webnovel

THE HEART OF AMNESIA

Isa akong hamak na lalaki, na ang hanap ko ay isang babaeng mamahalin ako ng buo at tatanggapin ako. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, may isa pala akong katauhan sa nakaraan na nalimot ng isang trahedya/aksidente. BAKLA AKO!!! JOKE HAHA!

CHROME · Realistic
Not enough ratings
41 Chs

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 22 )

Sa mess area :

Natuwa pa ako sa menu ng pagkain, mukhang matino at di na nila tinipid ang asin. May fried chicken din na favorite ko kaya iyon ng hiningi ko, tatlong piraso. Si Steve naman gulay ang hiningi, ayaw matabunan ng taba ang abs eh!.

Habang kumakain kami :

" Kamusta pala yung activity sa math?". Pauna ni Steve.

" Paano mo naman nalamang may activity?". Tanong ko.

" Diba sinabi mo kagabi?". Sagot nya.

" Oo nga pala.. Ok lang naman!". Ang saad ko, nginunguya ko kasi yung buto ng manok at sinasaid ko yung laman.

" Panalo ba babe? Mukhang masaya ka kanina eh." Si Steve.

" Uhumm?". Tumango ako. " P-panalo? Panalo na sana kung hindi lang ako binigyan ng kagrupong mahihina ang utak! Pero gayunpayan.. kahit ako lang mag isa ang gumawa, pangalawa pa rin kami! Hahaha!". Sagot ko sabay tawa.

Natawa lang din si Steve. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Nang matapos kami ay agad na din umakyat, kailangan kong matulog.

-----

" Oo nga pala tol? Sa susunod na linggo aalis ako!". Sambit ko nang nasa kwarto na kami, kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at ganoon din si Steve sa kanyang kama.

" Bakit may lakad na naman ba kayo ni kuya?" Lumingon sya sa akin. " Alam mo babe? Nakakatampo ka na ha!". Malungkot na tanong nya.

" Mali! Uuwi ako ng bahay..". Sagot ko.

Pansamantala syang natahimik at medyo nanlaki ang mga mata. " A-ano? Ba-bakit b-babe?". Nautal nyang tanong, halatang kinabahan.

" Ha? Bakit ganyan ka kung makareact? Uuwi lang ako ng bahay.. masama bang mamiss ang mga magulang? Wala pa 'kong isang araw doon tol!". Sagot kong medyo pasigaw.

" Hi-hindi naman sa ganoon? I-iiwan mo 'kong mag isa na ganito ang kalagayan ko?". Saad nya.

" Steve tol? Kung sa susunod na linggo ganyan pa rin ang kalagayan mo? Mabuti pang umuwi ka muna sa inyo! Pag iinarte na yan!! Ang tagal nang nakalipas noong naaksidente ka! Di naman malala ang pinsala mo sa paa! Kumpleto ka sa medikasyon tapos hanggang ngayon iika ika ka pa rin? Niloloko mo nalang yata ako eh?!!". Bulyaw ko.

Di na sumagot si Steve. Bahagya akong lumingon sa kanya at nakita ko na biglaang paglungkot sa kanyang mukha.

" Ano naman gagawin mo sa inyo?". Si Steve.

" Gusto mo sumama?". Tanong ko sabay ngisi.

Actually naisip ko na ito noon pa, yung time kasi na namasyal kaming dalawa ni Steve at bigla na lang syang nagtatanong sa tungkol sa akin, sa nakaraan ko, sa aking pagkakaospital noon. Dahil doon ay na curious ako. Totoong walang sinabi ang mga magulang ko sa nangyari sa akin at ang hinala ko, alam kong may alam sila at inilihim nila sa akin ang tunay na nangyari. Ito na rin siguro ang sagot sa mga minsan na napapaginipan ko at madalas ay tungkol sa isang lalaki at sa lugar kung saan lagi syang nakatayo, sa gilid ng bulubuhanginang dagat. Kaya hindi na ako mag aakasaya na oras pa! At may naisip din akong paraan para sabihin nila sa akin ang totoo. Isasama ko si Steve.

" Sa-sama ako?". Gulat na sagot nya.

" Bakit? Natatakot ka bang makilala ang mga magulang ko?". Tanong ko sabay ngisi.

" Hi-hindi! H-hindi naman babe.. nakakapanibago lang kasi..". Saad nya.

" Ayos lang yan tol! Nasa plano ko na yan? A-at saka.. Pagkakataon ko na 'to para mapatunayang totoo ngang nagka amnesia ako! Hindi ba ikaw nagsabi non? Kailangan makita ka nila mommy! Total gusto ko rin malutas itong madalas na napapanaginipan ko. Kung sino ang lalaki sa aking panaginip. At mga katanungan sa aking isip! Ayaw ko na rin ang ganitong sitwasyon! Ikaw ang nagsimula nito kaya idadamay na kita!". Saad ko.

Nagulat sya sa aking mga sinabi. " A-a-a-ano? I-ibig mo bang sabihin matagal ka nang nakakaranas ng panaginip sa isang l-lalaki?" Gulat nyang tanong.

Sandali akong natahimik. " O-oo tol! Simula pa noong nakaraang taon.. pero sinarili ko lang ito at itinuon ang sarili sa mga positibong paraan para di ko na masyadong isipin iyon. At sa awa nga ng nasa itaas? Hindi na ako muling binabangungot. Pero nito lang huli.. noong araw na naaksidente ka! Kinagabihan, doon na muling namumbalik ang aking panaginip sa lalaki, nakakatakot! Kaya gusto ko nang buksan ang aking isip sa mga nangyayari!". Maikling kwento ko, ngumiti rin ako ng matipid tanda ng kalmado lang ang aking utak.

" S-sya ba yung sinabi mong malabo sa panaginip mo noong nakaraan?". Tanong nya.

" Oo! Bakit alam ka ba?". Tanong ko din.

" Wa-wala! Pe-pero sana wag naman?". Sagot nya.

" Anong wag naman? Alam mo? Kung ikaw yun? Tanggap ko na agad..". Sambit ko.

Isang matipid na ngiti lang din ang kanyang ipinakita.

" Di ka ba naniniwala?". Tanong ko ulit.

Ngumiti na sya. " S-salamat babe. Kung totoo man yang sinasabi mo.. Ang tagal ko na rin kasing hinihintay ang ganitong pagkakataon. Alam mo? Iyang kalagayan mo? Hindi ko na iginigiit sayo, hindi na kita kinukulit kasi alam kong tutuklasin mo iyan mag isa! Pero kung ako ang tatanungin mas mabuting habang buhay ka nalang ganyan.. Wala kang stress, walang issue, bully! At nagsisimula ulit sa umpisa? Tayo?". Paliwanag nya.

Tumingin ako sa kanya. " May tanong pala ako sayo?". Tanong ko.

" Oh?". Sagot nya.

" Di ko maimagine yung tayo hahaha! Ano bang feeling ng umiibig ka sa kapwa lalaki?" Sarkastikong tanong ko sabay tawa.

" A-ah? Parehas lang! Parang natural lang din sa magkasintahang lalaki at babae, kaso? Sa ganitong sitwasyon, uso ang diskriminasyon at labag sa nakararami! Lalo na dito sa Pilipinas, pandidirihan ka ng iba.. Hindi katulad sa Amerika na pantay pantay sila..". Sagot nya.

" Eh yung tayo?". Tanong ko ulit.

Di sya sumagot.

Itutuloy...