na kaming mag line at nasa pinaka dulo ako dahil ako ang pinakamatangkad na babae sa klase namin. Mas matangkad parin naman sakin ang mga lalaki, siguro ka-height ko yung pinakamaliit sakanila.
"Ok class, ang gagawin niyo ngayon ay self defense kaya kung sino ang katapat niyo ang siyang magiging kalaban niyo without using your abilities."
Wait, what?! Nababaliw na ba tong teacher namin! Tyaka duh! Lalaki ang kalaban namin mam! Hindi babae! It's so unfair!
"But mam! Di naman ata makatarungan yun! Babae lang kami, lalaki sila!"
"Mam it's not fair!"
"Mam ayaw namin manakit ng babae"
Nagsimula ng umingay sa gym dahil sa reklamo ng mga classmates ko.
Nilingon ko ang katabi ko kung sino ang magiging opponent ko.
"Wait, ikaw?!"
Yeah sino pa nga ba ang makakalaban ko, edi yung kuneho. Siya lang naman ang pinakamatangkad na lalaki sa klase namin.
Hindi niya ko pinansin at diretso paring nakatingin sa harap.
Hmmp! Snob!
"Ok class, mixed martial arts ang gagawin niyo ngayon. So our first match is Ms. Beaufort and Mr. Ortiz since silang dalawa ang pinakamatangkad."
No way! Kami pa talaga ang mauuna?!
Di na kami nag sayang ng oras at pumunta na sa part kung nasaan ang ring.
Parang walang pake itong kunehong to ah! Di man lang inisip kung babae ang kalaban niya o hindi! Tsk! Ang hirap talaga basahin ng iniisip nito.
Kitang kita ang walang expressiong mukha ng lalaking nasa harap ko.
Inayos ko na ang sarili ko at naghanda sa mangyayari.
Nang marinig na namin ang signal ay agad sumugod sakin si kuneho at tinamaan ako ng suntok sa mukha.
Ang sakit nun ah! Wala ba talagang puso to?!
Pinunasan ko ang dugong tumulo sa labi ko at binawian siya ng suntok. Hindi niya inasahan ang pagsuntok ko kaya di niya ito nailagan.
Tumama ang kamao ko sa matangos niyang ilong at kitang kita ko ang pag dugo nito.
Nagsuntukan lang kaming dalawa hanggang sa sipain niya ko sa sikmura ko.
Ang sakit nun ah!
Nang akmang sisipain niya ulit ako ay agad kong hinawakan ang paa niya at hinila siya dahilan para matumba siya at tumama ang likod niya sa mat.
Nang nakakuha na ko ng pagkakataon pumaibabaw ako sakanya at sinuntok siya sa mukha.
I'm going to destroy that handsome face of yours.
Susuntukin ko pa sana siya sa mukha ng mahawakan niya ang kamay ko at siya naman ang pumaibabaw sakin.
I know how hard his punches are, and I know what will happen to me and my face if those punches hit me.
Eto na ba ang magiging katapusan ko?
Pumikit na ko dahil sa takot.
Pero imbis na suntok and tumama sa mukha ko ay isang malambot na bagay ang dumampi sa noo ko.
I slowly open my eyes and then I saw his eyes looking at me.
He smiled at me and that smile is not the evil smile that he gave me during our history class but rather the genuine smile.
He lean closer to me and then I felt his lips on my forehead again. Yes, it's his lips that I felt on my forehead a while ago.
Why did he kissed me?
Tumayo na siya at inalalayan akong tumayo.
"This match is over." maikli pero maawtoridad niyang sabi.
Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip ng kunehong yun.
Bumaba na kami ng ring at dun ko lang napansin na lahat sila ay nakatingin sa amin pati na rin ang professor namin sa PE.
Natauhan lang ang mga classmates ko nang magsalita si mam.
"PE class is over, Mr. Ortiz win the match."
Ano pa bang aasahan ko? Syempre nasa ibabaw ko si kuneho kaya siya ang nanalo.
Di nagtagal ay natapos rin ang PE namin. Dumiretso na ko sa locker room para magbihis at dun ko lang napansin na may dugo ang PE uniform ko dahil sa nangyari kanina.
Pagkatapos ko nagbihis ay dumiretso na ko sa room ko para makapagpahinga. Mamayang hapon pa ang next class ko so may lunch pa after nito.
Nagshower kaagad ako pagdating ko sa room. Pinakiramdaman ko ang lamig ng tubig sa katawan ko.
Ano naman kaya ang mangyayari mamaya?
Lumabas na ko ng bathroom at humiga agad sa kama, saka ko lang naramdaman ang pagod kaya nakatulog rin ako ng walang kahirap hirap.
Like it ? Add to library!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!