webnovel

The Former Villain

I am Jax Blaine. I already forgot this feeling long time ago. Caring and loving someone is already deleted in my vocabulary. Unfortunately, didn't expect I felt those things again because of that lady.

Parisfrans99 · Realistic
Not enough ratings
57 Chs

Chapter 47

Kitkat's POV

Nang makapasok ako sa CR, nakaramdam ako ng pag-iihi kahit wala naman ito kanina kaya mabilis kong ginawa ang business ko doon. Hawak-hawak ko pa rin ang aking dibdib at sobrang lakas pa rin ng tibok ng aking puso. Sa kilig, sa kaba o sa excitement? Hindi ko alam!

'Yiiieehh! Ang corny ng sweety!'

Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya dali-dali akong nag-flush at naghugas ng kamay. Hinanap ko siya pero hindi ko makita.

Kumunot ang aking noo nang nilapitan ko ang cellphone na naka-on 'yong ilaw. Nakita ko ang text ni Exseven sa 'kin kaya agad ko itong binasa.

*From 09000000000:

Good! Place the 2nd envelope. Get it tomorrow. I placed it under the mat in front of your door. Make sure to put it inside Jax's desk in the student council.*

Hindi ko pa rin alam kung anong mga laman nito. Bawal kasing buksan. Sabi niya kailangan daw niyang gawin ito para sa kapakanan ni Jax.

Hindi na ako nag-abalang mag-reply dahil wala naman akong load. Nang ma-delete ko ang text niya, bigla siyang nag-message ulit.

*From 09000000000:

Tell Jax Blaine that it's me who saved you. Just only tell my name and nothing else.*

Nakapagtataka kung bakit biglang nagbago ang kanyang isip. Hindi ko naman tinatanong lahat ng inutos niya sa amin dahil mapagkakatiwalaan naman siya. Kung ano mang rason niya, wala na akong pakialam dahil hindi ko na kailangang magsinungaling kay Jax sa tuwing tatanongin niya ulit ako kung sino ang nagligtas sa 'kin.

'Nakakakonsensya kaya!'

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Jax. Kahit medyo madilim, nagkatinginan pa rin kami. Nakita ko ang kanyang mukha na nakakunot ang noo at parang galit dahilan na mas lalong naging maldito ang kanyang itsura.

"J-Jax! S-saan ka galing?"

Hindi siya sumagot at nagtataka lang akong tiningnan. Napahigpit naman ang hawak ko sa phone nang maalala kong hindi ko pa nabura ang huling message ni Exseven. Kinabahan naman ako nang bigla siyang tumingin sa cellphone kong hawak, na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Napalunok ako ng laway tsaka ibinalik ang cellphone sa bed side table at hinawakan ang kanyang braso. Hinila ko siya sa kama para maalis ang atensyon niya doon.

"G-gabi na. Matulog na tayo hmm?"

'Bakit parang palagi niyang nababasa ang nasa isip ko?'

Naalala ko pa kung paano nalaman ni Angel na si Exseven ang tumulong sa akin. May idea na rin kaya si Jax? At bakit sinabi niya kay Alfonso na namatay na si Exseven? Di ba alam niya namang si Exseven ang nagpabigay n'ong envelope tungkol kay Aki?

Biglang umilaw ulit ang cellphone ko kaya napatingin kaming pareho dito. Agad akong kinabahan na baka si Exseven na naman nag-text.

Nang hahakbang na sana siya para tingnan iyon, mabilis akong umakyat sa higaan para maabot ko ang kanyang mukha. Nakita kong gulat siyang napalingon nang hawakan ko ang magkabilang pisngi niya tsaka agad ko na lang hinalikan ang labi niya.

Nang magkalapat ang labi namin, bigla akong natauhan sa aking ginawa pero nasimulan ko na at gusto kong mapunta sa 'kin ang kanyang atensyon.

Pero bigla na lang nanlambot ang aking mga tuhod nang pumatol siya sa aking halik. Napasinghap pa ako nang mahigpit niya akong niyakap tsaka binuhat at mabilis na naihiga sa kama... nang hindi niya binatawan ang aking mga labi!

'OH! EM! GEE!'

"Wrong move!"

'OMG! Wrong move nga! Ito na ba? Ito na ba?!'

Hindi ko na alam kung anong iisipin nang pinaramdam niya sa 'kin kung gaano siya kagaling humalik! Ang alam ko lang, napapikit ako nang tuluyan at hinahayaan siya sa kanyang ginagawa. Dinaramdam ang kanyang labi na mabilis at parang pinanggigilan ang mga labi ko sa klase ng kanyang paghalik.

Napadilat ako at napatigil nang tumigil siya sa paghalik at naramdaman kong hinimas niya ang dalawa kong legs tsaka hinawakan ito at parang iginapos sa kanyang bewang...

Nagtama ang aming paningin at muli akong hinalikan sa gitna ng aking pagkagulat... habang siya ay patuloy sa kanyang ginagawa at ang malala pa nasa ibabaw ko siya!

'Huhu! Bakit kuhang-kuha niya 'yong nasa imagination ko kanina? Sabi na nga ba eh! Ito 'yong iniiwasan ko eh!'

Kahit anong pagkumbinsi ng aking utak na pigilan siya dahil nakakatakot pero 'yong katawan ko ayaw tumigil. Nagugustuhan na lang nila ng kusa. Lalong-lalo na ang kanyang mga labi na nilalaro ang labi ko.

Napasinghap ako nang bigla niyang... bigla niyang...

'Huhu! Kakaiba ito! Wala 'to sa libro!'

Bigla niyang dinilaan ang aking labi. 'Yong dila niya...

Naramdaman niya sigurong napatigil ako kaya dahan-dahan siyang tumigil. Bawat paghinga niya, nakakabaliw. Nang magtama ang aming tingin, bigla akong nakaramdam ng hiya. Uminit bigla ang aking mukha at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

Muli niya akong dinampian ng halik at muling tinitigan. Napalunok ako nang laway nang makitang sobrang seryoso ng kanyang mukha. Mas lalo siyang naging gwapo sa maldito niyang itsura.

'Ano kayang iniisip niya?'

Unti-unting nanlaki ang aking mga mata nang hinaplos niya ang isa kong hita na nakasabit parin sa kanyang bewang...

... papunta sa bewang ko at paakyat sa leeg hanggang sa pisngi. Hinawakan niya ito habang hindi inalis ang aming tingin.

'Nang-aakit ba siya? Inaakit ba niya ako?!'

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha at napapikit na lang ako nang muli niya akong hinalikan. Sa oras na ito, hindi na katulad kanina. Mabagal ang kanyang halik, mas naramdaman ko ang kanyang paghinga at mas lalong nagwawala ang aking puso nang maramdaman ko ang emosyon ng kanyang gustong iparamdam sa akin.

Parang iniingatan niya ako? Parang naramdaman ko bigla ang sinsiredad niya at gusto ko nang maniwalang mahal niya talaga ako.

"Kitkat..." bulong niya sa pagitan ng aming paghahalikan. Mabagal ang halik kaya mas lalo kong na-feel kung gaano kalambot at kainit ng kanyang mga labi. "...I really don't want to love again..."

Biglang lumihis ang kanyang halik papunta sa pisngi. Napadilat ako at napatingin sa kanya. Seryosong-seryoso siya pero namumungay ang kanyang mga mata.

"...but because of you, it changed. Please let me be with you no matter what..."

"Jax..." 'yon lang ang nasabi ko nang bigla niya akong hinalikan sa leeg.

Napapikit na lang ako napasabunot sa kanyang malambot na buhok nang maramdaman ko na naman ang kanyang mga halik doon.

"I like the way you flinch... The way your body reacted to my touches and kisses..."

'Yong boses niya... 'Yong bulong niya...'

Iyong mga kamay niya ay pinaglalaruan ang aking tiyan. Nakikiliti ako nang dilaan niya ang aking leeg at nang paghimas niya sa aking bewang. Hindi ko na alam! Mas nakakabaliw pa ito kesa n'ong una.

Hinihimas niya ang aking legs nang ibinalik niya ang kanyang labi sa aking mga labi... na agad ko namang tinugunan. May kung ano akong naramdaman bigla sa aking katawan. Hindi ko alam kung ano.

Bigla niyang ipinulupot ang kanyang braso sa aking bewang at bigla akong binuhat para makabangon at sa isang iglap lang ay nakasandal na siya sa sandalan ng kama habang ako nay napaupo sa kandungan niya.

Muli niya akong hinalikan at mas hinigpitan ang pagyakap sa 'kin. May naramdaman akong kakaiba sa aking inuupuan pero hindi ko na iyon pinansin nang hinawakan niya ang aking mga kamay tsaka isinabit sa kanyang leeg.

Itinigil niya ang kanyang paghalik pero mas lalo akong kinabahan nang unti-unti niyang tanggalin ang butones ng kanyang upper pajama. Napanganga ako nang wala sa oras.

'Bakit naman naghuhubad ang Jax Blaine Connor na ito?! Huhuhu!'

Nang mahubad na niya ang kanyang pang-itaas, bigla niyang hinawakan ang ang aking baba para magkatinginan kami.

"Don't look down."

Hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko na yata alam kung paano magsalita! Inaakit kasi ako ng kanyang maputing katawan. 'Yong mga muscles niya ay nagpapapansin sa akin! Tinatawag ako ng mga abs niya! Huhuhu!

'Ano ang kasunod nito? Ano ang mangyayari? Ano nga ba 'yong mga nababasa kong ganito? Pagkatapos maghubad ng lalaki, ako na rin ba? Pero...'

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit dahilan na mabalik ako sa realidad. Mas naramdaman ko ang init ng kanyang katawan dahil sa yakap na iyon. At alam kong namumula na ang aking mukha!

"You're already... damn it! I can already feel you!" bulong niya sa pagitan nang malalim niyang hininga.

"Ha?"

"Nothing..."

Humiwalay siya sa yakap tsaka hinawakan ang magkabila kong bewang tsaka binuhat at maingat na ipinahiga ulit sa kama. Mabilis siyang umalis sa harapan ko tsaka nagmamadaling sinuot ang upper pajama. Ako naman naiwang nagtataka.

Pero napatitig ako sa kanyang katawan nang sinasara niya ang buttones ng kanyang upper pajama.

'Maganda talaga ang katawan ni Jax! Mas lalo siyang naging maangas dahil sa mga sugat niya sa katawan.'

Habang pababa nang pababa ang pagbutones niya, bumababa rin ang aking tingin. Kahit medyo madilim, nakita ko ang napakalaking umbok na bumakat sa ibabang gitna ng kanyang pajama.

Napanganga na lang ako nang wala sa oras nang lumapit ito sa akin.

'Teka lumapit?'

Dahil doon mas klarong-klaro ko na kung anong nakaumbok na iyon. Napalunok agad ako ng laway.

'Pormang-porma! M-Malaki!'

Biglang hinawakan ni Jax ang aking mukha tsaka dinampian ng halik sa pisngi. Natawa siya bigla nang tingnan ako. Dahil doon napakurap ako bigla.

"You're drooling over me again, tss! Don't provoke me 'cause I'm already trying hard to resist it!"

"Ha?"

"You wanna touch it?"

"HA?!"

"Hahaha! Just kidding! Maybe next time!" nakangisi niyang sabi.

"N-next time?" wala sa sarili kong tanong na muli niyang ikinatawa.

"Inaasar mo ba ako ha, Jax?"

Muli siyang natawa tsaka hinalikan ako. Hindi niya iginalaw ang kanyang labi pero matagal niya itong inilapat sa labi ko. Huminga pa siya nang malalim bago inilayo ang mukha niya sa 'kin.

"My plan to sleep here tonight beside you just failed! I really wanted to sleep with you but you're very dangerous. It makes me nervous like it's my first time doing this. You are very hard to resist! I really don't want to resist if it's you but I need to, for you!"

Hinawakan niya ang aking buhok at hinimas iyon tsaka nanlaki ang aking mata at nagulat na lang nang bigla niya akong hinalikan sa noo.

"Sleep well, sweety!"

At natulala na lang niya akong iniwan sa kwarto. Ini-lock niya ang pinto tsaka nginitian pa ako bago isinara ang pinto.

Ilang minuto pa bago ako naka-recover sa matinding pangyayari!

Bumangon ako nang maramdaman kong naiiihi na naman ako! Ang lamig kasi dito at ang dami ko pang nainom na tubig kanina.

'You wanna touch it?'

'You wanna touch it?'

'You wanna touch it?'

'Ayoko talaga sa mga ganong tanong ni Jax! Babae lang ako! Nakakatakot pero nakaka-curious! Pa'no kung umuo na lang ako bigla?'

'Kainis! Kainis! Erase! Pa'no ako makaka-sleep well nito?'

Pagkatapos kong umihi at maghugas, isusuot ko na sana ang panty at pajama short ko nang may mapansin ako sa aking panty.

Napatakip ako ng bibig at nakaramdam ng sobrang hiya sa sarili.

'B-bakit may basa sa panty ko?'

...

Nang magising ako kinabukasan, hindi muna ako bumangon at inaalala ang MATINDING pangyayari kagabi.

"OMG!"

Nagpagulong-gulong ako sa medyo malaking kama at pinagsasapak ang isang unan na kanina ko pa yakap-yakap.

Nang huminahon na ako ay agad na akong naligo at nagbihis na rin. Bago ako lumabas, tiningnan ko muna ang cellphone ko nang maalala kong ito ang dahilan kung bakit nangyari ang matinding kababalaghan kagabi.

At tama nga ako. Message 'yon ni Exseven.

*From 0900000000:

Please make sure that Violy will agree. We'll meet tomorrow night at this address *****. Alfonso already know what to do to give you time to meet me. Stay safe!*

Kailangan kong ipaalam ito ni Ate Violy. Sana pupunta siya rito. Hindi ko muna binura ang message para maipakita ko ito sa kanya.

Huminga muna ako nang malalim bago ako lumabas ng kwarto. Kinakabahan ako baka nandiyan si Jax.

"Tanghaling tapat! Mukha mo agad nakita ko? Nakakasira ng araw!"

Sinimangutan ko naman si Alfonso nang makita ko siyang nakasimangot na nakatingin sa akin. Nagulat ako nang tingnan ang wall clock sa kanyang likuran nang makitang alas dose na nga. Ilang oras ba akong natulog?

"Ikaw bakit hindi ka umuwi kagabi?"

"Pake mo? Kumain ka na! Nagluto si Jax kanina!" Bigla namang nagbago ang kanyang expression tsaka nagdududa akong tiningnan.

"B-Bakit?"

"May nangyari ba ka gabi at mukha kang puyat?"

"H-Ha? Wala ah! N-nasaan pala ang boyfriend ko?" sabi ko tsaka nagmamadaling pumunta ng kusina para kumuha ng tubig.

"Wow naman! Boyfriend mo? Ha! Proud na proud pa!"

"Syempre! Manahimik ka nga! Naiinggit ka lang eh!"

Pumunta ako sa kusina para tingnan ang sinasabi ni Alfonso na may niluto nga si Jax. Napangiti naman ako nang makitang nagluto siya ng adobong baboy, manok na may sabaw at 'yong isa hindi ko alam kung anong tawag. Sinilip ko naman ang pinto ng kwarto niya.

'Nasaan kaya siya?'

Muli ko na namang naalala ang nangyari kagabi kaya ngiti-ngiti akong kumuha ng pagkain. Bumalik ako sa sala habang dala-dala ang mga ito.

"Niluto niya talaga ito? Napakaperpekto na niya talaga!"

"Hanep!"

Hindi ko siya pinansin kasi masisira lang 'yong araw ko. Nilingon ko ulit ang pinto ng kwarto ni Jax habang sinusubo ang pagkain.

"Kung hinahanap mo ang perpekto mong boyfriend, umalis siya kanina kasama sina Kernel. Babalik daw siya mamayang hapon!" inis na inis niyang sabi. 'Yong mukha pa niya ay bagot na bagot.

Medyo nalungkot naman ako na hindi. Nakakalungkot dahil hindi ko makikita si Jax ngayon. Pero okay lang kasi nahihiya pa rin akong harapin siya. Paano kung banggitin niya ang nangyari kagabi? Huhu!

"Eh ano namang kinaiinisan mo diyan?"

Tiningnan niya ako tsaka nag-crossed arms. Naka-squat kasi siya sa ibabaw ng sofa. "Hindi ba obyos? Hindi na naman ako makaalis dito kasi pinapabantay ka sa 'kin! Hays! Nak nang! May mission pa tayo!"

Bigla kong tinakpan ang kanyang bibig para manahimik. Gulat na gulat naman siyang napatingin sa kamay ko at 'di makapaniwalang tiningnan ako.

"Shh!" pagpatahimik ko sa kanya tsaka nilapitan ang kanyang tenga at 'di ko alam kung bakit para siyang takot na takot na lumalayo sa akin. Itinulak pa niya ako palayo!

Hinampas ko naman ang kanyang braso. "Ano ba may sasabihin lang ako!" tsaka muli kong inilapit ang bibig ko sa may tenga niya. "Maririnig ni Jax lahat ng sinasabi na 'tin dito. May listening device dito sabi ni ate Violy kaya 'wag na wag mong banggitin 'yang mission! Natanggap ko ang message ni Exseven kagabi. Samahan mo akong pumunta sa bahay ko! Kukunin ko 'yong envelope!"

Lumayo ako nang kunti sa kanya para tingnan siya. Hindi ko alam kung bakit nanlalaki 'yong mga mata niya kaya sumimangot ako. "At isa pa, saan ka kagabi ba't 'di ka umuwi? Nagkita ba kayo ni Exseven kagabi? Sabi niya alam mo na daw ang gagawin para bigyan kami ng time ni ate Violy makipag-meet sa kanya?"

Nagulat ako nang bigla siyang sumimangot at inilagay ang hintuturo niya sa aking noo at itinulak palayo sa kanya. "Wag ka ngang lumapit! Naaamoy ko 'yong adobo!"

Bigla siyang tumayo at inis na inis akong tiningnan na hindi ko naman alam kung bakit. "Bilisan mong kumain para makapunta na tayo sa bahay mo! Engot talaga!"

"Luh! Inaano ba kita ha!?"

Hindi siya nagsalita at pumasok lang sa common CR dito sa may sala. Malaki kasi 'yong condo ni Jax. Dalawang room at bawat room may CR at isa dito sa may sala.

Nag-commute lang kami pauwi sa bahay ko. At kinukulit ko siya kung bakit hindi siya umuwi kagabi. Eh kasi naman kanina pa niya ako hindi iniimikan. Huminga ako nang malalim bago kami pumasok sa maliit na gate. Naalala ko na naman kasi ang nangyari dito n'ong pumunta dito si Clark.

Katulad ng nasa text ni Exseven, mabilis lang naming nakuha ang envelope.

"Ano kayang laman nito? Para saan nga kaya ang mga 'to?"

"Para nga malaman ni Jax ang mga totoong kalaban diba? Engot ka talaga!"

"Ay gan'on ba? Eh bakit 'di na lang natin sabihan mismo si Jax?"

"Oh sige sabihan mo para masira lahat ng plano na 'tin! Umaayon na sa plano ang lahat diba? Bakit ba kasi ikaw napili niya sa misyong 'to!"

"Aba! Edi tanongin mo si Exseven! Hindi pa naman ako pumalpak ah!"

"Oo, hindi nga pero 'yang bunganga ang magpapahamak sa 'tin! Ba't 'di mo na lang isigaw ang buong pangalan niya at nang malaman ng lahat na siya ang tumutulong sa 'yo!" sarcastic niyang sabi at nakapamewang pa. 'Yong mukha niya nakasimangot.

"Ngayon mo na nga lang ako kinakausap, nang-aaway ka pa! At teka nga..." hindi ako nagpatalo at nakapamewang ding lumapit sa kanya. "Saan ka nga kagabi?"

"Lumayo ka nga! Ano ba kita ha? Nanay? Kailangan alam mo ang lahat?" Tinalikuran niya ako at lumabas sa gate. Agad ko din naman siyang sinundan.

"Nagkita ba kayo ni E---" natigilan ako nang makita kong natigilan si Alfonso. Bigla niya kasing hinarang ang katawan niya sa 'kin nang nasa harapan namin sina Franz at ang mga members niya.

Mabilis kong inilagay sa bulsa ng maong short ko ang envelope at napahawak sa damit niya.

"About what I've told you yesterday, have you already decided?"

Nagtataka naman akong napatingin kay Franz. "Ibig sabihin kay Franz ka nakipagkita?" bulong ko pero hindi niya ako sinagot.

"Umalis ka dito! Bilis!" bulong niya at mas iniharang ang kanyang katawan nang unti-unting lumapit sa amin ang mga myembro nila.

"A-ayoko! Natatakot ako! Paano ka na?"

"Mas malalagot ako sa perperkto mong boyfriend kung may mangyari sa 'yo! Ako na bahala rito!" inis niyang bulong.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit at dahan-dahan siyang gumilid para mabigyan ako ng daan.

Kinabahan naman ako nang tiningnan ako ni Franz tsaka ngumisi siya sa 'kin.

"I wonder what really change your mind and betrayed me? Knowing that I can always kill your sister!" sabi niya habang nakangisi at nakatingin pa rin sa akin.

"Huwag mong damayin ang kapatid ko dito!"

Natawa naman si Franz. "Why wouldn't I? You already know me!"

Tinanguan niya naman ang mga kasama niya kaya mas lalo silang lumapit sa 'min. "Tumakbo ka na! Mahihirapan akong kalabanin ang mga 'to kung nandito ka! Naiintindihan mo ba?" gigil noyang bulong sa akin.

Napabitaw naman ako sa paghawak ng laylayan ng kanyang damit. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Exseven sa 'kin. Nakaramdam ako ng guilt nang mas lalo ko nang makuha ang ibig niyang sabihin.

'Hindi sila makapaglaban nang maayos dahil mas pinoprotektahan nila ako!'

'Protecting yourself will protect Jax. Ito ba ang ibig niyang sabihin?'

"Bilis! Takbo engot ka!" sigaw ni Alfonso tsaka sinipa ang isang member ni Franz. At nakita ko na lang na pinagtutulungan siyang labanan ng mga ito.

Nakita ko kung gaano siya kagaling makipaglaban dahil kahit natatamaan siya ay napapatumba niya 'yong iba. Mabilis akong tumakbo sa gilid habang busy pa sila sa pakikipaglaban.

Akala ko makakalayo na ako pero bigla akong natigilan at napasigaw nang may humila sa aking buhok. "Who says you can escape?"

Kahit natatakot ako, sinamaan ko nang tingin si Franz. Nakangisi siya sa 'kin at nabigla na lang ako nang sampalin niya ako nang malakas.

"Jax Blaine killed our members one by one! And I will kill you in front of him!"

Biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ni Clark noong nasa restroom kami. Na pinatay ni Jax ang ibang gangsters at baka siya na ang isusunod.

Muli akong sinampal ni Clark tsaka patulak na binitawan sa lupa. Napaiyak ako sa sakit at medyo nag-blur ang aking paningin dahil sa lakas ng sampal niya.

"Ang sama mo!" sigaw ko sa kanya habang sinasamaan siya ng tingin. Nakita kong mapakla siyang natawa.

"How much more of your Jax Blaine? Is loving him can make you blind by the fact that you can't see that he's as evil as me? HE KILLED MY MEMBERS!" sigaw niya at napasigaw na lang ako habang hinarang ko ang aking mga kamay nang sasampalin na na naman niya ako.

Pero nagulat ako nang natumba na lang siya bigla sa lupa. Napatingin ako kay Alfonso nang bigla niya akong itinayo. "Umalis ka na bilis!"

Hindi pa ako naka-react nang bigla na lang siyang sinipa sa tagiliran ni Franz.

"Alfonso!" lalapitan ko pa sana siya nang mabilis akong hinawakan ng mga members niya.

Galit na galit na pinatayo ni Franz si Alfonso tsaka pinagsusuntok. Mas lalo akong napaiyak dahil wala akong magawa at nakatingin lang sa kanya habang naliligo ng dugo. Pinagsisipa pa siya ni Franz sa may tiyan, pinagsusuntok kahit saan!

"Wag! Tama na! Tama na!"

Pero hindi pa rin siya tumigil. Hinawakan niya ang t-shirt ni Alfonso tsaka pilit na pinapabangon. Naaawa akong makita siyang nahihirapang ibuka ang kanyang mga mata.

"One of the gang died again yesterday! If you cannot bring Jax Blaine to me! You already know what will happen to your sister!"

"Wag! Tigilan mo na 'yan! Hindi na makalaban 'yong tao!" sigaw ko. Nagmamakaawa kay Franz nang makitang pinagsisipa niya ulit ito kahit saang parte ng katawan si Alfonso.

Nagpupumiglas naman ako para makaalis sa mga humawak sa 'kin. Gusto ko siyang lapitan.

Nagulat na lang ako nang bigla akong nabitawan ng isa nang mahimatay ito sa aking gilid. Hindi pa ako naka-react nang makitang nawalan din ng malay ang isa pang nakahawak sa aking kamay.

Nanlaki ang aking mata nang makita si Clark na pinagsusuntok at pinagsisipa ang iba pa.

"Another knight is here!" sarcastic na sabi ni Franz. "Will you also betray me just to save your ex-girlfriend? You already know what are the consequences!"

"Fuck your consequences! Fuck your organization! You don't need to harass these two when you're bringing your members here!"

"It's our organization! You already forgot that you're part of it? You cannot leave the org!"

"I don't fucking care! Let them go!" sigaw ni Clark. Hindi pa rin ako makapaniwalang kinakalaban niya ngayon si Franz.

Alam ko na magkalaban na sila noon pero nang malaman ko ang tungkol sa 'The Blues' na ikinwento ni Exseven sa amin, alam kong bawal itong ginagawa niya ngayon.

"Fine! I already said my message to this traitor anyway!"

Nalilito ako sa nakikita kong emosyon ni Clark. Hindi ko maipaliwanag. Bakit ngayon tinutulungan na niya ako? Bakit tinutulungan na niya kami?

Tiningnan niya ako. "Help him and leave this place! Go!"

Dali-dali akong tumayo at nilapitan si Alfonso. Agad ko siyang tinulungang tumayo, mabuti na lang at hindi siya nawalan ng malay.

Kinakaya din niyang maglakad para makaalis kami kaagad.

"Tangina! Tsk!"

"Patawad! Wala akong nagawa!" naiiyak ko namang sabi.

"Ikaw? Okay ka lang?" tanong niya sa akin kaya nag-pout ako.

"Nag-aalala ka pa sa akin? Ikaw nga 'yong napuruhan!"

"Che! Sino nagsabing nag-aalala ako sa 'yo!"

Hindi ko na siya pinansin at nilingon na lang kung nasaan sina Clark. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang 'yong galit at pagkamuhi ko bigla na lang nawala o ano. Hindi ko alam.

Ayoko man magpasalamat pero iba ang sinasabi ng konsensya ko. Nang tingnan niya ulit ako, umiwas ako ng tingin at hindi na muling nilingon pa ang gawi nila.

Mabuti na lang may dumaang taxi kaya nag-taxi na lang kami. Ayoko namang pagtitinginan kami ng mga kasama sa jeep kung magje-jeep kami.

"Lasing po 'yong kapatid ko kuya kaya nahulog sa hagdan! Hehe!" sabi ko kay manong driver nang nag-aalala siyang makita si Alfonso. Nag-offer din siyang ihatid kami sa hospital pero ang engot na ang umayaw. Gusto na raw niyang umuwi.

Nang makarating kami sa condo. Sabay kaming nagkatinginan nang makita naming under maintenance ang elevator.

"Hoy! Alam mo? Simula nang makilala kita nagkamalas-malas na ako?" pagod na pagod niyang sabi.

"Bakit para kang inaantok? Mamamatay ka na ba?" nag-aalala kong tanong. "Wag ka munang mamatay!" Tinatampal ko naman ang pisngi niya para magising.

"Ano ba! Masakit! Engot ka talaga!"

Wala na kaming choice kundi umakyat sa hagdanan. Huhu! Ang taas pa ng aakayatin namin eh!

Hinawakan ko ang bewang niya para mas maalalayan siyang umakyat. Kinabahan ako bigla nang unti-unti siyang bumigat nang nasa ikatlong baitang na kami.

"Hanep! Saglit lang giginhawa mo na ako!" sabi niya kaya inalalayan ko muna siyang umupo sa hagdan.

Huminga din ako nang malalim tsaka tumabi sa kanya. "Anong nangyari kagabi? Bakit nagkita kayo ni Franz?"

"Inantay nila ako sa labas ng coffee shop at pwersahang isinama sa kanila," nahihirapan niyang sabi. "Wala akong pake dahil hindi naman talaga ako takot kay Franz... 'Yong kapatid ko lang..."

Bumuntong-hininga na lang ako. Naaawa ako kay Alfonso kaso si Jax din ang kapalit n'on. Pareho silang mahalaga sa 'kin kahit nakakabwesit 'tong asungot na 'to.

"Buti na lang at palihim akong tinulungan ni Exseven kagabi kaya nakatakas ako kaninang madaling araw."

Gulat ko naman siyang tiningnan.

"Wag ka munang magsalita! 'Di pa ako tapos!" singit niya kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Magre-react pa sana ako eh!

"Kinausap niya ako. Dadalhin ko si Jax kay Franz at dapat mapunta sa kanila ang attention nina Kernel at ng iba sa kanila... At kapag nangyari 'yon, doon kayo magkikita ni Exseven kasama si Ms. Violy... Isa sa ipinangako niya sa 'kin ay sisiguraduhin niyang ligtas ang aking kapatid! Nakapagtataka lang ay sabi niya hindi daw mapapahak ang kapatid ko kahit anong mangyari."

Napahanga naman ako.

"Naiintindihan mo ba? Wag mong kalimutan at sabihan mo si Ms. Violy! Engot ka pa naman!"

Hinampas ko naman siya nang mahina sa braso kaya napaaray siya at sinamaan ako ng tingin.

"Ay sorry! Nakalimutan ko hehe! Tara na!"

Inalalayan ko ulit siya at tinuloy ang pag-akyat naman.

Nang makalapit na kami sa pintuan ng room ni Jax ay naramdaman ko na namang muli siyang bumibigat. Nag-aalala kong tiningnan ang kanyang mukha at mas hinigpitan ang paghawak ko sa bewang niya. 'Yong isang braso niya din ay naka-akbay sa akin.

"Aray! Wag mong higpitan anak nang! Natatamaan 'yong sugat ko!"

"Tiisin mo na lang!" tsaka ko pinindot ang passcode.

Nang makapasok kami, pareho kaming natigilan nang makitang nandito silang lahat. Nakaupo sila sa sala at parang may pinag-uusapan.

"Where have you b--- What the fuck!?"

"J-Jax!"

Nagsilapitan naman silang lahat sa amin. Pero nakatingin lang ako kay Jax nang makita kung paano nagbago ang kanyang expression.

Mabilis niyang hinawakan ang aking pisngi at sinuri ang buo kong mukha. Ni hindi man lang niya tiningnan ang bugbog sarado kong kasama.

"Let me!" kalmado niyang sabi nang kunin niya sa akin si Alfonso. Alam kong pinipilit niyang maging kalmado.

Nang mailayo niya sa 'kin si Alfonso, napasigaw na lang akong nang bigla niya itong sinuntok sa mukha dahilan na napahandusay ito sa sahig.

"Jax!" sabay na sigaw namin.

"Why did you get out when you yourself know you're also being targeted?! You know that you two are always in danger! Who did this?"

Hinawakan niya ang neckline ng t-shirt ni Alfonso at pwershang binuhat ito.

Naiiyak ko namang pinigilan si Jax para hindi na niya masaktan si Alfonso. Pilit kong hinuhuli ang kanyang tingin pero hindi niya sinasalubong ang tingin ko.

Nang binitawan niya si Alfonso ay tinulungan ko naman itong tumayo. Nakita kong may kinuha si Jax sa aking bulsa. Huli nang mapagtanto kong 'yong envelope pala iyon.

Hindi pa niya tiningnan ang laman ng envelope pero nagulat ako nang bigla niya itong ikinuyom. Na parang may idea siya kung kanino ito galing o ano ang laman nito.

"So you get out just to obey Exseven's order? And this happened to the both of you?!" hindi makapaniwala niyang tanong. Nanginginig ang kanyang boses dahil sa pagpipigil ng kanyang galit. "Are you even sure that he's really Exseven?"

Bigla akong nakaramdam nang hindi maipaliwanag na kaba. Paano na? Kasalanan kong pumalpak ang plano! At isa pa, may idea na talaga siyang si Exseven ang may gawa nito. Hindi ko alam kung paano niya agad ito nalaman. Sasabihan ko pa sana siya.

Nakita ko siyang huminga nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.

"I know it's not Exseven who did that to the two of you! So who did this? Who hurt you?!"

"S-Sina Franz... P-Pero Jax trap lang ito..."

Iniwan ko naman si Alfonso nang lumapit sa amin sina ate Violy at Kernel. Inalayo nila ito sa amin. Agad kong nilapitan si Jax at hinawakan ang kamay niya.

Mahigpit ko siyang niyakap dahil alam ko baka ano mang oras bigla niyang sugurin doon sina Franz. Mapapahamak lang siya!

"Ginawa nila ito para maging ganito ang reaction mo at pupuntahan mo agad sila. Jax pakiusap! Wag! Mapapahamak ka lang!"

Muli akong naiyak dahil sa takot na baka susugod nga doon si Jax.

Mga ilang minuto ko siyang hindi binitawan at buti na lang ay hindi siya pumalag. Naramdaman ko na lang na huminga siya nang malalim tsaka hinimas niya ang aking buhok at niyakap pabalik.

"I'm sorry for acting impulsively! I'm just worried for the two of you. Please know that you two are very important to me... I don't want to lose someone again... I'm sorry!"

...

Itutuloy...