webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasy
Not enough ratings
57 Chs

Chapter 16

BAKIT BA NATIGILAN ako sa tanong niya? Bakit nakatitig ako sa kanya ngayon? At bakit ba di ko pa siya iniiwan dito? Ba't nag-stay pa ako? Ano bang gusto kong patunayan? Kailangan chill lang ako. Bakit ba parang apektado ako sa babaeng 'to? Relax, Nate! Dapat cool lang!

Tumayo ako na parang di ko narinig yung sinabi niya. "Sige, una na ako." Tapos hakbang konti.

"Sandali!" pigil niya sa 'kin. "Maupo ka muna. May sasabihin ako. Magku-confess ako, di ba?"

Ito naupo ako ulit sa tabi niya. Haist! Ba't ba ako sumunod? Ugh! Pero ngumiti ako. Kalma ako! Oo, kalma ako, eh. "Okay, sabihin mo na. Kailangan ko na kasing umalis, eh."

~~~

> CHELSA'S POV <

KANINA SOBRA TALAGA ang takot ko. Pero nang hawakan niya ang kamay ko, unti-unting nawala ang takot na yun, takot na baka mapahamak siya. Naglakad kami na pakiramdam ko kami lang ang tao sa mundo – si Nate lang at ako. Waaaaaahhh! Sobrang kinikilig talaga ako!

Napakapayapa ngayon ng pakiramdam ko. Napakakomportable ko sa piling niya. Parang walang nangyari kanina. And now, I have a confession to make. Ito na 'to. Kami lang sa lugar na 'to. Itodo na! Mas okay nang subukan mo, kaysa magsisi ka sa bagay na di mo naman ginawa. Kung wala naman masama sa gagawin mo, gora lang! Kung sakaling matalo ka at madapa, i-enjoy mo. Eh, di matulog kang nakadapa. Para pagbangon mo ulit may lakas ka.

"I like you, Nate." Diretsong sabi ko sa kanya. Pero kapwa kami nakatingin ngayon sa malayo.

"Okay." yun lang ang tugon niya. Okay, lang?

"Gusto kita!" Tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa 'kin. "Parang, I love you na nga, eh?" sabi ko pa.

Ngumiti lang siya. Yung ngiti at mga tingin niya na parang sinasabing, anong bago? Na parang ang dami nang nagsabi sa kanya ng ganun. Na ilang beses nang may nagtapat sa kanya ng nararamdaman. Parang nakakaloko siya!

"Love mo ako?" natatawang tanong niya.

Tumango lang ako, pahiya ako unte. Pinagtawanan niya ako? Napayuko tuloy ako.

"Ang cute mo." natatawang sabi niya at hinawakan niya ako sa baba. As in chin, hah! Kayo! Napatingin tuloy ulit ako sa kanya. Waaaaaahhh! Parang lalo siyang gwumapo!

Habang nakatitig ako sa maamo niyang mukha, unti-unti kong inangat ang kamay ko at hinaplos ko ang mukha niya, tagal kong inasam 'to. Ang soft ng skin niya at ang sarap hawakan. Inalis niya ang kamay niya sa baba ko at nawala ang ngiti sa labi niya.

"I love you, Nate." Mahinang sambit ko. Parang natigilan siya. Nakatitig lang siya sa 'kin.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya at ngumiti siya. "Sorry, may girlfriend ako. I love, Cristy." Sabi niya at inalis niya ang kamay ko sa mukha niya. Awts! Boom tagos!

?

?

?

?

?

"Hey?" siya. Natulala kasi ako. Di naman baril o kutsilyo ang sinabi niya pero nasaktan ako. Parang tinadtad at pinagsasaksak ang heart ko.

"Basted ako?" tanong ko.

Natawa siya. "Nanliligaw ka ba?" tanong niya.

"Hindi pa ba?"

Natawa lang siya ulit. "Ang weird mo pala talaga. Pero, salamat."

"Salamat?"

"Dahil gusto mo ako. Pero sorry talaga. May laman na ang puso ko, eh. Sabi ko nga sa yo, di ba? Ibaling mo na lang sa iba yan." Tapos ginulo niya yung buhok ko na para akong bata.

Siguro sa kanya joke lang 'to? Pero sakit nito, hah! "Pero – "

"Sana itigil mo na 'to." Naputol ang sana'y sasabihin ko. Biglang sumeryoso siya. "Ikaw lang ang mahihirapan kapag ginusto mo ako. Baka naman simpleng paghanga lang yan? Kaya sana, iwasan mo na ako." Nakatingin lang ako sa kanya. Napuwing ba ako? Naluluha kasi ako? "Wag kang iiyak, weakness ko yan." Sabi niya at pinunas niya ang luha ko sa mukha.

"Gusto ko lang naman sabihin sa 'yo kung ano ang nararamdaman ko. Okay lang ako." At ako na mismo ang nagpunas ng luha ko. Masakit, oo. Pero lumuwag pakiramdam ko nang masabi ko yun sa kanya. Alam ko naman na may jowa na siya at parang pang-aahas ang ginagawa ko. Gusto ko lang maranasan umibig. Dahil maaring hindi ko na maranasan kailanman.

"Okay, nasabi mo na at narinig mo na rin ang sagot ko. At sana wag mong bigyan ng kahulugan ang ginawa kong pagtanggol sa 'yon." Cold na pagkakasabi niya. Na parang pinaparating niya na kahit 1% walang pag-asang magustuhan niya ako. Buti pa ang germs may .1% chance mabuhay, pero ako sa puso niya, 0%.

"Naiintindihan ko naman." Malungkot na sagot ko. Ito yung piling na parang gusto ko na lang tumalon mula rito sa roof top.

"Mabuti naman. Sana nga pala, lumayo ka na sa mga tao rito sa school. Umiwas ka sa kanila. Baka kasi ma-bully ka ulit. At di ko na 'to gagawin ulit. Kaya sana mag-iingat ka. Lalo nga pala sa grupo ni Kristan." Tumango lang ako. "Ano bang ginawa mo sa kanila? Kahapon lang magkasama kayo, hah?" halatang gulat na tanong niya.

"Hindi ko alam. Nagulat nga rin ako." Sagot ko.

"Siguro napagtripan ka lang? Umiwas ka na, hah?" Tumango lang ulit ako. "Sige! Bye, Chelsa." paalam niya. Sa unang pagkakataon narinig kong bigkasin niya ang pangalan ko. At naramdaman ko talaga ang care niya na iwasan ang mga tao sa school.

Tumayo na siya. Wala na akong mahanap na salita na pwedeng sabihin sa kanya. Pinagmasdan ko na lang siya habang naglalakad palayo hanggang pumasok siya sa pinto at isara ito. Naiwan akong nag-iisa rito sa roof top. Matutulog na ba akong nakadapa? I-enjoyin ko na ba ang feelings na 'to na masawi?

Oo, masakit. Pero lumuwag talaga ang dibdib ko. Di ako nagsisisi na sinabi ko yun sa kanya, sa wakas nasabi ko rin. Pero naiiyak talaga ako. Mananatiling star ko na lang talaga siguro siya, na hanggang tanaw lang sa malayo ang pwede kong magawa. Kanina tinawag niya pa akong weird? Siguro kung ano nang iniisip niya pa sa 'kin ngayon?

Dumating ang mga paruparo, nagliparan sila sa paligid ko. Napakaganda nilang pagmasdan. Pero ang kagandahang yun ay nagdulot ng takot sa dibdib ko. Ito ang mga purple na paruparong kinatatakutan ko. Isang paruparo ang nalaglag sa kamay ko. Namatay ito, nag-iba ng kulay at agad natuyo at naging abo. Isang araw na naman ang nalagas sa buhay. Isang araw na naman ang nawala sa mga araw na natitira ko rito sa mundo.

Inihip ng hangin ang abo ng paruparo. Huminga ako ng malalim. Sana ganun na lang kadaling mawala ang sakit na nararamdaman ko, isang ihip lang ng hangin wala na. Pero tuloy ang buhay, di ako dapat magpaapekto. Sabi ko nga, i-enjoyin ko 'to!

~~~

> NATE'S POV <

PAGKASARA KO NG pinto, pagkapasok ko ng building, napahawak ako sa dibdib ko. Nagsabay ang hirap ko sa paghinga at bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang ginawa sa 'kin ng babaeng yun? Ano bang trip niya? Siya ba ang dahilan nito o may deperensya na ako? Dapat siguro magpa-checkup na ako sa doktor? Kanina pa 'to habang nag-uusap kami. Tapos lalong tumindi nang naluluha na siya. Haist! Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? Hindi 'to pwede! Mahal ko si Cristy, walang duda dun? Pero ba't ko kailangan tanungin sa sarili ko yun? Haist! Stress!

Habang pababa ako ng hagdan hawak ko pa rin ang dibdib ko. Tapos yung mga sinabi ni Excuse me girl at yung mukha niya ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko. Parang nagpa-flashback yung mga nangyari kanina. Oh, shit! Siguro may sakit na talaga ako?

Unti-unti rin naman bumuti ang pakiramdam ko. Naglalakad na ako ngayon sa hallway pabalik ng classroom. Nakita ko si Cristy at ang buong tropa, kasalubong ko sila. Tumakbo palapit sa 'kin si Cristy at niyakap niya ako. Pero di ako gumanti ng yakap. "Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Nagulat yata siya dahil napakaseryoso ko. Nauna akong naglakad at sinundan niya ako. Pumasok kami sa bakanteng classroom.

"Tungkol saan ang pag-uuspan natin?" may pag-aalala sa tono niya.

"Yung nangyari kanina kay Chelsa, inutos mo ba kay Kristan na gawin niya yun?" diretsong tanong ko.

"Hah? Ba't ko gagawin yun? Pinagbibintangan mo ba ako? At bakit ko naman kakausapin si Kristan? Wala akong kinalaman dun!" napalakas ang boses niya.

"Okay, fine. Kung wala? Wala. Gusto ko lang maging malinaw ang lahat. Kalimutan mo na lang na tinanong ko sa 'yo yun. Sorry." Tapos niyakap niya ako. At niyakap ko rin siya.

Susubukan kong unawain siya dahil alam kong galit siya. Besides, ayaw ko na rin na pag-awayan pa namin yun. Pero sana mali talaga ang hinala ko.

~~~

NARITO KAMING TATLO ngayon nina Excuse me girl at Kristan sa Principal's Office, pinatawag kami dahil sa nangyari kanina sa canteen. Nakwento na namin ang mga nangyari. Sinabi namin na misunderstanding lang ang lahat at nagkasundo na. Na biruan lang yun at nagkapikunan lang. Pero kailangan pa rin namin ngayon humingi ng tawad sa isa't isa sa harap ng principal.

"Umpisahan niyo na. Mr. Aguilar, say sorry to Ms. Odea. Mr. Hernandez, say sorry to Mr. Aguilar." Si Mrs. Honrado, ang principal.

"Sorry, Chelsa. Nagbibiro lang naman talaga ako." Inabot ni Kristan ang kamay niya kay Excuse me girl. Nakangiting inabot naman nito ang kamay ni Kristan.

"Sana kasi next time, yung di masyadong malamig." Si Excuse me girl. Nagbibiro ba siya? At nakuha niya pang magbiro? Samantalang kanina sa canteen takot na takot siya.

Kanina bago dumating ang principal at si Kristan, nauna na kaming dumating dito sa office ni Excuse me girl. Sabay kaming pumasok dito dahil isang room lang ang pinanggalingan namin. Halos 15 minutes din kaming naghintay na kaming dalawa lang ang nandito. Nakaupo lang kami at walang pag-uusap na namagitan sa 'min. Umiiwas na siguro siya sa 'kin. Lumalayo na siya, tulad nang sabi ko sa kanya sa roof top bago ko siya iwan. Pero bakit parang gusto ko siyang kausapin kanina? Ba't parang may kung ano? Haist! Ewan!

"Pre, sorry kanina." Yun lang ang sinabi ko at nakipagkamay ako kay Kristan.

"Okay lang, pre. Alam ko naman na di mo sinasadya. Bulok na kasi mga ngipin mo kaya di kinaya yung lamig ng soft drinks." Aba loko 'to, hah? "Joke lang, pre." Sabay bawi ng ugok. Ngumiti nalang ako at pinisil ko yung kamay niya. Parang gusto kong durugin, eh.

"Magpagandahan pa tayo ng ngipin, eh!" nakangiting sabi ko na labas halos lahat ng mapuputing ngipin ko.

Tumawa lang ang bungol at diniinan din ang kamay ko. At tiningnan namin nang masama ang isa't isa. Pero with smiling face pa rin.

"Tama na ang hawakan niyong yan. Baka magkainlaban pa kayo." Biro ni Mrs. Honrado. "Umupo kayo." Naupo kaming tatlo. "Patapos na ang school year, ganyan pa rin kayong dalawa Mr. Hernandez and Mr. Aguilar. Sana last na 'to. Sa prom sa Saturday, sana naman walang mangyaring gulo."

"Yes, mam!" sabay naming tugon ni Kristan.

"Dahil kapag nanggulo kayo, kayo ang bahala sa lahat ng expenses na ginastos sa prom. I will talk to your parents regarding this matter."

"Yes, mam." Tugon ulit namin at doon natapos ang pag-uusap.

Nauna akong lumabas ng office, sinalubong ako agad ni Cristy. Naghihintay sila ng tropa sa labas.

"Hindi ba kayo binawalan umattend sa prom?" tanong niya. Umiling lang ako. "Thank, God!" at yun talaga ang inaalala niya? Ganun ba ka-big deal maging Prom Queen?

Sunod na lumabas si Kristan. Naghihintay din ang tropa niya kasama sina Carly at Evy. Nagkatinginan pa kami ng masama. Napansin ko ang tingin ni Kristan kay Cristy, may iba sa tinginan nila. Agad din naman umalis ang grupo nina Kristan dahil hinila siya ni Carly palayo.

Paglabas naman ni Excuse me girl nagkatinginan pa kami. Bigla naman hinawakan ni Cristy ang kamay ko pero di naman iyon pinansin ni Excuse me girl, naglakad lang siya palayo. Ewan? Pero sinundan ko siya ng tingin. Sinabi kong iwasan niya ako. Pero parang ako ang di makaiwas? Ngayon parang may malfunction na naman sa katawan ko. Oh, shit!