webnovel

The Girl From Nowhere book 2 (ANORWA - The Another World)

Anorwa, the another world. Mundo ng mga diwata na akala nati'y sa isang kuwentong pantasya lamang. Doo'y muling magtatagpo ang landas ni Nate at Chelsa. Ngunit sa kasamaang palad, sila'y nasa magkalabang pangkat. Ang pangkat ng kabutihan at pangkat ng kasamaan. A Fight For Love And Forever

xiunoxki · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

CHAPTER 20: Ang Mga Hatao

"PAGKALABAS NATIN NG gubat na ito, mararating natin ang bayan ng Zerra. Makikipagkita tayo kay Lankaw Balsol, may ipinabibigay sa kanya ang reyna," sabi ni Pinunong Kahab. Kung hindi ako nagkakamali, si Lankaw Balsol ang lankaw na parang hindi satisfied sa pagiging reyna ni Reyna Kheizhara. Siya 'yong nagpahayag na kasalanan ni Reyna Kheizhara ang nangyayaring kaguluhan dahil sa pagpayag niya sa pagmamahalan noon nina Tito Chelo at Tita Melisa.

            Nakahanda na kami para sa ikalawang araw ng aming paglalakbay patungo sa isla ng Esedes kung nasaan ang puno ng Narha na magbibigay sa 'kin ng mga pakpak at antena.

            Sumampa ako kay Bangis, at lahat kami ay naghanda na para sa paglipad. Sa loob ng gubat kami lumipad, ang tataas ng mga puno at ang lalaki, at ang daming kakaibang hayop. Pero wala nang panahon para mamangha ako sa mga nakikita ko. Dahil sa nangyari kahapon, nagpasya si Pinunong Kahab na habang naglalakbay kami patungo sa isla ng Esedes, magbantay na rin kami sa posibleng kalokohan ng mga habo.

            "Nasa parte na tayo ng kagubatan ng Zerra," saad ni Pinunong Kahab. Halos lagpas isang oras na kaming lumilipad.

            "Maayos ang lahat. Payapa ang kagubatang ating nadaanan," saad ni Mira.

            Ilang sandali pa, may mga nakita na kaming kabahayan at ilang mga norwan, may mga diwata, ugpok, butingoy at may mga saday din.

            Nasa mismong bayan na kami. Nagpasya kaming maglakad na lamang. Masasabi mo talagang nasa ibang mundo ka. Kakaiba ang mga designed ng bahay at... building? Matataas ang iba, eh. May mga parang stall din ng mga tindahan at mga shop. Busy ang mga Ezhartan na narito, ang daming mga naglalakad sa sementadong kalsada. May mga kakaibang hayop din na nakikihalubilo at may arikon na tulad ni Bangis, mas malaki lang si Bangis at iba ang mga pakpak at buntot niya. Hindi na ako bumaba kay Bangis kaya mas kita ko ang mga nangyayari, si Shem-shem naman, dumapo sa balikat ko, para siguro kung may itatanong ako. Pero, wala akong gustong itanong. Alam kong nasa ibang mundo ako at expected ko na ang mga bagay na makikita ko, mga sobrang kakaibang bagay. At dito ko nakita sa bayan na ito na 'di naman pala lahat ng Ezhartan ay halos may shades ng green lang ang mga sinusuot ng mga diwata, dito magkakaiba ang mga suot nila. Pero karamihan talaga, green ang mga pakpak, pero may ilang iba rin ang kulay. Malamang tulad sila ni Rama at Claryvel na may ibang lahi. At tulad ng sabi ni Shem-shem, may ibang norwan na nahahanap ang kanilang kapalaran sa ibang kaharian kaya doon na namamalagi. Parang tayong mga pinoy, halos lahat ng bansa may pinoy na naninirahan.

            Narating namin ang parang munisipyo ng bayan na tirahan ng lankaw – ang lankaw ang parang mayor ng bayan. Dumaan kami sa plasa na nasa harap ng munisipyo, gara ng designed at parang nagsilbi itong pasyalan para sa mga tagarito. Parang naging garden na may mga rebulto, at napansin ko rin na may rebulto ni Reyna Kheizhara. Malamang mga dating hari at naging reyna ang mga rebultong 'yon dito sa Ezharta.

            Bumaba ako kay Bangis nang nasa harap na kami ng pintuan ng mala-palasyong munisipyo ng Zerra. Nagpakilala si Pinunong Kahab sa kawal na bantay at sinabi niya ang pakay namin. Narinig kong sinabi ng kawal na nasa pagpupulong si Lankaw Balsol kasama ang mga hatao.

            "Ano 'yong hatao?" tanong ko kay Shem-shem.

            "Kalahating hayop, kalahating tao," sagot niya.

            "Tao?"

            "Hindi taong tulad mo. Mga nilalang silang mas pinili mamuhay sa kagubatan malayo sa ibang norwan. Mga hayop na nakakapaglakad tulad ng tao at nakakapagsalita. Puno ng balahibo ang kanilang katawan. Ang lahi nila ay may tigre, liyon, lobo, agila, turo at kabayo. Ang kabayong hatao ay kakaiba, dahil ang kalahating katawan ay tulad sa kabayo at ang kalahati ay sa tao."

            Tumango ako. Medyo gets ko. Maraming gano'n sa mga fantasy story. At pansin ko kay Shem-shem, ganadong-ganado siya kapag may itatanong ka sa kanya.

            Naiwan sa labas si Bangis. Naglakad kami papunta sa kuwarto kung nasaan si Lankaw Balsol, may kawal pa na naghatid sa 'min. Agad kaming pinapasok ng isa pang kawal na nagbabantay sa tapat ng kuwarto.

            "Maogma!" bungad na bati sa 'min ni Lankaw Balsol.

            "Maogma!" bati naman namin.

Namumukhaan ko si Lankaw Balsol. Puti na ang kanyang mahabang buhok na nakasabit sa patulis niyang tainga, medyo patay at bakas sa mukha na estrikto siya. Nakasuot siya ng berdeng baluti at ramdam ko na seryoso ang meeting nila kasama ang limang hatao. Na nagpalaki ng mga mata ko at nagpa-wow sa 'kin.

            "Sila ba ang mga hatao?" pabulong kong tanong kay Shem-shem.

            "Oo, Nate."

            "Astig."

            "Maogma!" sabay-sabay na bati ng mga hatao.

            "Maogma!" ganti naman namin.

            "Maupo kayo Pinunong Kahab," anyaya ni Lankaw Balsol at tinitigan niya ako. Akala ko ba si Pinunong Kahab ang kausap niya? Kung sa reyna wala siyang tiwala, ramdam kong gano'n din siya sa 'kin. Wala siyang bilib sa pagiging tagapagligtas ko.

            Habang papaupo, 'di ko maalis ang tingin ko sa mga hatao. Lima silang magkakaiba ng anyo, may mukhang tigre, liyon, lobo, turo at kabayo – walang uri ng agila. May mga suot silang damit na may iba't ibang kulay at desinyo. Piling ko pagkakakilanlan din 'yon ng kani-kanilang lahi. Ang mukha nila, mukha ng hayop na may hawig sa tao at medyo manipis ang balahibo nila sa mukha kaya mababakas mo ang anyong tao. Ang tainga nila, kung ano ang tainga ng hayop. Ang turo, may sungay din. At buti, 'di pahaba ang mukha ng hatao na kabayo, 'yon nga lang talaga, kabayo ang kalahating katawan niya na may apat na paa. Lahat din sila napansin kong may mga buntot. Nagpaka-cool ako. Sabi kasi nina Reyna Kheizhara, 'di dapat malaman ng ibang Ezhartan o sino man na norwan na isa akong tao. Kaya nga may kunwari akong pakpak, antena at tinulad nila ang tainga ko sa mga diwata.

            "Sinalakay ng mga habo ang kanilang mga tribo sa parte ng kagubatang sakop ng Zerra, kaya sila naririto," pagsisimula ni Lankaw Balsol.

            "Maaari ko muna po bang makuha ang inyong pangalan?" pahayag ni Pinunong Kahab sa mga hatao. Makikita mo kay Pinunong Kahab ang dedication niya sa pagigi niyang pinuno ng mga sundalo. Ang galang niya pa para kunin muna ang pangalan ng mga kakausapin niya.

            "Ako ay si Resan, mula sa tribu ng mga hataong tigre." Tumayo ang nagpakilalang hataong tigre at nag-bow sa 'min – isa siyang babae, may buhok siyang mahaba. Ang ganda niya pero mamasel ang katawan. Tumayo din kaming pito at nag-bow. Kung 'di bumulong si Shem-shem na tumayo, 'di ko alam ang gagawin ko.

            "Ako naman ay mula sa tribu ng mga liyon. Ang pangalan ko ay Layen." Wow, liyon, Layen? Tumayo siya at nag-bow sa 'min. Muli kaming nag-bow, 'di na kami naupong pito.

            "Mula sa tribu ng mga hataong turo, ako si Rator." Turo, Rator? Wow, din.

            "Ako ay mula sa tribu ng mga kabayo, ako si Abayo." Wow na wow!

            "Ako naman ay mula sa tribu ng mga lobo, ako ay si Hilam." Medyo lumayo. Ang tigre lang ang babae sa kanila. Lahat sila ay tumayo nang magpakilala at nag-bow sa 'min. At nag-bow din kami sa kanila.

            "Kami ay mula sa palasyo ng Ezharta," sambit ni Pinunong Kahab. Isa-isa din kaming nagpakilala at nag-bow din kami sa kanila.

            Nang maupo na kami, pansin ko ang tingin sa 'kin ni Lankaw Balsol. Judgmental 'tong diwata na 'to, eh. Parang hinuhusgahan na buong pagkatao ko. Wala talagang bilib sa kakayahan ko. Kung nakita niya lang kung paano ako makipaglaban. Tsk!

            "Kelan naganap ang pagsalakay?" tanong ni Pinunong Kahab sa mga hatao.

            "Makailang ulit na," sagot ng hataong tigreng si Resan. "At kagabi ay naulit pa."

            Nagsaboy ng marhay si Lankaw Balsol sa mesa. "Ipakita ninyo sa kanila," utos niya sa mga hatao.

            Itinapat ng mga hatao ang kanilang palad sa pinagsabuyan ni Lankaw Balsol ng magic dust. Nagliwanag ang kanilang mga kamay at unti-unting nagkaroon ng imahe ng labanan – ipinakita ang pagsalakay ng mga habo sa kani-kanilang tribu.

            "Kaya naming lumaban, ngunit wala kaming kapangyarihan at sandatang maipangtatapat sa puwersa ng mga habo. Kaya kami narito upang humingi na ng tulong," saad ng hataong turo.

            "Marami na sa tribu namin ang nasawi sa pagtutol nilang maging kaisa ng mga habo," saad ng hataong lobo.

            "Marami na sa tribu namin ang nalinlang nilang umanib sa kanila. At kagabi lamang ay may mga dati kaming katribu ang kasama sa lumusob sa amin," pahayag ng hataong liyon.

            "May mga ulat na rin sa ibang bayan na may mga dinukot na norwan at ginawang habo. Nagpapalakas ng puwersa ang mga habo," sambit ni Pinunong Kahab.

            "Senyalis ito na may malaki silang binabalak. Naghahanda sila sa malawakang paglusob," pahayag naman ni Lankaw Balsol.

"At iyan ang pinaghahandaan ng palasyo." Tumayo si Pinunong Kahab. "Samahan ninyo kami sa inyong tribu."

Tumayo kaming lahat.

"Susunod na lamang ako. Isasama ko ang ilan sa aking mga sundalo. At magdadala na rin kami ng mga sandatang maaring magamit ng mga hatao," sambit ni Lankaw Balsol. Tumango si Pinunong Kahab bilang tugon.

~~~

~ SA KUTA NG MGA HATAO ~

HALOS KALAHATING ORAS din ang nilipad namin mula sa munisipyo ng Zerra bago marating ang tinitirhan ng mga hatao. Sa taas palang kita nang mapayapa ang pamumuhay nila. Nakabukod ang tirahan ng bawat tribu ng hatao. At bago namin marating ang kapatagan na pansin ang mga tanim nilang halaman na kanilang pinagkukunan ng pagkain bukod sa pangangaso, nadaanan namin ang mga tree house na bahay raw ng mga tribu ng agila. Iilan lang ang nakita kong hataong agila. At ang astig nila – lakas maka-mulawin.

Sakay ng arikon ang tatlong hatao, ang tigre, liyon at turo. Ang kabayo at lobong hatao naman ay 'di sumama sa 'min, tumakbo sila sa kagubatan upang kumustahin ang ilang hatao na nagsilikas. Paglapag namin sa gitna ng mga kabahayan na nasa gitna ng kagubatan, may sumabay sa aming isang hataong agila. Ang mga bahay ay may yari sa kahoy at meron namang pinagpatong-patong na mga bato. Ang simple ng pamumuhay nila at kapansin-pansin 'yon. Sabi ni Shem-shem, ayaw ng gulo ng mga lahi nila kaya mas pinili nilang manirahan sa kagubatan malayo sa mga ibang norwan. Mga wild sila ngunit umiiwas sa pakikipaglaban.

"Maogma! Ako ang pinuno ng tribu ng agila, tawagin ninyo akong Egeboya," pagpapakilala ng hataong agila. Ano daw? Pero astig niya, ang lapad ng mga pakpak niya. May kamay siyang parang sa tao ngunit paa ng agila ang meron siya na may matalas na mga kuko. At mali ang inisip ko na ang mga hatong agila ay may tuka.

"Maogma! Kami ay mula sa palasyo," pakilala ni Pinunong Kahab.

"Pinigilan ko ang aking mga kasama na pumunta sa ibang kaharian. Batid kong hindi iyon makabubuti."

"Nagpapasalamat ako sa iyong ginawa. Narito kami para tulungan kayo. Ang lankaw ng Zerra na si Lankaw Balsol ay parating din para masiguro ang inyong kaayusan."

Nagsilabasan ang mga hatao sa kani-kanilang bahay. Pansin kong iilan lang ang bilang nila at bakas ang takot sa kanilang mga mukha.

Lumitaw sa harap namin si Lankaw Balsol kasabay ng berdeng liwanag. Bumati sa kanya ang mga hatao at hinarap niya ang mga ito. "Ipinahanda ko na ang sapat na sandata para sa inyo. Maya-maya lamang ay parating na ang aking mga sundalo dala ang mga iyon." May mga hataong agila na nagdatingan. "At nagpasya akong magtalaga ng bantay para sa inyong kaligtasan. At inaasahan ko ang inyong pakikiisa. Alam kong hindi ninyo nais ang kaguluhan. Ngunit sa panahong ito, kailangan ninyong lumaban para sa inyong kaligtasan!"

"Hoooooo!" tugon ng mga hatao at nagtaas sila ng mga kamay kahit ang mga paslit na hatao.

"Mapo Nhamo, maaari po ba kayong gumawa ng mahika para sa proteksiyon ng mga kabahayan na hindi ito madaling masira ng mga habo?" sabi ni Pinunong Kahab.

"Madali lamang iyon. Ngunit magtatagal lamang ng labinglimang araw ang bisa ng mahikang aking magagawa."

"Malaking tulong na iyon."

"Tutulong ako sa paggawa ng mahika," suggest ni Lankaw Balsol. Tumango sina Pinunong Kahab at Mapo Nhamo.

"Lankaw Balsol, may ipinabibigay ang mahal na Reyna." Inabot ni Pinunong Kahab ang kulay green na lalagyan, hula ko marhay 'yon.

"Maraming salamat," sagot ni Lankaw Balsol at naglakad na sila Mapo Nhamo.

"Gagamutin ko ang mga nasugatan," presenta ni Claryvel.

"Tutulong ako sa panggagamot," presenta rin ni Rama.

"Tutulong na rin ako sa panggagamot," sambit ni Mira.

"Sasama na rin ako," si Shem-shem at lumipad siya papunta sa balikat ni Rama.

Naiwan kaming dalawa ni Pinunong Kahab. "Nate, magmasid tayo sa paligid sa posibleng pag-atake ng mga habo," sambit niya. Tumango ako bilang tugon. Medyo natuwa ako, ramdam kong may tiwala na si Pinunong Kahab sa kakayahan ko.

Kinausap ko si Bangis sa isip ko.

BANGIS, MUKHANG MAPAPALABAN NA NAMAN TAYO.

NAKAHANDA AKO.                                                    

Sagot niya. Sumampa ako sa likod niya at lumipad kami ni Pinunong Kahab para magmasid sa paligid.

"Nate, mas lumalaganap ang kaguluhan sa iba't ibang bayan. Batid iyon ng reyna. Nagpakalat na siya ng mga sundalong magbabantay sa buong bayan ng Ezharta. At inutusan niya akong masigurong maayos ang mga lugar na madaraanan natin sa ating paglalakbay. Nangangapa pa kami sa talagang plano ng mga habo, ang tiyak lang namin ay pinaghahandaan nila ang malawakang digmaan."

"Nakahanda naman ang palasyo sa digmaan na 'yon, 'di ba?" Tumango si Pinunong Kahab sa sinabi ko.

"Ayun sa Aklat ng Isi, nilalang mula sa ibang mundo na nagmahal sa isang diwatang isinumpa ang makakapagligtas sa aming kaharian laban sa mga habo. Kaya kailangan mong maging malakas, Nate." Naging makahulugan titig sa 'kin ni Pinunong Kahab tapos biglang iwas ng tingin. Mukhang may something? Ewan, pero parang may gumugulo sa isip niya.

 No'ng una, sumama lang talaga ako rito para kay Chelsa at Tito Chelo. Hanggang ngayon, sila pa rin ang iniisip ko. Pero, tanggap ko naman talaga ngayon ang aking misyon. Na hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan. Walang nakakaalam sa posibleng mangyari. Maging ang Aklat ng Isi, hindi ma-predict 'yon. Kailangan lumaban hanggang kamatayan.

Kamatayan? Natanong ko sa sarili ko. Shit! 'Di ako mamamatay dito. Kailangan kong bumalik sa mundo ng mga tao kasama sina Chelsa. Iyon na ang mundo ko. Kung ako nga ang tinutukoy ng propesiya na nakatala sa Aklat ng Isi, maililigtas ko ang mundong ito laban sa mga habo. Wala akong 'di kayang gawin. I'm Nate, the famous Nate!

Tinanaw ko ang mga kasamahan namin sa baba, sina Mapo Nhamo at Lankaw Balsol, gamit ang mahikang ginawa nila na lumalabas sa kanilang mga kamay ay binabalot ang mga kabahayan na magsisilbing proteksiyon, at sina Rama, abala sa panggagamot. At si… si Claryvel, nagtama ang aming paningin – ang ganda talaga niya. Shit ka, Nate! 'Wag kang marupok! 'Wag kang lumandi rito!

Umiwas ako ng tingin at inutusan ko si Bangis na lumipad ng mas mataas pa.

Ilang saglit pa, dumating ang mga itim na nilalang. "Pinunong Kahab!" sigaw ko itinuro ko ang mga nasa sampung habong paparating.

"Mga habo!" sigaw ni Pinunong Kahab.

Bumaba kami para warning-an ang mga kasama namin. Pinapasok ang mga hatao sa bahay na may proteksiyon na, sina Mira, Rama, Claryvel at Shem-shem ang umalalay sa kanila. Tapos lumipad na sila para samahan kaming harapin ang mga papalapit na habo. Sina Mapo Nhamo at Lankaw Balsol, tinatapos malagyan ng mahika ang lahat ng mga tirahan. May ilang hatao na kumuha ng mga sandata at naghanda rin para sa laban. Maya-maya, lumipad na rin palapit sa amin si Mapo Nhamo. Napangiti ako, ang epic lang, lakas maka-Avengers! Naka-assemble na kami para harapin ang mga kalaban at lahat kami nakasuot na ng aming baluti. Si Lankaw Balsol, patuloy pa rin sa paggawa ng proteksiyon sa mga kabahayan, pinoprotektahan naman siya ng ilang hatao kasama na ang anim na lider ng mga tribu.

Huminto ang paglipad ng mga habo mga ilang dipa ang layo sa 'min. Pito silang lalaki na malalaki ang katawan at tatlong babaeng parang UFC fighter, at lahat may hawak na sandata na iba-iba. At may apat sa kanilang may hawak na parang itim na bilog.

Ibinato sa lupa ng apat ang hawak nilang itim na bola. Nabasag ito at lumabas ang itim na energy or usok? At mula sa mga bagay na 'yon, lumitaw ang apat na mabangis na kulay green at itim na halimaw. Para silang ayam o dambuhalang aso na ang balat ay tulad sa buwaya at gano'n din ang mga buntot nito na may matatalim na nakausli. May matatalim na pangil at mga kuko rin. Agad sumugod ang dalawa sa direksiyon nina Lankaw Balsol at ang iba'y sinubukan wasakin ang mga bahay na mabuti't may proteksiyon na.

Agad naging tatlo si Pinunong Kahab, at ang dalawa ay lumipad paibaba para sagupain ang mga halimaw. Sumunod pababa si Rama at habang palapag siya sa lupa ay nagbagong anyo siya, ginaya niya ang anyo ng mga halimaw ngunit ang pinagkaiba ay ang kulay niyang asul at may pakpak siya na parang sa dragon. Si Shem-shem, ang lumitaw na liwanag mula sa kanya na nagi niyang kawangis na halos tatlong beses na mas malaki kay Pinunong Kahab ay sumunod na rin sa baba para lumaban sa mga halimaw.

"Mukhang hindi nakakalipad ang mga halimaw, maaari kayang kapag nalapitan sila ay gumamit tayo ng pagbaltas at dalhin sila sa mataas at ihulog mula sa taas?"

"Maaari iyon, ngunit maaari ring delikado," sagot ni Pinunong Kahab sa suggestion ko.

"Magagawa ko 'yon. Mabilis akong kumilos at maproprotektahan ako ng hangin upang hindi masaktan," sambit ni Claryvel. Nasa tabi ko siya.

"Mag-iingat ka," sabi ko sa kanya.

"Ikaw rin, Nate," nakangiting sagot niya. At saglit pa kaming nagkatitigan bago siya lumipad paibaba.

"Mapo Nhamo, kailangan ng tulong ni Lankaw Balsol upang mapadali ang pagbigay ng proteksiyon sa buong kabahayan," sambit ko. Sinimangutan niya ako pero sumunod naman siya sa sinabi ko. 'Di naman ako nag-uutos, suggestion lang, eh? Pero alam kong batid niya na iyon nga ang dapat niyang gawin kaya agad siyang lumipad pababa. Pero parang galit ata siya, dahil habang pababa siya ay panay tira niya ng pana sa mga halimaw na kinakalaban na ngayon nina Rama.

"Pinunong Kahab, kaya na namin ito. Kailangan masiguro ang kaligtasan ng lahat na hataong naririto," sambit ni Mira. Mukhang sabik na siyang lumaban, 'di kasi siya nakalaban kahapon sa mga diwatang zombie. Tumango si Pinunong Kahab at agad siyang lumipad pababa upang habang nakikipaglaban ang dalawang katauhan niya sa halimaw, siya naman ay sinisigurong walang hataong mapahamak.

Mahusay ngang lider si Pinunong Kahab, dahil marunong siyang makinig sa mga nakapaligid sa kanya. At ewan ko, parang awtomatiko na lang na naiisip ko ang mga suggestion ko kanina.

KALABANIN NATIN SILANG LAHAT.

Narinig kong tinig ni Bangis, tinutukoy ang sampung habong kaharap namin.

SIGURADO KA? ANG DAMI NILA.

PAANO MO MAKAKAYANG LABANAN ANG ISANG BATALYONG KAAWAY SA DIGMAAN KUNG SA SAMPU LAMANG AY NADUDUWAG KA.

SURE KA D'YAN, AH. SIGE!

"Mira, ako na ang bahala sa kanila," sabi ko. Kami na lang ni Mira ang natira sa taas kaharap ang mga habo. "Pa'no ko lalabanan ang isang batalyong kaaway sa digmaan kung ang sampung kaayaw ay di ko makakaya." Oo. Ginaya ko ang sinabi ni Bangis – naastigan ako, eh.

"Ngunit 'di matatawag na digmaan kung isa ka lamang laban sa lahat. Iyon ay pagpapakamatay. Kung may kakampi ka, hindi mo dapat solohin ang laban. Ang katapangan ay hindi laging katumbas ang tagumpay," sagot ni Mira. Mas astig 'yon!

Tama siya, parang sa buhay natin – 'wag tayong padalos-dalos at dapat ay matuto tayong magtiwala sa iba. Sa laban ng buhay, 'di matamis ang tagumpay kung mag-isa ka lang lumaban. At hindi makabubuti kung sasarilinin mo lang ang iyong pinagdadaanan. Dahil 'di mo napapansin, unti-unti ka na palang natatalo hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko. Lagi mong tandaan, may mga tao sa paligid mo na mga nagmamahal sa 'yo.

"Lima-lima!" sigaw ko. Pinakita ko pa sa mga habo ang nakabukang palad ko. "Lima laban sa 'kin, lima laban sa kanya." Itinuro ko si Mira. Ngumisi ang mga animal na habo. Parang sinasabing isa lang ang katapat ko. Nimal kayo, makikita n'yo! Lumipad kami ni Bangis palayo kay Mira, na habang ginagawa 'yon, tinatawag ko na ang mga dahon sa baba upang gawing sandata sa labanan.

Sumunod sa direksiyon ko ang lima, isang babae at apat na lalaki. Naiwan ang lima pa kaharap si Mira na nilabas na ang kanyang kapangyarihan, may anim na espadang nakalutang sa hangin na may ilaw na green na nagdurugtong sa kanyang likuran.

Nasa paligid ko na ang mga dahong tinawag ko para magamit sa laban. Ewan ko, pero bigla na lang akong tumayo sa likod ni Bangis at ikinumpas ang akong nagliliwanag na sangtron. May tiwala ako kay Bangis, alam kong hindi niya ako pababayaan. "Shiiiiit, labaaaaan!" sigaw ko kasabay ng pag-ihip ng hangin.