webnovel

Chapter Forty Six

I can't let you in." Wika ni Kimberly nang lumabas ito sa silid ni Andrew sa hospital at hinarang si Anica nang nagtangka itong pumasok sa silid kung saan nagpapahinga ang binata matapos magamot ang sugat sa likod.

"Doktora, I think you are over stepping your boundaries." Wika ni Anica sa babae. Habang napakuyom nang kamao.

"Mukhang hindi mo yata ako na iintindhan. And I am not over stepping any boundaries. Kung may isa man sa ating dalawa na mas may Karapatan kay Andrew Ako yun. I know him. More than you do. Asawa ka lang sa papel. But I am his soulmate. I am the person for him. Hindi ako papayag na ang isang tulad mo ang magpapahamak sa kanya. I think you have caused enough troubles for him." Wika nang babaeng doctor. Nakagat ni Anica ang pangibabang labi niya saka napakuyom nang kamao. Tama naman ang sinabi nito. At masakit para sa kanya na pagsabihan nang ibang tao. Sa bagay na alam na niya noon pa.

"Hindi mo na kailangang magpunta dito. Kaya ko siyang alagaan." Wika ni Kimberly sa dalaga. "While I am here. I will claim what is rightfully mine."

"Shin is not a property for you to claim." Inis na wika ni Anica. "Hindi ko alam kong anong nakaraan niyo ni Shin. Pero wala kang karapatang pagigilan ako. Dahil asawa parin ako." Wika nang dalaga na sinubukang lumapit sa pinto ngunit humarang si Kimberly.

"You have the nerve to call him Shin? I have search for him this years. At ngayong Nakita ko na siya hindi ako papayag na tulad mo lang ang humarang sa aming dalawa." Wika nang babae.

Hindi naman nagasalita si Anica. Sino ba ang Dalagang nasa harap niya? Bakit ganito na lamang ang reaksyon nito sa kanya? Ano ito sa buhay ni Andrew? Naguguluhan siya. At, alam naman niyang wala siyang masyadong alam sa buhay nang napangasawa. Inaamin niyang nakakaramdam siya nang selos. Tila ba. Ang dalagang nasa harap niya ay may alam sa sa buong pagkatao ni Andrew.

"Hindi mo na rin kailangang mag punta dito sa hospital. Hindi ka rin naman niya hahanapin." Wika nito. "And I would appreciate kung hindi mo masyadong ilalapit ang loob mo sa kanya. Masasaktan kalang sa bandang huli. He will always choose me over you." Ngumising wika nang babae.

Wala ding nagawa si Anica. Hindi rin siya naka pasok sa silid ni Andrew. At hindi niya alam kung bakit wala siyang magawa laban sa babaeng iyon? Tanggap na ba niyang wala siyang pwedeng magawa para kay Andrew? O dahil nasa isip niya na wala naman talaga siyang Karapatan sa binata kaya hindi na siya dapat pang makipagtalo. Ano man ang nakaraan nang dalawa wala siyang pakiaalam doon.

Dahil sa kanyang disaapointment wala siyang ibang nagawa kundi ang lumabas sa hospital. NI hindi niya pinuntahan si Claire, sinabi nito sa kanya na hintayin siya nito ngunit hindi niya ginawa,

"Nasaan si Anica?" tanong ni Claire nang dumating sila ni Rafael sa labas nang silid ni Andrew nasal abas si Kimberly nang mga sandaling iyon at kakaalis lang ni Anica.

"I don't know." Wika ni Kimberly.

"Hindi ba siya nagpunta dito? Sabi ko sa kanya hintayin niya ako." Wika ni Claire.

"I didn't saw her." Wika ni Kimberly.

"That's weird, Magkasama naman silang dumating dito hindi ba?" Tanong ni Rafael saka tumingin sa kasintahan. Napailing lang si Claire na naguguluhan dahil sa nangyari. Hindi naman ugali nang pinsan na iwan ang si Andrew lalo pa at nasugatan ito. May nangyari kaya dito?

"Kumusta na si General?" Tanong ni Rafael kay Kimberly. Dahil ito ang gumamot sa binata.

"He is resting right now, Mabuti na lamang at hindi siya nag tamo nang matinding sugat. Maswerte pa rin siya." Wika ni Kimberly.

"Well, I guess you can say that." Wika ni Rafael saka napatingin sa pinto nang silid ni Andrew. "NItong mga nakaraang araw, he seemed to be a different person."

"Anong ibig mong Sabihin?" Tanong ni Claire.

"Well, I don't mean anything bad. Kung may nagbago man sa kanya. I would say that this is something positive. Mula nang dumating sila mula sa ITALY, he changed a lot even with his treatment to Anica. I am actually happy to see him like that. Its refreshing. Hindi na rin siya madalas nakasimangot sa mga trainee. Mas napapadali ang trabaho namin." Natawang wika ni Rafael.

"What is that kind of change? I think, that will just make him weak." Wika naman ni Kimberly. Dahilan upang mapatingin si Rafael at Claire sa dalaga.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Claire.

"He was known to be a fierce General. A demon as so they say. He is Doing great being like that. But right now, if what you say is true. He just develop his Achilles heels, If I my say it."

"Why do you sound like you don't like my cousin?" Biglang tanong ni Claire sa dalagang doctor.

"Because I don't. He would just bring him bad luck and probably even his demise. I hate weakling like her." Wika ni Kimberly saka tumalikod at umalis. Naiwan namang walang kibo sina Rafael at Claire na nagkatinginan dahil sa labis na gulat.

"Anong sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan." Wikani Claire.

"Same here. Hindi ko alam na magkakilala sila. May be there are still things that I don't know about Him." Wika ni Rafael. Hindi naman kumibo si Claire. Dahil kung naguguluhan siya tiyak maging ito din.

Habang naglalakad si Anica sa kalsada. Hindi niya alam kung saan pupunta. Sa paglalakad niya. Hindi niya namalayan na nagpunta na siya sa dati nilang Flower shop. Nang makarating siya doon ay napahinto siya sa harap nang pinto. Ang dati nilang flower shop isa nang coffee shop ngayon. Ilang sandali siyang nakatayo doon habang nakatingin sa pinto. Iniisip niyang kung hindi ba niya nakilala si Andrew at kung hindi siya nagpakasal dito nandito pa kaya sila sa Flower shop nang mama niya?

"Anica!" isang boses ang narinig niyang tumawag sa kanya. Nang lingonin niya ang pinanggagalingan nang boses Nakita niya si Director Kim ang kasintahan nang kanyang mama.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nang Binata sa kanya. Saka napatingin sa dating flower shop. "Did you miss your old Flower shop? Looks like the new owner converted it to a coffee shop." Wika nang binata.

"What's wrong?" Tanong ni Darylle nang hindi sumagot si ANica. Saka niya napansin ang tila malungkot nitong mukha. "Pabalik na ako sa bahay. Gusto mo bang sumabay? Ihahatid kita----"

"Pwede ba akong sumama saiyo?" Wika nang dalaga.

"Ihahatid kita sa----"

"Ayoko ko pa sanang umuwi. Pwede bang sumama ako saiyo. Gusto ko ring makita si Mama." Agaw nang dalaga.

"Oo naman." Ngumiting wika nang binata.

"Thanks Director." Wika nang dalaga. Ngumiti si Darylle saka binuksan ang pinto sa likod nang kotse tahimik namang pumasok si Anica sa kotse. Habang nag da-drive ang binata patungo sa bahay nila. Hindi niya maiwasang hindi mapansin ang kalungkutan nang dalaga. Pinigil niya ang sarili na mag-usisa pa dahil alam niyang wala siyang Karapatan dahil hindi pa naman siya tanggap nang dalaga na maging party nang pamilya nito.

Nang dumating sila sa bahay nang director. Agad na niyakap ni Anica ang mama niya saka biglang umiyak. Hindi naman alam ni Alice kung bakit nagkakaganoon ang anak dahil hindi naman ito sumasagot sa kanila ni Darylle panay lang ang iyak nito na tila ba inilalabas ang lahat nang Sama nang loob hanggang sa makatulog ito.

"DO you think nag-away sila ni General?" tanong ni Darylle kay Alice. "Let's try to call him. Baka nag-aalala na rin siya sa asawa niya." Wika pa nito.

"Huwag na muna, This girl is a bit stubborn. Baka kailangan lang niyang mag-isip. I am sure they will be able to figure things out." Wika ni Alice.

"Do you really trust him. I mean would she be able to make sure---"

"Kasal na sila. Kahit na ako ang ina ni Anica. Wala na akong magagawa. I have to trust him. Nangako naman siyang aalagaan si Anica. Bilang mag-asawa they have to go through this together and resolve this on their own. Kahit na nag-aaalala ako para sa anak ko. Hindi naman maipagkakaila na, kailan niyang mag desisyon para sa kaligayahan niya, Ang magagawa ko lang ngayon ay maghintay." Wika ni Alice saka tumingin sa naak na natutulog sa kama saka hinimas ang buhok nito sa ulo.

"I think you raised a strong girl. I am sure she will figure things out." Ngumiting wika ni Darylle. "I am sure, gutom siya kapag nagising siya. Why don't we prepare something for her." Dagdag pa nito.

"Is that okay?" Tanong ni Alice.

"Oo Naman." Ngumiting wika ni Darylle saka hinawakan ang kamay ni Alice. "SIya ang nag-iisang anak nang babaeng pinakamamahal ko." Wika nito.

"Of course, kailangan kong magpa impress sa kanya. Baka sakaling matanggap niya rin ako." Anito.

"I'm sorry. Siguro dahil----"

"Hindi mo kailangang magpaliwag. I understand. At handa akong maghintay. Hanggang sa matanggap niya ako." Wika ni Darylle.

"Thank you." Ngumiting wika ni Alice.

"Let's go. We have to prepare something delicious for her." Wika nang binata saka naman tumayo si Alice matapos halikan sa buhok ang anak saka lumabas sa silid.

Habang nakahiga si Andrew sa hospital bed at natutulog tila may mga pangyayari sa isip niya ang nakikita niya na tila isang panaginip. Tungkol sa isang batang lalaki at sa marami pang bata sa isang facility na hindi niya maintindihan kung saan. May mga images siyang nakikita tungkol sa batang lalaking nasa isang sulok, Puno nang pasa ang katawan. May ilan ding siyang mga batang nakikitang sa murang gulang nang mga ito ay nakikipaglaban na sa isa't-isa may iba ding sinasanay sa computer technology at mga formulas. Dahil sa mga nakikita niya sa isip niya. Pakiramdam nang binata biglang bumigat ang pakiramdam niya at nahihirapan siyang huminga. At tila mainit ang katawan niya at pinagpapawisan.

"Shin." Isang pamilya na boses ang narinig niya kasunod nang isang pamilyar na ngiti. Dahil doon ang mga nakakatakot na imaheng Nakita niya ay Nawala at tila nagbalik siya sa dating suhestiyon iyon na rin ang dahilan upang magising si Andrew. Bigla siyang napabalikwas nang bangon. Napatingin siya sa paligid niya. Nasa loob siya nang isang hospital room saka napansin ang bendahe sa katawan niya dahil sa sugat na tinamo niya. Napansin din niyang pinagpapawisan siya. Siguro dahil sa kanyang panaginip.

What was that all about. Wika nang binata. Saka napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok sina Rafael at ang iba pa niyang tauhan.

"Oh, Gising ka na pala General. May dala kaming pagkain." Wika ni Jeremy na naglakad patungo sa mesa saka inilapag ang dalang pagkain.

"Si Anya?" tanong ni Andrew kay Rafael saka tumingin sa may pinto ngunit si Trisha at Joyril ang huli niyang nakitang pumasok sa silid.

"Akala naming narito siya. Sabay kayong dumating dito, diba?" Ani Trisha.

"Kanina pa siya wala. Maging si Claire hindi rin alam kung nasaan siya, Sinubukan na naming tawagan ang mansion nang Earhardt. Pero wala siya doon. Nag-away ba kayo?" Tanong ni Rafael. Umiling lang si Andrew.

"That's weird, saan naman siya pupunta ngayong alam niyang narito ka sa Hospital." Wika n Charles.

"That girls, might be involve in some trouble again. Crap! I can't just laze off here." Wika ni Andrew saka tumayo mula sa higaan saka nilapitan ang kanyang jacket. Iyon naman ang eksenang inabutan ni Kimberly nang pumasok ito sa silid.

"Hey! Bakit ka tumatayo?" tanong ni Kimberly saka lumapit sa binata saka iniligay ang kamay sa noo nito. "As I though you're running a fever. Sick People should stay in bed." Wika nang dalaga saka hinawakan ang jacket nang binata. "I can't let you wonder with your state. Saan ka sa tingin mo pupunta in that state?"

Dahil naman sa naging reaksyon ni Kimberly napatingin ang mga tauhan ni Andrew kay Rafael na taka din sa ikinilos nang dalaga na para bang siyay ang asawa nito.

"Ano naman ang ginagawa niyo at nakatingin lang kayo? ALam niyong sugatan ang commanding officer niyo ang you are doing nothing." Inis na baling ni Kimberly sa mga tauhan ni Andrew na lalo namang ikinigulat nang lahat.

"Calm down. Their not at fault." Wika ni Andrew saka kinuha ang jacket niya mula kay Kimberly saka isinuot.

"Hindi ka ba nakikinih sa 'kin? You are sick. And yet----"

"I'm Fine. I am just going to look for-----"

"You are going to look for that trouble maker wife of yours??" agaw ni Kimberly sa iba pang sasabihin nang binata. Bigla namang natigilan si Andrew saka napatingin sa dalaga.

"I will be right back." Wika ni Andrew na hindi pinansin ang sinabi ni Kimberly saka tangkang nalakad palayo sa dalaga. Ngunit sa hindi malamang dahilan. BIglang nahilo si Andrew at tila nang hina ang tuhod niya.

"General!" gimbal na wika nang mga tauhan ni Andrew nang makita nilang napaluhod si Andrew.

"Are you okay?" tanong Rafael sa kaibigan saka itinilapitan saka inalalayang tumayo. "You should just rest." Wika nang binata.

"I'm Fine." Wika ni Andrew saka winaksi ang kamay ni Rafael.

"You are not in fine. Tingnan mo nga ang sarili mo. Halos hindi ka makatayo nang maayos." Wika ni Rafael na muling hinawakan ang kamay nang kaibigan. "Akon ang bahalang maghanap kay Anica. You just rest here. Ano sa palagay mo ang iisipin ni ANica kapag Nakita kang ganito?" wika pa nang binata. Bigla namang natigilan si Andrew saka tumingin sa kaibigan niya.

"Rest, Okay?" muling wika ni Rafael.

"Fine. But if you won't be able to find her. I will be the one to look for her. And no one will be able to stop me." wika nang binata saka naglakad patungo sa kama. Hindi rin naman niya kayang labanan ang sakit nang ulo niya. Baka bago pa niya makita si Anica at himatayin siya sa Daan. Hindi niya maintindihan ang nangyayari at kung bakit Siya nagkakaganoon.

"I will make sure to find her." Wika nang binata sa kaibigan bago bumaling kay Kimberly. "Doktora, kayo na sana ang bahala sa General namin." Wika ni Rafael saka tumingin sa dalaga.

"Hindi mo kailangan sabihin iyan. That is the reason why I am here." Wika nito sa binata.

Nag paalam si Rafael at Ang mga tauhan ni Andrew sa dalagang doctor. Ngunit bago sila umalis upang hanapin si Anica, Palihim na pinuntahan ni Rafael si Claire upang sabihan ang dalaga na bantayan si Andrew. Hindi siya mapakali dahil sa pagiging bantay sarado ni Kimberly sa binatang Heneral.