webnovel

CHAPTER 1:Richboys and Meteor lover

"Owemji!ayan na yung F4"

"Ang gwapo nila omaygaddd!"

"Kung magiging boyfriend ko ang isa sa kanila hindi kona pakakawalan pa"

"ang swerte ng idedate nila"

"Grabe ang gwaoo talaga nila!"

Ilan lamang yan sa maririnig Kapag dadaan na ang Grupo ng Pinakamayaman na estudyante ng Maxtawrt University na binubuo ng apat na kalalakihan.

Tyzer Mendoza,Malakas ang charm nya sa mga girls kaya naman kung may gusto syang makuha sa isang babae ay walang kahirap hirap nya itong makukuha.Marami syang alam tungkol sa iba't ibang uri ng alak.

Laurenz Cy, Bihira mo syang makikitang naka ngiti.Mas madalas itong seryoso ang mukha kaya naman nagmumukha itong suplado.Magaling sya sa pagpaplano ng mga bagay bagay katulad nalang kapag may gaganapin event.Mahilig din sya sa Tea.

Dreille Torres, Katulad ni Laurenz Hindi mo rin sya madalas na makikitang Naka ngiti.Kung titingnan mo ang itchura nya Wala itong emosyon.Mahinhin din sya at Madalas na tahimik.

Dhylan Dalyx Devano, Sa kanilang apat Si Dhylan ang pinaka basagulero sa kanilang apat.Pinapatulan nya kahit mga babaeng makakabangga nya.Anak sya ng isa sa pinaka mayaman at Kilalang Pamilya sa Business world.

Sila ang Apat na Campus Crush at Kinatatakutan ng lahat ng estudyante sa Maxtawrt University.

Ang Maxtawrt University ay isa sa pinaka malaki at Kinikilalang Private University sa Bansa.Karamihan sa mga nag aaral dito ay anak ng mayayamang pamilya o hindi kaya ay Mga Dayuhang Napiling dito mag aral dahil sa ganda ng eskwelahan na ito.

Marami ang naghahangad na mag aral dito ngunit Dahil sa Kamahalan ng tuition fee ay mas gusto nilang manatili nalang sa Public school na kanilang pinapasukan.

                                     ******************                     

LYRID's POV

"Mama eto naba yon?Ang Pinaka sikat na eskwelahan na papasukan ko?"Mangha akong nakatingin ngayon litrato ng Eskwelahan na Papasukan ko.

"Oo anak, Kaya dapat pagbutihan mo ang pag aaral mo.Bihira lang ang nakakapasok sa eskwelahan na yan kaya maswerte kang ikaw ang isa sa mga makakapag aral sa university nayan" sabi ni mama habang Inaayos ang Kwelyo ng damit ko.

Kami ang pumili ng unibersidad na papasukan namin.Nakadepende sa amin ang eskwelahan na Gusto naming pasukan.

Maxtawrt University ang napiling kong eskwelahan, Maganda daw kase kung dito ako mag aaral ng course na gusto ko.Scholar din naman ako kaya mas maganda daw kung lulubusin ko na ang Chance na ibinigay sa akin.

"Ayan ayos na!Dalian mona dyan at ng makaalis na tayo"utos ni mama sa akin habang inaayos ko ang sapatos ko.

"Tara na po Mama"yaya ko sakanya.

Ilang oras lang ang byahe namin papunta sa Maxtawrt University.Isa pa napili ko rin na dito nalang din mag aral dahil malapit lang ito sa Bagong bahay na nilipatan namin ngayon.

Pagpasok palang sa gate ng Maxtawrt University bumungad agad sa amin ang Magandang Building ng Ng unibersidad na ito.Makikita mo rin sa mga kasuotan ng mga nag aaral dito ang Posisyon nila sa buhay.Magagarang Kasuotan at May mga kumikinang na Alahas na suot ang mga babae dito, Ang mga lalaki naman ay Branded na Damit at Sapatos.

"Ang laki naman nito"Manghang sambit ko habang nakatingin sa Maxtawrt University.

"Pagbutihan mo ang pag aaral mo dito Anak ha, Dapat i maintain mo ang grades mo.Wag lang magbubulakbol"paalala sa akin ni mama habang naka akbay sa balikat ko.

"Opo Mama, Promise po"sabi ko at tinaas pa ang kamay ko.

"Osya Pumasok kana at Pupunta muna ako sa office para ibigay ang mga ito"Ipinakita ni Mama ang hawak nyang envelop.

Nagtungo agad ako sa Classroom na Sinabi sa akin.Pag pasok sa pinto ng classroom ramdam ko agad ang kaba Dahil lahat ng mga Kaklase ko ay nakatingin sa akin na tila kinikilatis ang Buong katawan ko at Kasuotan.Sa mga tingin nila ay alam kaagad nila ang posisyon ko sa buhay.

Demeretcho ako sa upuan sa bandang gitna dahil walang nakaupo dito.

"Hi, Freshmen ka?"Bati at tanong sa akin ng babaeng nasa likod ko ang upuan.

Tumango ako sakanya at ngumiti.

"Im Shannon Cristologo"Inilahat nya ang kamay nya sa akin.

Humarap ako sakanya at Nakipag kamay din sakanya.

"Shanchai Lyrid Costago"Sabi ko

"Wow, Ang ganda naman ng pangalan mo.Inspired ba sa meteor?"tanong nya kaya napangiti ako.

"Oo, Lyrid Meteor Shower"sagot ko habang naka ngiti.

Nasa ganoon kaming pag uusap ng dumating ang Prof namin kaya umayos na kami ng upo.

Maganda ang Way ng pagtuturo ng mga teachers dito base sa unang araw ng pag aaral ko sa Maxtawrt University.Pagbubutihan ko talaga ang Magiging journey ko dito sa paaralang ito, Hindi ko hahayaan na may humadlang sa pangarap ko.Gagawin ko ang lahat para maging maganda ang Buhay ko at Buhay ng pamilya ko.

Mahirap makisama sa mga mayayaman dahil matapobre ang mga ito pero hindi ko hahayaan na maliitin nila ang kakayahan ko.Hindi ko hahayaang Hadlangan nila ang mga pangarap ko.

Ako si Shanchai Lyrid Costago, College Student at Freshmen Ng Maxtawrt University.Lumaki sa Mabuti at Masayang Pamilya.Paborito ko ang panonood sa mga bituin sa gabi lalo na ang mga Meteor Showers.Ako si Shanchai na handa ng makipag sapalaran sa bagong Buhay ko sa Maxtawrt University.