webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Celebrities
Not enough ratings
67 Chs

Chapter X

Nagpaalam na si Marco kay Melba na uuwi na.

"Tita Mel, I'll go ahead! I still have somewhere to go!" sabay beso dito.

"Hindi  ka na ba magdidinner dito iho? Marami pa naman akong ipinahanda!"

"Sorry, tita! I promise next time! May kailangan pa kasi akong asikasuhin."

"O sya sige basta sa susunod hindi ka na pwedeng tumanggi!"

"Bye Mary Dale!" sabay kindat nito kay Juliana.

Ngumiti naman si Juliana dito.

Tumingin si Marco kay Maymay.

Tumango na lang si Maymay kay Marco at baka mapansin pa ng lola Melba nila.

Dinaanan ni Marco si Edward sa hardin at niyaya na.

"Bro! Let's go!" sabay tapik sa balikat nito.

Nagulat naman si Edward.

"Huh?"

"Sabi ko tara na! Mukhang kanina pa malalim iniisip mo ah!"

Tumayo naman na si Edward at sinabayan na si Marco sa paglalakad.

"Hindi noh!"

Natawa naman si Marco sa pagtanggi ni Edward.

"Hindi daw eh para kang natuklaw ng ahas na hindi kumikilos kanina pa sa pwesto mo!"

"No I'm not!"

"Bro, hindi ako bingi! Wag kang sumigaw!"

"Hindi ako sumisigaw." pilit na hininaan ni Edward ang boses nya.

"If you say so!"

"Bakit nga pala aalis na tayo?" nakasakay na sila sa sasakyan.

"Bakit gusto mo pa ba magstay para makausap mo pa si Maymay?"

"What the heck are you talking about?"

"Oh come on, Edward! You were way too obvious! Type mo si Maymay noh?"

"Bakit naman ako magkakagusto sa yaya?"

"Eh ano naman kung yaya si Maymay?" kung hindi lang alam ni Marco ang totoo ay nainsulto na sya para kay Maymay.

"Bro! Alam mo naman ang hinahanap ko di ba? Yung mayaman na katulad ni Mary Dale!"

"So si Mary Dale ang pasok sa standards mo pero kay Maymay tulo ang laway mo!" sabay tingin kay Edward ng nakakaloko.

"Gago!" ang natatawang sagot ni Edward dito.

"Obvious ka kaya kanina bro! Walang kurap kurap! Titig na titig ka kay Maymay!"

"Akala ko lang kasi sya si Mary Dale kaya sa kanya ako nakatingin!"

"Nadisappoint ka ba nung malaman mong hindi?"

"Honestly?"

"Syempre gusto ko malaman yung totoo!"

"Yes." mahina ang pagkakasabi ni Edward kaya hindi agad nagsink-in kay Marco ang sagot nito.

"Ano'ng sabi mo?"

"I said yes! I felt disappointed!"

"So inaamin mo nga na type mo si Maymay?"

"Does it really matter? Kahit naman sabihin kong type ko sya, wala rin namang mangyayari."

"Yes or no lang, ang dami mo pang sinasabi!"

"Yes! So can we please drop this topic now?"

"Aaminin mo rin pala ang dami mo pang arte!"

Tiningnan ng masama ni Edward si Marco para iparamdam na seryoso syang wag ng pag-usapan si Maymay.

Nasa tapat na sila ng condo ni Edward.

"By the way, I'm going on a date tomorrow with Mary Dale! Which means Maymay will probably be there too, alam mo na chaperone!"

"I'll drive for you tomorrow!"

"Kahit wag na bro! Alam ko namang busy ka!"

"No! I will drive for you tomorrow!"

"Wag na bro! Magpapadrive na lang ako kay Chan!"

Kilala ni Edward si Chan, ang driver ni Marco na ubod ng presko at kayabangan at kilalang chickboy.

"No, Marco, I insist!"

Pinipigilan ni Marco ang huwag matawa sa pagpupumilit ni Edward.

"Sige na nga! Daanan na lang kita bukas para yung kotse ko ang dala natin. Syempre, ikaw pa rin si Dodong bukas. Ang driver sweet lover ni Maymay!"

"Gago!" at bumaba na si Edward ng sasakyan at lumipat naman si Marco sa driver's seat.

Samantala, sa mansyon ni Melba, pagkatapos ng dinner ay umakyat na ng kwarto si Juliana at Maymay.

Nauunang maglakad si Juliana.

Pagkasara pa lang ni Maymay ng pinto ay hinarap na nya ang pinsan.

"What did you tell Marco?"

"About what?"

"Come on, Juls don't play dumb with me! We both know that you're not!"

"I only told him about lola's mistake in thinking that I am you and nothing more."

"Sigurado ka?"

"What else do you think should I tell him then?"

"About the real reason why we're here in Manila?"

"Oh no my dear cousin, Mary Dale, that's your confession to make, not mine!"