webnovel

The Four Powerful Element [Tagalog]

KishJaneCy261928 · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

Mount Stathatt

Franscene Point of View

Saglit lamang kami natulog dahil malapit na mag alas kwatro ng umaga.

Naka handa na rin kami sa paglabas namin sa Charhelm may mga dala kaming mga pagkain.

Nandito din si Queen Harley na kararating lang. Hindi n'ya na kasama 'yong babaeng familiar.

Nakatayo kaming lahat sa harap n'ya.

"Wag na 'wag kayong magpapadala sa ano mang temptation. Mapanganib ang lugar na 'yun at ang nakikita ng inyong mga mata ay pawang hindi totoo."

Matapos nang lahat nag umpisa na kaming mag lakad.

Madilim ang kalangitan pati ang kapaligiran ng makalabas kami ng Charhelm.

"We need to teleport," I suggest para mapadali ang paglalakbay namin. Sobrang layo pa ng Mount Hallstatt kong 'di namin gagamitin ang mga ability namin.

"Kaninong ability ang gagamitin?" Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay busy maki paglandian kay Leigh.

Mukhang ako lang ang walang kasama ngayon. Lahat sila may mga kasama.

Tumingin ako kay Jonh Ford na busy maki pag-usap kay Windy. Okay mukhang busy silang lahat.

"Kay Windy nalang siguro," marahan lang ako tumango. I agree naman dahil hangin ang ability n'ya.

Gumawa ng napakalaking bato si Leigh gamit ang lupa. Pinalapad n'ya rin ito para mag kasya kami.

"Tayo na," sumakay kami sa ginawa ni Leigh at ginamit ni Wayne ang ability n'ya para makalipad kami.

Napapansin ko lang din na simula kanina hindi sa akin lumalapit si Jonh Ford. 'So what?' Hayys bahala nga siya.

Ako tuloy ngayon ang walang kausap dahil ang kapatid kong si Jess Lloyd busy makipag landian kay Leigh.

Umupo ako dahil napapagod na ako tumayo. Tumingin ako sa paligid. Hindi magical places ang nakikita ng mga mata ko ngayon.

Tanging mga ulap lang ang nakikita ko at ang mga lupa na kasing taas ng mga bundok isang deserto.

Habang papalapit kami na pansin kong may bundok napaka taas sa unahan. Siya lang din ang nag-iisang bundok na nandito sa deserto at may mga puno.

"Mukhang 'yan na nga ang mount stathatt."

"Kailangan nating maging aware dahil ang bundok na 'yan ay mapaglinlang." Dahan-dahan kaming inilapag ng bato sa lupa.

Nasa paanan na kami ng bundok at naka tingin sa pinakatuktok nito naaabot na ng mga ulap.

May nararamdaman akong pressence na parating. Hindi ko lang sure kong nararamdaman din nila.

"Nararamdaman n'yo rin ba 'yon?" Nagka tinginan kaming lahat mukhang 'di lang ako ang nakakaramdam.

Inihanda namin ang mga sarili namin kong sakali man na may panganib na paparating.

"Jake," napatingin kami sa paparating. It's Jake, may mga kasama siya. Apat sila lahat nagka tinginan kaming lahat.

"Jake, ayos ka lang ba anong ginawa sa'yo nila?" Ngumiti siya kay Windy na ikinataka ko. Napataas ang kilay ko dahil sa reaction n'ya.

Kilala ko siya bilang cold hindi bilang palangiti na tao. Mukhang may kakaiba.

"Windy!" Hinila ko siya ng papalapit siya kay Jake.

"Hindi ka dapat mag tiwala sa kanya lalo na nakuha siya ng ama n'ya. Hindi n'yo alam kong nagpapanggap lang siya." Basta masama ang kutob ko.

"I think you're right sis." Tinaasan ko lang ng kilay si Jess Lloyd.

"No, you're wrong. Nakatakas ako at sila ang tumulong sa akin para makatakas ako." Turo n'ya sa tatlong babae na kasama n'ya.

"Paano mo mapapatunayan 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi kita pinipilit na mag tiwala sa akin. Hindi ko na rin dapat patunayan pa 'yon. Nandito ako para tumulong." Napangisi ako sa pinapagsabi n'ya.

"Paano mo nalaman na pupunta kami dito?" Tumingin naman siya sa isang babaeng kasama n'ya.

"Nang dahil sa ability ko." Kinuha n'ya sa mga kamay n'ya ang isang tipak ng lupa. "Nang dahil sa lupa na 'to malalaman ko kong na saan kayo. Nagbibigay sila ng daan kong saan kayo papunta." I'm not satisfied sa sagot n'ya.

"Then paano n'yo nalaman kong paano namin kukunin ang reality warping?" Agad naman sila napa hinto.

"Kukunin n'yo ang reality warping?" Fuck! Sinamaan ako ng tingin ng kapatid ko.

"Enough, let's go." Napapailing nalang si Hiro na nauna ng mag lakad papunta sa taas ng bundok.

******

Windy Point of View

Bumulong ako kay Jonh Ford dahil kanina ko pa napapansin ang pag tingin sa kanya ni Ilesha na parang naiinis at may bitternes.

"Bakit parang 'di mo pinapansin si Ilesha simula kanina pang pag-alis natin?" Napatigil naman siya sa tanong ko. Paano kasi dito siya sa akin daldal ng daldal.

"Huh? Wala lang. Tsaka namimis na kita kausap." Ngumiti ako ng pilyo sa kanya.

"Really? Mukhang ginagamit mo lang 'ata ako, e." Nangunot naman ang noo n'ya.

"Anong pinapagsabi mo. It's true that I miss you. Ang dami kong na mis na 'di mo na na kwekwento sa akin. Huli ko kasing natatandaan nong nasa mortal world pa tayo. You always scolded me and being mean to me pero ngayon hindi ganon." Napangiti lang ako ng mapait sa kanya.

"You know people change, na realize ko 'yung mga pagkakamali ko. Gusto ko rin makita ang parents ko. Sana lang buhay pa sila." Nalungkot naman siya sa sinabi ko. Tanggap ko na rin na isa akong ganito.

"Tingin ko buhay pa sila." Tipid lang akong ngumiti kay Jonh Ford.

"Ikaw, buhay pa ba sila?" Sa totoo lang 'di ko alam ang buhay ni Jonh Ford. Kahit childhood friend ko siya wala akong gaanong alam sa buhay n'ya. I'm always into my life not in his life.

"Ofcourse, but katulad mo hinahanap ko rin sila." Napangiti siya ng mapait.

"Sorry, sana pala 'di ko nalang tinanong. Mabuti pa iba nalang ang pag-usapan natin."

"Mabuti pa nga nakaka emo 'yang mga pinapagsabi mo."

Matapos ng mahaba naming paglalakbay dumating na rin kami sa paanan ng bundok.

Bumubulong sa akin ang hangin na may panganib na paparating.

Alam kong meron dahil mapanganib ang lugar na 'to at dapat kaming mag-ingat.

"Jake," hindi ko inaakalang makikita ko siya. Natutuwa ako dahil buhay pa siya. Pero na bahala ako sa sinabi ni Ilesha. Lalo na mapanlinlang 'tong lugar na 'to.

Pero parang wala namang nagbago sa kanya. Natuwa nga ako nong ngumiti siya sa akin.

Bihira n'ya lang kasi ipakita sa mga nakakasalamuha n'ya ang totoong siya. He's not a cold, he's just introvert.

Nag-umpisa na kaming umakyat sa bundok. Napapansin ko rin na kanina pa naka dikit sa kanya 'yong isang babae.

Hindi man lang siya lumalapit sa akin. Pero hindi nga pala kami close. Ako lang 'tong naapektuhan.

"Parang may kakaiba kay Jake," napatingin ako kay Jonh Ford. Umiling ako sa kanya.

"Wala naman still him as always." Napailing nalang siya sa akin.

Hindi ko inaakalang aabutin kami ng gabi sa pag-akyat sa bundok na 'to.

Kaya nagpahinga muna kami dahil ilang oras na kaming naglalakad.

Lumayo muna ako sa kanila at tumingin sa paligid. Ang daming alitaptap na nandito.

Umupo ako sa isang puno nandito at 'di ko inaakalang may tao ding naka upo dito.

"What you doing here?"

"Ahm-m gusto ko lang sana umupo. Hindi ko alam na nandito ka. Aalis nalang ako kong ayaw mo."

"Nah, just sit."

Umupo ako sa tabi n'ya habang naka tingin sa mga alitaptap. At tanging sinag ng buwan na nagpapaliwanag sa buong kapaligiran.

"Alam mo ba ang saya ko kasi ligtas ka."

"Then why is really matter to you?" Medyo na offend ako sa sinabi n'ya.

"Ofcourse it's really matter to me. Nandoon ako nong nangyari 'yon at marami kang binago sa akin."

"Kind of?"

"It's doesn't really matter too kahit sabihin ko sa'yo. Pero isa lang masasabi ko na dapat siguro 'wag kang makikinig sa sinasabi ng utak mo. Makinig ka dito," itinuro ko ang dibdib n'ya.

Napatingin lang ako sa kanya ng ilang segundo bago ko inalis ang tingin ko sa kanya. Wala siyang reaction sa sinabi ko.

"Walang lugar ang puso sa mundong ito. Kong makikinig ka sa puso mo mapapahamak ka lang."

"It's not true, dahil kong makikinig ka sa puso mo malalaman mo kong gaano ka importante sa'yo ang lahat. Malalaman mo kong gaano ka ganda ang mundo. Magiging malakas ka sa pamamagitan ng pagmamahal. Trust me ilang beses ko ng sinunod ang utak ko pero mas nasaktan lang ako." Ngumiti ako sa kanya bago ako tumayo at iwan siya.

*****

Wayne Point of View

Hindi pa nag-uumaga ng mag simula kaming mag lakad ulit para makarating kami sa pinaka taas ng bundok.

Kong nagtataka kayo kong bakit 'di namin ginagamit ang ability namin para makarating agad. Hindi gumagana dito ang kahit ano mang kapangyarihan.

Habang naglalakad kami tumigil muna kami para mag pahinga dahil gagabihin kami.

Magka hiwalay hiwalay kami na nag pahinga. Pinagmamasdan ko lang ang mga kulisap na nandito sa kagubatan.

"Nandito ka lang pala," tipid lang ako ngumiti kay Hiro at saglit na sinulyapan siya.

"Hiro," hindi siya sumagot pero alam kong narinig n'ya 'yun. "May gusto lang sanang akong i-tanong sa'yo." Matagal ko na 'tong gustong i-tanong sa kanya pero hindi ko nagagawa. "Alam mo kasi hindi ko alam kong anong tawag sa atin." Nakita ko siyang sumulyap sa akin saglit.

"Gusto ko lang sanang malaman nalilito kasi talaga ako."

"Hindi ko rin alam." Sagot n'ya. "Masyado pang complicated ang situation ngayon pero isa lang ang masasabi ko mananatili ako sa'yo kahit anong mangyari." Then he hold my hands.

"Aahhh!" Napasigaw ako ng bumagsak ako. Bumagsak ako sa katawan ni Hiro napalunok ako ng magkatinginan kaming dalawa.

"Sorry," agad akong bumangon agad. Mabuti nalang madilim kaya hindi n'ya nakikita ang itsura ko ngayon.

"Teka na saan tayo?" Nag shrugged lang siya sa akin. Huling pagkakaalala ko mag kausap pa kami at nilamon kami ng lupa at nalaglag kami dito.

Napakapit ako kay Hiro ng may marinig akong mga halakhak. Nakakatakot 'yong tawa n'ya parang witch.

"Huwag kang matakot," dahan-dahan kaming naglakad at napatingin kami sa paligid na puno ng mga salamin.

"Mukhang walang daan pabalik dito."

"No, it should be. Isa sa mga salamin na 'to ang daan pabalik o baka papunta sa mismong dapat nating puntahan."

Lumapit ako sa salamin na malapit sa akin at halos mapatalon ako sa gulat ng lumabas doon ang itsura namin ni Hiro.

Tumatawa sila pero 'yong mga sarili namin ang nakikita namin.

"Isang salamin lamang ang dapat n'yong piliin." Sabi nitong si Hiro na mula sa salamin.

"Isang salamin na kahit kailanman wala pang nakakahula hahahahaha." Napalunok naman ako sa tawa ng babaeng kamukha ko sa salamin. Ganito ba ako tumawa? Nakakakilabot naman pala.

"Anong salamin naman 'yon?" Tanong ni Hiro.

"Kami, kami ang salamin na 'yon sumama kayo sa amin at ituturo namin ang tamang daan." Nagkatinginan naman kami ni Hiro at agad na napailing.

"Hindi tayo pwedeng magpadala sa kanila, lalo na kapag pumasok tayo sa isa sa mga salamin maaaring 'di na tayo makabalik." He's right.

Tumingin pa kami sa iba pang mga salamin at ang tangi lang nilang ginagawa ay ang linlangin kami.

"Paano na 'to?" Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Isipin mong mabuti ang logic na binigay. Halos lahat sila dito sinasabi na sumama sa kanila at ang ibang salamin hindi nagsasalita. Maaaring sa mga salamin na hindi nagsasalita ang tamang daan."

"Okay, ako dito sa side na 'to maghahanap at ikaw don." Naghiwalay kami ni Hiro at sa sobrang daming salamin na nandito nakakalito.

Sobrang gaganda din ng mga salamin na nandito.

Hanggang sa..

Nagkabungguan kami n Hiro nakarating kami sa pinaka unahan at may dalawang salamin na nandito.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Maaaring isa sa mga salamin na 'to ang magbibigay sa atin ng tamang daan." Ngumiti kami sa isat-isa ni Hiro.

Dalawang salamin na magkaharapan ang nandito. Pareho din silang malalaki at kakaiba pero ang isa sa mga ito ay basag at luma na.

"Let's go," sabay kaming tumalon ni Hiro sa salamin na basag at pinaka luma na.

Napunta kami sa lugar na sobrang ganda. Maraming mga puno na nandito at mga bulaklak na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

"Mukhang tama ang napili natin." Yah, mukhang tama nga. Hindi talaga dapat tumingin sa panlabas na kaanyuan. Hindi lahat ng mga nakikita mong maganda ay totoo dahil makikita lamang ang totoong ganda kun'di sa kalooban.

"Sundan lang natin ang daan na 'to." May batis pa kaming nadaanan.

After naming makalampas sa tulay may nakita kaming babae. Sobra n'yang ganda..

Hindi ako maka salita ng makita ko siya dahil ang ganda n'ya talaga. Pero may ibang pakiramdam akong nararamdaman.

*****

Leigh Point of View

Kong minamalas ka nga naman. Bakit ba lagi kong nakakasama ang lalaki na 'to? Pero okay na rin dahil tatlo kaming magkakasama. Kasama n'ya 'yong isa sa mga babaeng kasama ni Jake.

Pero simula kanina ng lumubog kami sa lupa hindi ako pinapansin nitong si Jess Lloyd. Yung lagi n'yang pinapansin 'yong babae na kasama namin. So? Ano rin bang pakialam ko?! Maganda nga 'yun, e. Wala nang manggugulo sa akin! Pero ang LANDI NYA!

NAKAKAINIS!

Kapag tumitingin siya sa akin iniirapan ko siya. Ang sarap nilang tustahin na dalawa. Humarap ako sa kanilang dalawa at eksaktong naglalandian sila!

Gusto ko na 'ata silang dalawa pag buhulin at igapos sa mga ugat ng puno na nandito!

"Kayong dalawa! Wala ba kayong balak mag-isip huh? Kong paano tayo makakalabas dito?! Hwag naman kayo puro landian!" Bago tinalikuran ko sila.

Sobrang nakakainis lang kasi. Na trap na nga kami sa madilim na lugar na 'to tapos sila naman ang tanging alam lang mag landian.

Napatingin ako sa babaeng kausap ni Jess Lloyd. Maganda siya, maputi, maamo ang mga mukha. Pero, teka bakit kakaiba ang mga mata? Hindi ordinary.  May mga kulay ito na kumikislap.

Napatingin ako sa mga punong nandito na wala ng buhay. Pero naiintindihan ko siya..

Napatingin ako kay Lloyd.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya na ikinatingin n'ya naman. Pero ang walanghiya hindi ako pinansin. Talagang nananadya ang gago!

Gusto ko na siyang sakalin sa sobra kong inis. Ano rin ba kong mapahamak siya?! Wala akong pakialam! TANDAAN MO LEIGH WALA KANG PAKIALAM SA LALAKI NA YAN!

"JESS LLOYD!" Sigaw ko na ikinagulat n'ya at lumapit siya sa akin.

"What? Anong problema mo?" Napalunok naman ako hindi ko kasi alam kong paano ko sa kanya 'to ipapaliwanag.

"Lumayo ka sa kanya." Nahihiya kong sabi. Fuck bakit kasi kailangan ko pa 'tong gawin? Baka iba ang isipin ng lalaki na 'to lalo na nakangisi na naman siya sa akin. Mukhang iba nga ang nasa utak n'ya.

"Nagseselos ka ba? Huwag kang mag-alala ikaw lang." Inirapan ko siya. Hinila ko siya palayo sa babae.

"Makinig ka sa akin. May nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Please umiwas ka muna sa kanya. Kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin."

"Nag-aalala ka ba sa akin?" At ang gago nakangisi na naman. Tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw namin pero kitang-kita ng mata ko 'yong mukha n'ya.

"Hindi ako nag-aalala para sa'yo! Gusto ko lang umuwi tayong lahat ng buo. Lalo na 'yong kapatid mo alam kong masasaktan siya pag nawala ka."

Napahawak naman siya sa dibdib nya na parang nasasaktan. "Ouch hindi ka man lang nag-aalala sa akin. Total di ka naman nag-aalala sa akin tsaka wala naman akong nararamdaman na kakaiba kay Endra."

"JESS LLOYD!" Sigaw ko sa kanya. Ginagalit n'ya talaga ako.

"What? Titigil lang ako kapag sasabihin mong nag-aalala ka. Seems that you don't care so, why would I?" Hindi na ako na ako sumagot sa kanya dahil sobra na akong naiinis sa kanya. Ang tigas ng ulo n'ya!

Bahala nga siyang mapahamak dyan. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya at hindi ako nag-aalala! Kahit anong mangyari hinding-hindi ko sasabihin sa kanya na nag-aalala ako! Pero hindi talaga ako nag-aalala. Shet! I think I'm going crazy right now! Fuck you Jess Lloyd!

Lumakad ako palayo sa kanila! Bahala nga sila bahala siya mapahamak. Maghahanap nalang ako para makaalis sa lugar na 'to.

******

Thank you sa mga nagbabasa nito kahit sobrang tagal ko mag update. May part 2 ang chapter na 'to.