Hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala na isang Darktross si Richard. Ang lalaking kinikilala kong kaibigan, ang lalaking sobrang malapit na sakin ay isang spy ng mga kalaban and the worst part is that he's the son of Ragnar Tross, the king of Darktross kingdom.
"Please tell me this is a joke." di parin ako makapaniwala sa nangyari.
"Is that true Richard? You're bluffing us don't you?" tanong ni Mardy na hindi rin makapaniwala tulad ko.
"So you're a Tross huh?" sabi ni Tober nang walang emosyon, ni parang hindi man lang nagulat sa nangyari.
Lahat kami ay gulat na gulat sa nangyari pero kaming tatlo lang ang nagkaroon ng lakas ng loob para magtanong.
Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Richard habang tinitignan kami. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang mga tanong namin. "Yes it is true_I'm not bluffing nor joking. I am the Prince of Darktross Kingdom the son of Ragnar Tross. Look, I know all of you are mad at me right now because my identity is a lie. But please let me explain everything."
Tinigan ko siya sa mga mata niya kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo, at oo nga sincere siya sa mga sinasabi niya. Tinignan ko si Mardy kung payag ba siya at tumango naman siya bilang sagot. Sunod kong tinignan si Tober at ganun rin sakanya, muli akong humarap kay Richard upang bigyan siya ng pagkakataon na mag-explain samin.
"I'm a spy..."pag uumpisa niya. "My father sent me to Winterhold to be their spy, they told me to look after the girl with gray eyes and report to them immediately if the girl's eyes have glown."
Hindi kaya ako yung tinutukoy niya?
Nagkatinginan kami ni Tober dahil sa sinabi ni Richard.
"As the son of the king, I obeyed him. I hid my true identity and entered the Winterhold as a Ross child_an elite. I enrolled myself there a day before you do, and luckily no one suspected that I'm a spy_"
"So did you saw the girl that your dad wants you to look after?" pagputol ni Juvia sa kwento ni Richard.
He turned his gaze at her "Yes, I saw her at the window of their castle. She has this white hair and beautiful gray eyes. For me she is the most beautiful girl I'd ever seen but I don't know why the king wants me to look after her." pag sagot nito sa tanong niya.
"So you already know where that girl lives?" tanong ni Blake.
"The truth Is I don't know where she lives, I was on my way out of the Mystic Forest because I was hunting the Mondeer and I just happened to passed by their castle that time." nakangiti siya habang nagpapaliwanag na para bang iniimagine niya ang nangyari doon. "I heard a beautiful voice that time, the same song that I heard during the Midnight ball and when I look up at the window I saw her singing. She's the most beautiful girl I'd ever seen in my life."
"Then who is that girl? I'm sure it's not Josephine you're referring to." tanong ulit ni Juvia at tinignan ako mula ulo hanggang paa na akala mo'y pinandidirihan ako.
"Josephine has gray eyes and also white hair, and she is the girl that I saw on the window. So definitely that's her."
Sobra akong nagulat and at the same time nasasaktan rin dahil sa mga nalaman ko pero hindi lang ako ang nagulat kundi lahat kami.
"How did you say so, her eyes didn't glow." tumaas na ang boses ni Juvia.
Bakit ba ganyan siya umarte? Akala naman niya ang ganda ng sitwasyon ko. Sobrang sakit na nga ng nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nalaman ko tapos nasa delikadong sitwasyon pa ako ngayon.
"I already did, she was with Tober that time, I don't know where they came from. But I saw her and her eyes are glowing while she was carried by Tober."
So nakita nga niya.
Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
"So that means you just befriended me to make it easier for you to look after me?!" tumaas na ang boses ko dahil sa mga nalaman ko. Akala ko totoo lahat ng pinapakita niya, pero niloko niya lang pala ako!
Ang sakit! Bakit ganito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Para pagtaksilan ng ganito!
Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.
"No, it's not what you think Josephine. I_I love you, the first time I saw you I already fell in love with you. I followed you not because of the king's order but because I want to be closer to you." hinawakan niya ang mga kamay ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. "I'm sorry for not telling you about this earlier, I'm sorry for betraying you. I just did it because I don't want to lose you. And don't worry, I've cut my connections to them, they didn't know anything about you I promise."
Tinignan ko siya sa mga mata upang malaman kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo at nakita ko ang sinseridad sa mga ito.
"Please don't cry." pinunasan niya ang mga mata ko saka niyakap ako ng mahigpit and I hugged him back pero maya maya lang ay bigla akong hinila ni Tober papunta sa tabi niya.
"That's enough." he said monotonously and wrapped his right arm around my waist.
Napunta ang atensyon namin sa labas ng makarinig kami ng mga sigawan. Pumunta kami sa may bintana at patagong sinilip kung ano ang nangyayari sa labas.
May mga lalaking naka suot ng black cloak at nakatakip ang kalahati sa mukha nila, sila na siguro ang mga crooks. Tinututok nila ang mga espada nila sa mga mundanes at ang iba naman ay hinihila papunta sa grupo ng mga mundanes na nakaluhod.
Pumunta ako sa lamesa kung saan nakapatong ang mga armas ko at kinuha ang shoge knife at ang mga throwing cards. Ibinalot ko sa tela ang shoge knife at itinali ito sa baywang ko, itinago ko naman sa bulsa ng cloak ko ang mga throwing cards ko para madali ko itong makuha kapag may nangyaring masama.
"Grrrrr" Tophin growled, he was in his defensive position right now, I know that he can sense the danger outside.
"Hide! They're coming." pabulong na sabi samin ni Richard. Kinuha namin ang mga bag namin at nagtago sa ilalim ng bintana, pinahiga ko si Tophin at sinenyasan na huwag mag ingay para hindi siya makita ng mga crooks ang problema lang ay ang mahahaba niyang sungay, buti na lang at nakaisip ng paraan si Mardy. Binalutan niya ito ng mga patay na halaman pang disguise upang magmukhang patay na halaman si Tophin.
Rinig na rinig ko ang mga yabag nila sa likod ng pader.
"Silipin mo kung may tao diyan." rinig kong sabi ng isang lalaki.
"Walang tao, baka matagal nang walang nakatatira dito."
Nang mapansin naming wala na sila ay biglang nagsalita si Blake. "Anong plano? Ngayon na ba natin uumpisahan yung misyon?"
"Yes, this is now our chance. But first we need to have a plan on how to attack them." sagot ni Richard.
"So what's the plan?" tanong ko.
Nabaling ang atensyon naming lahat kay Tober ng bigla siyang mag salita. "We must first cover our faces so that they won't know who we are." sumilip siya saglit sa labas bago ituloy ang sinasabi niya. "There are five crooks guarding the mundanes, Richard and Mardy that's your target." tinuro niya sakanila kung saan banda ang target nila at tumango naman ang dalawa bilang tugon. "Blake and Juvia, you two are going to take them away from here." sabi niya sa dalawa.
"What? Now way! Ayaw ko siyang makasama, silang dalawa na lang ni Josephine! Right Josephine?" sinenyasan ako ni Juvia na pumayag sa gusto niya.
"A-ahm."
"No, she's going with me." seryosong sabi ni Tober sakanya. "Josephine and I will deal with their leader, I know that they're only the followers."
"How about Tophin?" I asked.
"He's going with us." he answered.
"Ok then, there's no time to waste, let's go." sabi ni Richard at tumayo nla.
Tumayo na rin kami at tinago ang mga bag namin sa cabinet na naroon.
Pagkalabas namin ay agad na sumugod sina Richard at Mardy, si Juvia at Blake naman ay itinakas ang mga mundanes.
Kaming dalawa naman ni Tober ay sumakay sa likod ni Tophin at hinanap ang leader ng mga crooks.
May mga sumusugod sa amin pero agad din naman naming napapatumba. Hanggang sa tumigil kami sa likod ng puno malapit sa malaking bahay, eto na siguro ang pinakamalaking bahay dito sa Marden Village.
"I think we're here." mahinang sabi ni Tober at bumaba na kay Tophin, ganun rin ang ginawa ko at sumunod sakanya.
"Stay here Tophin and don't let anyone get inside." bilin niya kay Tophin, nirub nito ang ulo sa paanan ni Tober bilang tugon.
"Stay safe." sabi ko at niyakap siya, pagkatapos ay umakyat siya sa puno at dumapa sa may pinakamatabang sanga. Sumunod na ko kay Tober, baka mamaya hindi ko malaman kung saan siya pumunta, magkahiwalay pa kaming dalawa.
May dalawang crooks ang nagbabantay sa gate nakatakip rin ang mukha nila gaya ng iba.
Nilabas ko ang dalawang cards ko saka inihagis ito sa direksyon nila. Agad silang natumba ng matamaan sila leeg.
"Nice shot." puri sakin ni Tober.
"Of course, coz I'm good." confident na sagot ko.
Tumayo na kaming dalawa at dahan dahang pumasok sa gate. Wala ng ibang bantay ang nandito bukod sa dalawang pinatumba ko sa harap ng gate.
Pagkapasok namin sa loob ay biglang may lumipad na dagger papunta sa direksyon ko, agad ko itong iniwasan at tumama ito sa pinto sa may likod ko.
"Magaling, magaling. Naiwasan mo yun ah" sabi ng babae habang pumapalakpak, nakasuot siya ng black hooded cape na hanggang baywang at nakatakip ang kalahati ng mukha gaya namin.
"Tama na ang paglalaro Mona, tapusin mo na sila." sabi ng lalaking kalalabas lang galing sa isang kwarto.
"Yes master." sagot ng Mona at bigla lumubog sa lupa.
Where did she go?
"Miracle, at your back!" sigaw ni Tober kaya humarap ako agad sa likod ko at nakita yung Mona na isasaksak sakin ang dagger. Pinigilan ko kaagad ang kamay niya gamit ang tubig at umatras.
Muntikan na yun.
"Pakealamero talaga yung lalaking yun!" giit nung Mona.
"Kuneho! Go get that guy!" sigaw ko sakanya dahil paalis na ang lalaki, tinignan niya ko ng may pagtataka sa mukha.
"Tober!" sigaw ko ulit.
"What?!"
"I said go and get him! He must not escape!"
"So you're talking to me?"
"Of course, now go! I can handle this." sabi ko sakanya.
Bakit kasi kuneho pa yung nasabi ko.
Naglikha siya ng fireball at ihinagis yun sa lalaki.
Agad akong nakaramdam ng sakit dahil sa hiwa sa braso ko.
"Ang dami niyong satsat, nakakairita." she grinned while playing the dagger in her hand.
Stupid! Kinalimutan mo na na may kalaban ka pa sa harap!
Patuloy na umaagos ang dugo sa braso ko dahil sa tama nung dagger kanina.
Naghagis ulit siya ng dagger sa direksyon ko pero this time iniwasan ko na ito. Inulit niya ulit ito ng inulit pero patuloy ko paring iniiwasan. Inilabas ko ang shoge knife ko na nakatali sa baywang ko at sinangga ang mga daggers na hinagis niya sa direksyon ko.
Sinugod niya ako at patatamaan sana sa mukha pero sinangga ko ito gamit ang shoge knife ko. She slashed the air infront of me, nagawa kong umiwas but with her free hand, she dragged me down at napaluhod ako sa sahig, I winced in pain the moment my knees hit the solid floor. Sinubukan kong tumayo pero tinutukan niya ko ng dagger niya sa leeg.
"I'm still better than you." she said.
"No. You're. Not." sagot ko at dahan dahang pinagapang ang tubig papunta sa leeg niya at sinakal siya kaya nabitawan niya ako. Tumayo ako kaagad at sasaksakin siya pero bigla ulit siyang nawala, inilibot ko ang paningin ko para hanapin siya.
"Argh!" nakaramdam ako ng sakit sa paanan ko dahil sa paghiwa niya rito.
What the, ang sakit nun ah!
Gumawa ako ng water thorns at inihagis sa may shadow ko.
"Argh!" narinig kong sigaw niya sa likod ko.
Agad akong humarap sa direksyon niya, may mga tama siya sa kaliwang braso at balikat dahil sa mga water thorns na inihagis ko kanina.
Ngayon alam ko na kung anong ability ang meron siya.
Shadowport.
Isinara ko ang mga kurtina gamit ang tubig hanggang sa wala ng gaanong liwanag na nakakalikha ng mga shadow.
Lalo siyang nainis dahil sa ginawa ko kaya sumugod siya sa akin at naghagis ng mga dagger sa direksyon ko.
Hindi pa ba siya nauubusan ng dagger sa lagay na yan?
Nilabas ko ang mga cards ko at inihagis ang mga ito para salubungin ang mga daggers niya.
"Iniinis mo talaga ako!" galit na sabi niya, kitang kita ko ang desire niya para patayin ako, but I won't make it happen.
Mabilis kong hinagis ang mga cards ko sa direksyon niya, kitang kita ko ang pagtama ng mga ito sa katawan niya. Napatigil siya sa pagtakbo at tinanggal ang mga cards na tumama sa katawan niya. Hinihingal na pinagmasdan ko siya, duguan siya dahil sa mga sugat sa katawan niya, kahit hirap na hirap siya ay nagawa parin niyang maghagis ng dagger sa direksyon ko pero naiwasan ko ito. Lumikha ako ng tubig at ipinunta sa direksyon niya, I trapped her inside it until she gets drown. Nang masiguro kong hindi na siya humihinga ay pinakawalan ko na siya.
Napatingin ako sa direksyon ni Tober at sa kalaban niya, duguan ang kalaban niya at sunog ang kalahati ng katawan nito samantalang si Tober ay walang kagalos galos sa katawan na para bang sanay siya sa labanan at madali lang ito para sakanya.
"Y-you are just like your *cough* b-brother." hirap na hirap ang lalaki at umubo pa ito ng dugo.
Biglang sinakal ni Tober ang lalaki at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. "I will be never be like my brother." giit niya, may lumabas na mga kuryente sa kamay niyang nakahawak sa leeg ng lalaki at kinuryente ito hanggang sa mamatay.
"Hey." mahinang bati ko sakanya, binitawan na niya ang lalaki at lumingon sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng galit kanina ay napalitan ng pag-aalala pagkakita niya sakin.
"Hey are you alright?" nag aalalang tanong niya at tumakbo papunta sa direksyon ko.
"Yes, I'm fine." sagot ko pero naramdaman kong biglang humapdi ang mga sugat ko sa braso at paa na patuloy paring dumudugo.
"You're not ok, look you're bleeding." hinawakan niya ang braso ko. "Do you have the aquasum?" tanong niya.
Ay oo nga pala.
"No, it's in my bag." sagot ko at yumuko. Bakit ko ba kasi nilagay dun?
"Shit." sinabunutan ni Tober ang sarili at pinunit ang laylayan ng damit niya saka itinali sa braso ko.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sakit. Kasalanan to nung Mona eh!
Lumuhod siya at sunod na itinali naman niya ang sugat ko sa paa, halos mapasigaw ako dahil sa sakit "Tiisin mo muna yung sakit." sabi niya at tuloy parin sa pagtali sa paa ko.
Tumayo na siya pagkatapos niyang talian ang paa ko.
"You look pale." nag-aalalang sabi niya sakin at hinawakan ang pisngi ko. "Can you still walk?"
"Yes, I just need a little help." sagot ko, pero nagulat ako ng bigla niya kong binuhat.
Ang sabi ko konting alalay hindi buhat.
"Put me down Tober." utos ko sakanya pero tila hindi siya nakikinig sakin. "I said put me down kuneho." pag-uulit ko and this time napatingin na siya sakin.
"What did you say?" seryosong tanong niya.
"I said put me down kuneho." pag-uulit ko.
"Did you just called me kuneho?"
"Yes kuneho, why?"
"Don't call me that." seryosong sabi niya.
"Kuneho." asar ko.
"Stop." seryosong sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan at pinagpatuloy ang pang aasar ko sakanya.
"Kuneho, kuneho, kune_" napatigil ako sa pang-aasar sakanya nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sakin.
"I said stop." he said huskily.
He is too close, that the proximity is overwhelming. I was almost breathless and I can feel his warm breath on my face.
Umiwas ako ng tingin sakanya dahil sa sobrang pagkailang.
"A-ahm sila lang ba yung leader nila?" biglang tanong ko para mawala ang ilangan sa pagitan naming dalawa.
"Maybe." he shrugged.
"Ibaba mo muna ko, kaya ko namang maglakad eh." sabi ko sakanya.
"No." diretsong sagot niya.
"Ibaba mo na kasi ako!" naiinis na ko ha.
"I said no."
"Ibaba mo na ko sabi!" utos ko sakanya at binasa siya ng tubig sa mukha.
"Alright!" dahan dahan niya kong binababa at pinunasan ang basang mukha niya. "What was that for?" inis na tanong niya.
"That's for not putting me down immediately." I answered and stuck my tongue out.
"You're crazy." sabi niya habang umiiling.
"I know." sagot ko at pumasok sa room kung saan nanggaling ang lalaking nakalaban ni Tober kanina.
Hindi ako nakagalaw dahil sa nakita ko, mga katawan ng mga patay na mundanes ang nandito. May mga hiwa sa bandang leeg nila na naging cause ng pagkamatay nila.
"What happened here?" tanong sakin ni Tober pagkapasok niya. Itinuro ko ang katawan ng mga mundanes sa gilid ng table, nilapitan niya ang mga iyon. "They are all dead." sabi niya.
Nabaling ang atensyon ko sa mga papel sa lamesa, kinuha ko ang ma iyon at binasa. Hindi ako nakagalaw dahil sa laman ng papel.
"What is that?" tanong ni Tober at lumapit sakin. Ipinakita ko sakanya ang papel at binasa ang laman nito, gaya ko ay na hindi rin siya nakagalaw dahil sa nabasa. "Is this the map of Anathom?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes." sagot ko. Isang mapa ng Anathom ang laman ng papel.
"So they are after the Infinity stone." seryosong sabi ni Tober at itinupi ang mapa. "
"I think so, maybe that's why they're here because the map was hidden here." sabi ko.
"Come on let's go." inalalayan niya ko at lumabas na kami ng bahay. Nakita ko si Tophin sa gilid nakadapa at nasa tabi nito ang bangkay ng mga crooks.
Agad na lumapit samin si Tophin pagkakita niya samin at nirub ang ulo niya sa tyan ko.
Niyakap ko siya at sumampa na sa likod niya dahil hindi ko na talaga kayang maglakad. Ganun rin si Tober pero anv dahilan naman niya ay tinatamad na siyang maglakad.
Ang tamad talaga nito kahit kailan.
Bumalik na kami kila Richard upang malaman kung ok lang ba sila.
Nang makarating kami ay, nakaupo na sa isang tabi si Juvia at pinapaypayan ng isang babae samantalang ang tatlong lalaki naman ay inaabutan ng pagkain ng mga matatanda.
"They're here!" masayang sabi ni Mardy at tumakbo papunta samin. Inalalayan naman akong bumaba ni Tober kay Tophin.
"Tober baby!" sigaw ni Juvia saka tumakbo papunta kay Tober at dinambahan ito ng yakap.
"Hey what happened to your arm?" tanong ni Mardy.
"Oh this? The girl that I encountered did these." paliwanag ko.
"A girl? Wait, are you referring to Mona?" tanong ni Richard.
"Yes, why?" I asked wondering.
"She did this to you? Where is she?" natatarantang tanong niya.
"She's dead, I-I killed her." sagot ko.
"Thank goodness." he said. "But she's a shadowporter and one of the good warriors, how did you kill her?" he asked.
"That's easy, I just closed the window and we fight until I killed her." paliwanag ko.
Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap. "Don't make me worried again." he said while caressing my back.
"Ehem." Blake interrupted. "We're still here."
"Oh right, right." sabi niya at binitawan ako.
Nabaling ang atensyon naming lahat kay Tober nang magsalita siya. "Now we successfully fulfilled this mission, let's go home."