Ilang araw na ring hindi nagkikita sila Faye at Raphael. Busy sila sa kani-kanilang trabaho. Nagtatrabaho ngayon sa Philippine Hospital si Raphael, kasama sa kasunduan na papayag lang siyang maging doctor kung ang magiging assistant niya ay si Kuya Maki at Ton. Noong una ay di pabor ang ospital pero pumayag din ito sa kasunduang magreresign siya sa oras na magkamali sila ng team o magkaroon ng malpractice.
Sa classroom ni teacher Faye ay malalim itong nag-iisip habang nagbibigay ng pagsusulit sa kanyang mga estudyante. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya na isang anghel si Raphael.
Tap Tap Tap
Tunog lang ng ballpen ang nanggagaling sa table niya habang kinakatok ito. Maya-maya pa ay may mag-aaral na naglakas ng loob na lapitan siya.
"Miss, okay lang po kayo?"
"Ah eh oo naman anak ayos lang ako." nakangiti nitong sagot.
"Sinong lalaki ba kasi ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Maam?" tanong ng isa niyang kwelang mag-aaral..
"Sus. Pare-parehas lang ang mga lalaki, mga manloloko--" huminto siya sa bandang ito dahil hindi naman dapat ito ang sasabihin niya.
"Hay nako maam, di mo dapat iniiyakan yang mga lalaki, sakit lang yan sa ulo."
"T-teka lang ha, wala akong jowa okay? At bakit naman alam mong sakit lang sila sa ulo Natalie? Sige nga nagka-jowa ka na ba?"
"Maam, kayo lang naman ang nbsb dito sa room, yang mga yan may mga jowa yan di lang nagsasalita." dahil dito ay bumagsak ang masasamang tingin sa kanya.
"Ke may jowa o wala sige na magpasa na kayong papel." utos nito. Dumiretso siya sa may faculty room at nandoon ang kaibigan niya, si Teacher Ji.
Out of nowhere ay napatanong si Faye sa kaibigan.
"Ji, paano mo malalaman kung gusto ka ng isang lalaki? I mean, di niya sinasabi na gusto ka niya pero yung pinapakita niya is ganon." tanong nito, kumunot tuloy ang kilay ni Teacher Ji, nagulo tuloy ang pagkikilay niya.
"Sino na namang lalaki yan? Papaasahin mo na naman. Si Matt nga na pogi at matalino binalewala mo. Tell me the truth, mahilig ka sa panget?"
"S-Sandali, hindi ko naman sinabi na ako to! Meron kasi akong dating kaibigan, ako yung tinatanong niya about this matter, eh wala akong alam!" sagot nito habang namumula ang pisngi.
"Weh? Matagal na tayong magkasama wag mo akong inookray Faye ah."
"Oo nga pramis!" sambit nito.
"Nako lubayan mo ko, nanlalaki ang pango mong ilong, nagsisinungaling ka!" ani ni Ji habang nakatalikod kay Faye at biglang pinisil ang ilong nito.
"Ang sama mo naman sa ilong ko! Okay. Fine. Sige." sambit nito habang malungkot na nakayuko. Maya-maya pa ay sumandal na siya sa braso ng kaibigan na parang pagod na pagod.
"Tingnan mo, dali na ikwento muna. First time mong naging curious sa isang lalaki himala, may feelings ka na rin ba?" tanong nito habang hinahagod ang buhok ng kasama.
"Hindi ko alam. Ang cold niya kasi sa iba kahit naman sakin, pero may mga times na parang jowa na siya sa sobrang sweet at caring."
"Well, check mo muna dahil yang mga ganyan ay pafall lang."
"Di naman siguro, wala pang nagiging jowa eh, tsaka alam mo ba maraming babae ang naghahabol don, palibhasa pogi, pero di ko naman habol yon, ang bait kasi niya lalo sa mga bata." kwento ni Faye habang nakangiti ng bahagya. Nakikita ito ni Ji, kung gaano siya kasaya ngayon, yung mga dati kasing nainvolve sakanya na lalaki ay puro problema lang ang dulot.
"WOW. Can I see him? Tingin nga kung pogi talaga." pagpipilit ni Ji habang nakikipag agawan sa cellphone ni Faye. Sinubukan ni Faye na pigilan pero na open na nito ang gallery.
Bumungad kay Teacher Ji ang larawan nila ng mga bata, pero na sa malayo ang isang lalaki, na mukhang modelo, maputi, matangkad at matangos ang ilong, mukha itong anghel sa deskripsyon niya.
"Shuta! Ang pogi! Jackpot ka ghorl."
"Hoy ! Hindi naman.".
"Pero bakit mas mukhang bata siya sayo? Losyang ka lang te kesa sakanya?"
"Baliw ka. Im older than him, 2 or 3 years yata? Ewan basta alam ko mas matanda ako." sambit nito.
"Oh my God! Ang baby pa pala."
"Search mo siya sa YouYube, makikita mo dali." pinindot ni Faye ang YouYube at lumabas na nga ang video patungkol kay Raphael. ang binatang doctor na walang lisensya.
Nawindang si Ji, kaya nagtanong ito kay Faye. "Sandali, sa edad niyang yan isa syang doctor? Pero walang license? How come?"
"Yun na nga, sabi lang niya alam niya ang medicine, pero wala na man siyang patunay na nag-aral siya nito. Niligtas na rin niya ang tatay ng student ko one time. No doubt, magaling talaga siya."
"Check mo oh. Kasama na siya sa line up ng mga doctor sa PH, oh my God talaga! pure jackpot ka Faye."
Gusto ko lang magpasalamat sa mga reader ko na patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa nobelang ito. Ang nobelang ito ay isa lamang pong imahinasyon, lahat ng tauhan at paksa ay gawa-gawa lamang. Ngayong na sa community quarantine po tayo ay hinihikayat ko kayong magbasa ng mga libro, manatili lamang po tayo sa bahay at mag-ingat palagi. Malalagpasan din po natin itong virus kung sama-sama tayong susunod sa batas. Ano mang suhestiyon at komento ay aking tatanggapin. Thanks!