Minuwestrahan akong tumayo at sumunod sa kanya. Nagpunta kaming mini resto na katabi lang naman coffee shop.
" Order ka na..". Ang pagmungkahi ni Steve at tinitigan lang nya ako habang nakaupo na kaming magkaharap.
Napatunganga na lang ako at walang ganang binuklat ang menu na nasa aking harapan.
" Uhmmm.. U-umuwi na lang tayo tol! Di na pala ako nagugutom..". Sambit ko.
Sumang ayon naman sya.
Paglabas namin ng mall ay tamang tama na humupa na rin ang ulan. Nagtrike nalang kami pauwi kahit na walking distance na lang ito banda sa aming boarding house. Di na kasi maganda ang aking pakiramdam noon. Pagpasok na pagpasok palang namin sa gate ng boarding house ay agad akong nagtatakbo paakyat sa aming kwarto.
Sa kwarto :
" Whooo!! Success!!". Sigaw ko.
Nakahiga na si Steve sa kanyang kama at tawang tawa nang makita akong lumabas ng cr.
" At dahil sa katakawan mo.. ayan hindi ka na natunawan!". Sarkastikong biro nya.
" E-eh ikaw naman kasi! Kung makaorder ka akala mo may bibitaying tao. Ayan! Ako yung nabitay bwisit ka!!". Bulyaw ko.
" Sorry na tol, alam ko kasing kaya mong ubusin iyon kaya sinagad sagad ko na..". Napangisi sya. " Nag enjoy ka ba?". Dugtong nya.
Umiling lang ako at napangiwi, nariyan na naman yung paghilab ng aking tiyan.
" Aaaarrgghh!". Pamimilipit ko sa sakin ng tiyan. " Baliw ka Steve!! Nilason mo ako!!". Sigaw ko.
" Haha! Nilason ka dyan.. yung seafoods ang nilantakan mo, halos ayaw mong magbahagi kaya yung veggie salad nalang ang kinain ko! Ayan buti nga sayo!". Sabay pakawala ng mapang asar na tawa.
" Aaaaarrgggh!! May araw ka rin!!!". Bulyaw ko sabay takbo ulit sa banyo.
Tumatawa pa rin sya.
-----
Kinabukasan :
Maaga akong nagising at bumangon sa aking higaan. Pagbaling ko naman sa higaan ni Steve, wala sya doon. Naisip ako na baka nauna na syang bumaba at nag almusal. Bumaba din ako at tinungo ang mess area kung nandoon ba sya na nag aalmusal ngunit wala akong nakitang Steve doon sa lugar. Tinanong ko rin sa caterer kung nagpunta ba sya doon pero ang sagot nya ay hindi. Agad akong bumalik sa aming kwarto.
( Guys? May tanong ako kung ano ba ang ibig sabihin ng POV? Hahaha bobo talaga ako sa math promise! Ito yata yung sinasabi nila na magpapalit ako ng character bilang si Steve? Tama ba? Haayyss 😅 )
Steve's POV:
Nagising ako kanina sa ring nang aking cellphone, mga alas tres ng madaling araw iyon. Agad akong bumaba sa aking higaan, dinampot ang cellphone at sa labas ko na sasagutin ang nasa kabilang linya. Bago ako lumabas ay tinitigan ko muna si Chander sa pagkakahimbing sa tulog. Napangiti pa ako dahil nakanganga sya habang naghihilik.
Sa Labas:
" Kuya?".
" Nasaan ka? Saan mo tinatago si Chander?".
" Si Chander? H-hindi ko sya tinatago! Ni hindi ko nga sya nahanap..". Pagmamaangan kong sagot.
" Pwede ba wag ka na magsinungaling Steve!". Pabulyaw nyang sagot. Nabingi pa ako dahil basag yung speaker ng phone ko.
" P-paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako sayo kuya?". Giit ko.
" Noong nakaraan! Tumawag ako sayo, hindi nya ba sinabi sayo? Sya ang sumagot sa tawag ko dahil tulog ka daw noong hapon na yun!".
Nagulat ako sa aking narinig. Tila ba binuhusan ang malamig na tubig ang aking ulo at nabingi ang tenga. Saglit akong natahimik.
" Si-sigurado ka ba kuya?".
" Kilala ko ang boses ni Chander! Alam kong si Chander iyon dahil mahal ko iyon! At ikaw.. Mang aagaw ka tanginamo!!". Bulyaw nya.
" K-kung si Chander ba iyon sa tingin mo ba ibibigay ko nalang ba sayo ng ganun ganon nalang? Tandaan mo kuya, ako ang dahilan kung bakit naging kayo ni Chander. Ako ang nagmamahal sa kanya! Ako ang unang nakilala nya at hindi ikaw!". Giit ko.
" Magkita tayo..". Mungkahi ni Kuya.
" Cole.. Uuwi ako dyan ngayon pero aalis ako agad!." Sagot ko sabay off sa cellphone.
Noong time iyon, nangingitngit ang aking bibig sa galit. Ang akala ko ba ay sa Amerika na sya maninirahan at kakalimutan na nyang wala na si Chander, patay na. Iyon kasi ang ibinalita ko sa kanya matapos ang isang aksidente na nangyare kay Chander at sya ang kasama nito ng maaksidente ito. At nasa Amerika noon si kuya ng malaman nya mula sa akin.
Bumalik ako sa kwarto at naligo, nagbihis at agad na nilisan si Chander na mag isa.
Nang makarating ako sa aming bahay ay agad na binati ako ng gwardya at mga katulong na nasasalubong ko. Derederetso akong tumungo ng hapag dahil doon itinuro ng mga katulong si kuya.
" Goodmorning tol!". Pauna nya na nakaupo at kumakain ng almusal.
Tinitigan ko lang sya habang paupo ako. Tahimik.
" S-so totoo nga pala talaga ang nabalitaan kong buhay ang mahal ko..". Nakangiti nyang sabi.
" Wala ka naman proweba!". Mahinang saad ko.
" Kumain ka kaya muna!". Alok nya.
" Hindi na, busog ako..".
Ngumiti lang sya. At tuluyan lang kumain. Iniwan ko sya doon at umakyat ako sa aking kwarto.
Itutuloy...