webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

45: Awkwardness

HER POV.

Kasalukuyan akong nag-lalakad papunta sa room namin ng biglang may umakbay sakin.

"Good morning po, boss! " sabi ni Fred na merong malaking ngiti sa mga labi. Ngumiti din ako sa kanya at tinanggal ang pagkaka-akbay nya sakin.

"Good morning din, Lux. " sabi ko. Sya naman napakamot lang sa batok nya. Natawa naman ako dun, ang cute nya tingnan eh. Hahaha.

"Ah, boss, ako na ang mag-dadala ng mga libro mo. " sabi nya saka kinuha ang mga librong hawak ko.

"Ako na, kaya ko naman eh. " bawi ko sa libro ko mula sa kanya pero kinuha nya ulit.

"Hindi kaya, ang bigat kaya. " sabi nya. Kinuha ko naman ulit.

"Mabigat pala eh, edi hindi mo kaya. Tsaka, nagagaanan kaya ako. " sabi ko sa kanya. Ganun lang ng ganun ang sitwasyon namin hanggang sa makarating na kami sa hallway at sa di inaasahang pagtatagpo ng mga mundo, ay kanta 'yun ah? HAHAHA.

'Yun na nga, sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko si Mr. Idiot. Naka-akbay sa babaeng kasama nya kahapon at mukhang masayang-masaya sila, wagas kasi sila makatawa eh. Nagulat naman ako ng biglang takpan ni Lux ang mga mata ko gamit ang mga kamay nya.

"Tara na nga. Baka sumakit pa 'yang mata mo eh. " sabi nya saka ako hinila. Ngumiti na lang ako ng pilit.

'Nagde-date ba sila? '

'Siguro, halata naman eh. '

'Yuck, she's so flirt talaga. Una si prince natin, sunod naman si Lux? '

'Kaya nga eh. Tsk, malandi everywhere. Nakakadiri. '

Ano ba naman 'yan? Mapa-si Fred o mapa-si mamang inglisero ang kasama ko, nasasabihan ako ng malandi. Tsk.

"Don't mind them. Alam ko naman na hindi ka ganun eh. " sabi sakin ni Fred.

"Oo naman, nasanay na rin siguro ako sa kanila. Kasi naman dati, tuwing nakakasama ko si mamang inglisero, grabe din sila kung mag-bulungan. " sabi ko sa kanya.

"Nako, ayan ka na naman. Naaalala mo na naman si Jackson. Kalimutan mo na nga 'yun. " sabi nya.

"Syempre maaalala ko sya, grabe din kasi mang-asar sakin 'yun eh. Hahaha. " sabi ko saka napangiti.

"Wag na nga natin syang pag-usapan, nag-seselos na ako eh. Hmp! " sabi nya at para bang bata na nag-lakad papasok sa room. Sumunod naman ako sa kanya.

"Wow, makapag-selos ah, may karapatan ka? " tanong ko saka tumawa.

"Sabi ko nga eh, wala. Hehe. " sabi nya.

"Hahaha, sira! " at nag-tawanan na kami.

Maya-maya ay pumasok ang mga student council nitong school.

"Good morning, section three. We are the student council of our University. " sabi ng isang babae.

"And we are here to announce that we're looking for a student who can make a poem. " sabi naman nung isa.Tatlo kasi sila eh.

"Ang gagawin nyong tula ay kahit anong feeling. Pwedeng masaya o kaya malungkot. So, sinong sasali? " tanong ng pangatlo.

Oh my gosh! Hindi nyo ba alam na mahilig akong gumawa ng tula? Hobby ko kasi 'yun eh.

Agad akong nag-taas ng kamay.

"Kindly write your name here, ate. " sabi nung unang nag-salita. Pumunta ako sa harapan at nakita kong sumunod din si Lux. Lah?

"Naks naman, parehong sasali sa tula. Relationship Goals. " sabi ng pangatlong nag-salita.

"Ay, kuya, hindi po kami. Hindi ko nga po kilala 'yan eh. " Hahahahaha!

"Sige, boss, pag-tripan mo 'ko. " sabi nya habang sinusulat ang pangalan nya sa papel.

"Sorry na nga eh. Hahaha. " sabi ko.

"You're so cute. Sana mag-tagal kayo. " sabi ng pangalawang nag-salita saka umalis. Hala, hindi ko pa nasusulat 'yung pangalan ko. Kaso, nakaalis na sila.

"Don't worry, nasulat ko na pangalan mo dun. " sabi nya saka ako kinindatan.

"Anong nilagay mo dun? " tanong ko sa kanya nang makaupo na kami sa upuan.

"Pangalan mo, malamang. " sabi nya. Sinungaling.

"Ano pa? Sabihin mo sakin ang nilagay mo dun. " utos ko sa kanya.

"Basta ba wag mo 'kong babatukan? " tanong nya.

"Hindi kita babatukan basta ba maayos 'yung nilagay mo dun. " sabi ko sa kanya.

"Ahm, ang nilagay ko dun ay Clarisse Grahams-Lux. Oh diba? Ang ganda? " ano?!

"Walang-hiya ka! Bakit mo nilagay 'yun?! Ha?! " sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso nya.

Bwiset 'to!

Tinigilan ko na sya saka lumabas.

"Boss, san ka pupunta? " tanong nya.

"Kung saan wala ka! " sabi ko saka tuluyan ng umalis sa room na 'yun. Shems! Kailangan kong baguhin 'yung pangalan na nilagay ni Lux dun.

*Lakad*

*Lakad*

*Lakad*

*Lakad*

Ayun!

Nang makita ko na 'yung mga student council ay tumakbo ako pero dahil likas akong lampa, nadulas ako.

Shit! Ang sakit ng pwet ko. Bakit ba kasi ang dulas nitong hallway namin.

Nagulat ako ng may mag-abot ng kamay sa'kin.

"Need help? " teka, kilala ko kung kanino boses 'yun ah. Tumingala ako at hindi nga ako nag-kamali.

"J-jackson? " tanong ko. Oh shit! Awkward meyn!