webnovel

THE HEART OF AMNESIA

Isa akong hamak na lalaki, na ang hanap ko ay isang babaeng mamahalin ako ng buo at tatanggapin ako. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, may isa pala akong katauhan sa nakaraan na nalimot ng isang trahedya/aksidente. BAKLA AKO!!! JOKE HAHA!

CHROME · Realistic
Not enough ratings
41 Chs

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 3 )

Kinabukasan tarantang taranta akong bumangon sa aking higaan, kasi ba naman late na ako!. Wala na rin doon si Steve sa kanyang kama. Dali dali akong naligo, mga tatlong buhos lang. Ok lang yan GWAPO pa rin naman ako. Nagbihis ako agad at dali daling lumabas ng boarding house. Ni hindi ko na nakuha pang mag agahan.

Sa gate ng school:

Nagtatakbo ako patungong silid. Nang nasa silid na ako, nakita ko si Steve doon na nakikipaglandian sa mga babae. Putanginang tao na yan ang selfish! Ni hindi manlang ako ginising bago sya umalis?.

Nang napansin nya akong pumasok, tumayo sya at sinalubong ako.

" Goodmor...". Hindi pa nya natapos ang pagsasalita nya ay binusalan ko agad ang kanyang bibig gamit ang aking kamay.

" 'Wag mo nang ituloy, sira na ang araw ko dahil sayo..". Pagalit kong sagot, agad rin ang pagbitaw ko sa pagkakabusal sa bibig nya.

" A-anong nangyari sayo babe? Bakit ganyan itsura mo? Para kang hinabol ng aso!". Painosenteng tanong nya pero may halong pang aasar.

Yung itsura ko kasi dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na nasuot ng maayos ang aking polo. Nakabukas ang buong butones nito at kita ang aking panloob na damit. Yung buhok ko naman gulo gulo, hindi ko na nakuhang magsuklay at humarap sa salamin. At nang dumating pa ako dito ay tagaktak ang aking pawis, pinunasan ko lang nung malapit na ako sa aming room. At ang may kasalanan nang lahat ay si Steve.

" H-ha? Ta-tanga ka ba? Yan ang porma ko lagi tuwing papasok. Hindi ka ba inform?. Tumingin ako kay Kyla. Diba Kayla?".

" Ahummmm!". Sagot ni Kyla, natawa pa ang loka loka.

" Ah ok? Ayusan nalang kita ha?..". Mungkahi ni Steve at akma naman nyang hahawakan ang aking buhok.

Mabilis ko naman tinapik ang kanyang kamay. " No! No! No! Don't touch me any of my body ha? Or else I will kick you soon!!". Bulyaw ko.

Tawanan naman ang iba naming kaklase dahil sa pag i-english ko.

" Go Chander!!". Sigaw ng isang lalaki na nakaupo sa gilid.

Dahil ayoko nang tumagal pa ang argumento at nakatayo, lumakad na ako at sinagi ko pa sa tagiliran si Steve para makadaan. " Paharang harang kasi sa daan eh!". Mahinang boses ko.

Nakangiti pa rin ang loko, ang sarap kutusan. Naasar ako.

Umupo na rin sya sa kanyang upuan sa tabi ko.

-----

Habang nagdidiscuss ang aming guro, panay naman ang sitsit sa akin ni Steve, kahit mahina lang ito ay naririnig ko pa rin dahil magkatabi lang kami. Di ko alam ang pakay nya, hindi ko sya pinansin. Nakatutok lang ako sa itinuturo ni teacher.

" Bahabe!..". Mahinang tawag nya sa 'kin, yung sobrang hina na may pumapatong ng letter ' H ' sa bawat pagbigkas nya.

Nadedemonyo ang utak ko noon, parang gusto ko syang sabunutan tapos iumpog ang ulo sa kanyang desk. Imagenin nyo nga mga readers?.

Ganito! Nang hindi na ako nakapag pigil, kahit nasa kasagsagan kami ng lesson ay walang anu-anong tumayo ako at nagsisigaw ng malakas. " Putangina mo Steve!!!!". Hinawakan ko ang kanyang magkabilang panga sa iisang kamay. Hinigpitan ko ito para masaktan sya. Nakatitig lang sya sa akin, ang emosyon nya ay hindi ko maintindihan. Wala syang imik. Tinusok ko ang kanyang kaliwang mata ng ballpen na kanina ko pa nilalaro sa aking bibig. Tumagas ang dugo sa kanyang mukha. Namilipit sya sa sakit. Tapos hinawakan ko ang kanyang buhok, yung mahigpit na pagkakahawak. Buong pwersa kong iniumpog ang ulo nya sa kanyang desk. Halos mawasak na ang desk sa sobrang lakas, maging sa kanto ng sandalan nya ay iniumpog ko rin. Sobrang naliligo na sya kanyang dugo. Doon ay nawalan na sya ng malay at hindi na humihinga. So iyan ang aking imagination. Kayo?

Bumalik ako sa aking ulirat nang marinig ko ang pagtawag ni Mrs. Wilson sa aking pangalan.

" Mr. Dela Cruz!!". Sigaw ni Mrs. Wilson.

Agad naman akong tumayo at hindi alam ang isasagot sa kanyang tanong. Ay wala pa palang tanong.

" Go to the comfort room now! At ayusin mo yang mukha mo!". Utos sa akin ni Ma'am.

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Mrs Wilson. Mukha ko, GWAPO? Anong nangyare? Tumingin ako kay Steve. Nakangisi lang sya sa akin, sabay kindat. Pinagtitinginan din ako ng marami, at yung iba ay natatawa pa. Pero bakit?

Agad akong gumalaw at nagmadaling pumunta ng cr. Nang nasa cr na ako, Laking gulat ko naman sa aking nakita. Napasigaw ako ng malakas. " Whaaaaaaah!". Sigaw ko nang tumingin ako sa salamin. Ang GWAPO kong mukha ko ay napuno ng tinta ng ballpen, ang pinakamarami ay nasa bandang nguso at kumalat ito. Naalala kong nilalaro ko kanina ang aking ballpen sa aking bibig, tumaas siguro ang tinta sa pagsipsip ko kaya nagtae ito at kumalat sa aking mukha. " Shrocks!! what the fuck?? Inis ko sa aking sarili. Di ako natutuwa! Nang matanggal ko na ang tinta, dali dali na akong bumalik sa room. Doon ay pumasok akong hiyang hiya sa sarili at sa lahat, umupo ako ng tahimik. Napalingon ako kay Steve, nakangisi pa rin ang gago.

" Ahayaw mo kahasi akong lingunin.. ayahan tuloy ahihihi!". Mahinang sabi nya tapos tumawa pa.

Dinilaan ko lang sya, tapos bumulong. " Mamaya ka sa akin sa boarding house!!".

Kindat lang ang isinagot nya sa akin.

-----

Breaktime! Lumabas agad ako ng room, at tinungo ang canteen. Malamang para bumili ng pagkain? Tapos deretso sa paborito kong tambayan, sa likod ng T.H.E Building. Umupo ako sa dati kong inuupan, pinagmasdan ang bulubunduking tanaw na tanaw ko sa aking pwesto. Tahimik lang ang paligid, sariwang hangin at banayad na sikat ng araw na natatakpan ng matataas na puno at tanging kaunting sinag lang ang natatamaan sa ilalim nito. Ang sarap sa pakiramdam at relaxing. Sa ganoong pagmumuni muni ko ay muli na namang nabasag ang aking katahimikan nang may narinig akong isang boses ng lalaki.

Asusual na di Steve na naman!

" Hi?". Bati nya sa akin.

" K!". Sagot ko.

" Ang ganda dito 'no?". Sambit nya pero hindi patanong.

Tumingin ako sa kanya. " Obvious naman tol? Kung pangit dito, hindi ako magtyatyagang tumabay dito! Pero mas maganda dito kung ako lang ang mag isa eh 'no?". Pilosopong sagot ko sabay tingin ng masama sa kanya.

Natawa lang sya sa aking tinuran.

" Ganyan na ganyan ka din dati noong...". Hindi na nya natapos ang kanyang sinabi, bigla itong yumuko. Ako naman ay nagtaka.

" Ha? Dati?". Takang tanong ko.

Muli umangat ang kanyang ulo. " A-ah i-ibig kong sabihin, yung kaibigan ko sa malayong lugar.. O-oo parehas kayo!!". Paglilihis ng kanyang sagot.

" May sayad ka ba?". Deretsahang tanong ko sa kanya.

" Siguro...". Sarkastikong sagot nya sabay ngisi.

" Ah I see! Wala na akong magagawa sa kakulitan mo! Ang masama pa karoommate na kita kaya mas lalo akong walang magagawa.. May isa akong karoommate na B-A-L-I-W!". Saad ko, inemphasize ko pa talaga sa kanya ang salitang baliw.

" Oo baliw sayo.. babe?". Ngisi nya sa akin sabay kindat.

Bahagya ko ulit syang tinignan ng masama, saka mabilis na lumingon sa bulubundukin. " Alam mo pare, kung alam mo sa sarili mong lalaki ka.. dapat sa babae ka nagkakagusto at hindi sa isang lalaki. Ang dami diyang magaganda, maraming inlove sayo bakit hindi mo sila patulan? Ang GWAPO mo pa naman.. pero mas GWAPO ako sayo! Haha!". Sarkastikong pagdidiin ko sabay tawa.

" Eh bakit ikaw? Pinatulan mo ba sila noong nainlove sila sayo?". At ibinalik pa nya talaga sa akin ang tanong.

Bigla naman akong natahimik, parang hinampas ng matigas na bagay ang aking ulo sa kanyang pagbabalik tanong.

" H-ha? S-syempre loyal ako!!". Ang nasagot ko nalang.

" S-so may girlfriend ka?". Tanong nya ulit.

Di agad ako nakasagot. Di ko alam ang sasabihin, kung sasabihin kong may girlfriend ako, hindi rin sya maniniwala dahil araw araw syang nakabuntot sa akin. Nagmistula akong istatwa na nakatingin sa bulubundukin.

Buti nalang at tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang break. Kumaripas ako ng takbo patungong room.

-----

Tahimik lang akong nagsusulat, may tumatatak pa rin sa aking isipan. Yung tinanong ni Steve kung may girlfriend na ako. Bigla akong may naisip. Speaking of girlfriend? hihi!. Napabaling ako kay Steve sa kinauupuan nya. Tiningnan naman nya ako. Ngumiti ako, yung pilit na ngiti. Ngumiti naman sya sa akin at kumindat pa, syempre kumindat din ako. Di nya alam na may masama akong balak na gagawin. " Girlfriend pala ha?". Sabi ko sarili ko.

May isinulat ako sa isang scratch paper, pagkatapos ay inihagis ko ito kay Pamela. Si Pamela ang napili ko dahil super crush nya ako, mahal na rin yata. Pinulot nya ito, sinenyasan ko kasi.

Ito ang nakasulat sa papel:

Hi Pamela sweetie?

Pwede ba tayong magkita mamaya sa lunchbreak?

Sa likod ng cr ng mga babae sana kung pwede..

Iyon ang nakasulat with matching heart sign pa.

Itutuloy...