webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|42| God's Plan

Faith's Point of View

Ninoy Aquino International Airport

Alas dose ng hating gabi kami nakarating sa Pilipinas. At buong biyahe, tulala lamang ako habang nakadungaw sa bintana ng eroplano. Paulit ulit sa utak ko ang mga huling sandali bago s'ya mawalan ng buhay, at paulit ulit rin akong nasasaktan sa ala-alang iyon.

I used to believe that life is fair... But now I'm doubting it.

Sa pagdating namin ng Pilipinas, kasa-kasama ko si Stay. Ramdam kong kasama ko s'ya pati na rin ang labi n'ya, at kahit kailan ayokong mawalay sa tabi n'ya.

Tuliro akong naglakad papuntang arrival lounge, pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang hikbi ng isang ina. Si Tita Stella, yakap-yakap s'ya ni Stacey habang pinapatahan ito kahit pareho lang silang umiiyak.

"T-tita..." Lumapit ako sa kanila dahilan para bumitaw sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Nang makita ko si Stacey, hindi na naman napigilan tumulo ng mga luha ko, kahawig na kahawig n'ya talaga ang kuya n'ya... Humihikbing niyakap ako ni Tita Stella, niyakap ko rin s'ya pabalik. "Tita..."

"T-thank you for not leaving my son until his last breath..." She says between her sobs. Wala ng mas sasakit pa para sa ina ang mawalan ng anak. "For t-the past seven years... I know you're still together... And I'm thankful h-he met a woman like you." Lalo pa n'yang hinigpitan ang yakap sa akin, dahilan para lalong kumirot ang puso ko.

H-hindi sinabi ni Stay sa mga magulang n'ya na naghiwalay kami? Pero bakit? Bakit n'ya kinimkim ang lahat ng sakit sa loob ng pitong taon?

I remain speechless. Hindi ko na nagawang gumalaw pa para patahanin man lang si Tita. It makes me puzzled and confused.

"Ate Faith, m-maraming salamat dahil hindi mo hinayaang m-mag isa si kuya..." Tita Stella pull off. Now I'm facing Stacey who's crying, trying to speak straight between her tears. Wala pa rin s'yang pinagbago... Though she gained height because she's 24 now.

Niyakap ko s'ya at inalo. "Shh... Don't cry... Your K-kuya will b-be sad too..." Pero lalo lang s'yang umiyak, kaya bilang ate, sinet aside ko muna ang nararamdaman ko para mapatahan s'ya.

"I-if I knew something will c-came bad... S-sana hindi ko na lang s-s'ya inaway, I-i even beg for p-pasalubong... I d-didn't know, Ate... I-i... D-didn't..."

"Shh..." I patted her back. "Kuya S-stay is so thoughtful and u-understanding... I-i'm sure he already forgive y-you before you say sorry, alright?" Sandali akong pumikit dahilan para pumatak ang mga luha sa pisngi ko.

"Faith?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran. Umalis ako sa pagkakayakap kay Stacey at pinunasan ang mga luha bago humarap kay Samuel. His face looks so worried yet thankful. Niyakap n'ya ako sa harap nina Tita Stella pero hindi ako yumakap pabalik. "Oh Lord! I'm thankful you're still alive... Kahapon ko pa gustong umalis pero may hearing na naganap... I-i'm sorry..." Hinigpitan n'ya lalo ang yakap sa'kin.

Lalo akong umiyak. Hindi dahil sa naranasan at sugat na natamo ko, kundi dahil sa nangyari kay Stay. Lalo akong nadudurog dahil yakap-yakap ako ng taong pinagtaksilan ko... Pinagtaksilan namin ng lalaking pinakamamahal ko...

"A-are you okay? W-what happened to your leg?" He asks worriedly. Finally, he pull off himself from me.

"T-the airplane went up and down... G-ganoon rin kami kaya na-injured ang b-binti ko..." The situation we had that time flashes back to my mind, bakit hindi na lang ako pumunta sa cockpit at sinamahan s'ya?

P-para sabay na lang kaming namatay...

"Please, go back..."

Huling sinabi sa akin ni Stay habang nasa kalagitnaan kami ng pagbagsak. Sana man lang sinabi ko sa kan'ya na mahal ko s'ya... Na mag-iingat s'ya... Dahil hindi na sigurado kung ligtas pa ba kami ng mga panahong 'yon...

"Ate Faith... S-sino s'ya?" Inosenteng tanong ni Stacey.

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses n'ya. Paano ko sasabihing s'ya ang boyfriend ko? Bigla akong nakaramdam ng pagka-guilty dahil ang akala nila... We're together for seven years...

"A-ah..."

"I'm her---"

"P-pupunta na lang po ako sa inyo... A-asahan n'yong tutulungan at sasamahan ko kayo sa b-burol ni Stay," I answer, cutting Samuel from introducing himself.

Dahan dahang napatango ang mag-ina, dahilan para makahinga ako ng maluwag. Tipid ko silang nginitian, ganoon rin sila. Nagpaalam na kaming aalis kaya agad akong sumakay sa kotse ni Samuel.

"Wow... T-that's beautiful, saan galing?" Baling ni Samuel sa suot kong singsing nang makasakay na rin s'ya sa kotse.

I can't deny Stay. I can't lie to him who gave this precious ring... Ito na lang ang patunay ng pagmamahal sa akin ni Stay.

"Samuel..." Bumuntong-hininga muna ako at tinignan s'ya sa mga mata. "M-may dapat akong sabihin sa'yo..."

Ini-start n'ya ang kotse.

"S-samuel, alam mo--"

"You need to rest, ihahatid na kita sa bahay para hindi na magalala pa si Mama. Hindi na s'ya makatulog dahil sa kalagayan mo," aniya tapos ay ngumiti s'ya sa'kin. Hindi iyon peke, totoong ngiti na parang sinasabi n'ya na ayos lang s'ya.

---

After two days...

"Nakikiramay kami..." Hindi ako makapaniwalang dadating rito si Professor Medina. Iyong mabait na instructor noon sa De Somila University. Inabot ko sa kan'ya ang kape.

Pareho kaming tumitig sa maamong mukha ni Stay na nagpapahinga na sa kabaong. Ang guwapo guwapo n'ya pa rin... Hindi pa rin nagbabago ang mukha n'ya. Ganito pa rin kaya ang mukha n'ya kung magkasama kaming tumanda? Pero kahit ano pang maging mukha n'ya, hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sa kaniya.

"Kaawa-awang bata... Marami pa s'yang maaabot sa buhay sa ganitong edad... Hindi ko inaasahang mangyayari ito sa kanya." Napailing na lamang si Prof. Medina.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

Humarap s'ya sa'kin at ngumiti... Iyon bang parang nagbibigay ng pag-asa. "Marahil mayroong dahilan ang Diyos kung bakit n'ya kaagad kinuha ang kaniyang anak. Kaya't huwag kang malulungkot sapagkat alam kong babantayan ka n'ya habang buhay."

Ngumiti ako pabalik. Ang mga salitang iyon ni Prof. Medina ang nagpagaan ng loob ko kahit papaano. Tama... May plano ang Diyos para sa'kin.

"Faith... Have faith."

Parang narinig ko ang boses ni Stay habang sinasabi n'ya iyon noon sa akin bago ako pumasok ng DSU. At dahil sa kaniya, nagawa kong manampalataya.

I have faith to Him because of him.

Mula sa sofa na inuupuan ni Tita Stella, nilapitan ko s'ya roon. Pinupunasan n'ya ang picture ni Stay at pinagmamasdan iyon.

"Tita..."

"Alam mo ba napakasaya ko noong nagkaroon kami ng anak ni Santiago... Napakasaya ko noong ipanganak si Stay." Nakangiting sabi ni Tita Stella habang pinagmamasdan pa rin ang picture ni Stay. "Arranged marriage lang kami ng Papa n'ya... At dahil sa kaniya, natutunan rin akong mahalin ni Santiago. Akala ko habang buhay na ako lang ang magmamahal sa kaniya... Pero dahil sa anak kong lagi kaming pinaglalapit, lalong naging masigla ang pamilya namin."

Hinayaan ko na lang mag kwento si Tita Stella kahit na na-kwento na iyon ni Stay dati noong mga bata pa kami. At habang nagkwe-kwento si Tita, nakita ko si Samuel na malapit sa kabaong ni Stay. Pinagmamasdan n'ya ito.

Alam kong kahit hindi n'ya sabihin, alam na n'yang magkasama kami sa iisang flight lang. Marahil ayaw n'ya lang pag-usapan ang nangyari dahil masasaktan lang s'ya.

Nakita ako ni Tita na nakatingin kay Samuel kaya nagsalita na uli s'ya.

"Sino s'ya? Kaibigan mo ba?"

Hindi agad ako nakasagot. Huminga muna ako ng malalim at umiwas ng tingin. "Tita..."

"Boyfriend mo?"

Tears started to fall from my eyes. "T-tita, I'm sorry..."

She sighed and genuinely smiled, na para bang iintindihin n'ya kung anong sasabihin ko. "Pwede mo bang ipaliwanag sa'kin ang lahat, hija?"

"W-we broke up before I went back to Philippines seven years ago..." Pinunasan ko ang mga luha ko. "...hindi ko po inaasahan ang sasabihin n'yo... Hindi n'ya po pala sinabi sa inyo, itinago n'ya ang sakit na naramdaman n'ya sa loob ng matagal na panahon... There... Samuel and I became together... Pero kahit hanggang ngayon hindi ko pa rin maiparamdam na mahal ko rin s'ya."

"... At noong papunta kaming Bali, I was so surprised when I saw him in the airport. Sa Bali na po kami nagkabalikan, I cheated to my boyfriend... Ang dating matagal na naming planong kasal ni Stay... Matutuloy na po sana dahil na-engaged na agad ako the last day in Bali... N-not knowing what will happen during the flight..."

Tuloy tuloy ng pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Ang sakit sakit balikan ang lahat. Parang sinasaksak ako paulit ulit hanggang sa hindi ko na kayanin. Pinapatay ako ng maraming beses at hindi ko alam kung paano ulit ako mabubuhay ng normal...

"I-i stayed with him in the hospital... Hanggang sa madatnan ko na lang na binubuhay na s'ya ng D-doctor, I even use the defibrillator for him to be back... I kissed him... And for the last chance... Iminulat n'ya ang mga mata n'ya, ngumiti s'ya sa'kin... T-tapos..." Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko. I heard Tita sobbing too. Niyakap n'ya ako ng mahigpit.

"I-i will understand... Kailangan kong intindihin dahil tinuring na rin kitang anak... At a-alam ko kung gaano mo kamahal ang anak ko."

"S-sorry, Tita..."

"Shh, don't be sorry, hija..."

Hindi ko alam pero halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Ngunit mas nangingibabaw ngayon ang saya... Dahil may nakakaintindi na sa'kin. May umunawa na sa'kin sa kabila ng kasalanan ko.