webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

NANAY LISA, TATAY RICARDO

Habang na sa emergency room sila Raphael ay bigla niyang tinanong ang dalawa.

"Maki, nakipag-date ka na ba?" seryosong tanong ni Raphael.

"Ha?" nanlaki ang mata ng dalawa sa tanong ni Raphael.

"Oo date. Nagawa niyo na ba yon?"

"T-teka hindi ka pa pala nakikipag-date?" tanong ni Kuya Maki habang nakakunot ang noo nito. Si Ton naman ay kaunti na lang ay bubulwak na ang bibig kapipigil sa pagtawa.

"Ganito, kapag nag-date kayo kakain kayo sa labas, maglalakad, o kaya naman maglalaro. Depende sa kasama mo, mas maganda na sundin mo ang gusto niya kesa sa gusto mo."

"Yun na yon?"

"Oo yun na yon! Tapos ganito, ang pinaka-mahirap na part yung kakainan niyo. Ang isasagot ng mga babae na yan, kahit saan, pero ang totoo may gusto silang kainin talaga na dapat alam mo." paliwanag ni Ton.

"Ah ganon, pano ko naman malalaman eh di ko nga alam?"

"Makinig ka kasi! Ikaw ang aalam niyan boy!" tapik ni kuya Maki sa braso nito.

"Sandali nga... sino pa lang ka-date mo? pambihira tagal na nating magkakasama ngayon ka lang haharot! aba naman talaga." sabi ni Kuya Maki.

"Anong haharot? Hindi ko naman kasi alam yung mga ganito ganyan sa mundo niyo-- I mean nakalimutan ko lang dahil sa aksidente." muntikan na niyang mabanggit na isa siyang anghel.

"Alam mo Rap, kailangan mo muna nga talagang makipag-date masyado nang lusaw yung utak mo ha, galingan mo sa date! Support ka lang namin ni Kuya Maki!" pabirong sabi ni Ton habang si Raphael naman ay tuluyan nang lumabas.

"May chismis na lumalabas daw yan tsaka si doktora." kwento ni Ton sakanyang kuya.

"Hmm. Apakaswerte naman! Sobrang ganda kaya at sobrang sexy ni Doktora! buti na nga lang di natanggal si Raphael sa ospital na ito kung hindi , di ko masisilayan--" huminto si Kuya Maki sa sinasabi niya dahil kadadaan lang sa harap nila ng magandang doctor. "si doctora araw-araw hmmmm ang bango-bango pa."

"Nako po pinairal mo na naman pagiging manyak mo. Kasasabi lang kanina ni Rap diba na may date siya? Baka kay doktora yon kaya please lang--" piningot ni Maki si Ton

"Ano yon?"

"Please lang ang sakit! Aray! gsjshsbshss/2="

Gamit ang kanyang bagong kotse na bigay ng ospital ay tinungo ni Raphael ang bahay nila Faye para yayain ito ng date. Ang alam niya simpleng kain at labas lang ito. Hindi niya alam na ang date ay sineset sa mga naghahanap ng relationship at para makilala ang isa't-isa. Wala tuloy malay ang dalaga na tototohanin ito ni Raphael.

"Tao po!" malakas ang tahulan ng mga aso nila Faye sa labas ng kanilang bahay. Kauuwi pa lang niya galing sa school at natulog ng mga labing-limang minuto. Nagising lang siya sa ingay ng mga tahol.

"Ano po doggos! Ang ingay niyo naman!" sigaw niya sa mga ito habang nakatakip ng unan ang buong ulo.

"Faye! May bisita ka yata ,wala akong naka-schedule ngayon!" sigaw ni Jennie habang nakababad sa computer. Bumalik din siya agad sa computer at ikinabit ang headset.

Pinagbuksan ng gate nila Mama Lisa at Tatay Ricardo si Raphael.

"Halika! Halika rito iho ano gang kailangan mo? Tuloy dali!" pagyaya ni Tatay Ricardo.

"Maraming salamat po. Hinahanap ko po si Teacher Faye."

"Ah si Faye, nandiyan lang yon sa loob. Magpapa-tutor po kayo ng anak?" tanong ni Mama Lisa. " Teka lang, parang namumukhaan kita dati sa probinsya."

"Mama, siya yung sikat na doctor na pinapalabas sa TV!" bulong nito kay Mama Lisa.

"Ah ha ha wala po akong anak. May date po kasi kami ngayon ni Faye, susunduin ko po siya." habang nakakamot sa buhok.

"Date raw ma? Nako doc tama po diba ? Halika pumasok kayo sa loob at uminom ka muna ng gusto mo rito! Jusko si Faye pambihirang bata may date pala bakit hindi pa kumikilos!" ani ni Tatay Ricardo.

Sa loob ng bahay nila ay nakahiga si Faye sa may sofa, gulo-gulo ang buhok at may tulo-laway pa. Naabutan ito nila Raphael na natutulog pa habang naghihilik.

"Ay maawing Diyos! Ricardo gisingin mo nga yang anak mo!" sigaw nito. Pagkamulat na pagkamulat ni Faye ng mata ay bumungad sakanya ang gwapong-gwapo na si Raphael, nakabihis ito ngayon at umaamoy ang malakas na pabango.

"Hello!" bati ng binata sa dalaga.

"Bakit ka andito?" mabilis na pinunasan ni Faye ang laway at biglang nagtali ng buhok.

"Sabi mo mag-date tayo? yayayain sana kita ngayon." seryosong sagot ng binata.

"Ha? Pambihira naman dapat nagsabi ka ng maaga o kaya nagpa-schedule muna. Teka nga muna, bakit ka makikipag-date? " pagtataka ni Faye.

"Wala lang, diba sabi mo kasi gusto mo non."

Napa pace falm na lang si Faye, bakit ba kasi sinabi-sabi pa niya yung date na yon sa isang angel na wala namang alam sa ganitong bagay. Hindi bale, hindi naman niya matitiis si Raphael.

"Sandali lang, maliligo lang ako ha!" mabilis siyang nagtungo sa CR.

Sa may kitchen ay naghahanda ng inumin si Mama Lisa. Kausap nito ang kanyang asawa tungkol sa anak nila at kay Doc.

"Ano may narinig ka ba sa pinag-usapan?" tanong ni Mama Lisa.

"Wala akong marinig masyado, ang napakinggan ko lang puro date, date."

"Hay nako matanda ka na! bigay mo muna tong kape sa magiging manugang naten!"

"Jackpot ang anak naten jan! Biruin mo doctor na tapos napaka-gandang lalaki pa." ani ni tatay Ricardo.

"Iho magkape ka muna oh." alok ni Tatay Ricardo sabay bulong dito. " Wag kang mag-alala iho! botong-boto kaming dalawa ng nanay mo sayo ! pwede mo na kaming tawaging nanay at tatay!"

"Po?"

Hi, how's your day readers? Thank you so much for supporting my novel. I hope we can do a little chat! Lets have a conversation in my comment section below!

ManilaTypewritercreators' thoughts