webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Celebrities
Not enough ratings
67 Chs

Chapter XXX

And just like Sleeping Beauty who awoke from a kiss by the Prince, so did Mary Dale slowly opened her eyes and found herself face to face with Edward.

She was so startled that she immediately sat up.

"What are you doing here?!?"

Kinabahan naman si Edward.

"I came here to talk to you."

"Naramdaman nya kayang hinalikan ko sya?" tanong nya sa isip.

Mataman nyang pinagmasdan si Edward.

"Panaginip lang ba yung hinalikan nya ako?" ang tanong naman ni Dale sa isip.

"I wanted to clear things up with you." ang pagbasag ni Edward sa katahimikan.

"I'm sorry!" ang sabay pa nilang sabi.

Nagulat pa sila sa pagkakasabay nila.

"Okay, you go first!" sabay sabi nila ulit.

Napangiti sila.

"Okay, ako na! Since it's ladies first!"

"Okay! Fine with me!"

She heaved a deep sigh.

She looked straight into Edward's eyes.

"It wasn't really my intention to pretend to be a yaya, kaya lang napagkamalan ni lola Melba si Juliana bilang ako. Ako naman ay napagkamalan nyang katulong."

"What?!? Ang ganda mo namang katulong!"

Napangiti si Dale sa sinabi ng binata.

"Sorry! Go on!"

"Anyway, I didn't try to correct her assumption since okay lang naman sa akin. I don't see anything wrong with being a maid! But then things got complicated when Marco visited us and you were there with him."

"What do you mean?"

"The ruse wouldn't have mattered to Marco since he knows us but I couldn't correct my lola's mistake in front of other people meaning you, so I just decided not to, I didn't want to embarrass her."

Hindi nya magawang sabihin yung totoong rason kung bakit hindi nya itinama ang pagkakamali ng lola Melba nya.

Hindi na kailangan malaman ng binata na naghahanap sya ng mapapangasawa na kaya syang tanggapin bilang ang simpleng si Maymay at hindi bilang ang heredera na si Mary Dale.

"That's it?"

"That's it!"

Pakiramdam ni Edward ay meron pang hindi sinasabi si Maymay sa kanya pero hindi na muna nya ito pipilitin.

"Your turn!"

"Ahm..."

Paano nya ba sasabihin sa dalaga na sinadya nyang magpanggap dahil naghahanap sya ng mayamang mapapangasawa?

Kaya nya na bang ipagtapat ang totoong dahilan kung bakit mayaman ang hinahanap nya?

Paano kung hindi matanggap ng dalaga ang paliwanag nya?

"Yes, Mr. Edward John Barber? Why did you pretend to be Dodong the driver?"

Bahala na!

"Naghahanap ako ng mapapangasawa na hindi tumitingin sa estado ng buhay kaya nagpanggap ako na driver ni Marco."

"Ano?!?"

Napatayo si Maymay sa sinabi ng binata.

"You heard it right! I'm looking for a wife!"

"My grandfather wants me to marry immediately and give him grandchildren!" hindi na idinugtong ito ni Edward dahil baka lalong magulat ang dalaga.

Tumayo si Edward at hinawakan sa mga kamay ang dalaga.

Tumingin sya ng diretso sa mga mata ni Mary Dale.

"And I think I already found her!"

Wife?!?

Agad-agad?

Asawa agad?

Hindi ba pwedeng girlfriend muna?

Masyado naman atang mabilis ang lalaking ito!

Pero di ba naghahanap ka rin naman ng mapapangasawa?

Bakit hindi na lang sya?

Malay mo sya na ang solusyon sa problema mo!

Ayaw mo naman mawala ang hacienda sa'yo di ba?

Pero hindi ko pa nga alam kung mahal ko sya at kung mahal nya rin ako!

Eh di magpaligaw ka para malaman mo!

Ligaw?

Di ba sabi nya gusto ka nyang ligawan?

Tama!

Magpapaligaw ako!

Pero teka paano yung pinag-usapan nyo ng tito Ricardo mo?

Oo nga pala!

Paano kung makahanap na sya ng pakakasalan mo?

Oh no! I forgot about that!

What will I do about it?

What will Edward do about it?

Hahayaan nya kaya akong mapunta sa iba?

Kailangan nyang kausapin ulit ang tito Ricardo nya.

Sana lang ay pumayag ito.

Ang lahat ng yan ay tumatakbo sa isip ni Mary Dale.

Tahimik lang syang nakatingin kay Edward.

Edward can see the flash of different emotions in her eyes.

"So, Miss Mary Dale Entrata also known as Maymay, may I court you?"

"Ah..." ang alanganing sagot ni Maymay.

"I really want to get to know you better and I hope you want to know me a little bit more too!"

Nakita naman nya ang sinseridad sa mga mata ng binata.

Siguro nga masyadong mabilis ang mga pangyayari pero kung magiging totoo sya sa sarili nya, aaminin nyang gustong gusto nya rin mas makilala pa ang binata.

Dahan dahan syang tumango.

"Is that a yes?" ang alanganin nya pang tanong sa dalaga.

Maymay nodded again and shyly smiled at him.

"Yes?"

"Yes."

"Yes!!!" at ngumiti sya ng pagkalawak-lawak.

"Wag kang masyadong matuwa! Umoo lang ako sa panliligaw mo! Posible ko pa rin na bastedin ka!"

Nawala naman ang ngiti sa mga labi nito ng marinig ang salitang basted.

"Sisiguraduhin kong hindi mangyayari yon!"

"Then prove it, if you're really that confident!"

"I, Edward John Barber, also known as Dodong, am confident that I will get your yes!" at kumindat pa ito sa dalaga.

"Marunong ka bang kumanta?"

"Kumanta? Ano'ng kinalaman nun sa panliligaw ko sa'yo?"

Natawa ang dalaga.

"You need to sing because I want you to serenade me! Unang hakbang sa panliligaw ay ang panghaharana!"

"Harana?"

"Oo! Ayaw mo?" ang panghahamon nito sa binata.

"Gusto! I'll do it! I'll do whatever you want me to do!"

"Then serenade me! Tonight!"

Napalunok ang binata.

"What did I get myself into?" ang naiisip nya.