webnovel

Chapter Twenty Six

Nang dumating sila sa Mansion nang lolo niya. Sala agad nila Nakita ang mga pulis. Nandoon din si Daniella, Melissa at Albert maging ang lolo niya kitang kita ang labis na pagkainis. Ito ang unang beses na may nag tungo na pulis sa mansion Tiyak nalabis ang galit na nararamdaman nito. Nang pumasok sila sa sala nang mansion agad na napansin ni Anica na nadako sa kanya ang mata nang mga naroon. Agad naman siyang napahawak sa sleeve nang damit ni Andrew na para bang iyon ang normal na gawin nang mga sandalling iyon.

"General Sir." Wika nang dalawang pulis na tumayo saka sumaludo kay Andrew. Agad namang nakilala ni Andrew ang mga ito dahil ito ang mga pulis na nasa presinto nang araw nang insidente. Ito rin ang mga pulis na binigyan ni Dennis nang kutsilyong ginamit sa krimen. Napatingin lang si Andrew sa dalawang lumapit sa kanya saka sumaludo sa mga ito.

"Sir, iimbitahan sana namin sa presinto ang dalaga sa likod niyo." Wika nang pulis na tumingin kay Anica. Simple namang napatingin si Andrew sa dalagang nakahawak sa sleeve nang braso niya.

"For what reason?" Malamig na tanong nang binata.

"Kilala niyo naman siguro ang kasamahan naming dinala sa Hospital kamakailan lang. She is the prime suspect for the case."

"Suspect?!" gulat na wika ni Melissa at Daniella.

"We have a felon in the family." Wika ni Melissa. "A mistress for a mother, and a felon daughter. Guess it runs in the blood." Komento ni Melissa.

Nang marinig ni Anica ang Sinabi nang babae napakuyom ang kamao niya. Naramdaman naman iyon ni Andrew dahil sa paghigpit nang paghawak nito sa sleeve nang damit niya. Tila pinipigilan nang dalaga ang kanyang galit.

"She is a primary suspect. Wala pa namang napapatunayan. Pero ang kasamahan namin siya ang tinuturo. Lalo na ang pagkamatay nang kinakasama nito. Sinasabi niya ang dalagang ito ang nagtulak na upang---"

"Do you have your warrant?" agaw ni Andrew sa sasabihin nang pulis saka tiningnan ito nang derecho sa mata. Tila gustong umurong nang dila nang pulis nang salubungin ang mata nang binata. Tila ba nang mga sandalling iyon nakatingin siya sa mata nang isang mabangis na lobo na handa sumila sa kanyang biktima. Nag dulot nang matinding lamig sa buong katawan niya ang titig nang binata ngunit bakit pakiramdam niya may mga butil nang pawis sa noo niya.

"Let me ask you again, Do you have a warrant of arrest? You are bluntly confident declaring that this girl is involve. I dare you to answer me. I you have it." Wika nang binata. Bigla namang natigilan si Melissa at Daniella. Tila kakaibang binata ang nasa harap nila. Is this the real Demon General sa harap nila? Ang titig nito ay sapat na para paghirian nang takot ang buong katawan nila.

"Do you have it?" ulit nang binata.

"Sa ngayon, naghahanap pa kami nang matibay----"

"How dare you come here with that lame reasoning. Show up in front my face if you have the warrant. As a police officer that is the first thing you should have secure. Hindi ba. Chief Inspector Cruda?" agaw nang binata sa sasabihin nang lalaki. "Bago ako mawalan ang galang sa Uniporme natin. Get lost and show up only when you have a concrete evidence to involve this girl on that case. Because I know for you you don't have. And If I get on hold to that evidence first. I will drag you and you stupid brain out of that uniform incompetent Fools." Wika nang binata na hindi pa rin na wawala ang nakakatakot na Aura. BIgla namang binitiwan ang binata ang sleeve ni Andrew. Lahat nang tao sa loob nang sala ay hindi makapagsalita dahil sa kakaibang ipinakita nang binata.

"Masyado yata kayong nagmamalaki dahil ba-----"

"I am not saying this because of my rank. As a fellow law enforcer you should know what I mean. Ngayon kung ayaw niyong lalong mapahiya, umali na kayo."

Unconsiously, napapahid nang pawis sa noon niya ang pulis. He was intimidated by him That's for sure.

"You have heard him. Pwede na kayong umalis." Wika nang matanda saka tumayo mula sa kinauupuan.

"Pasensyana kayo sa nangyari. Pero sisiguradohin naming mananagot ang may mga kasalanan. Wala kaming pakiaalam kahit na sikat pa ang pamilya niyo. Tiyak ding hindi papayag si Sgt. Mario na daanin ito sa usapan lalo na at namatay ang ------"

"Neither do I." wika ni Andrew. Dahil hindi nila magawang maisama si Anica. Walang nagawa ang dalawang pulis kundi ang umalis sa mansion. Nang makalabas ang dalawa naiwan sa sala Sina Anica at ang pamilya niya.

"Anong balak mong gawin? Sirain ang pamilyang ito? Hindi pa ba sapat saiyo na ang presensiya mo ay isa nang dungis sa pangalan nang pamilya. Ginagawa mo ba ito dahil gusto mong mapansin? Well, Guess what you got our attention." Wika ni Daniella.

"Puro kahihiyan ang ibinibigay mo sa pamilyang ito. Hindi mo na inisip ang lolo mo. Tinanggap ka niya kahit anak ka sa labas. Mas apo pa nga ang tingin niya saiyo kumpara sa mga anak ko. Ito lang ang igagante mo. Shameless----"

"I never wanted to become part of this family anyway." Mahinang wika ni Anica ngunit sapat upang marinig nang ama niya at nang matanda. Dahil sa sinabi nang dalaga. Napalingon sa kanya ang matanda.

"What did you just say?" tanong nang matanda.

"Ngayon lumalabas na ang totoong kulay mo. Did you also marry the general para makalayo sa pamilyang---"

"Yes! Is that what you want to hear?" bulalas ni Anica sabay tulo nang luha niya habang nakahawak sa dibdib niya. "It was so hard pretending to be okay with this kind of family. I tried so hard to fit in. But my very existence is something that you dislike. Kahit anong gawin ko hindi niyo naman ako tatanggapin dahil sa pinag Mulan ko. I never asked to be--------"

"Stop it! That's enough. Hindi ko na gusto marinig ang ganitong usapan." Biglang sigaw nang matanda. "I believe you have plans to resolve this, right?" wika nito at tumingin sa binata. "Can I trust you that you can save my grand daughter? You are her husband in the first place." Wika pa nang matanda.

"You can trust me sir. I will do everything in my power to protect her." Wika nang binata saka tumingin sa matanda. Simula nang dumating sila mula sa Sta. Lucia. Ngayon lang ulit tumingin sa kanya ang matanda nang walang halong pagdadalawang isip sa mga mat anito.

Nararamdaman nang binata na may alam ang matanda sa pagkatao niya kaya ito nang hostile sa kanya nitong mga nakaraang araw. Hind naman niya ito masisisi. Tama naman ang sabi nito sa kanya dati. He is a nameless person.

"Very well then. I entrust everything to you." Wika nang matanda saka tumingin kay Anica. She was trying her best not to cry. Mahigpit itong nakahawak sa damit nito sa bandang dibdib. Hindi na nagsalita ang matanda tumalikod ito at umakyat. Naiwan naman sa sala si Alfredo, Melissa at Daniella.

"Let's go home." Mahinang wika ni Anica saka hinawakan ang dulo nang damit ni Andrew. Napalingon naman ang binata sa dalaga na nanginig habang hawak ang dibdib.

"Saan ka uuwi? Hindi ba kayo pwede dumito?" Tanong ni Alfredo. "Tiyak na---"

"Please." Naputol ang sasabihin ni Alfredo nang makita si ANica na lalong humigpit ang hawak sa damit ni Andrew. Naramdaman niyang tila hindi gustong manatili nang dalaga sa bahay nila.

"Andrew. Iuwi mo na muna siya." Wika ni Alfredo. "I think she is not comfortable here. Ako nang bahalang magpaliwanag kay Papa." Wika nito.

"Thank you Sir. Mauuna na kami." wika ni Andrew. Saka nilingon ang dalaga at hinawaka ang kamay nang dalaga. "Let's go." Wika nang binata saka pinisil ang kamay ni ANica saka inakay ang dalaga labas nang bahay. Hindi na pinigilan ni Alfredo ang dalawa alam naman niyang hindi naging maganda para kay Anica ang nangyari.

"Masyado kayong maluwag ni Papa sa batang iyon." Wika ni Melissa kay Alfredo nang malabas si Anica at Andrew.

"She is already going through a lot. Huwag na tayong dumagdag." Wika ni Alfredo.

"Hindi ka ba natatakot na ang anak mo sa ibang babae ang sisira sa pangalan nang pamilya mo? Hindi ko maintindihan kong bakit ang daling tanggapin ni Papa nang anak mo sa labas. Ito lang naman ang nakukuha natin sa kanya. Puro saman ang loob. She married the person she is not suppose to para lang galitin ang pamilya natin." Dagdag pa ni Melissa.

"That's enough. Tapos na ang usapang ito." Wika ni Alfredo saka tumalikod at umakyat sa pangalawang palapag.

General!" Gulat na wika ni Claire nang pumasok sa private room ni Missy si Andrew. Nandoon si Rafael nang mga sandaling iyon dahil humalili ito kay Trisha. Nadoon si Claire upang tingnan ang vitals nang bata at tingnan din kung nakatulog na ito. Panay ang iyak nito dahil sa nangyari sa mama niya at hindi rin ito makausap.

"How is she?" Tanong ni Andrew saka tumingin sa batang natutulog.

"Nakatulog na siya ngayon. Mabuti at nakapag pahinga na siya pero hindi pa rin siya makausap. Si Mario naman ay malapit nang ma discharge. Nakabawi na rin siya nang lakas matapos ang operasyon." Wika ni Claire.

"I already asked Trisha and Joyril na imbestigahan ang dalawang pulis na sinabi mo. Maging ang nawawalang ebedensiya ay pina imbestigahan ko na rin. Kung hindi magsasalita ang batang ito at hindi mahahanap ang kutsilyong iyon tiyak na nasa panganib si Anica.' Wika ni Rafael. "Kumusta nan ga pala siya?" Tanong ni Rafael.

"She is not doing fine that's for sure. Isa rin sana ito sa ipapakiusap ko saiyo Doctor Ledesma." Wika nang binata na humarap kay Claire.

"Sa 'kin?" tanong nang dalaga.

"You live alone sa condo mo hindi ba?" tanong ni Andrew. Tumango lang ang dalaga. "Pwede bang doon muna siya saiyo. Hanggang sa matapos lang ang kasong ito. Hindi siya komportable sa mansion nang lolo niyo. Hindi ko rin siya pwedeng iwan sa bahay namin dahil mag-iisa lang siya. Wala na sa poder naming sina Ramil tiyak ma lulungkot yun."

"Ikaw ba yan, Demon General?" tanong ni Rafael.

"What do you mean?"

"You gradually change because of her. You now know how to take care of someone else huh. Oh She is not just someone else, She is your wife." Ngumiting wika ni Rafael.

"You are talking nonsense. She is someone who needs my help ang protection. I will do the same to anyone in need." Wika ni Andrew.

Papasok na sana si Anica sa loob nang silid ni Missy nang marinig niya ang usapan nang tatlo. Natigilan din siya nang marinig ang huling sinabi nang binata.

Why am I Getting my hopes up. He cares for me same as he cares for those that need his protection. Wika nang isip ni Anica saka ibinaba ang kamay mula sa seradura nang pinto. Sa halip na pumasok naisipan ni Anica na tumalikod na lamang at umalis. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang silid ni Missy nang may makasalubong siya.

Biglang natigilan ang dalaga nang makasalubong si Mario at ang dalawang pulis na pumunta sa mansion. Agad naman niyang napansin ang benda sa leeg ni Mario sa bahaging may sugat nito. Sugat na dulot nang kanilang away ni Donna. Nang makita niya ang tatlo aminado siyang natakot siya at gusto niyang tumakbo patungo kay Andrew ngunit dahil siguro sa pride niya kaya hindi niya nagawang tumakbo.

"Hindi mo yata kasama ang body guard mong General." Nakagiting wika nang pulis na kinausap ni Andrew noong nakaraang araw.

"Body Guard na General?" Ngumising wika ni Mario saka tumingin sa lalaki.

"Naikwento ko na saiyo noong nakaraang araw. Kilala niya ang kilalang Demon General. Grabe, parang binuhusan ako nang yelo habang nakatingin sa kanya. Wala akong dalang warrant ngayon. Pero hindi mo rin kasama ang Heneral kaya pwede ka naming maimbitahan sa presinto hindi ba?" wika nito saka lumapit kay Anica saka hinawakan ang kamay niya.

"Bitiwan mo ako." Wika nang dalaga saka marahas na tinaboy ang kamay nang lalaki ngunit hindi niya magawang makabitaw sa lalaki.

"Huwag kanang pumalag. Gusto ka lang naming imbetahan para sa kaso ni Donna. Hindi mo alam kung sino ang binangga mo Hija. Kung hindi ka sana nakialam sa buhay nang ibang tao hindi mo dadanasin ang ganito. Dapat nanahimik ka nalang. Sayang ka." Wika pa nito.

"Anong gusto mong gawin natin sa kanya?" tanong nang isa saka tumingin kay Mario.

"Iimbestigahan natin siya." Ngumiti ito na parang hayok. Bagay na ikinatakot ni Anica. Anong gagawin niya upang makatakas sa mga ito. Nasa di kalayuan lang ang silid ni Missy kung saan naroon si Andrew.

No. I wont be needing the help of that cold General. Wika nang isip ni Anica.

"Would you care to discuss anong klaseng imbestigasyon ang gagawin niyo?" agad na napatingin si Anica sa pinang gagalingan nang boses na nagsalita.

Natoon naman ang pansin ni Andrew sa kamay nang lalaki habang hawak ang kamay ni Anica. "Did you bring the warrant that I ask? I see you dare to touch her." Mabalasik na wika ni Andrew sa lalaki habang nakatingin sa kamay nang lalaki.

Tila naman binuhusan nang yelo ang tatlo dahil sa mga tingin nang binata Nakita nilang naglakad ito papalapit sa kanila ngunit hindi sila maka galaw. Huli na nang makareact ang lalaki nakalapit na ang binata sa kanila sabay bawi sa kamay ni Anica.

"I see that you don't have it." Wika nang binata. "Well, Let's do this my way instead. Shall we? Sgt. Mario Arnaiz, you are under arrest for crime committed RA No. 9262." Wika ni Andrew.

"Huwag kang magpatawa. Wala kang Warrant of arrest at wala ka ding ebidensya sa para tang mo." Wika pa ni Mario saka ngumiti.

"Well her testimony be enough." Wika ni Andrew sa humakbang patagilid upang makita nina Mario si Missy na lumabas sa silid kasama si Claire.

"Missy!" gulat na wika ni Anica nang makita ang bata.

"Hindi sapat ang testimonya nang isang batang wala sa matinong pag-iisp." Ngumising wika ni Mario.

"Don't worry we also have this. And the rest of the eye witnesses testemonies from your place." Wika ni Trisha na dumating kasama si Charles at Michael. Agad naman silang napalingon sa nagsalita. Nagulat ang tatlong lalaki nang makita ang kutsilyo na nakalagay sa isang zip Bag. Nanlaki ang mata nang dalawang pulis nang makita ang tatlo dumating at sa likod nang mga ito ang ilang pulis.

"Sgt. Mario Arnaiz. You are under arrest. You have the right to remain silent. Anything you say can be use against you in the law of court. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney one will be appointed for you." Wika ni Michael saka lumapit sa lalaki hawak ang arrest warrant at posas. Ngunit nang makalapit siya sa lalaki tumangi itong mag paposas.

"Samama ako sa inyo pero sinasabi kong, hindi niyo ako makukulong dahil wala akong ginagawang masama." Wika ni Mario saka sumama sa mga pulis sa likod nang tatlo. Naaresto si Mario dahil sa mga testemonya ni Missy. Ganoon din ang pagkakahanap nang kutsilyong itinapon na dapat nang dalawang pulis. Ngayon ay iniembistegahan na rin ang dalawang pulis sa kasong obstruction of Justice.