webnovel

CHAPTER 2: TRUE WIFE'S SUFFER

"GOOD morning!" Nakangiting mukha ni Ashton ang biglang nabungaran ni Celina nang magmulat siya ng mga mata. Nakatunghay ito sa kanya at halos mahalikan na siya sa sobrang pagkakalapit ng mukha nito. "Breakfast is ready!"

Tumayo na ito ng tuwid at itinuro ang mga pagkaing nakahain sa pool table sa tabi niya. Naalala niyang dito pala siya sa pool chair nakatulog na suot lamang ang manipis na gown na ginamit pa niya sa reception ng kanilang kasal.

Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamay sa galit at walang anu-ano'y mabilis siyang tumayo para sampalin ang asawa.

Sandaling nabigla si Ashton sa ginawa niya. Hindi nito inasahan iyon.

"The nerve!" singhal pa niya. Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa panginginig sa galit.

"What is your problem, Celina?!" Puno ng galit na bigla siya nitong sinugod. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa magkabila niyang braso't pilit siyang itinayo, kaya napangiwi siya sa sakit. Nanlilisik din ang mga mata nito habang titig na titig sa kanya.

"Ikaw pa talaga ang may karapatang magtanong ng bagay na 'yan? Ako dapat, Ashton! Ano bang problema mo sa'kin?" Pasigaw ding sabi niya. Sinalubong niya ang mga titig nito upang ipakitang hindi siya natatakot dito. "Una, ginipit mo ang pamilya namin. Pangalawa, pinilit mo akong magpakasal sa 'yo. At ngayong mag-asawa na tayo, hindi ko pa rin makita ang rason kung bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to! Very obvious naman na hindi mo 'ko gusto, at gano'n din ako sa 'yo! Kaya ano bang problema mo?"

"Gusto mong malaman ang dahilan ko, ha? Gusto mo ba talagang malaman, Celina?" panunudyo nito.

"Oo!"

"Gusto kong nakikita kang nagdurusa. Tuwang-tuwa ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak! Gusto kong sirain ang buhay mo... ang lahat ng meron sa 'yo! Gusto kong durugin ang lahat ng mga pangarap mo. I want you to suffer to death!" Mariin ang bawat salitang binitawan nito. Na tila ba, ang bawat salitang iyon ay may katumbas na sumpa.

"B-bakit mo ba ginagawa 'to? A-ano bang kasalanan ng pamilya namin sa inyo maliban sa utang? This is t-too much, Ashton... O bakit hindi mo na lang ako patayin? And leave my family ALONE!" Sobra na ang sakit na dinadala ng kanyang puso na parang anumang sandali'y sasabog na.

Marahas siya nitong binitawan, dahilan para muli siyang mapaupo. "Leave you alone? As ease? NEVER! I still need your father. Besides, masyado siyang pakialamero! He stepped on my line. And I can't lose everything I have now just because of his carelessness! Therefore, your father must serve me! Nakialam na rin naman siya, e, kaya bakit 'di ko na lang siya gamitin? And he'll not follow if I don't have you. You understand?" Dinuro-duro pa siya nito bago tuluyang umalis.

Naiwan naman siyang tulala. Sa galit na nakikita niya sa mga mata ni Ashton, imposibleng iyon lang ang dahilan nito. Lalo na sa galit nito para sa kanya, tila may napakalaki siyang kasalanan na nagawa rito. Ngunit, wala siyang matandaang kahit na ano para magalit ito ng sobra. Kaya napapaisip tuloy siya.

"THEY said, big girls don't cry..."

Biglang napalingon si Celina sa pinagmumulan ng boses na iyon. Nakita niya ang isang lalaki na sa tantiya niya'y 5'9" ang tangkad. Nakasuot ito ng cream colored pants na tinernuhan ng black and grey checkered sweatshirt. At kahit na makapal ang suot nitong black shades, nasisiguro niyang titig na titig ito sa kanya.

Gayunpaman, nagpalinga-linga pa rin siya sa paligid para makatiyak na siya nga ang kinakausap nito. Nang makitang walang ibang tao sa paligid ay muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaki.

"E-excuse me, k-kilala ba kita?" Nagmamadali rin niyang pinunasan ang mga bahid ng luha sa kanyang mga mata't pisngi. Para naman kahit papaano'y hindi siya kaawa-awa sa harapan nito.

"Nope. But, sorry to bother you." Hindi na ito nag-abala pang magpaalam at kampanteng naupo sa katabing pool chair. "I just... I just hate seeing angels crying at early in the morning. Napakaganda ng araw. Sayang naman kung sisimulan 'to nang kalungkutan. Newly wed ladies supposed to be smiling at all times. Aren't you happy?" patuloy nito.

"H-hindi naman ako umiiyak, ah!" palusot pa niya.

"Hindi?" taas-kilay na tanong nito. Ngunit may halo iyong pagkasarkastiko. "Yeah, maybe right now hindi ka na umiiyak. Pero kanina..."

"T-teka! Paano mo pala nalamang bagong kasal lang ako? Stalker ba kita? O kaibigan ng asawa ko?" sunod-sunod niyang tanong. Pinaningkitan niya pa ito ng mga mata.

Malakas na napabuntong-hininga ang lalaki at marahang umiling-iling. Pagkatapos ay tinanggal ang suot na shades sa mata. "No. At mukha ba akong stalker?"

Napanganga siya bigla nang tumambad sa harapan niya ang napakaguwapo nitong mukha. Malaki talaga ang nagiging epekto ng shades para maitago ang tunay na hitsura. Guwapo naman na ito noong nakasuot ng shades pero ibang-iba ngayong nakikita niya ang magagandang pares ng mga mata nito. Tingin pa nga niya'y mas mahaba pa ang mga eyelashes nito kaysa sa kanya.

He is goddamn hot! Nasabi niya sa sarili. Bwisit!

"I saw you two a while ago. Nag-away kayo ng asawa mo?" muli nitong saad. He is sounds stating the fact na nag-away nga sila ng kanyang asawa kaysa nagtatanong.

"Paano mo nasabing ang nakita mo kanina ay ang asawa ko?"

"I just assumed na siya nga. Isa pa, the way you treat each other seems more like a newly wed couple na ipinagkasundo lang ng mga magulang. Nagbabangayan sa una at hindi magkasundo kaya madalas mag-away."

"Wait!" Mukha yatang masyado nang pakialamero ang lalaking ito. Naisip niya. "Wala ka ng pakialam sa relasyon namin ng asawa ko, okay?"

"I'm sorry. I just can't help it. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ko lang matiis na may nakikitang umiiyak na babae." Nagbaba ito nang tingin at bahagyang nilaro-laro ang hawak na shades.

Napakibit-balikat na lang siya at pinalagay na wala nga itong intensyong manghimasok sa buhay nila.

"Ikaw? M-may asawa ka na rin ba?" pag-iiba niya nang usapan.

Agad namang napangiti ang lalaki at mabilis na itinaas ang dalawang kamay. Pinagalaw-galaw nito ang mga daliri upang ipakitang wala itong suot na singsing. "Sabi ko naman nga sa 'yo... ayaw na ayaw kong nakakakita nang umiiyak na babae. Kaya heto... still single and kicking!" may halong pagmamayabang na paliwanag nito.

"Tsk!" Inirapan niya ito't ibinaling sa malayo ang tingin. Sa kabilang banda'y bahagya na rin siyang napangiti.

"See?"

"A-ano?" Tinaasan niya ito ng kilay at nagtatanong ang mga matang pinakatitigan ang lalaki.

"Mas maganda ka pa sa umaga kapag nakangiti ka," matamis ang pagkakangiting saad nito.

Bigla tuloy siyang natigilan sa tinuran nito. Pakiramdam niya'y biglang namula ang kanyang mga pisngi dahil sa sinabi ng lalaki. Pinakatitigan niya itong muli pero kahit na nakangiti ang lalaki'y seryoso ang mga mata nito.

"A-ah, is this your breakfast?" Pag-iiba na lang nito sa usapan nang mapansing medyo awkward na ang kanilang sitwasyon. At itinuro nito ang mga pagkain sa tabi nila.

Tumango na lang siya bilang tugon.

"Tikman ko muna ah! Baka nilagyan niya ng lason, e," pabiro nito. Ang tinutukoy nito ay ang asawa niyang si Ashton. Pagkuwa'y hindi na ito naghintay pa ng sagot niya't mabilis na sumubo ng ubas. Sunod nitong tinikman ang gatas, at bacon na ipinalaman sa tinapay.

Napahagalpak na lang siya nang tawa sa ginawa nito. Para na rin tuloy siyang nabusog at pansamantalang nakalimot sa mga problema habang pinapanood ito.

"By the way, I'm Jess." Inilahad ng lalaki ang palad upang selyuhan ang pakikipagkilala.

"I'm Celina." Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito bilang respeto.

MAY bahid pa ng mga ngiti ang labi ni Celina nang pumasok siya sa kanilang cottage.

Ngunit, agad naman iyong napalis nang salubungin siya ng sampal ng kanyang asawa. Sa lakas niyon ay bigla siyang napasubsob sa sofa na naroon. Nasapo niya ang namumulang pisngi. Bumakat pa roon ang buong palad ng lalaki.

"What is it this time, Ashton?!" umiiyak na singhal niya.

"Malandi kang babae ka! Kahit kailan ka talaga. Tumalikod lang ako, may kalandian ka ng iba! Walang hiya ka!" nanggagalaiti sa galit na sumbat nito sa kanya. Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa siya't pilit na itinayo.

"W-wala kaming ginawang m-masama! Kung talagang nakita mo kami, wala kang dapat na ikagalit dahil nag-usap lang naman kami!" giit niya.

"May gawin man kayong masama o wala, kahit na mag-usap lang kayo na hindi ako kasama, hindi pa rin 'yon tamang gawain ng isang babaeng may asawa! Tsaka isa pa, bagong kasal lang tayo. At isipin mong resort 'to ng pamilya namin. Lahat ng kilos mo'y binabantayan ng kahit na sino't 'di malabong malaman ng pamilya ko!"

"At may kapal ka pa talaga ng mukha na isumbat 'yan sa'kin pagkatapos nang ginawa mo kagabe?! Ako nga ang dapat na nagagalit sa 'yo ng ganyan, e! Kapal ng mukha mo!" puno ng hinanakit na panunumbat niya. Ano ba ang karapatan ng lalaking ito na magalit sa kanya? Na kung tutuusin ay mas hindi pa nga katanggap-tanggap ang ginawa nitong pakikipagtalik sa iba—sa unang gabi ng kanilang kasal.

"Aba! Marunong ka nang manumbat ngayon? Ano bang ipinagmamalaki mo? Na pinakasalan kita kaya may karapatan ka na sa'kin, ha? Is that what you think?" Nakakaloko itong ngumiti. At mayamaya pa'y malakas na tumawa. Tawang may halong pait at galit.

Hindi siya umimik. Nanatili lang din siya sa kanyang puwesto't 'di pa rin inaalis ang kamay sa kanyang pisngi.

"Para sabihin ko sa 'yo, mali ang lahat nang iniisip mo! 'Wag ka ngang assuming! I have my own reasons kung bakit ka nakatali sa'kin. Infatuation? Affection? Feelings? Love? None of these are my reasons!" mariing turan ni Ashton. Bawat salitang lumalabas sa bibig nito'y may katumbas na pagduro-duro sa kanya.

At sa tuwing duduruin siya ng asawa'y lalong bumababa ang tingin niya sa sarili. Na parang isa lamang siyang punching bag na tumatanggap ng lahat ng sakit na walang kakayahang gumanti. Lahat na lang dinadaan niya sa pag-iyak ay pagtitiis.

...to be continued

"It hurts, right?"

Please support my new story! :) Thank you!

RaraStoriescreators' thoughts