Dinala silang mag-ina nang matanda sa isang malaking mansion na animo'y isang palasyo. Doon may maraming lalaking naka suit ang Nakita ni Anica, halos napapalibutan ang kabahayan nang mga lalaking naka suit. Nalaman niyang hindi pala isang ordinaryong business man ang lolo niya. Isa itong Leader nang malaking Mafia group sa Italy. Ang tunay na pangalan nang kanyang Lolo ay Antonio De Luca. Ang Sutherland na apelyidong ginagamit nilang mag-ina ay ang Apelyidong gigamit nang lolo niya upang hindi malaman nang mga awtoridad ang tunay nitong katauhan.
Sa mansion naikwento nang lolo niya ang dahilan kung bakit hindi nito nakasama ang ina niya sa loob nang 20 taon. Hindi nito matanggap ang pangarap nang mama niya kaya ito naglayas. Lalo naman naging malayo ang loob nila sa isa't-isa dahil sa pagiging mistress nito nang isang sikat na businessman.
Kamakailan lang nalaman nito ang mga hirap na pinagdaanan nito sa kamay nang mga Earhardt. Kaya lang hindi niya magawang lumapit dahil sa pangamba nitong lalo lamang magdulot nang suliranin sa anak. Nang malaman nitong muntik nang mamatay si Anica doon na ito nagpasya na magpakita sa anak at sa apo. Hindi na niya magawang tiisin ang mga ito. At dahil Malaki ang impluwensya nito naniniwala itong magagawa niyang protektahan ang anak at Apo.
Sa mansion nakilala ni ANica si Giovanni Brambilla. Ang Consigliere nang lolo niya at itinuturing nitong anak. Nang umalis si Alice sa poder niya. Si Giovanni ang naging malapit na taga-payo at taga-sunod nang matanda. Pinunan nito ang pangungulila nang matanda sa anak nito. At makikita naman matapat ang binata sa matanda. Ito rin ang dahilan upang mahanap nang matanda sina Alice at Anica.
SInabi nang lolo niya na gusto nitong lumipat na silang mag-ina sa mansion nito at para na rin mabantayan nito ang dalawa habang inaayos ni Giovanni ang papales nang mag-ina upang sumama sa matanda pabalik sa Italia. Sinabi nitong hindi n anito gustong magkaroon silang dalawa nang ugnayan sa pamilya nang mga Earhardt at Bryant lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman nang matanda ang pahirap na dinanas nang mag-in sa kamay nang mga ito.
Sasama kayo sa kanya?" Gulat na wika ni Anica nang sabihin sa kanya ni Alice na nagdesisyon itong sumama sa ama niyang bumalik sa Italia. Marahil ay gusto rin nitong maalis sa kanya ang mga mata nang pamilya nang ama niya sa kanila.
"Naisip kong masyado nang maraming masamang nangyari sa atin dito. Maaring sa ibang bansa maging payapa ang buhay natin." Wika ni Alice. Napatingin naman si Anica sa ina niya. Alam niyang sa limit na ang mama niya. Ilang taon din nitong pikit matang tinanggap ang pang-aapi nang pamilya nang papa niya at ang pangungutya nang iba. Maging ang pag-arte na guston-gusto nito ay inihinto nito para lang maging tahimik ang buhay nila.
"Naiintindihan ko po. Ano man ang maging pasya niyo hindi ako tutol." Wika ni Anica. Gusto rin naman niyang maging maligaya na ang mama niya at baga sa lugar kung saan ito isinilang muling makita nang mama niya ang buhay na nakalimutan na nito. Hindi naman niya gustong maging hadlang sa ikakaligaya nang mama niya.
Kasal?!" gulat na wika ni Anica nang sabihin sa kanya nang kanyang lolo na bago sila bumalik nang Italia ay balak nitong ipakasal sila ni Giovanni. Napatingin siya sa binatang binanggit nang kanyang lolo.
"Bakit?" Tanong ni Rafael kay Andrew nang bigla itong tumigil sa pinto saka napatingin sa mesa kung saan nakaupo si ANica, Alice at ang Lolo nito kasama ang isang binata na noon lang niya Nakita. Narinig din niya ang sinabi nang dalaga dahilan upang bigla siyang matigilan.
"Hindi na iba sa akin si Giovanni At gusto kong, nasa Mabuti kang kamay. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko at tiyak kong mapapaligaya ka niya. Mas Mabuti ito kaysa sa naging kasunduan dati sa Heneral na iyon. Hindi siya nababagay sa pamilya natin." Wika nang matanda.
"Masyado naman yatang mabilis ang naging pasya niyo. Kailan lang-----" biglang natigilan si Anica nang makita niya si Andrew at Rafael na naupo sa isang bakanteng Mesa sa unahan nang kinauupuan nila.
Anong ginagawa niya dito? Tanong nang isip ni ANica na napatingin sa binata. Napansin din niyang sumulyap sa kanya ang binata. Ngunit agad din nitong inalis ang tingin sa kanya. Narinig kaya nito ang pinag-usapan nila? Iyon ang nasa isip niya.
"Mabuting binata si Giovanni magiging Mabuti kayong mag-asawa."
"Pero Papa, hindi ba't masyado pang bata si Anya para magpakasal?" WIka ni Alice. Sa ama niya maging ito ay nagulat din sa bilis nang mga desisyon nang ama niya.
Habang abala sa pag-uusap sina Alice at Antonio nasa mesa naman nina Andrew ang tingin ni Anica. Napansin niyang dumating si Claire kasama ang isang doctor na kaibigan nito. Nakilala niya ito dahil minsan ay dinala n ani Claire ang dalaga sa mansion nang mga Earhardt. Ito lang din ang nag-iisang kaibigan nang pinsan niya.
"Lady Anica. Alam kung hindi----" biglang natigilan si Giovanni nang biglang tumayo si Anica mula sa kinauupuan niya. Dahilan upang mapatingin si Antonio at Alice sa dalaga maging si Giovanni. Napatingin naman si Anica sa lolo niya.
Bahala na. wika nang isip nang dalaga. Determinado siyang hindi magpakasal sa binata. Wala naman siyang masamang tinapay sa binata kaya lang hindi niya pwedeng pakasalan ang isang taong hindi niya gusto.
"Bakit?" tanong ni Antonio sa apo.
"I'm sorry lolo. Pero hindi ako pwedeng magpakasal kay Atty Brambilla." Wika nang dalaga saka tumingin sa binata. "Don't get me wrong. You are fine man. I know that. But I can't marry you because I am in love with someone else." Wika nang dalaga.
Si Andrew naman na nakikinig sa usapan nang pamilya ni Anica at natigilan sa paghawak sa basong nasa mesa. Tama ang dinig niya kanina. Kasal nga ang pinag-uuspan nang pamilya ni ANica at kung tama ang dinig niya sa binatang kasama nang mga ito siya ipinagkasundo nang lolo niya na ikasal.
"I can't marry you because I promised to marry him." Wika ni Anica na naglakad patungo sa kinauupuan ni Andrew. Sina Claire at Rafael naman na naroon ay nagulat sa dineklara ang dalaga saka takang napatingin sa dalaga. Sina Antonio, Alice at Giovanni naman ay napatingin sa binatang nilapitan ni Anica.
"The General?" gulat na wika ni Antonio nang makilala ang binata. Agad namang tumayo si Andrew mula sa kinauupuan.
"What Are you doing?" pabulong na tanong ni Andrew sa dalaga saka nilapit ang mukha dito.
"Just help me this once." Bulong nang dalaga.
"Pero tinanggihan na niya ang kasal niyo dati at baka nalilimutan mong siya ang dahilan kung bakit kamuntik ka nang mamatay. Magiging nasa panganib ang buhay mo kapag pinakasalan mo ang tulad niya." Wika ni Antonio sa apo niya.
"Kahit naman siguro sino ang pakasalan ko. Darating din sa punto na mamatay ako. Kaya naisip ko. Total, doon din naman ang kahahantungan ko. Mas gugustuhin kong makasama ang taong gusto ko." Wika ni Anica saka walang pasabing hinawakan ang kamay nang binata dahilan upang mabigla ang lahat. Si Rafael na hindi makapaniwala sa boldness nang dalaga ay napaawang lang ang labi.
"General Anong ibig sabihin nito?" tanong nang matanda sa binata. Napatingin naman si Anica sa binata nangangamba siya na bigla nitong itanggi ang mga sinabi niya. Dahil doon biglang napahigpit ang hawak niya sa kamay nang binata dahilan upang mapatingin si Andrew sa dalaga.
"I was actually surprised when I see you here. I was even surprised when I hear that you are planning to marry her off that that guy." Wika ni Andrew saka tumingin sa binatang si Giovanni. "I think I was lucky I was at the right place at the right time. Hindi na naming kailangang itago ang relasyon namin." Wika ni Andrew saka tumingin sa dalaga. Taka namang napatingin si ANica sa binata.
He didn't deny me? Gulat na wika nang isip ni ANica habang nakatingin sa mukha nang binata.
"Kung ang sinasabi mo ay totoo bakit mo noon tinapos ang kasunduan niyong kasal?" tanong ni Antonio sa binata.
"Dahil ayokong magkasal sa akin si Anya dahil lang sa isang kasunduan. Hindi siya magiging masaya sa ganoong set up." Sagot nang binata.
Ang galing niyang umarte. SInong mag-aakalang siya ang kilalang Icy General? Hindi makapaniwalang wika nang isip nang dalaga.
"Paano ko naman mapapatunayan na hindi niyo kami niloloko. At hindi ito plano ni Anica upang tanggihan ako sa plano ko."
"Ano naman ang makukuha ko kung lolokohin ko kayo. Hindi ako ang taong mag-aaksaya nang panahon sa mga kalokohan. Anya knows about it. I am a Demon General and playing prank is not part of me." wika nang binata.
"Kung ganoon. Gusto kong makausap ang pamilya mo. Kung totoo ngang balak niyong magpakasal. Gusto kong makausap ang pamilya mo." Wika ni Antonio sa binata.
"Hindi magiging problema ang bagay na iyon." Wika ni Andrew.
"All right. Giovanni. I think I no longer have business here. Umalis na tayo." Wika nang matanda saka tumayo.
"Yes Sir." Wika nito saka tumayo sa kinauupuan ganoon din si Alice.
"Sasamahan ko muna ang lolo mo." Wika ni Alice sa anak niya.
"Huwag kayong mag-alala. Ako nang maghahatid kay Anya." Wika naman ni Andrew. Ngumiti naman ang ginang saka inakay ang ama niya palabas nang restaurant kasama si Giovanni.
Nang makalabas nang restaurant ang lolo niya saka namna binitiwan ni Anica ang kamay nang binata saka napabuntong hininga.
"That was close. Thank you." Wika ni Anica saka tumingin sa binata.
"Now you are using me to refuse a marriage proposal." Wika ni Andrew saka bumalik sa pagkakaupo.
"I didn't you're that bold." Wika nang kaibigan ni Claire.
"Ginulat mo talaga ako sa ginawa mo Anica." Natatawang wika ni Rafael.
"Wala naman akong choice no. Kailan ko lang nakilala ang lalaking yun. Saka---" biglang natigilan si Anica. Kapag sinabi niyang isang Mafia at lolo niya at consigliere nito ang nais ipakasal sa kanya baka magbago ang tingin sa kanya nang binata.
"Saka?" tanong ni Andrew saka tumingin sa dalaga.
"Saka ayoko nang mga ganoon marriage proposal. Ewan ko ba sa mga matatanda ngayon bakit ang hilig nilang ipamihay ang anak o pamilya nila sa iba." Wika nang dalaga.
"Eh ganoon talaga." Wika ni Rafael.
"Ah!" wika ni Anica saka bumaling kay Andrew. "Si Ramil? Kumusta na siya? Ang mga kapatid niya? Nahulin na ba ang ----"
"Nahuli na namin ang sumaksak sa kanya at nakakulong na. It was all because f Andrew's effort. Saka yung magkakapatid nakalabas na rin sa hospital." Agaw ni Rafael sa sasabihin nang dalaga.
"That's a relief. Masyado akong naging abala nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na sila nadalaw." Wika ni Anica.
"I think I have to go, Pasensya na kung naistorbo ko ang dinner niyo." Wika ni ANica saka napatingin kay Claire at sa kaibigan nito. Tiyak na isa itong double date at mukhang nasira niya.
"Dumalaw ka sa mansion. Hinahanap ka ni Lolo. Hindi ka na niya nakikita. Maging si Tito Alfredo ay nagtataka na rin kung bakit hindi na kayo dumadalaw sa mansion." Wika ni Claire sa pinsan.
I don't know about that. Wala na akong dahilan para pumunta sa mansion. Wika nang isip ni Anica. Simula noong insidente sa mansion noong dinalaw nila ang may sakit na matanda hindi na sila bumalik sa mansion nang mama niya. Pareho silang nag desisyon na gagawa sila nang distansya sa pamilya nang ama niya. Wala namang rason para ipagsiksikan nila ang sarili nila doon. Kung nagiging dahilan iyon para maging malungkot ang pamilya nang ama niya. AT kamakailan lang ay kinuha ni Daniela ang Condo unit nila isa pang dahilan upang gumawa sila nang distansya sa pamilya nila.
"Oo." Simpleng wika ni Anica. "Paano mauna na ako." Wika ni Anica. "Pasensya na kayo sa istorbo." Wika ni Anica saka bumaling kay Andrew ngunit wala sa kanya ang atensyon nang binata kundi nasa basong hawak nito.
"Mag-iingat ka." Wika ni Rafael sa dalaga. Tumango naman si Anica saka simpleng ngumiti. Tatalikod sana siya para lumabas nang biglang hawakan ni Andrew ang braso niya. Taka naman siyang napatingin sa binata.
"Pasensya na. Sa palagay ko kailangan kong mauna sa inyo." Wika ni Andrew kay Claire at Sa kaibigan nito. "It was nice meeting you." Wika pa nito sa dalaga. "Ikaw na ang maghatid sa kanila mamaya." Wika ni Andrew kay Rafael.
"Yes. Do what you have to do." Wika pa ni Rafael.
"Let's go." Wika ni Andrew saka naglakad papalabas nang restaurant.
"You don't have to----" wika ni Anica saka humabol sa binata. "Kaya kong umuwi mag-isa." Wika nang dalaga nang makahabol sa binata.
"Sinabi ko sa mama mo na ihahatid kita." Wika ni Andrew na biglang tumigil nang makalabas sila nang pinto.
"Aw." Daing nang dalaga nang biglang tumama sa likod ni Andrew.
"Bakit ka naman biglang huminto." Reklamo ni Anica saka umatras at tumingin sa unahan ni Andrew. Saka niya Nakita si Giovanni na nakatayo sa harap ni Andrew.
Ito ang dahilan kung bakit Biglang huminto ang binata sa paglalakad. Seryoso itong nakatingin sa binata.
"Atty Brambilla? Hindi ka ba sumama kay lolo pabalik?" tanong ni Anica sa binata.
"Well, I decided to pick you up. At ihahatid na kita." Wika nito sa kanya na kay Andrew parin nakatingin.
"You don't have to do that. Akon ang maghahatid kay Anya." Wika nang Binata.
"Umaarte ka pa rin ba hanggang ngayon? Wala na si Alice at Sir Antonio dito. You can drop the act. We both know that you two are acting earlier." Wika ni Giovanni sa binata. Bigla namang nakagat ni Anica ang pang-ibabang labi niya. Mukhang hindi nila napapaniwala si Giovanni sa sinabi nila kanina.
"I will overlook this at this time because I understand that lady Anica was in a shock dahil sa sinabi nang lolo niya." Wika nang lalaki sa naglakad patungo kay Anica ngunit agad na humarang si Andrew sa lalaki.
"What are you doing?" asik ni Giovanni sa binata.
"I think I should be the one asking you that. Don't go overboard and mind your own business." Wika ni Andrew saka hinawakan ang kamay ni Anica. Taka namang napatingin si ANica sa binata ngunit hindi nagsalita. Wala din siyang imik nang akayin siya nang binata papalayo sa binatang abodago. Hindi tuluyang nakaalis ang dalawa dahil pinigilan ni Giovanni ang kamay nang binata. Sabay naman silang napatingin sa kamay ni Giovanni. Nakita ni Anica na marahas na tinanggal ni Andrew ang kamay nang lalaki na nakahawak sa kamay niya saka walang paalam na naglakad patungo sa kotse nito.
"Ano na namang gulo ang pinasok mo ngayon?" tanong ni Andrew sa dalaga nang makapasok sila sa Kotse. Biglang natigilan si ANica sa pagkabit nang seat belt niya saka di makapaniwalang napatingin sa binata.
"Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?" inis na wika nang dalaga. Napatingin naman si Andrew sa dalaga matapos ikabit ang seat belt niya.
"I always find you in between troubles. What else would I think." Wika ni Andrew na kinuha ang seat belt sa kamay nang dalaga saka ikinabit bago ibaling ang atensyon sa Manibela.
"Icy General." Wika nang dalaga na napalabi saka ibinaling ang tingin sa labas nang bintana.
"You always say that when you are irritated of me." anang binata saka binuhay ang makita.
"Because it's true." Palabing wika nang dalaga. Hindi naman sumagot si Andrew bagkus ay binuhay ang makina nang sasakyan saka nag drive papalayo sa restaurant.