Maingay ang loob ng faculty room nila Teacher Faye, bukod kasi sa kumakalat na balita sa sakit ay ang kumakalat na larawan ni Doc Raphael kasama ang isang babae sa may Intramuros. Naging internet sensation nga si Doc matapos iligtas ang matanda sa LRT.
"Alam mo Faye, may hawig kayo ng babae na to!" sigaw ng principal habang pinagmamasdan ang babaeng naka-blurred.
"Parang hindi naman Principal, katulad ng damit sige pero hindi idedate ng poging doctor na yan yung katulad ni Teacher Faye~" sabat ng isang inggiterang teacher.
"Ano ka? Baka magulat ka pag sinabi ko sayong~" ani ni Teacher Ji pero napigilan siya agad ni Faye.
"Nako sa panaginip ko po! Tara na nga makapag-break na. "
Natapos na ang klase at pauwi na ang dalawang teacher.
"Nag-iinit talaga ulo ko sa bwiset na Belinda na yan, akala mo kung sinong maganda, eh ang pangit naman ng jowa niyang mayaman." gigil na sabi ni Teacher Ji.
"Ano ka ba, ayos lang naman ako besides alam naman naten ang totoo!" ani ni Faye habang kinikilig
"Bruha ka! Oh my God! So ano na nga?" tanong niya nang may kasamang konting pagtalon at konting pagyanig dahil may katabaan si Teacher Ji.
"Lumabas kami nung isang araw. As usual nanood ng sine, nag-arcade at nag-bike sa Intramuros. Para kaming teenager na walang alam sa landian." kwento ni Faye
"So ikaw nga yun! Jusko napaka-swerte mo te ghorl! Eh daming gustong jumowa sakanya sa internet eh."
"Ewan ko. Ganda ko ba? Joke lang. Pero alam mo ba hindi ko sure kung gusto niya ako." biglang bumaba ang tono ng boses ni Faye.
"Oh bakit naman?"
"Paano ko ba explain sayo, basta complicated. Nag-kiss na nga kami eh, wala akong malay non, hindi ko sakanya sinasabi na alam ko, pero parang wala lang sakanya."
"Sa sinehan niyo ginawa? Nako Faye ha baka iba intention niyan. Baka naman playboy si Doc?!"
"Hindi eh, dahil siguro. Ah ewan ko! mauna na ako Teacher Ji!" paalam ni Faye at naghiwalay na sila ng landas dalawa. Sa daan ay bumisina si Raphael kay Faye.
"Hatid na kita." binuksan nito ang pinto ng sasakyan at pinatuloy si Faye. Nagtungo sila sa may malapit na coffee shop malapit sa bahay nila Faye.
"Napadaan ka bigla. May importante ka bang sasabihin?" tanong ni Faye habang sagad sa buto ang kanyang ngiti pero nakasimangot naman ang binata.
"Hmmm. Gusto ko lang sabihin na huwag mo nakong kontakin kahit kelan. Putulin na natin yung ugnayan natin."
"Ano? Bakit? Hindi ko naiintindihan? Paliwanag mo sakin? Dahil ba to sa nangyari sa may Intramuros? Ano sumagot ka?"
"Ganon ka ba kahalaga para pag-aksayahan ko ng oras? Sabihin mo nga sakin? Isa ka lang namang tao." nagbitaw ng masasakit na salita si Raphael pero hindi papatinag si Faye.
"Anong sabi mo?! Eh ano yung halik na yon? So, may gago pa lang anghel? Paasa? Pagtapos kang pagkatiwalaan biglang mang-iiwan!" galit na sabi ni Faye.
"May mission ako sa lupa Faye, hindi ko priority ang magmahal ng taong katulad mo. Alaala lang ni Miguel ang pilit na gumugulo sa utak ko kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Ilang araw na lang babalik na ko sa langit. Kalimutan mo na ako."
"Ano? Naiintindihan mo ba yung sinasabi mo? Nagsisinungaling ka diba? Kasalanan yon! Bakit ba kasi naniwala ako na gusto mo ko? Ako lang pala yung ganon! Sabagay, oo nga pala! Anghel ka nga pala. Kailanman hindi pwedeng magsama ang anghel at tao diba?! Huwag mo sakin idahilan si Miguel, dahil ikaw na ngayon yan, ikaw si Raphael!" huling salita ni Faye bago iwan ang kasama sa coffee shop.
Nagtatakbo ito pauwi sa bahay pero hindi siya pinipigilan ni Raphael. Inubos lang ni Raphael ang kanyang kape at agarang umalis.
Si Teacher Faye naman ay nagmukmok lang sa kwarto. Umiiyak nang pagkalakas-lakas. Sa dami ba naman kasi ng manloloko sakanya, anghel pa, at ito ang unang pagkakataon na nagtiwala siya sa isang lalaki.
Akala niya kasi ay ipaglalaban ni Raphael ang nararamdaman nila, pero siya lang pala itong pilit na umaasa at baka nga lipas-oras lang siya ng Doctor.
Binuksan niya ang kanyang cellphone at bumungad sakanya ang larawan ni Raphael at ni Krystal sa isang hotel. Magkasama ang dalawa na nagcheck in. Nagkakagulo tuloy ang mga tao sa balitang ito sa internet. Maraming nagsasabi na bagay ang dalawang doctor dahil parehas naman sila ng trabaho at maganda't pogi.
Lalo tuloy nagulo ang isip ni Faye. Kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Ngayon ka na nga lang magmamahal ganito pa sa isip-isip niya.