webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

40: Dramatic Jackson

HIS POV.

Isang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Clarisse dahil sa letseng Fred Chicken na 'yun. At dahil din sa Fred chicken na 'yun, hindi na nakakapag-tutor sakin si Clarisse! Bwiset!

Kasalukuyan akong nandito sa may pool ng mansyon namin, umiinom mag-isa.

"Ano bang meron dun sa Fred Chicken na 'yun ha?! Eh, mas gwapo naman ako kesa dun eh! " sigaw ko. Wala akong pakielam kung mukha na akong tanga dahil sa ginagawa ko.

"Ikaw! " turo ko sa maid na malapit sakin.

"Gwapo ako diba?! " tanong ko sa kanya. Hindi sya naka-sagot agad kaya sinigawan ko ulit.

"Diba?! Sagot! "

"O-opo, sir. Ikaw po ang nakilala kong sobrang gwapo, sir. " sabi nya. Ngumiti ako sa kanya saka tinaas ang hinlalaki ko.

"Good! " sabi ko.

"Boss! " narinig ko ang boses ni Karl kaya lumingon ako sa likuran ko.

"Uy, Karl! What's up? " tanong ko saka tumawa. Nababaliw na ata ako. Baliw sa kanya.

"Boss, bat ka ba kasi nag-iinom?" Tanong nya. Tumingala naman ako sa kalangitan at saka hinawakan ang baba ko.

"Bakit nga ba? Hmmm.. " bakit nga ba ulit ako nag-inom? Ah!

"Alam ko na! Kasi si Fred Chicken, inaagaw si stupid girl sakin. Tapos masayang-masaya pa sya dun sa Fred Chicken na 'yun. " sabi ko habang naka-cross arms.

"Oh tapos? " tanong ni Patrick.

"Tapos? Nanghihingi ka pa ng tapos? Tapos na nga diba, ibig sabihin wala ng kasunod. Parang 'yung pagkakaibigan namin, tapos na. " pag-hugot ko.

"Ganyan ka ba 'pag nakakainom? Nagda-drama? " tanong ulit ni Patrick.

"Nagda-drama? Nagda-drama lang naman ako kasi nasaktan ako, pre! " parang baliw kong sabi. Inakbayan naman ako ni Karl.

"Boss, wala kang karapatang mag-selos kasi hindi naman kayo. At lalong wala kang karapatang sabihin na inagaw ni Fred si Clarisse dahil hindi sya sayo. " sabi ni Karl.

"Oo, wala akong karapatan. Oo, hindi ko sya pagma-may-ari pero may karapatan akong masaktan kasi nag-mahal ako. " sabi ko ulit.

"Porket nasaktan ka, mag-iinom ka na? Bat di mo subukang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo? Bakit di mo iparamdam nang hindi ka nagda-drama dyan. " sabi naman ni Patrick.

"Natatakot ako. Natatakot ako na layuan nya ako. " sagot ko.

"Kung matatakot ka lang ng matatakot, paano nya malalaman 'yang nararamdaman mo? Hahayaan mo na lang ba na maunahan ka ng Fred Chicken na 'yun? Pwes kami ni Karl, hindi. ClaSon pa rin! " sabi ni Patrick. Napangiti na lang ako.

Kahit mga abnormal 'tong mga 'to, mahal na mahal ko 'to.