(Hereux Academy, next day)
(Laurrie's POV)
"LAURRIE, can you please bring these workbooks to the Main Building, dun sa faculty room ng Mathematics Department."
Umagang-umaga pa lang pero utos na ni Ms. Salazar ang sumalubong sa akin. Kunsabagay, ano pa bang bago dun? Student assistant ako kaya natural lang na utus-utusan ako ng mga teachers dito. Hindi naman ako puwedeng tumanggi sa kanila dahil tiyak na goodbye scholarship ang magiging ending ko sa school na ito. Haay.
"Yes, Ma'am." sabay kuha ko sa mga workbooks na hawak ni Ms. Salazar. Mula sa Fourth Year Building ay naglakad ako papuntang First Year Building. May janitor kasing nakapagsabi sa akin na shortcut daw ang building na yun papunta sa Main Building.
Nung nasa entrance na ako ng First Year Building ay bumaba na ako ng hagdan. Habang tinatalunton ko ang daan pababa ay may humarang sa aking tatlong babae na sa unang tingin pa lang ay mukha nang mga maldita. Blonde ang isa habang chinita naman yung kasama niya. At yung babae sa gitna nila, despite on the fact that she's morena ay maganda naman siya. Overall, para silang mga new version ng Mean Girls. Si Lindsay Lohan na lang ang kulang para maging convincing ang drama nila. Ehehe.
"B-bakit?" kinakabahan kong tanong sa kanila.
"Are you lost?" tanong sa akin nung babaing nasa gitna.
"H-hinahanap ko kasi yung----"
"Or are you just stupid?" sabay ngiti ng masama sa akin nung babaing nasa gitna. "I mean, there's nothing wrong of being tanga, ha. Just don't be paharang-harang because some of us has a place to be."
See. Tama ang hula ko. Mga maldita nga sila.
"P-pasensya na." ang tanging nasabi ko na lang. Mahirap kasing patulan ang mga tulad nilang makikitid ang utak. Tsaka ayoko ng gulo.
Naunang naglakad paakyat ang dalawang babaing kasama nung babaing nasa gitna. Inirapan lang niya ako sabay lakad niya paakyat. Binangga pa nga niya ako, dahilan para mapaupo ako at tumilapon ang hawak kong workbooks. Agad kong pinulot ang mga nagkalat na workbooks.
Nang biglang.....
"Did you just pushed me?!" singhal nung morenang babae sa akin. Eeh? Problema nito? Di ko siya inaano ah!
"H-hindi." naguguluhang sagot ko.
"Do you know who's you're messing with, huh?!" sigaw pa niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata niya sa galit. "Bakit? You're just scared of me? Well you should be because I can be your worst nightmare! Bwisit!" at padabog siyang naglakad palayo sa akin. Imbis na isipin ko pa ang mga sinabi niya ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagpupulot ng mga nagkalat na libro.
Until.....
"Are you okay, Miss?"
Hindi ko pinansin yung nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagpupulot ng mga libro.
"Miss?"
* silence *
"Yohoo! Miss Laurrie Mendoza, are you okay?"
"Sino ka bang mak---" at natigilan ako nang bumungad sa akin ang isang maputi, matangkad at magandang babae. She's wearing a skinny jeans and purple blouse.
"Hi!" magiliw na bati niya sa akin. Eeh? Ako ba talaga ang kinakausap nito? As in? Sa buong buhay ko kasi na nandito ako sa Hereux Academy ay ngayon lang may naglakas-loob na kausapin ako. Usually, kinakausap lang ako ng mga schoolmates ko kapag trip nila akong i-bully. Tulad na lang ng ginawa ng tatlong mean girls na yun kanina.
"A-ako ba ang k-kinakausap mo?" nauutal na tanong ko sa kanya, pano kasi, nakakatulala ang kagandahan niya. Kung lalaki lang ako, baka kanina pa ako na-love at first sight sa kanya. Haay.
"Yes. Ikaw nga ang kinakausap ko." and she smirked at me. "Anyways, I saw what happened kanina. Pagpasensyahan mo na lang ang mga babaing yun, ha. Matagal na kasing bastos at walang manners yung mga yun, since birth pa." at humagikgik siya na parang baby. Uwaah! Ang cute mo naman, atii!
"H-hindi. Okay lang. Haharang-harang kasi ako sa dinadaanan nila." nahihiyang sagot ko.
"No! Wag na wag kang papayag na api-apihin ka ng mga tulad nilang walang kwenta. And besides, pag-aari ba niya ang hallway para umasta siya ng ganun?" sabi pa ni Miss Ganda. Haay. Kung ganun lang sana kadali yung iniisip mo. Ang kaso lang, hindi. Huhu. Ba't kasi napakaduwag ko?
"Anyways, I'm Charlize." sabay lahad niya sa kamay niya para makipag-shakehands. "Nice meeting you, Laurrie."
"I-ikaw rin." at bantulot kong iniabot ang kamay ko sa kanya. Nag-shakehands kami at natuwa ako pagkat napakalambot at napakakinis ng kamay niya. Saglit lang kaming nag-shakehands at ako na mismo ang bumitiw, pano kasi, sobrang nahihiya na ako sa kanya.
"S-sige, mauna na ako sayo ha." sabi ko sabay lakad ko na sana pababa nang bigla niyang tapikin ang likod ko.
"B-bakit?" alanganing tanong ko.
"Last na lang. Can we be friends?" sabi niya, dahilan para biglang mawindang ang buong pagkatao ko. Seryoso? Siya na maganda at mayaman....makikipagkaibigan sa gaya kong dukha, poorita at scholar?
"S-seryoso ka?" - Ako.
"Yes. I'm serious. So please, be my friend na." and she pouted her lips cutely.
"Ah, e-eh.....s-sige na nga. Friends na tayo." alanganing sagot ko.
"Yay! Thank you, Laurrie!" at naglululundag siya na parang bata. Haay. Ang cute talaga niyang tignan.
Saglit lang kaming nagkausap dahil agad na rin siyang umalis. Dumiretso na rin ako sa First Year Building para ibalik ang workbooks na pinapadala sa akin ni Ms. Salazar sa faculty office. Although I felt weird kanina kay Miss Ganda este Miss Charlize, natutuwa naman ako dahil mabait siya at very bubbly. Wish ko lang na sana'y dumami pa ang mga tulad niya na makikilala ko dito sa school at mabawasan na rin ang mga students na nam-bu-bully sa akin.
(Tulips Garden/Fourth Year Building, lunch break)
(Laurrie's POV)
ABALA ako sa pagkain sa favorite place ko dito sa school: ang Tulips Garden. Tahimik at maaliwalas kasi ang lugar na ito tapos ito lang yung lugar na walang katau-tao kapag lunch break. Karamihan kasi sa mga estudyante dito ay sa cafeteria kumakain. At ang presyo ng mga pagkain dun ay katumbas ng presyo sa isang five star hotel. Kunsabagay, barya lang naman sa kanila yun.
Mula sa garden ay tanaw na tanaw ko ang Headquarters ng Upper East Side Club. Dahil gawa sa pure glass ang bintana ay kitang-kita ko ang mga ginagawa nila. Si Courtney, nagbabasa. Si Kyle, naglalaro ng mobile games sa smartphone niya. Si Timothy naman ay nakikinig ng music habang si Raffy ay tumutugtog ng violin. At si Derrick naman ay kumakain. Yung Headquarters kasi ang nagsisilbi nilang tambayan kapag lunch break. Hindi sila kumakain sa cafeteria dahil may nagdadala na ng pagkain nila sa headquarters.
Haist. Napaka-biased talaga ng school na 'to pagdating sa kanila. Ba't kaya nakakakuha ng special treatment ang mga yan samantalang pare-pareho lang naman kami---este sila ng binabayarang tuition fee?!
Haay naku, Laurrie! Wag mo na ngang intindihin ang mga taong yan! Mas lalo lang iinit ang ulo mo kapag inisip mo pa ang mga tulad nila!
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa Fourth Year Building. Habang naglalakad ako ay may humarang na naman sa aking mga babae. Okay. Ano na naman kaya ang pakay sa akin ng Mean Girls No. 2 na 'to?
"She's the one."
"Really? This scholar?" sabay duro sa akin ng isa sa kanila.
Okay. Ano na namang kasalanan ng scholar na tulad ko sa mga rich kid na gaya nyo?
"Ba't ka kausap kanina ni Miss Charlize?"
"H-ha?" - Ako.
"Sino ka para kausapin ang Miss Charlize namin?!"
"Oo nga!
"Not only that, girls! Dahil nung first day of school, kasabay siya ni Young Master Raffy!"
"OMG! How dare you, filthy scholar!"
"Sino ka sa tingin mo para sumabay sa Young Master Raffy namin?!"
Sino ako para kausapin si Miss Charlize at sino ako para sumabay sa Young Master Raffy nyo slash tisoy ko? Ako lang naman ang best friend ni Miss Charlize at girlfriend ni Tisoy!
Char. I'm just kidding. Ehehe.
"H-ha? W-wala, k-kinausap lang ako ni Miss Charlize. Tsaka yung tungkol kay Raffy, n-nakisakay lang ako sa kotse niya." sagot ko.
"Imposible! Ang isang dukhang tulad mo, kakausapin ni Miss Charlize at pasasakayin sa car ni Young Master Raffy!"
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa mga sinabi ng babaing yun. Nilapitan ko siya at tsaka sinabunutan. Pinagtatatadyakan ko sila hanggang sa napaluhod sila sa harap ko at paulit-ulit na humihingi ng sorry.
Char ulit. Nananaginip na naman ako ng gising. Haay. Kung pwede lang sana, ginawa ko na. Ang kaso lang, kapag pinatulan ko sila, automatic goodbye Hereux na ako nito. Nyaaa!
Lalagpasan ko na sana sila nang biglang hawakan ng isa sa kanila ang braso ko habang yung tatlong kasama niya ay pinalibutan kami.
"A-aray." mahinang sabi ko habang namimilipit ako sa sakit na dulot ng pagkakahawak nung babae sa braso ko.
Anak ng kamote naman oh. Napagtrip-an na ako kaninang umaga tapos meron na namang kasunod?
Uwaaa!
Help! Somebody! Anybody! Help!
Until.....
"Excuse me."
Ngi? Dininig agad ang wish ko?
Napalingon ako dun sa nagsalita. Agad naman akong binitawan nung babae na halatang gulat na gulat. Napatingin ako dun sa nagsalita at nagulantang ako nang makilala ko kung sino siya.
Si Miss Charlize.
"M-Miss Charlize!"
Hindi sila pinansin ni Miss Charlize at nagtuluy-tuloy lang ito sa paglalakad palapit sa akin.
"Hi, Laurrie! Mabuti na lang at nakita kita dito. Anyways, I have a gift for you. Hope you like it." sabay abot sa akin ni Miss Charlize sa isang malaking paper bag. Ano kayang pumasok sa utak niya't binigyan niya ng regalo ang isang gaya ko?
"S-salamat." at umalis na ako sa hallway habang kitang-kita ko ang gulat na pagmumukha ng mga babaing yun.
Oww-kay.
Niligtas na naman ba ako ni Miss Charlize?
Habang naglalakad ako pabalik ng classroom ay napansin kong sinusundan niya ako, dahilan para mapahinto ako sabay tingin ko sa kanya. She's smiling at me. Yung totoo? Tao ba talaga itong nasa harapan ko o isang anghel?
"S-sinusundan mo ba ako?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Yup. Actually, you forgot this. Naiwan mo yata sa hallway kanina." sabay abot niya sa akin ng panyo ko. "Mauna na ako sayo ha. See you around, gorgeous." sabay kindat niya sa akin bago siya naglakad palayo. Naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala.
Si Miss Charlize?
T-tinawag akong g-gorgeous?
A-as in?
O baka naman binobola lang ako ng isang yun.
Tama. Pinagti-trip-an lang niya ako. Oo. Ganun na nga.
Pero sa isang banda, nagpapasalamat na rin ako sa kanya dahil niligtas na niya ako sa mga bullies na yun.
Sana ay pagpalain si Miss Charlize sa kabaitan nila at sana'y dumami pa ang mga tulad niya sa mundong ito.