webnovel

The Former Villain

I am Jax Blaine. I already forgot this feeling long time ago. Caring and loving someone is already deleted in my vocabulary. Unfortunately, didn't expect I felt those things again because of that lady.

Parisfrans99 · Realistic
Not enough ratings
57 Chs

Chapter 42

Warning : Again, readers suitable only for 18 and above only.

...

Third Person's POV

"Of all women, why does it have to be her? She doesn't even really know you," sarcastic na tono ng kanyang pagkasabi habang nakatingin pa rin sa daan kung saan niya nakasalubong si Kitkat.

"What do you want?" walang ganang tanong ni Jax.

She rolled her eyes then grip her fist. She sighed. She's this desperate to approach him even after knowing he's Mr. Wilder and told him the truth about Cath.

"What I talked to you last time about Catherine, don't let anyone know about it. Don't even tell Franz that I told you! Alam kong may hinala ka na sa kung anong ugnayan namin ni Franz. Yes Jax, he's my brother! And he's desperate to climb up to the top position in The Blues! We're this desperate so that The Unknown cannot hunt us anymore... I need your help!"

Hindi umimik ang binata. Nakikinig lang ito at wala man lang ganang sumagot.

Noreen sighed again to calm herself. She's anxious that Jax might not accept her favor.

"We just need you to join The Blues! Then we don't mess you again after they give us what they promise! My brother don't need anything else after that..."

"When we saw the tattoo of the guy you killed in the court, we thought they already found us, but we wondered why they're also after you? Now we get it, because you're the leader of Elites back then."

"That bitch's org already found out that you are Mr. Wilder's son, they wanted to kill you but when knowing that you died, they stop! I don't know why they already found out you're alive! They even join the gangster to kill you... Let's help each other!"

Ilang sigundong hindi nagsalita si Jax. Pagkatapos ay kinuha niya ang letter ni Cath kasama ang larawan ng kanyang ama at ng dalaga. Kunot-noo naman itong kinuha ni Noreen nang inabot ito ng binata sa kanya.

Binasa niya ang letter at 'di niya mapigilang magulat. "Where did you get this?"

"At my father's house. Wanted to confirm if you're telling the truth."

Tiningnan niya naman si Noreen. Ini-examine ang expression nito. Nang maramdaman nitong makahulugan siyang nakatingin, agad itong nagpaliwanag kahit hindi siya nagtatanong.

Naglakad pa ito papalapit sa pader ng forbidden place tsaka naglabas ng yosi at sinindihan.

"Her family... Her family was a crime syndicate... She was being abused and tortured at the young age..." naging uneasy ang expression ng mukha ni Noreen habang inaalala ang nakaraan ni Cath. "Their family's business were doing something absurd as long as they're being paid. Whatever their client wants, they'll do it. R*ping, pr*stitution, dr*g distribution, bl*ckmailing, threatening, and anything else!"

"When her parents got killed by your father's men, Cath was saved by them. It was an order by your father to save her when they found her being tied up and tortured in their hideouts. Your father was a famous and wealthy businessman! He was angered by Cath's family because of ruining his business. Businessman like your father was their targets. They already did it many times, to steal other's wealth but your father was wise."

Simula kanina, ngayon lang nakita ng dalaga ang pag-iba ng expression ni Jax. Makikitang nagkakaroon na ito ng interest.

"Cath has an elder brother! She knew that her brother will take revenge, so she decided to come back to her brother's side so he won't know that it was Mr. Wilder who helped her. Her brother formed an organization and Cath doesn't have a choice but to be a member of it. At the very young age, she was trained to kill. Their organization got bigger. They even targeted Yumi's higher ups that's why Cath joined Yumi."

"Unlike any other underground organizations that's most like brotherhood, just selling some illegal weapons, and growing legal businesses... Cath's org isn't like that! They're worst!"

"But after Cath's betrayal to the org, his brother killed your father and her!" hindi mapigilan ni Noreen ang maiyak habang nanlaki naman ang mata ni Jax dahil sa pagkagulat sa kanyang nalaman.

"Yes Jax! The organization that's hunting us we're her brother's org! The Unknown! He goes rampage and ordered his men to kill all of his relatives! Just because his only family betrayed him!..." "Just because Cath betrayed him..." mahinang sabi ni Noreen sa huling linya habang tumutulo pa rin ang kanyang luha.

Pinahid niya ang kanyang luha tsaka muling binasa ang sulat ni Cath sa ama ni Jax. Naiiyak siyang muli dahil muling sumagi sa kanyang isipan kung gaano ka hirap ang naranasan ng kanyang best friend noon sa kamay ng sariling pamilya.

Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili tsaka muling hinarap nang maayos si Jax. "Let's help each other! Join us then The Blues will back us up! Give me your phone!"

Inabot naman ni Jax ang kanyang bagong cellphone na inutos niya pa kay Alfonso na bilhin ito. Itinipa ni Noreen ang kanyang sariling number tsaka nag-missed call. Ipinakita niya ang call log kay Jax.

"That's my number! Call me if you already decided!"

...

Ilang oras pagkatapos mag-close ang eskwelahan ay doon pa lang naisipang umalis sa student council office si Jax. Paulit-ulit na pumasok sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Kitkat sa kanya, words by words.

Hindi niya alam kung bakit labis siyang naapektuhan eh ito naman ang gusto niya, ang layuan siya nito. Alam din niyang ito ang tama. Nawala din sa kanyang isipan ang sinabi ni Noreen sa kanya kanina.

Pumasok siya sa kanyang coffee shop at hindi pinansin ang nagtatakang tingin nina Alfonso at Kernel na nagpa-part time ngayon. Busy ang shop dahil marami ang customer pero nakuha pa rin ng dalawa na sundan ng tingin ang kanilang boss.

Dumiretso lang ang binata sa isang table tsaka nag-crossed legs at parang wala ito sa mood. Nakakunot-ang noo at nakatitig sa kawalan na parang galit ito o ano.

"Anong drama 'yan?" natatawang tanong ni Alfonso. Natawa na rin si Kernel at 'yong isa pa nilang kasama na kakabalik lang sa counter matapos i-serve ang order ng iba.

"Nag-e-emote ang Jaxie natin," komento ni Kern nang makitang ilang beses itong humihinga nang malalim.

Ilang araw ding hindi kinausap ni Jax si Kernel. Hindi dahil sa may galit siya sa binata kundi dahil iniiwasan niya si Kernel dahil alam niyang pipigilan na naman nito ang mga plano niyang gawin.

"Here's your drink boss," nakangiting sabi ni Kern nang inilapag niya ang drink na kanyang tinimpla.

Kinunutan niya ng noo ang kakaibang drinks na nilapag nito. Alam niyang wala 'yon sa menu.

"Of all places, ba't dito mo naisipang tumambay? Of all those days that you were avoiding me, why now?" Nakapamewang na tanong ni Kernel dito na parang sinesermonan si Jax.

"I am your boss! Get back to work!" sabi lang ni Jax para tantanan na siya ni Kernel.

"So you're now using your position between us? Okay... Okay boss! Enjoy your stay here while this shop is still here..."

Wala talagang pagkakataon na hindi siya maiinis sa pagmumukha ni Kernel. Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa sinabi nito na parang may balak gawin sa kanyang shop.

"What if I will try to plant something explosive here someday?" nakangising pang-aasar ni Kernel sa mahinang boses na si Jax lang ang nakakarinig.

Huminga nang malalim si Jax nang umalis na ang binata. Kinuha niya ang drinks na binigay ni Kernel. Pamilyar ang kulay nito at may lamang maraming yelo at may straw pa.

"Tsk!" sarcastic niyang tiningnan ang kanyang mga employees na natatawa nang makita ang kanyang reaction. Nang amoyin niya kasi ang inumin ay isa itong american whiskey na pinakapaborito niya, ang bourbon.

Malapit ng mag-alas onse ng gabi at nakatingin lang sa labas si Jax nang maubos na niya ang bourbon. Hindi na din siya inabala nina Kernel dahil naging busy din ang mga ito sa dami ng customers.

Ilang sandali may biglang tumawag sa kanyang cellphone. Wala pang ibang nakakaalam ng bago niyang number maliban kina Alfonso at Noreen.

"Who's this?" tanong niya nang ilang segundo ay hindi nagsalita ang kabilang linya.

He heard something from the other line. It's like a slap, that made him frown.

"Kitkat Reyes. We have her!"

Napatayo nang wala sa oras si Jax. Kinabahan siya nang husto at kung anu-anong pumasok sa kanyang isipan.

"Where is she?" tanong niya at nagmamadaling lumabas at agad pumunta sa kanyang motorbike.

Mas lalo siyang kinabahan nang makarinig ng sampal. This time, mas malakas na.

"Punch her!"

Nanlaki ang kanyang mata at napahinto sa pagsuot ng helmet dahil sa kanyang narinig.

"You don't have any idea what will happen if you touch her! Where are you? I'll come!"

"T-tama na po!"

As soon as he heard her voice, he grip the phone hard out of anger. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso sa kaba at gusto na niyang sugurin ang mga ito.

"Fuck you! I said where the hell are you?"

"J-Jax wag! Ang dami nila rito! H-hindi..."

Biglang pinatay ang tawag dahilan nang napamura ng ilang beses si Jax dahil sa galit at inis. Bigla namang lumabas si Kernel at nag-aalala itong nakatingin sa kanya.

Ilang sandali ay may na-receive si Jax na message na naglalaman ng address. Hindi na siya nagdalawang-isip na puntahan ito. Agad ding sumakay si Kern sa kanyang motorbike para sundan si Jax. Aalis na sana siya nang biglang may umangkas sa kanyang likuran.

"Alam kong nagmamadali ka kaya go!"

"Why are you here?" inis niyang tanong kay Angel.

"I'm desperate of the information you have about The Blues! Kailangan kong gawin ito sa mga isip-batang katulad mo na dapat pang paghirapang suyuin!"

"Di mo ba na-gets na ayokong makipag-usap sa 'yo kaya ilang araw na kitang iniiwasan?"

"Uunahin mo pa 'yang pagiging isip-bata mo o susundan mo si Jax Blaine?" galit na tanong nito.

Huminga na lang nang malalim si Kernel dahil alam naman niyang hindi aalis si Angel sa kanyang likuran.

Mabilis na pinatakbo ng binata ang kanyang motor para masundan si Jax. Napalunok na lang siya nang wala sa oras nang maramdaman niya ang mahigpit na pagyakap ni Angel sa kanyang bewang.

Muli niyang naalala noong panahong may relasyon pa silang dalawa. Takot pala ang dalaga sumakay sa motorbike.

Pero hindi maipinta ang kanyang mukha nang maramdamang hinihimas ng sadya ng dalaga ang kanyang abs. Inaakit na naman siya nito.

"Ganyan mo ka-miss 'yong katawan ko?" sarcastic niyang tanong sa dalaga.

"Nagtataka lang ako kung ba't naka-apron ka pa hanggang ngayon! Bakit? Naapektuhan ka ba sa yakap ko?""

Napasulyap naman siya sa apron. Nakalimutan niya palang tanggalin ito sa pagmamadaling sundan si Jax.

"In your dreams!"

Muling kumunot ang kanyang noo nang ipinasok ng dalaga ang dalawa nitong kamay sa ilalim ng apron, sa loob mismo ng kanyang t-shirt tsaka hinihimas ang kanyang abs.

Dahil doon sunod-sunod siyang napapalunok ng laway.

"Magaling! Diyan ka magaling! To seduce me when you only want something from me! I won't let you fool me again! Is Angel even your real name? Hindi bagay sa 'yo!"

Napatigil naman ang dalaga sa pang-aasar tsaka tinampal ang tyan ni Kernel.

"Kainis ka! Hirap mong pasayahin!"

Tumahimik na lang ang binata at mas lalong nag-focus sa pagda drive habang nakikita niya pa sa unahan si Jax at masundan ito. Sobrang bilis kasi itong nagpapatakbo. Mabuti na lang at nasundan niya pa.

Patuloy namang pinipisil ni Angel 'yong tyan ni Kern. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil unti-unti niyang nagustuhan ang ginagawa nito. Sinulyapan niya sa side mirror ang dalaga pero nakapikit ito.

'Is she doing this to distract herself that she's riding on the motorbike? At ba't sa lahat gawing distraction 'yong katawan ko pa? Kahit noon katawan ko lang din naman 'yong pakay ng babaeng 'to!'

Napahinga siya nang malalim. "You don't have to do this just to get information! I know you're afraid riding this..." seryoso niyang sabi.

"Naalala mo pa palang takot ako sumakay ng gan'to?"

"Makakalimutan ba kita? Kung isa ka sa dahilan kung ba't kumukulo ang dugo ko?" sarcastic niyang tanong.

"Gusto mo pakuluin pa natin?"

"Will you please shut up? Wag mo nga akong hawak-hawakan kung s'an-saan! Baka sa sobrang galit ko, ilalagay ko 'yang kamay mo sa ilalim ng boxer ko! Try me!"

...

Nang marating ni Jax ang address na binigay sa text. Agad siyang pumasok sa isang abandonadong building at inakyat ang ikatlong palapag. Dumating din sina Kernel tsaka nagmamadaling sumunod sa kanya.

Nang buksan nila ang pinto nito, nagulat sila sa kanilang nakita. Puro patay na katawan ang nasa sahig. Lahat may tama sa ulo. Nasa mahigit 20 ang wala ng buhay.

"What in the world happened here?" 'di makapaniwalang tanong ni Kernel tsaka isa-isang sinuri ang mga ito.

"Where is she? Kitkat? Where are you?" kinakabahang sigaw ni Jax at tinitingnan ang paligid.

"What?" 'di makapaniwalang tanong ni Kernel nang malaman ang rason kung ba't nagmamadaling pumunta rito si Jax.

"Damn this fuckers!"

Galit na galit si Jax lalo pa't nalaman nilang lahat ng tauhang nandito ay 'yong may mga eye tattoo. Tawag pa nina Noreen sa mga ito ay 'The Unknown.'

"But who killed them?" Pati si Kernel nalilito sa nangyari.

"A smoke grenade!" sabi naman ni Angel tsaka ipinakita sa dalawa ang pinulot niyang used smoke grenade. "May nauna rito!"

Nagkatinginan naman silang tatlo at hindi alam kung anong susunod na sasabihin.

"Mga 20 minutes lang tayong nag-drive so ibig sabihin napakagaling at napakabilis ng gumawa nito! Too brutal yet too perfect!" namamanghang komento ng dalaga. Napatingin naman si Kern sa kanya at napailing.

"You're more brutal!"

Pinaalam naman ni Kernel si Violy at sina Veign tungkol sa nangyari, para marami silang maghahanap kung nasaan si Kitkat. Ito muna ang pinaka-priority nila dahil alam nila ang ugali ni Jax Blaine.

...

Sa coffee shop naman kung saan naiwan si Alfonso at ang isang employee, nagtataka ang binata kung bakit nagmamadaling umalis sina Jax at Kernel. Makalipas ang kalahating oras, wala ng customer na natira dahil close na ang shop. 12 midnight kasi ang out nila at 11:30pm ang close.

Biglang may nag-text sa cellphone ni Alfonso at nang makita niya ang sender nito, kumunot ang kanyang noo.

*From Gago:

Be here at **** right now! i have ur friend. Dont let anyone follow you!*

"Kung makapag-utos ang gago!"

"Huh?"

"Ay haha pare hindi ikaw! May ka-text lang!" at ipinakita niya ang hawak niyang phone sa kasama.

Tinapos pa ng binata ang shift hanggang midnight bago niya pinuntahan ang address na nakalagay sa text. Nagpara na rin siya ng taxi dahil wala naman ding dumadaang jeep.

Mga 45 minutes ang byahe bago siya makarating sa lugar na tinutukoy n'ong lalaking nag-text sa kanya. Siya 'yong lalaking nagpakita sa loob ng condo ni Jax.

Para isa itong bahay na nasa-isolated area. Walang kahit isang kapitbahay. Maganda ito at concrete din pero simple lang ang desinyo.

Biglang bumukas ang isang hindi kalakihang gate kaya agad na pumasok si Alfonso. Tiningnan niya muna kung may nakasunod ba sa kanya bago isara ang gate.

"Get in!"

Nagulat naman siya nang pagkatapos niyang isara ang gate ay nasa harapan na niya ang lalaking iyon. Naka-all black pa rin ito at naka-cap pero wala ng mask at ibabang bahagi lang ng mukha ang kanyang nakikita. Sinuri niya ang lalaki at nakitang parang galing ito sa pakikipag-away.

Gusto niya sanang magsalita pero napansin niyang may hawak pa itong baril kaya itinikom na lang niya ang bibig at pumasok na sila sa loob.

"BA'T NANDITO ANG ENGOT NA 'YAN?" hindi makapaniwala niyang tanong habang nakaturo sa walang malay na dalaga.

"She's sleeping! Don't shout!" sabi pa nito tsaka itinutok sa kanya ang baril. Napatikom na lang siya ng bibig nang wala sa oras. Natatakot siya sa kakaibang aura na bumabalot sa lalaki.

Napatingin siya rito nang tanggalin nito ang cap kaya nakikita niya ang buong mukha nito.

"I am Exseven and she's going to be your partner."

...

Dalawang araw na ang lumipas at wala pa ring idea sina Jax, Kernel at ng iba pang mga kasamahan kung nasaan si Kitkat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matukoy kung sino ang pumatay sa mga myembro ng The Unknown at kunin ang dalaga. Puno sila ng pagtataka dahil mismo si Ethird ay hindi kayang hanapin kung saan ito. Kitkat's phone was turned off.

Pati ang hanapin kung saan si Kei Tamaki ay hindi rin nila makita. Kaya malakas ang kutob nilang si Kei ang kumuha ng dalaga. Ayaw din kasi nilang makigulo sa ibang members ng Dakumasuta dahil ipinagbilin ni Exseven na wala dapat na ibang makakaalam. Kaya hindi sila makapaghingi ng tulong sa headquarters.

Pumasok naman si Alfonso sa condo ni Jax, dito na kasi siya nakikitira at wala namang paki si Jax. Nagulat siya nang makitang nandoon si Kernel sa sala na may mga kasamang iba. Ngayon niya lang kasi nakitang maraming tao sa loob ng condo.

"Oy pare! Mabuti at ikaw ay nakauwi na sa pamamahay!" bati ni Kernel sa binata at hindi nito alam kung anong i-react.

"Sila ang aking mga kaibigan, maliban sa isa diyan!"

Nagpakilala naman sina Violy, Veign, Clent at pati na si Angel na simula noon ay sumasama na sa kanila. Tumulong na din siya sa paghahanap.

"Hi! Alfonso po!"

Natawa nang malakas si Kern dahil sa pagkunwaring mahiyain nito.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Jax kaya lahat sila ay napatingin dito. At katulad ni Alfonso, nagulat din siya nang makita ang iba pang kasama. Silang dalawa lang kasi ni Kernel ang may usapan.

"Who told you to get in?" pagtutukoy ni Jax nina Violy at ng iba.

"Uh! C'mon! The more the merrier!"

"I don't need their help!"

Hindi naman nag-react ang mga bisita na parang sanay na sa pag-uugali nito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Alfonso kay Jax dahil bihis na bihis ito at may dala pang bagpack. Naka-all black at naka-black cap.

"None of your business!"

"We'll go raid some beehive! Wanna come pare?" tanong ni Kernel. Wala pa naman talaga silang sigurado kung saan magsisimula.

"Bakit? Saan? Ngayon na?" natatarantang tanong ni Alfonso. Kailangan niya kasing malaman ang lahat ng galaw nila lalo na ni Jax.

"We won't stop finding Kitty-Katty no matter what, or else Jax will go rampage and start another mafia war again! Hahahah!" at nagtatawanan na din ang iba sa biro ni Kernel. Pero sa totoo, 'yan talaga ang pinag-aalala nila. Baka kung ano pang magawa ni Jax dahil sa galit.

"Chillax lang mga pre! Sigurado ak---"

Hindi natuloy ni Alfonso ang kanyang sasabihin nang bigla nalang siyang kwenelyuhan ni Jax.

"You want me to chill when I don't even fucking know what happened to her?!"

Agad namang lumapit si Kernel para awatin si Jax pero hindi pa rin ito binitawan ng binata. He isn't composed unlike before. He just couldn't.

Nataranta naman si Alfonso nang akmang sasakalin na siya ni Jax. Galit na galit pa ang mukha nito.

"Bitawan mo ako! Gago ano ba! Okay lang siya kaya bitawan mo na ako!"

Biglang naging tahimik ang lahat. Parang may isang dumaang anghel sa sobrang tahimik. Lahat sila ay nakatingin kay Alfonso nang may pagtatataka.

Binitawan naman agad ni Jax ang binata tsaka mas lalong sinamaan ng tingin.

"How sure you are she's okay?"

Hindi maitago ang pagkabigla ni Alfonso nang ma-realize niya ang kanyang nasabi kanina.

"Ah! Hahaha! Ang sabi ko 'baka' okay lang siya! Stay positive ika nga nila. Haha!"

Agad naman siyang tumalikod sa mga ito.

"Oo nga pala, meron pa pala akong part time sa coffee shop ngayon! Bye mga peps!"

Nagkatinginan naman silang lahat dahil sa inakto ng binata.

...

The next two days. Nasa cafeteria sina Jax at Caryll para mag-lunch. Nauna silang bumaba dahil may ginagawa pa 'yong ibang members ng council.

Hindi sana papasok si Jax ngayon kaso na-convince siya ni Kernel na mas mabuting bantayan ang mga kilos ni Alfonso.

Si Kernel naman ay kina-career ang pagiging janitor niya sa campus dahil baka muli nilang makita si Kei Tamaki.

Habang pumipila sina Jax, biglang may lalaking naki-insert sa kanyang harapan.

"What do you think you're doing?"

Natawa naman ang lalaki tsaka humarap sa kanya, dahilan nang pagkagulat ni Jax.

"How are you, leader?"

Hindi mapigilan ni Jax na kwelyuhan si Kei Tamaki na nakangisi pa rin sa kanyang harapan. Dahil doon napasinghap sina Caryll sa takot, at nagsimula na naman ang commotion sa loob ng cafeteria. Pati ang nananahimik na grupo ng gangsters ay nakatuon na din sa kanila.

"Where the hell is she?! What did you do to her?" Jax gritted his teeth as he whispered those to Kei.

"Hahaha! What are you talking about?" nakangisi pa rin nitong tanong na mas lalong nagpa-asar kay Jax.

"Wouldn't you be welcoming me or asking how have I been? Don't you miss your member?"

Hindi nakapagsalita si Jax at nanatiling masamang nakatitig kay Kei. Nakatingin ang lahat sa kanila, walang gustong umawat sa mga ito sa takot na madamay. Lalo na't ngayon lang nila nakita ang president ng Student Council na ganyan ka agresibo nang walang dahilan.

"HOY!"

Napalingon silang lahat nang biglang may sumigaw na babae. Paglingon nila, nagulat si Jax pati na si Kei nang makita si Kitkat na nagmamadaling lumapit kay Alfonso na tahimik namang kumakain sa isang table. Dahil d'on nabitawan niya si Kei.

"Wag mo akong guluhin babae!" naiinis na reklamo ni Alfonso at patuloy pa rin na kumakain. 'Hindi ba nakikita ng engot na 'to ang sitwasyon?!' sa isip pa nito.

"Anong guluhin? Ganyan ka lang? Chill-chill? Paano naman ako? Anong gagawin ko?" nakapamewang na tanong ni Kitkat. Dahil sa inis ng dalaga, hindi niya alam ang nangyayari sa paligid at naka-focus lang ang atensyon niya kay Alfonso na kanina pa niya hinahanap.

"Manahimik ka nga engot! Mamaya na tayo mag-usap!" nanggigigil na sabi ni Alfonso. Mapapahamak sila nang wala sa oras nito kung hindi pa rin titigil si Kitkat.

"Aba't may gana ka pang magalit pagkatapos mo akong ewan doon! Tsaka paano na si Jax? Ha! Wala na lang ba tayong gagawin?"

Huminga nang malalim si Alfonso tsaka sarcastic ang mukha nitong itinuro ang likuran ni Kitkat. Lumingon naman ang dalaga dito at napasinghap siya sa gulat.

"J-Jax... Kanina ka pa?"

At doon niya lang nalaman na nasa kanila na pala ang lahat ng atensyon. Inilibot niya ang kanyang tingin at gusto na lang niyang magtago sa kung saan dahil sa hiya ng kanyang naramdaman.

"J-Jax Hehehe m-may narinig ka ba?" parang natatae niyang tanong sa binata na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.

"Aba malamang! Sa laki ng bunganga mo rinig nga ng buong campus!" Napakamot naman ng ulo si Alfonso.

'Paalam na Exseven. 'Di kita matutulungan dahil sa engot na 'yan! Tangna ka kasi! Ba't sa lahat, siya pa napili mo gago ka!' sa isip ng binata.

...

Itutuloy...