webnovel

Chapter 2: Walk

(Aron's POV)

Uwian na sa school kaya lumabas na kami ng campus, sinundo si Erick ng driver nila at ako naiwan mag-isa maglakad. Unlike Erick di kami ganun kayaman, may kaya lang ang pamilya ko saka mas prefer ko din maglakad para makabili bili ako ng mga street foods na madadaanan ko. Nagsimula na akong maglakad papauwi habang naglalakad may napansin akong nagtitinda ng fishball, chineck ko yung wallet ko kung may laman pa.

Aron: Ayos! May pambili pa ako

Dali dali akong lumapit sa nagtitinda ng fishball at bumili ng fishball at palamig. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kumakain. Habang naglalakad napansin ko yung isang babae na nakaupo sa bench sa tabing kalsada, kumakain ng burger. Teka, si Ana ba yun? Lumapit ako sa kanya at agad naman nya akong napansin

Aron: Ana!

Ana: Oh, Aron, anong ginagawa mo dito?

Aron: Well, naglalakad ako pauwi tas napansin kita

Ana: Ahh, teka gusto mo ng burger? May isa pa ako dito

Aron: Nahh, I'll pass, may fishball naman ako saka palamig *chuckles*

Ana: Ok your loss

Aron: Ikaw, anong ginagawa mo dito?

Ana: Naglalakad din ako pauwi, di naman malayo yung bahay namin sa school

Aron: Seryoso? Kami din

Ana: *chuckles* B-baka mamaya magkapitbahay pa tayo *chuckles*

Aron: HAHAHA

Nagpatuloy kaming kumain at pinagmasdan ang mga dumadaan, tanungin ko kaya sya kung gusto nyang sabay kami maglakad, teka teka, baka di sya pumayag... Pero wala namang masama kung tatanungin ko lang diba? Pero baka kasi... Aron, hold yourself together, walang masama kung magtatanong lang.

Aron: Sabay tayo maglakad?

Tumingin sya sakin habang ngumunguya

Ana: Hmm?

Aron: Sabay tayo maglakad, tutal magkasama naman na tayo ngayon kumain sabay na din tayo maglakad, tagal na din kasi mula ng huling beses akong naglakad pauwi ng may kasama

Ana: *gulp* Teka, di ba naglalakad yung kaibigan mo na si Erick?

Aron: Nope, sinusundo sya ng driver nila

Ana: Sosyal, may driver

Aron: *chuckles* Kaya nga ehh

Kinuha nya ang isa pang burger at inabot sakin

Ana: Kunin mo

Aron: Hah?

Ana: Hatdog, kunin mo na yang burger

Aron: Bakit?

Ana: As a sign of friendship, ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang ilang taon

Aron: O-oh, di ko kayang tanggapin yan, baka kulang pa sayo yung isang burge-

Ana: So sinasabi mo na matakaw ako?

Aron: W-woi di ko sinabi yan

Ana: HAHAHA, ano ka ba? Biro lang yun, kunin mo na yang burger

Tumingin lang ako sa burger na hawak nya, teka kukunin ko na ba? Nakakahiya kasi ehh

Ana: Ang bagal mo naman

Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ang burger saka nya tiniklop ang mga daliri ko

Ana: Yan, kunin mo na *chuckles*

Aron: S-salamat

Tumayo sya at tumingin sakin

Ana: Tara na?

T-teka, pumayag sya?! At that moment di ko alam kung anong nangyari sakin, di ako makapagsalita, di ko maiwasang tumingin sa kanya

Ana: Hello? Aron? Nandyan ka pa?

B-bakit di ako makagalaw? Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso, anong nangyayari?

Ana: Ana to Aron, Aron do you copy?

Lumapit sya sakin at nilagay ang kamay nya sa pisngi ko saka sumigaw

Ana: HOY ARON!

Aron: S-Sensya ka na, madalas na nangyayari sakin yun *chuckles*

Ana: Parang nakakita ka ng multo, kinabahan ako sayo HAHAHA

Aron: S-sensya ka na hehehe

Sabi ko sabay kamot sa ulo ko, pero ano yung nangyari kanina? Bakit di ako makagalaw?

Ana: Tumayo ka na dyan, maglalakad pa tayo

Aron: O-oo nga *chuckles*

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimula na kaming maglakad dalawa. Habang naglalakad kami todo kwento sya ng mga bagay bagay, ang hilig nya magkwento, parang ang dami na nyang napuntahan, although ngayon lang kami nagka-usapng ganto napaka kumportable ko sa kanya saka... Kahit na di nya pa ako ganun kakilala tinuturing na nya akong kaibigan HAHAHA.

Ana: Oh ito pa, may time sa family reunion namin, yung tito ko nalasing,tas nagtangkang mag backflip

Aron: Let me guess, lumagapak sya?

Ana: *snaps fingers* Yep HAHAHA

Aron: HAHAHA, wala akong makwento masyado about sa mga kamag-anak ko

Ana: Hmmm, bakit?

Aron: Di kasi ako usually nakikihalubilo sa kanila, pag may family reunions na ginaganap sa bahay namin nasa loob lang ako ng kwarto

Ana: Oh, try mo din makipaghalubilo sa mga kamag-anak mo, tignan mo worth it *clicks tongue*

Aron: Alright, thanks sa advice *chuckles*

Ana: You bet, saka sila lang naman lagi kong kausap, pag nasa school ako pakiramdam ko outcast ako

Aron: Ehhh? Bakit mo naman naisip yan?

Ana: Wala lang, pakiramdam ko lang ayaw sakin ng lahat

Aron: Oh, ganyan din ako dati pero wala namang mawawala kung i-tatry mong makipag-usap sa mga kaklase natin

Ana: Yeah, I guess so

Tumahimik ang paligid saglit habang naglalakad kami

Ana: Thanks pala

Aron: Hmmm, for what?

Ana: Kasi, ikaw yung kauna-unahang kaibigan ko sa high school years ko

Aron: A-ahh, wala yung *chckles*

Ngumiti sya sakin at huminto sa tapat ng isang bahay, napahinto ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya

Ana: Salamat pala sa pagsabay sakin sa paglalakad, dito na yung bahay

Aron: Teka, seryoso?

Ana: Bakit? May mali ba?

Aron: W-wala naman, pero yung bahay ko kasi paglagpas lang ng limang bahay

Ana: Well, guess I can say na magkaklase tayo tas magkapitbahay pa *chuckles softly*

Aron: HAHAHA, anyway, see you around

Ana: You too Aron

KUmaway kami sa isa't isa bago sya pumasok ng gate ng bahay nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko, malapit naman na yung bahay namin

(Anastasia's POV)

Pagkapasok ko ng bahay, agad akong tumakbo papasok ng kwarto ko pero hinarang ako ni mommy

Mommy Shiena: Hold it right there, bakit parang ang saya saya mo pagkagaling ng school?

Nakangiting tanong nya

Ana: Secret *chuckles*

Agad akong pumasok ng kwarto ko at sinarado ang pinto. Dumapa ako sa kama at di maiwasang ngumiti kasi nga, sya yung unang kaibigan ko ngayong high school, di ko alam pero ang kumportable ko pag kasama ko sya. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras, 5:15 na pala, maka-idlip nga muna