webnovel

The Former Villain

I am Jax Blaine. I already forgot this feeling long time ago. Caring and loving someone is already deleted in my vocabulary. Unfortunately, didn't expect I felt those things again because of that lady.

Parisfrans99 · Realistic
Not enough ratings
57 Chs

Chapter 53

Kitkat's POV

Bumaba ako sa biseklita ni Alfonso nang makarating na kami sa campus. Aalis na sana ako nang tinawag niya ako.

"Hoy babae! Hindi diyan ang daan papuntang classroom niyo!"

"Pupuntahan ko si Jax sa office niya."

"Gusto mo samahan kita?"

"Hindi na! Sige na!"

"Oh sige bahala ka!"

"Hindi mo yata ako inaaway ngayon?"

Tiningnan niya naman ang cellphone niya. "Male-late na tayo! Mamamaya aawayin kita! 'Wag kang mag-alala! Engot nito!"

Nang umalis siya, huminga naman ako nang malalim at agad na pinuntahan ang studen council kasi alam ko namang doon siya palagi dumiretso.

Nang makarating ako sa hallway, natigilan ako nang makitang magkasama sila ni Caryll at nag-uusap. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang tumingin si Jax sa aking gawi at medyo kusa na lang akong napaatras nang makita ang galit niyang tingin.

"J-Jax!" tawag ko at sinubukan siyang lapitan nang makabawi ako.

"Don't let her get inside!" utos niya kay Caryll at pumasok na sa loob. Natigilan naman ako.

Bumuntong-hininga si Caryll at parang awkward na tumingin sa akin. "Pasensya na..."

Sinulyapan ko ang pinto at sinulyapan ko siya. "O-okay lang hehe!"

Dali-dali akong tumalikod at umalis doon. Nang makalayo na ako, agad kong kinagat ang aking labi at pinahiran ang luha na tumulo sa aking mata.

Nasasaktan ako... Hindi ako sanay na ganoon tumingin si Jax sa akin. Na kinamumuhian niya ako! Pero mas nasasaktan ako tuwing naiisip ko ang kanyang nararamdaman ngayon. Akala niya siguro niloloko ko siya. Kahit naman siguro sinong nasa pwesto niya, gan'on 'yong mararamdaman... Alam ko naman iyon pero ang sakit pa rin.

Sa tuwing may time ako, hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita. At alam kong iniiwasan niya talaga ako. Buong araw akong wala sa sarili at tanging siya lang ang iniisip ko. Kung paano ako magpapaliwanag. Kung anong gagawin ko maniwala lang siya sa akin.

Noong lunch break kasama ko si Alfonso sa cafeteria pero wala doon sina Jax at Caryll. Nakaramdam naman ako ng matinding selos pero alam kong wala akong karapatang maramdaman iyon dahil sa nagawa ko. Kaso hindi ko mapigilang mag-overthink! Silang dalawa lang kasi 'yong wala sa table nila ng mga council. Kahit si Mr. Espayo ay nandoon.

Sabay din kaming umuwi ni Alfonso at nakaangkas ako sa kanyang bike. Inaway nga niya ako pero wala akong ganang patulan siya. Ikinakatuwa niya sigurong inaaway ako. Isip bata talaga!

Nagulat naman kaming dalawa nang makita namin si Noreen sa labas ng condo ni Jax. Napatingin siya sa gawi namin at agad akong nilapitan. Sa isang iglap lang, naramdaman ko na lang ang palad niyang dumapo sa aking pisngi!

Mabilis naman akong hinila ni Alfonso palayo at itinulak si Noreen para hindi makalapit sa akin.

"Ano bang problema mo babae!"

"Wag kang sumabat dito!" Lalapitan sana ako ulit ni Noreen pero humarang siya at mas itinago ako sa kanyang likuran. Sinamaan naman siya ng tingin ni Noreen pero hindi siya nagpatinag.

"I am pregnant with Clark's baby! Bitch!" galit niyang sabi sa akin na ikinagulat ko. "Yet I found out you were kissing and making out with him? Sht! Hindi mo pa rin ba matiis si Clark kahit may boyfriend ka na? Ginagantihan mo akong hitad ka!"

"Hindi 'yan totoo!" galit kong sabi.

"You're still lying? Jax Blaine himself tortured Clark in front of me because of what you did! Because he saw you two making out! Bitch!"

At mas lalo akong natigilan nang marinig ko iyon. Natigilan ako dahil iyon talaga ang akala ni Jax, na nakikipag-make out ako kay Clark...

Hindi ako makapagsalita at naiyak na lang nang tuluyuan. Hinawakan naman ni Alfonso ang aking kamay at pinapaalis niya si Noreen.

"Sabing wag kang sumabat ditong traydor ka! Hindi porket gusto mo rin ang hitad na 'yan, sasabat ka!"

"Anong pinagsasabi mo diyan! 'Wag ka ngang manggulo dito at doon mo ibuhos ang galit mo sa gago mong boyfriend!"

Sinamaan kami ng tingin ni Noreen. Bago siya umalis may sinabi pa siya sa akin at 'di 'yon nawala sa aking isipan.

"You still dare coming to his condo even after cheating with him? I already know your style bitch! Kunwari inosente at mabait! Wag ka nang makipagkita kay Clark dahil mapapatay na talaga kita! Don't you really dare!"

Nanghina naman ako bigla nang umalis na si Noreen. Inalalayan naman akong tumayo ni Alfonso at sabay kaming pumasok sa loob.

Hinawakan ko ang braso niya para patigilin siya sa paglakad. "Maniniwala ka ba sa lahat ng sinabi ni Noreen?" naiiyak kong tanong sa kanya.

"Hindi! Kilala kita. Kahit engot ka, hindi ka gan'on!"

"Pero si Jax, nakita niya mismo... Kung ikaw si Jax, iba siguro ang tingin mo sa akin."

"Siguro nga... pero may tiwala ako sa 'yo!"

Natigilan naman ako saglit nang makitang sobrang seryoso ng kanyang mukha. Ilang sandali ay bumuntong-hininga siya.

"Nagtiwala nga sa 'yo si Exseven kahit napaka-engot mo! Magiging okay din ang lahat. Galit lang siguro 'yong Jax Blaine mo!"

Tiningnan ko naman siya nang diretso sa mata. "Ang hirap paniwalaang ikaw nagsabi niyan... Pero wala akong mailibre sa 'yo..."

"Anong pinagsasabi mo diyan?" kunot-noo  niyang tanong.

"May kutob akong magpapalibre ka sa 'kin mamaya eh kaya ganyan ka kabait ngayon!"

Bigla naman siyang sumimangot tsaka sinamaan ako ng tingin na parang napikon.

"Ay 'buti't pinaalam mo! Sisingilin ko 'yang libre na 'yan balang araw!"

Hindi na ako nagsalita pa at pumasok na lang sa kwarto ko. Wala pa din kasi si Jax. Gusto ko sanang tumambay sa sala para hintayin siya pero ayokong makita ng engot na 'yon na umiiyak na naman ako. Tatawagin pa naman akong pangit.

Umupo ako sa higaan at muling inalala ang lahat ng sinabi ni Noreen. Hindi pa rin ako makapaniwalang hahantong ang lahat sa ganito. 'Di ako makapaniwalang pinuntahan talaga ni Jax si Clark.

'You still dare coming to his condo even after cheating with him?'

Ang mga katagang 'yon ay hindi na mawala sa 'king isipan. Hindi naman ako  nag-cheat sa kanya pero nanliliit ako sa isipang tumutuloy pa rin ako rito kahit ayaw ni Jax na makita ako.

Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya sa hindi malamang dahilan.

Ilang oras akong nakatulala at umiiyak. Nag-o-overthink at higit sa lahat ay iniisip kung anong tamang gawin.

'Pinaghirapan ko ang relasyon na ito pero sinira ko rin! Sinira ko ang tiwala niya!'

Magpapaliwanag ako sa kanya... Kung galit pa rin siya pagkatapos niyang pakinggan ang paliwanag ko, aalis na ako dito sa condo niya. Ayoko siyang masaktan sa tuwing makikita ako...

...Pero ang planong iyon ay hindi pa rin nangyari nang mahigit isang linggo na ang lumipas. Isang linggo ko siyang hinanap, tinawagan o hintayin para lang makita siya pero hindi ko siya makita.

Pinakamasakit pa sa lahat ay sadyang hindi siya nagpapakita sa akin. Sa akin lang.

Hindi siya umuuwi sa condo at wala man lang akong idea kung saan siya natutulog. Si Alfonso pa rin ang kasama ko pero tuwing umaga na lang kami nagkikita dahil natutulog na ako bago siya dumating pagkatapos ng duty niya.

Sa campus naman, hindi ko siya makita kahit pa sabihin ng iba na pumasok siya at may nakakakita sa kanya. Sa tuwing pumupunta ako sa council para hanapin siya, palagi daw siyang wala. Tuwing uwian naman palagi siyang naunang umuwi. Tuwing lunch ay palagi silang wala nina Caryll at Mr. Espayo kaya hindi ko na naman maiwasang mag-overthink.

Ayoko ring lapitan ang ibang members ng council dahil alam kong ayaw nila sa akin. At kahapon, nakita ko siya saglit at sinubukang sundan pero bigla-bigla na lang nawala.

'Miss na miss ko na siya!'

Nakakaiyak lang dahil alam kong ako lang ang iniiwasan niya. Nasasaktan ako ng sobra. Tumawag sa akin si Clark no'ng nakaraang araw ng dalawang beses pero hindi ko na sinagot pa. Buti na lang hindi na siya umulit pa dahil baka sasabog na ako sa galit sa kanya.

Wala din akong idea kung alam na ba nina Kernel, ate Violy, at ng iba ang tungkol sa amin. Simula kasi noong nag-away kami ay hindi na sila bumisita sa akin. Nahihiya din kasi akong harapin sila. Syempre kaibigan sila ni Jax at sinaktan ko ang kaibigan nila.

Ngayon naman, nag-text si Alfonso sa akin na hindi daw muna niya ako masusundo ngayon dahil kelangan na niya daw mag-early in sa shop kasi umalis daw muna si Kernel at pumunta sa city. Tinanong ko naman kung bakit pero hindi na niya sinabi.

Ngayong araw lang akong may chance na makapaghintay kay Jax. Palagi kasi akong sinusundo ng Alfonso na 'yon gamit ang kanyang secondhand na bike. Alam ko ring inaaway niya ako para i-comfort at sinasamahan kapag may time siya. Kahit 'di niya sabihin at 'di niya ipakita directly sa 'kin, alam kong nag-aalala ang engot na 'yon sa 'kin.

Hinawakan ko ang motorbike ni Jax na naka-park dito sa parking area ng campus. Ito ang palagi niyang ginagamit. Tumakas pa talaga ako sa huling klase namin dahil alam kong maaga umaalis si Jax para iwasan ako.

Napangiti naman ako nang himasin ko ang upuan ng motor. Naalala ko 'yong time na pinaka-favorite ko sa lahat ay umangkas dito para mayakap siya.

'Yong ngiting iyon ay unti-unting naglaho nang napalitan ito ng lungkot. Miss ko na talaga siya!

Nag-ring na ang bell at may mga nagsilabasan na ring mga estudyante... hanggang sa dumilim na ang paligid.

Wala pa rin siya. Hindi pa ba siya umuuwi eh sobrang dilim na?

Biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko agad ito nang makitang ang engot pala ang tumatawag.

"Hoy pangit! Nasaan ka?"

Oo, nag-improve na 'yong tawag niya sa 'kin. 'Yong engot ay nadagdagan pa ng pangit!

"Nandito sa campus! Bakit?"

"Anong bakit ka diyan! Pasado na alas dose! Wag mo sabihing may night class kang mag-isa?" sarcastic niyang tanong. Na-imagine ko pa ang engot niyang mukha habang sumisigaw at nakapamewang.

"Inaantay ko si Jax..."

"Ha? Eh nandito siya sa condo..."

Napaayos naman ako ng tayo at biglang lumakas ang tibok ng puso ko. "Nandiyan na siya? Makikipag-usap ako sa kanya! Please favor naman 'wag mo siyang paalisin!"

Tatakbo na sana ako para umalis nang bigla akong nakarinig ng kakaibang tunog at biglang namatay ang tawag. Kunot-noo ko namang tinitigan ang screen ng phone ko.

Ilang segundo lang ay nag-text siya.

*From Alfonso Engot:

Diyan ka lang! Pupunta na ang perpektong boyfriend mo diyan!*

Dahil sa text niya, bigla akong kinabahan at hindi mapakali. Natataranta ako kung anong dapat kong sabihin kapag magkikita kami ni Jax! Kung anong una kong sasabihin sa kanya at kung paano ko ipaliwanag ang lahat. Kung lalapitan ko ba siya at hahawakan ang kamay. Hindi ko alam!

Isa pa, nai-excite ako at sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Nakaramdam din ako ng tuwa nang malamang pupuntahan niya ako ngayon.

'Hindi na ba siya galit sa akin? Papakinggan na ba niya ang paliwanag ko?'

Ilang sandali lang...

"Hey! It's me Jax Blaine, your perfect boyfriend!" Tinanggal niya ang kanyang helmet at ginulo ang kanyang buhok. Ngumiti pa siya at kinindatan ako tsaka...

...tsaka bumaba sa kanyang secondhand na biseklita!

"Oh? Ba't nadismaya ka diyan! Arte nito! Buti nga sinundo kitang engot ka!"

Sinamaan ko naman siya nang tingin nang lapitan niya ako tsaka pinitik ang aking noo. "At bakit ka naman nagpapaka-engot dito ng hatinggabi?" nakapamewang pa niyang tanong.

"Akala mo talaga tatay kita! May pa-helmet ka pang abnoy ka! Sabi mo pupunta si Jax dito!"

"Sabi  ko nga! Akala ko pumunta siya rito eh hindi pala!"

"So totoong nandoon talaga siya sa condo?"

"Oo, inagaw ng tangna ang cellphone ko at pinatay ang tawag mo!"

"G-galit pa rin siya sa 'kin? Bakit siya umuwi? Bakit..."

"Masasaktan kita sa sasabihin ko kaya humanda ka..."

"A-ano 'yon?" Sobrang lakas naman ng kabog ng aking dibdib nang makita kong naging sersyoso siya.

"Umuwi siya saglit para kumuha ng maraming damit..." Isinuot niya naman sa akin ang helmet na pang biker tsaka bumuntong-hininga. "...at lumayas!"

Nabitawan ko naman ang cellphone ko at kusa na lang nagsibagsakan ang mga luha sa aking mata.

"Ganyan na ba niya ako kinamumuhian?"

"Sabi ko nga na masasaktan ka, pero kailangan mo ring malaman ang totoo..." Hinawakan niya naman ang magkabila kong balikat. "...Ibang-iba ngayon ang Jax Blaine mo! Inaway niya kaming lahat pati si Kernel... Hindi na rin siya dumadalaw sa hideout o sa coffee shop. Wala kaming idea kung anong pinaggagawa ng gagong 'yon. Ngayon ko lang kasi ulit nakita..."

Unti-unting nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking nalaman.

"...kaya kahit magkaharap kayo at makita mo siya... Hindi mo rin siya makausap nang maayos! Ilang beses ko siyang pinilit na kausapin ka pero..."

"T-tama na... Naiintindihan kita!"

Alam kong labis na nasaktan si Jax sa kanyang past relationship dahil lang din sa isang babaeng pinakamamahal niya. Alam kong pinakaayaw niya sa lahat ay ang manloloko... Kaso dahil sa 'kin, 'yon na ang akala niyang ginagawa ko. Ang niloko ko siya...

Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Alfonso. "Ayoko talagang umiiyak ang mga babae. Pumapangit kasi! 'Yong kapatid ko ay maiyakin din pero hindi siya engot katulad mo!"

Mas lalo akong napaiyak dahil sa ginawa niya.

"Noon pa lang pinagseselosan na niya talaga si Clark! Huli na nang ma-realize kong matindi pala ang selos na nararamdaman niya kay Clark. At hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito!"

Umiyak ako nang umiyak at wala na akong pake kung aasarin ako ng engot na 'to.

"Sige ilakas mo pa! Ilabas mo ang galit mo, baka mautot ka diyan bigla sa pagpipigil mo!"

"Huhuhuh!"

"Iiyak mo pa dali! Pagkatapos niyan, nanakawin natin 'tong motor niya at ibinta! Hati tayo sa pera!"

"Huhu--- wala kang kwenta!"

Bigla naman siyang natawa tsaka nandidireng tiningnan ang aking mukha. Napapailing pa siya. Hindi man niya sabihin, alam kong iniisip na naman niyang pangit ako.

Bumuntong-hininga naman siya at kumuha ng panyo. Pinandirian pa niyang tingnan ako at kanyang t-shirt na nabasa na.

"Hay! Kung 'di ka lang talaga engot!" bulong pa niya tsaka pinunasan ang aking pisngi.

Aangal na sana ako nang biglang tumunog ang aking tiyan. Hindi pa pala ako kumain kaninang lunch hanggang ngayon.

Pinaangkas naman ako sa bisekleta ni Alfonso tsaka huminto kami sa convenience store malapit sa condo ni Jax.

"Hindi mo pa nagagawang ilibre ako! Nasaan na 'yong utang mong libre?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin bago ko binayaran ang mga binili namin. Hanep! Ako na nga 'yong gutom ako pa 'yong nanglibre!

Pero okay na rin, palagi niya naman akong sinusundo at sinasamahan kahit pa sa tuwing ginagawa niya iyon, inaasar ako ng lalaking 'to!

Tumambay kami sa labas ng convience store. May mga upuan at mesa din kasi dito para sa mga customers. Ngiting-ngiti naman siyang kainin ang cup noodles sa harapan niya.

"Halata ngang tuwang-tuwa ka sa libre! Kuripot nito!"

"Syempre libre mo! At dapat ka pa talagang pilitin para manlibre ka! Ikaw ang kuripot!"

Wala na akong magawa at pabayaan na lang siya at kumain na rin. Muli naman ako nakaramdam ng lungkot pero hindi ko na lang ipinahalata ng engot na 'to kasi magbibigay na naman 'yan ng walang kwenta niyang words of wisdom!

Pero... Di ko talaga mapigilan. Iniisip ko pa rin si Jax. Nami-miss ko na siya nang sobra pero anong magagawa ko kung siya mismo ang umiiwas sa 'kin? Kung nakaya niyang umalis sa condo para lang iwasan ako?

"Hoy! Hindi pa ba nag-message si Exseven?"

Napatingin naman ako sa kanya. At ang engot nakatingin pa sa isa ko pang pagkain.

"Hindi pa, ilang araw na lang ay party na ni ate Violy. Sa 'yo ba?" Hinawakan ko naman ang cheesecake na binili ko at dahan-dahang inilayo sa mesa dahil alam kong kukunin niya iyon.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin nang sulyapan niya ang cheesecake na hawak ko.

"Tatlo 'yong cheesecake mo, pahingi ng isa!"

"Ayoko nga! Ibibigay ko 'to kay---"

"Pa'no mo mabigay kung 'di naman nagpapakita sa 'yo!" naiinis niyang sabi at tsaka kinuha ang isang cheesecake.

"Ang pangit talaga ng ugali mo!"

"Bakit? Totoo naman! Nakikita ko pa siya sa campus at nalalapitan, eh ikaw 'di mo nga makita, malapitan pa kaya!"

Nagulat naman ako.

"Nalalapitan mo siya? Kinausap mo ba siya? Anong sabi niya? Galit pa rin ba siya?"

"Anak ng! Nalalapitan lang pero 'di ko nakakausap! Nadamay pa ako sa away niyo! Dinamay niya lahat! Sinubukan siyang kumbinsihin nina Kernel na makipag-usap sa 'yo, 'yong gago nanununtok na lang bigla!"

Hindi naman ako makapagsalita. Mas lalo tuloy akong na-guilty sa mga nangyari.

"Pero... feeling ko lang may iba pang kakaiba sa gagong 'yon! Pota! Oo galit siya sa'yo pero kasi..."

Nahampas ko ang mesa tsaka inilapit ang mukha ko sa kanya. Nasa kabilang upuan kasi siya, sa harapan ko. Pinigilan ko din ang kanyang kamay nang kakainin na niya ang cheesecake. Nagulat naman siya sa ginawa ko at 'di ko alam kung bakit nanlalaki na naman ang mga mata niya.

"Wag ka ngang lumapit sa 'kin! Choo!"

Tinampal ko naman ang kanyang kamay. "Tahimik nga! So ano? Anong kakaiba kay Jax?"

At mas lalong bumilog ang kanyang mata na hindi ko alam kung ano na namang problema niya. Bigla siyang umubo at umiwas ng tingin at tsaka tumayo.

Ilang sandali pa ay tumalikod siya. "Wag ka ngang magsuot ng ganyan! At 'wag kang lumapit sa akin! Magtanong ka kung gusto mo, 'wag ka lang lumapit!"

Sumimangot naman ako at sinipa pabiro ang kanyang pwet. "Ang OA mo! Ano bang pinag-iinarte mo diyang engot ka! Ano nga sabi 'yong kakaiba ni Jax?"

Hinubad niya naman ang kanyang suot na hoodie jacket at inabot sa 'kin. "Suotin mo! Bagong laba 'yan with downy na pink pa 'yan!"

"Aanhin ko naman ito eh 'di ako giniginaw!" Nilagay ko sa upuan ang jacket niya. "So ano nga sabi ang kakaiba? Curious na curious na ako dito, pinapatagal mo pa!"

Kinuha niya naman ang jacket tsaka nabigla akong isinuot niya ito sa akin. Wala itong zipper kaya nagulo ang buhok ko nang masuot niya ito. Sinimangutan ko naman siya.

"Lalaki pa rin ako..."

"Eh ano kung lalaki ka?" naiinis kong sabi. Ano bang nangyari sa isang 'to!

"Nakikita ko 'yong cleavage mo...At muntik nang..."

At dahil do'n, agad ko siyang pinagsasapak. "Pinagnanasaan mo ba ako ha!"

"Yucks! Ikaw pagnanasaan ko? Sa liit ng katawan na 'yan! Over my dead body! Engot!" naiinis niyang sabi habang pinagsasangga ang mga sapak ko.

"Mas engot ka! Manyak! Manyak!"

"Hanep ng pota! Pangit! Pangit! Barbie doll! Anabelle!"

At same as usual na palagi niyang ginagawa tuwing magkikita kami, inaaway niya ako at hindi naman ako nagpapatalo sa engot na 'to!

Kakaiba lang ang mga lahi niya. Pumapatol ng babae!

"Aray! Bitawan mo ako!"

"Ikaw ang unang bumitaw!"

Sinabunutan ko 'yong buhok niya at ang engot na lalaking ito na hindi gentleman, gumanti ba naman! Ang sakit ng anit ko sa pagkakasabunot niya!

"Sabihin mo sa 'kin! Ano 'yong kakaiba ni Jax ha?"

"Bitawan mo muna 'yong buhok ko at sasabihin ko!"

"Ikaw ang unang bumitaw!"

"Aba! Bahala kang mabaliw kakaisip sa anong kakaiba sa perpekto mong boyfriend!"

"Ano nga sabi! Aray! Lalaki ka ba talaga ha! Pumapatol ka ng babae!"

"Well-trained ako ng ate ko! At sino ka naman para 'di ko patulan!"

"Oo na! Oo na!"

At sa huli, same as usual, palaging ako ang unang bumibitaw! Kahit kailan talaga ang engot na 'to! Nakakainis! Nakaka-highblood!

"Hmp!"

Kinuha ko ang bag tsaka naglakad palayo. Nakakainis! Hindi man lang sabihin kung anong kakaiba kay Jax.

"Hoy! Galit ka na niyan!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Weak!" dagdag pa niya na ikinainis ko lalo.

Ano namang kakaiba kay Jax? Baka kasi may kung anong nangyari sa kanya nang hindi ko man lang alam. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Magto-two weeks na kaya wala na akong update sa kanya.

Bigla namang may pumasok na idea sa aking isipan at napahinto ako sa paglalakad.

"Oh? Bakit? Akala ko nagda-drama si Anabelle!"

Mabilis kong hinarap ang engot at nag-aalalang tiningnan siya.

"Hindi kaya, nagpapadala na ulit ng letter ang nagpapanggap na Exseven?"

"Yan din sana ang sasabihin kong engot ka! Kaya nga tinanong ko kung nag-message na ba ulit sa 'yo si Exseven! Tangna! Bigla-bigla kang nananapak!"

Bigla ko siyang hinawakan. "So ibig sabihin nito ay may iba pang dahilan si Jax kung bakit hindi niya ako kinakausap? Kung bakit 'di siya nagpapakita sa akin? Baka 'tulad lang din ng dati! Baka ayaw niya akong mapahamak!"

Muli niya akong tinulak palayo. "Y-Yan ang 'di ko alam! Sabing 'wag kang lalapit sa 'kin! Ayokong mahawa sa pagiging engot mo!"

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Pero isa lang ang masasabi ko, muli akong nabuhayan ng loob. Baka nga hindi talaga galit na galit sa akin si Jax! Kilala niya naman ako! Hindi naman siguro gan'on ang tingin niya!

'Sana nga! Sana nga gan'on nga!'

Natigilan naman si Alfonso at napatingin sa aking likuran. Kumunot ang kanyang noo at nakita kong naging seryoso ang kanyang mukha. Minsan kapag gumaganyan siya, okay naman 'yong mukha niya! Hindi siya engot tingnan!

Sinundan ko ng tingin kung anong tinitingnan niya sa aking likuran. Nagulat naman ako nang makitang isang motorbike ang papalayo sa amin.

Kahit naka-helmet siya... Kahit 'di ko makita ang mukha niya, alam kong si Jax iyon. Papalayo siya sa amin, mukhang kakaalis lang din niya. Kaso ang nakakapagtaka, bakit gamit na niya ang kanyang motorbike eh nandoon 'yon sa campus kanina kung saan ako naghintay?

"So pumunta pala ang tangna!" bulong ni Alfonso na ikinakunot ng aking noo. "Nagpapakipot ang gago!"

Tatanungin ko pa sana siya kung anong ibig sabihin no'n nang pareho kaming nagulat dahil may biglang huminto na motorbike sa gilid namin na hindi man lang namin namalayan.

"Kernel?"

"Yow! Kitty-katty! Seems like we still have chance to claim back our Jaxie! Babush!'

Hindi pa nga ako nakapag-react ay umalis na siya at parang sinundan si Jax.

'Anong ibig niyang sabihin?'

...

Itutuloy...

A/N : Next chapter will be published either later today or tomorrow po. Please vote this chapter. Thank you for reading!

Parisfrans99creators' thoughts