Now playing: You're beautiful by James Blunt
Jennie
Tulala sa kawalan at paubo-ubo akong nakaupo rito sa Park habang tahimik na pinanonood ang mga bata na masayang naghahabulan.
Ang sarap lamang nilang pagmasdan. Kitang-kita kasi sa kanila ang walang humpay na saya at walang bahid ng kahit na anumang problema. Na kapag nagutom ay saka lamang sila maghahanap ng makakain, kapag nadapa ay saka lamang sila iiyak at ang tanging makapagpapatahan lamang sa kanila ay isang candy lamang. Pagkatapos ay muli na namang iikot ang masayang buhay at mundo nila.
Hindi katulad ko, hindi katulad sa mga katulad kong nasa edad na ganito. Punong-puno ng alalahanin at problema. Na walang kahit na anong candy ang makakapagpatahan kapag iiyak na. Walang kahit anong gamot ang makakagamot sa pusong nasasaktan at nasusugatan.
But that's life!
Katulad ko, alam ko na ang mga batang ito ay mararanasan din ang nararanasan ko ngayon. Mahuhulog sila sa taong hindi nila inaasahan na mamahalin nila, matututong masaktan at masugatan na walang kahit na anong candy ang makakagamot sa nararamdaman.
Wala eh, lang naman umiikot ang mundo. Ang umibig at ang masaktan.
Sabi nga nila, okay lang na masaktan ka palagi. Ngunit hindi dapat iyon ang maging dahilan para mapagod kang magmahal at sumubok muli hanggang sa matagpuan mo ang taong para sa'yo. Iyong tao na kahit na ano mang mangyari ay mananatili sa'yo, sa tabi mo.
Muli akong napaubo bago napasinghot. Nang siya naman na may umupo sa tabi ko at bigla akong inabutan ng tissue.
"That's ewww!" Rinig kong sabi nito.
Agad na napalingon ako rito bago napatawa. Sinalubong ko ang kanyang mga mata na nakatingin lamang sa akin.
"Nami." Pagbanggit ko sa pangalan niya.
Isang malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin.
Halos magdadalawang linggo na rin kasi magmula noong huling beses ko siyang makita. At iyon ay ang araw pa kung kailan ang naging shoot namin.
"Alright, I know you miss me, but here's your tissue." Pagkatapos ay siya na mismo ang kusang naglagay no'n sa kamay ko.
Napapangiti na naiiling na lang ako sa kanya.
Gusto ko sanang magtanong kung saan ba siya nanggaling, pero ayoko naman na isipin nitong na-miss ko nga siya.
Well, nakakamiss naman kasi talaga yung kakulitan niya.
Muli akong napaubo kaya mabilis na kumuha na ako sa ibinigay nitong tissue napkin sa akin bago ito siningahan ng sipon.
"Are you alright?" Tanong nito in a concern tone.
Napatango ako bilang sagot.
Mas lumapit pa ito sa akin bago nito maingat na inilapat ang kanyang palad sa noo ko.
"Oh shit, you're hot!" Komento nito habang nakatingin sa mga mata ko.
Awtomatiko naman na namula ang buong mukha ko, pagkatapos ay nahihiyang napangiti sa kanya.
Napaiwas ito ng tingin.
"I-I mean, yes, you're hot as a woman. But---" Napahinga ito ng malalim. "Right now, you're hot as a fire. You are burning! You're not feeling well." Dagdag na paliwanag pa niya.
Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa mga bata na ngayon ay iilan na lang dahil malapit nang dumilim.
"I'm fine, Nami---"
"You're not." Putol nito sa akin bago napatayo. "Come on," Inilahad nito ang kanyang kanang kamay na tinignan ko lang. "I'll take you home." Dagdag pa niya.
Muli ko itong binigyan ng ngiti. Sa totoo lang kasi nanghihina na talaga ako.
"Nami--"
"Kapag hindi ka pa rin tumayo riyan bubuhatin kita. Gusto mo ba 'yun?" Pangungulit pa niya.
Alam ko naman kung gaano kakulit si Nami kaya ano pa nga bang magagawa ko?
Walang nagawa na tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad. Agad na inalalayan naman niya akong tumayo. Halos muntikan pa akong matumba dahil sa nahihilo talaga ako.
"See? You're not okay!" Napahinga ako ng malalim.
"Oo na!" Sagot ko sa kanya bago nagsimula nang mag lakad.
"Nasaan ba kasi 'yung best friend mong si Lisa at bakit hindi mo yata kasama?" Tanong nito sa akin dahilan para matigilan ako sa aking paghakbang.
Iyon kasi ang pangalan na ayaw ko muna sanang marinig ngayon.
"I-I don't know." Tipid na sagot ko sa kanya.
Hindi ito nagsalita at sa halip ay inalalayan lamang ako patungo sa kanyang--- alright, kotse ang gamit nitong sasakyan ngayon.
Agad naman nitong na-gets ang paraan ng patingin ko sa kanyang sasakyan, kaya may pagkaalanganin na napakamot ito sa kanyang batok.
"From now on, you will no longer see me using my big bike." Para bang nababasa nito ang kung ano mang nasa aking isipan.
"W-What? But why?" Curious na tanong ko.
"Because I already sold it?" Patanong na sagot nito.
Hindi mapigilan ng dalawang mga mata ko ang manlaki dahil sa gulat.
"Y-Y-You what?!" Gulat na bulalas ko. "Pero bakit?" Alam ko kasi kung gaano niya kamahal na mahal ang big bike niyang iyon.
And she wouldn't be Nami without her big bike.
Binigyan ako nitong muli nang isang ngiti bago tuluyan na pinagbuksan ng pintuan ng kotse.
Pilit man niyang itago, pero nakikita ko sa kanyang mga mata na namimiss niya ang big bike niyang iyon.
Hindi ko tuloy mapigilan ang malungkot para sa kanya.
"Just because?" Sagot nito sabay kindat sa akin kasabay ang pagsara ng pintuan noong makasakay na ako at mabilis na umikot ito sa driver seat.
"Pina-prank mo lang ba ako?" Tanong ko sa kanya bago muling napa-ubo.
Binuhay muna nito ang makina nang sasakyan bago ako muling sinagot.
"Nope! Why would I prank you when I'm serious about you?" Tanong nito sa seryosong tono habang dahan-dahan na pinatatakbo ang kanyang kotse.
"Nami, seriously. Why did you--"
"Can I stay at your home tonight?" Tanong nito. Halatang pilit na iniiba ang usapan. "Are you with your parents or---"
"Nasa business trip ang mga magulang ko. Si Kuya naman..." Napalunok ako. "I mean, he will be busy for a few days with his girlfriend." May pait na sabi ko sa kanya.
"His girlfriend? You mean---"
"Yes!" Mabilis na putol ko kay Nami.
Napa 'O' na lamang ito ng kanyang labi habang nag-fo-focus sa kanyang pagmamaneho.
Hindi nagtagal ay inihinto na nito ang sasakyan sa tapat ng gate ng aming bahay. Malapit lang naman kasi talaga ang aming bahay mula sa Park eh.
Nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Tahimik lamang din na sumunod si Nami sa akin habang napapatingin sa buong paligid.
Hindi maitago ang kinang ng kanyang mga mata at pati na rin ang malawak na ngiti sa kanyang labi.
Dahan-dahan na naupo ako sa pahabang sofa.
"Sorry ha, hindi kasi kami mayaman katulad niyo. Maliit lang ang bahay namin kumpara sa--"
"It's alright." Hindi parin nawawala ang malawak na ngiti sa kanyang labi. "Your house is so cute. It reminds me of my grandmother's house in Japan." Dagdag pa niya.
"Talaga ba?" Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Napatango siya.
"Eh nasaan siya?" Nagtataka na tanong ko. "Mukhang hindi ko yata napapansin na kasama niyo siya sa---"
"She has passed away." Mabilis na sagot nito sa malungkot na tono.
"Ow, so sorry." Paghingi ko ng tawad. Kung bakit ba kasi dumadaldal na ako ng husto ngayon? Tatayo pa sana ako nang bigla akong ma-out of balance dahil sa sobrang pagkahilo.
Mabilis na lumapit sa akin si Nami habang mayroong pag-aalala sa kanyang mukha.
"Are you alright?" Napatango akong muli.
"Why do I keep asking you if you're okay? Eh obvious naman na hindi ka okay!" Inis na sabi nito sa kanyang sarili habang napapatingin sa paligid.
"Please, just stay still." Pakiusap nito at pagkatapos ay mabilis na kinuha ang nakitang blanket na nakatupi sa may ibabaw ng solo sofa.
"Here!" Maingat na inilatag niya iyon sa aking katawan. Nang maayos na niya iyon ay muli nitong kinapa ang aking noo.
"Do you have any medicine here?" Tanong nito.
"Nami, go home. Kaya ko na ang sarili---" Ngunit hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin nang muli na naman akong mapaubo.
Tinignan ako nito nang masama kaya napalunok ako.
"N-Nasa may kitchen, sa unang cabinet." Sagot ko sa kanya.
Mataman na tinignan lamang ako nito sa aking mukha.
"Good." Wika niya at agad na nagtungo roon.
Hindi nagtagal ay bumalik ito na mayroon nang dala na isang baso ng tubig at med kit.
"Here! Take this and get some rest." Maingat na inilapag nito ang baso sa ibabaw ng lamesa at isang capsul ng paracetamol.
Noong mainom ko na ito ay muling inalalayan niya ako sa paghiga.
"Thank you, Nami." Buong puso na pasasalamat ko sa kanya.
Napahinga itong muli ng malalim. "Hindi ko alam kung paano sumama ang pakiramdam mo ng ganyan. But never mind. I'll just cook something for you." Sabi nito. "D'yan ka lang! Just rest as much as you want until I come back with your food." Sinasabi niya iyon habang naglalakad na muli pabalik ng kusina.
Hinayaan ko na lamang ito dahil sobrang nanghihina na talaga ako. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na nga ako.
Nagising na lamang ako dahil sa mabangong pagkan na naaamoy ko dahilan para agad na umingay ang aking sikmura.
Rinig ko ang sunod-sunod ngunit mabagal na hakbang na paparating kung saan ako nakahiga ngayon.
Alam kong si Nami na ito. Noong narinig kong may inilapag itong bagay sa ibabaw nang lamesa ay saka ako nagpasyang imulat na ang aking mga mata.
"Oh, you're awake. Sakto!" Nakangiting wika nito.
"Mainit pa at sure akong pagpapawisan ka." Napatingin ako sa niluto nitong lugaw na nakalagay sa medyo may kalakihang bowl.
Mukhang masarap naman siya.
"Say ah." Utos nito habang kumukuha ng pagkain at itinapat ang kutsara sa bibig ko.
"Nami, ako na." Akmang kukunin ko pa sana sa kanya ang kutsara nang inilayo niya iyon mula sa akin.
"Please, let me take care of you." Kitang-kita ko ang concern sa mga mata niya nang sabihin niya iyon kaya napatango na lamang ako bago napaiwas ng tingin. "Say ah." Pag-ulit pa niya.
"O-Okay." Saad ko bago tuluyang ibinuka ang aking bibig para maisubo na nito ang pagkain.
Hindi mapigilan ng dalawang mga mata ko ang mabilog at mabilis na napalunok sa isinubo nito sa akin, nang malasahan ko kung gaano kasarap ang niluto nito.
"Gosh! You cooked this?" Hindi makapaniwala na tanong ko bago kinuha mula sa kanya ang kutsara.
Natatawa naman na napatango ito habang natatawa.
"Yes?" Sagot niya habang napapailing noong mabilis kong isinusubo sa aking bunganga ang lugaw.
Gosh! This is soooo delicious. Ngayon lang yata ako nakatimim ng lugaw na ganito ka-creamy at kalasa.
"You like it?" Tanong niya habang tinignan ako. "Please, careful. Masyadong mainit pa yan." Paalala nito sa akin. Ngunit tila ba hindi ko nararamdaman ang init at ang tanging masarap na lasa lamang nito ang nag-ma-matter sa akin ngayon.
"I loved it, Nami!" Sabi ko na ngayon ay nangangalahati na ang lugaw sa bowl.
Napapalunok lang naman na tinititigan ako nito sa aking mukha.
"This was the first time I cooked porridge. I just followed my grandmother's recipe that she taught me before." Paliwanag nito sa akin habang nakangiti.
Napangiti na rin ako lalo ng mas malawak pa.
"And I'm glad you loved it." Dagdag pa niya. "She told me before that when I found the woman I would love, at kapag hindi maganda ang pakiramdam niya, my grandmother said na ipagluto ko raw siya using her recipe. So I cooked that for you."
Dahan-dahan na natigilan ako at napaangat ng tingin sa kanya.
"N-Nami---"
Binigyan ako nito ng isang ngiti. Iyong malungkot na ngiti. Alam na kasi nito agad kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Just finish eating that porridge. Para sa'yo talaga 'yan." Muling wika nito bago lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Don't worry, I'll leave after you eat. Alam ko naman na gusto mong mapag-isa." Dagdag pa niya pagkatapos ay muling tinahak ang daan patungong kusina.
Hindi ko alam ngayon kung ano ba ang dapat na maramdaman.
I wish I could love her as much as I love Lisa.
Pero hindi.
Iyong tipo na kahit ilang beses pa yata akong masaktan dahil kay Lisa, siya at siya pa rin ang mananatiling mahal ko.
Mabuting tao si Nami. Kahit sino pwedeng mahulog sa kanya.
Pero hindi ako ibang tao, dahil may minamahal na ako. At hinding-hindi na magiging si Nami 'yun.