webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · Celebrities
Not enough ratings
67 Chs

Chapter LI

Gabing-gabi na ng makarating si Edward sa Hacienda Entrata.

Sinalubong agad sya ni Marco.

"Where's Yamyam?"

"Tulog na sya." seryosong sagot ni Marco.

Imbes na sa kwarto sya ihatid ni Marco ay sa opisina ni Maymay sya dinala nito.

Inabutan nilang naroon sila Ricardo at Juliana.

"What are we doing here?"

"Sit down first Edward." maawtoridad na sabi ni Ricardo sa kanya.

Nang makaupo sya at si Marco ay nag-umpisa na itong magsalita.

"Nakausap ko na kanina ang lolo mo at sinabi nya sa akin na naikwento nya na ang tungkol kay Mary Dale."

Tumahimik lang si Edward.

"Kanina ay nalaman na rin ni Mary Dale ang koneksyon nyong dalawa dahil sa larawan na ito."

Kahit hindi pa inaabot ng abogado ang larawan ay alam na nyang kapareho yun ng larawan na pinakita sa kanya ng lolo nya.

Pero inabot pa rin nya ito at tiningnan.

Kwinento ng abogado ang nangyari kay Maymay matapos ang pagkawala ng ala-ala nito.

Ang pagiging sobrang masayahin nito.

Ang pananamit panlalaki.

Ang pag-aaral ng martial arts at shooting.

Maging ang pag-iyak nito sa tuwing Pasko at Bagong Taon.

Lahat ng iyon ay may kinalaman sa kanya.

Napatingin sya kay Marco.

Kaya ba ganun na lang ang pag-aalala nito kay Mary Dale?

Kwinento rin ng abogado ang kagustuhan ng lolo nito na makapag-asawa ang dalaga.

"Will she really lose the mansion and plantation if she doesn't marry before her 24th birthday?" lakas-loob na tanong ni Edward.

"Who told you that?" gulat na tanong ni Ricardo.

"Markus!"

"Hindi totoo yon! Ginawa lang panakot ni Uncle Joe yun kay Mary Dale para mapilitan itong maghanap ng mapapangasawa. Ang totoo inaalala nya ang kalagayan ng apo nya kaya gusto nyang magpakasal ito sa taong mahal at tanggap si Mary Dale ng buo!"

Buti na lang at hindi nya pinaniwalaan ang walang kwentang pinsan nya! isip ni Edward.

"Kung inaalala mo na kaya ka nya sinagot ay dahil sa kondisyon ng lolo nya, hindi mo dapat isipin yon! Kinausap nya ako tungkol sa'yo at hiniling nya na bigyan ko sya ng pagkakataon na makilala ka ng lubusan!"

Hindi alam ni Edward pero napakasaya nya sa narinig.

"Nagulat nga ako ng sabihin ni Juliana sa akin na kayo na pala!"

Hindi naman napigilan ni Edward ang ngiti sa mga labi nya.

"Hindi si Mary Dale ang tipo na basta-basta nagdedesisyon! Kaya kung sinagot ka nya ay sigurado akong isa lang ang ibig sabihin nun! Mahal ka nya!"

Mapupunit na ata ang bibig nya sa sobrang pagngiti sa narinig sa abogado.

Si Marco naman ay tinapik-tapik sya sa likod na nakangiti rin.

"How is she?" alalang tanong nya.

"She fainted, maybe due to the stress of knowing the truth about her past."

"What?!? Why didn't you tell me immediately?!?" napatayo sya bigla sa nalaman.

"She's already resting right now so there's no need to worry!"

Kumalma naman ng kaunti si Edward pero hindi pa rin sya mapakali.

"Wala bang pag-asa na makaalala pa sya?"

"They already took her to a lot of doctors but nothing worked!"

Nalungkot naman si Edward sa narinig.

"Now that you know everything about her past, what are you going to do?"

Edward took a deep breath before answering.

"What else is there to do but marry her and love her for the rest of our lives?" confident na sagot ni Edward.

"That's my bro!" at nagfist bump pa sila ni Marco.

"OMG! Kinikilig ako!" si Juliana.

"That's the only answer that I needed to hear!" at kinamayan pa sya ng abogado.

"But first I want to see her now! We'll talk more about my plans in the coming days!" pagaassure nito sa abogado.

"Mabuti pa nga magpahinga ka na rin muna." pagsang-ayon ni Ricardo.

At lumabas na sila ng opisina.

Umuwi na si Ricardo habang ang tatlo ay sabay-sabay na umakyat patungo sa kwarto ni Maymay.

Naabutan nilang nakaidlip si Nanay Remedios sa tabi ng dalaga.

Marahan nila itong ginising.

"Nanay Remedios, magpahinga na po kayo! Ako na pong bahala kay Yamyam!" mahinang sabi ni Edward sa matanda.

"Salamat iho!" at tumayo na ito at lumabas ng kwarto.

"Okay ka na dyan bro?"

"Yeah! Ako ng bahala dito! Magpahinga na rin kayong dalawa!" pagtataboy nya kay Marco at Juliana.

"Wag kang magkakamaling gumawa ng kalokohan kung ayaw mong mabalian ng buto!" pagbabanta nito sa kaibigan.

"Palagay mo sa akin manyak?"

"Medyo!" at mahinang tumawa pa si Marco.

"Tumigil na nga kayo! Baka magising pa si Dale! Tara na Marco Antonio!" at itinulak na ito ng dalaga palabas.

Nilingon nya si Edward.

"Ingatan mo yan!"

Tumango naman si Edward.

"I will!" at isinara na nila ang pinto.

Pagkalabas ng dalawa ay agad na lumapit si Edward sa dalaga.

Hinaplos nya ang mukha nito.

"I'm sorry Yamyam. I'm sorry I took so long to come back to you." bulong nya sa dalaga.

Hinawi nya ang ilang piraso ng buhok na bahagyang tumabon sa maamong mukha nito.

Masuyo nyang hinalikan sa noo ang dalaga.

"I'm here now Yamyam. And I promise that I will always be!"