webnovel

Chapter 8 - Lawyer's Oath

(Jaycee's PoV)

"Naka-usap ko ang nag-imbestiga sa kaso." Pagsisimula ko upang ipaalam sa kanila na alam ko na ang mga nangyari base sa resulta ng imbestigasyon.

Kausap ko na ngayon si Echo at ang girlfriend niyang si Jia dito sa kulungan. Isang linggo na rin mula nang makauwi ako.

Ngayon ang araw na opisyal akong abogado ni Echo matapos kong ilakad ang mga papeles para maging ganap na abogado sa Pilipinas.

Napa-tingin sa 'kin si Echo.

Bakas sa mukha niya ang pagka-balisa dahil sa mga nangyari. Malumanay niyang sinagot ang aking sinambit.

"Kahit siguro ulit-ulitin nating alamin ang resulta ng  imbestigasyon ng mga pulis, wala na ring silbi kasi mali naman."

Ibang-iba siya ngayon kesa sa dating Echo na palabiro. Halos natutulala na lang siya sa pagharap sa 'min.

Pinagmasdan ko siya nang may simpatiya at malumanay kong sinagot ang kaniyang tinuran.

"'Wag sana tayong mawawalan ng pag-asa pinsan."

"Pero pa'no kung mabigo ulit ako?"

"Hindi 'yun mangyayari."

Hindi siya umimik.

"Nawawalan ka na ba ng pag-asa loves?"  Pag-aalala ni Jia.

"Ayoko nang umasa sa wala."

Pinagmasdan ko siya.

"Pinsan, andito kami! Hindi ko hahayaang mangyari 'yan. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nakakalaya. Hindi ako papayag na makulong ka sa kasalanang hindi mo naman ginawa."

"Nangako rin dati si---"

"Si Graciella na naman?" Sambit ni Jia na medyo tumaas ang kaniyang tono.

Napatingin ako sa kaniya ngunit agad kong ibinalik ang tingin ko kay Echo nang maalala kung sino siya.

"Si Graciella 'yung babaeng kasama mo nung mangyari ang insidente."

"At ang parehong babaeng nangakong susunod sa presinto para tulungan si Echo na magpaliwanag sa mga pulis pero hindi na nagpakita. Ni anino wala!" Sabat ni Jia.

"Sa imbestigasyon, hindi mo siya kasama," sambit ko kay Echo.

"Malamang!" sabat ni Jia.

"Kung nagawa ng totoong killer na i-frame up si Echo, siguradong makakagawa rin siya ng paraan para itago si Graciella sa eksena," dagdag pa niya.

Napakunot-noo ako habang nalilito sa mga sinasabi ni Jia.

"Teka nga, can you elaborate it? Ba't sino ba ang killer?"

"Did you see who?" Sabay tingin ko kay Echo.

Naka-tingin lang siya sa 'kin. Samantala, napansin kong  napa-masid si Jia sa paligid saka siya pabulong na nagsalita.

"Ang tunay na killer ay si Stanley Montero."

Napatingin siya kay Echo.

"Tama ba loves?"

Tumango lang si Echo habang nakatingin sa malayo. Muling napa-tingin sa 'kin si Jia at hinintay ko ang mga susunod pa niyang sasabihin.

"Tito ni Graciella si Stanley Montero. Kaya malakas ang kutob kong pinagtakpan na niya ang tito niya kaya hindi na siya sumunod dito para magbigay ng statement. Nagkakampihan sila dahil kagaya ng tito niya, wala rin siyang konsensiya," inis na sambit ni Jia.

Napatingin ako kay Echo. Na-gets naman niya agad that I'm demanding for some further explanation.

Binalikan niya ang mga nangyari mula sa parte kung saan ang tawag ko nung oras na 'yun ay naputol. Nasabi niyang nagpunta pa sila sa room na kinaroroonan ng biktima.

"Marami pa kasi'ng nangyari pagkatapos marinig ang putok ng baril. Pinatawag kami ng manager para kausapin."

Hindi siya nakatinging nagku-kwento ngunit mahahalatang inaalala niyang mabuti ang mga nangyari.

"Dumating ang media paglabas namin kaya nagtago kami sa opisina namin para umiwas sa kanila. Duguan kasi nun ang damit ko."

"Pa'no'ng---"

"Pagpasok ko sa room na kinaroroonan ng biktima, buhay pa siya nun. Bigla niya akong kinwelyuhan kaya nalagyan ng dugo ang damit ko."

Napa-tango ako habang nakikinig mabuti.

"Gusto kong masabi agad sa mga pulis ang taong nakita naming may-gawa nun. Kaya't kinailangan naming mag-isip ng paraan para makapunta sa crime scene at makausap ang mga pulis."

Kinwento niya na sa puntong 'yon kung saan magbibihis siya, nagpaalam si Graciella na lumabas. Dun siya may nakitang baril sa kaniyang locker at bigla na lang niyang nakita ang mga pulis na nasa loob na rin ng opisina.

"Nangako si Graciella. Nangako siya na susunod siya rito para linisin ang pangalan ko. Na sasabihin niya ang totoo. Pero...pero hindi siya sumunod."

Kitang-kita ang frustration niya ngayon. Napa-kuyom pa siya ng kamay.

"Ano sa tingin mo ang dahilan bakit hindi siya sumunod?"

Hindi siya agad nakasagot at napaisip lang siya.

"Sa umpisa pa lang ramdam ko na. Ayaw talaga niyang ilaglag ang tito niya. Nag-usap kami bago kami ipatawag ng manager. Halos kailangan ko pa siyang kumbinsihin para aminin namin ang totoo."

"Walang puso ang babaeng 'yun. Maitim ang budhi niya. Sa bagay, what can we expect? It's in their blood," pagalit na dagdag ni Jia.

Naiintindihan ko siya kung puro pangit ang sinasabi niya against that Graciella. Maging ako, nagsisimulang makaramdam ng negative feelings toward that girl para sa ginawa niya sa pinsan ko.

"Sinubukan ko siyang tawagan. Araw-araw nag-iiwan ako ng message, nakikiusap na magsalita siya baka sakaling kapag dalawa sila ni Echo na tumestigo, mas makikinig ang korte. Pero hindi siya sumasagot. Wala talaga siyang pakialam."

"Wala ka bang pwedeng i-kaso sa kaniya sa pananahimik niya?" Sambit ni Echo kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sinabi niyo ba sa mga imbestigador na witness si Graciella?"

"Sinubukan ko pero hindi nila tinanggap dahil wala akong maipakitang ebidensiya."

"Wala bang pwedeng i-kaso sa babaeng ayaw tumestigo?" Tanong ni Jia.

"Meron naman. Pero kailangan muna ng ebidensiya na testigo nga siya."

Sinubukan kong balikan ang mga na-ikwento ni Echo. Napatingin ako sa kanila nang maalala ko ang manager.

"Nasabi mo na pinatawag kayo ng manager," sambit ko kay Echo.

Napa-tango siya.

"Nasabi mo rin na kasama mo pa si Graciella na pumunta kay Manager."

Muli siyang tumango.

"Kung ganoon, pwedeng makatulong ang statement ng manager."

"Pero wala na si Manager. Nag-resign na siya at wala ring nakakaalam kung nasaan siya," sagot ni Jia.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Posible kayang may kinalaman ang kaso sa biglaan niyang pagre-resign?

"Bakit nga pala niya kayo nun pinatawag?"

"Para bilinin kaming 'wag na 'wag kaming magsasalita sa media tungkol nangyari para mabilis mawala ang isyu. Bilin daw kasi ng may-ari ng hotel."

Tumango lang ako habang napapaisip.

"Ah basta! Lahat ng nangyayari kay Echo, dahil 'yun kay Graciella. Kasalanan niya 'to. Tapos na dapat 'to kung ginawa lang sana niya ang tama."

"You're with me on that!" Pagsang-ayon ko. Sa nakikita ko, malaki ang accountability ng nangngangalang Graciella sa nangyayari ngayon. Her statement matters here.

Bilang isang abogado na walang ibang gusto kundi magbigay ng hustisya at maglabas ng katotohanan, nagsisimulang bumigat ang pakiramdam ko sa kaniya. She don't deserve freedom.

"Don't worry Jia," sambit ko habang naka-tingin sa kaniya.

"'Wag kayong mag-alala," muli kong sambit at inilipat ko ang tingin ko kay Echo.

"Naniniwala ako sa'yo Echo because I heard that you and Graciella are really together during the incident. I even heard her voice when we were talking over the phone. So if she won't speak before truth, we will look for a whole to sue her until she herself is in prison."

Napa-ngisi si Jia.

"Humanda siya!" Mariing sambit niya.

Nakita ko ang pag-korteng kamao ng kamay ni Echo. Maluha-luha siyang nagsalita but still in a tough voice.

"Mabuti pa ngang magkita na lang kami sa kulungan kesa malaya siya sa labas habang ako, nagdurusa dito."

"Mabuti na lang at may pinsan si loves na lawyer," sambit ni Jia habang nakatitig sa aking mga mata.

I suddenly felt uncomfortable kaya umiwas ako ng tingin.

But I'll really take my word. Hindi ko hahayaang may ma-agrabyadong kahit sinong kadugo ko.

"Jaycee," sambit ni Jia.

Wala akong choice kundi mapa-lingon sa kaniya.

"Ibibigay ko sa 'yo ang number ni Graciella. Baka sakaling may magawa ka para mapagsalita siya."

Tinignan ko si Echo. Kita ko sa kaniyang mga mata kung paanong unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa.

"Sure! Leave this one to me," determinado kong sagot.

"Kung hindi niya tutulungan si Echo, ako at ang batas ang makakabangga  niya."

Kita kong ikinatuwa ito ni Jia.

"I know you Attorney. Hindi ka marunong tumigil para sa katotohanan at hustisya. I'm sure, hindi siya uubra sa 'yo."