webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|39| Off to Bali

Faith's Point of View

Good evening, passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Philippines. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.

Niyakap ako ni Stay bago tuluyang pumunta sa cockpit, hindi ko rin inaasahan na mararamdaman ko ang mainit n'yang hininga sa aking tenga't leeg nang magsalita s'ya. "Take care, I love you."

Napangiti ako at niyakap s'ya pabalik. "Take care of us, may kiss ka sa'kin pagbalik." Hindi ko alam kung saan ako nakapulot ng lakas sabihin yun.

Nakangiti s'yang humarap sa'kin habang hawak pa rin ako sa baewang. "Hindi nga? Bakit hindi pa ngayon?" Nagpalinga linga s'ya sa paligid ng aircraft. "Wala pa namang tao, pinaghihintay mo pa ako," natatawa n'yang sabi.

Nahawa ako sa pagtawa n'ya. Pinisil ko ang pisngi n'ya at nagsalita, "Mamaya na para inspired ka pagpapalipad."

"Psh."

"I love you too." At saka tumawa na para bang naisahan ko s'ya. Humiwalay na ako sa pagkakayakap bago pa kami mahuli nila Macey at ng echoserang si Brent. Alam ko namang mali 'to pero nakahanda na akong ipagtapat kay Samuel ang lahat.

Nakakalungkot lang dahil pakiramdam ko sobrang masasaktan s'ya. We've been together for almost six years, and I know he really loves me for what and who I really am. Alam kong sa point of view ng iba ay masama ako. Pero ginawa ko lang ang lahat ng 'yon dahil gusto kong makabawi kay nanay.

"Hey, it's a promise alright? H'wag mo lang akong paaasahin dahil--"

"Hoy, kiss lang sa cheeks ang ibibigay ko, hwag kang ano d'yan ha!" Akma ko s'yang susuntukin pero nakaiwas na s'ya at biglang tumawa.

"Yeah, I know. Malapit-lapit na naman ang panahong mahahalikan ko ang matatamis mong labi."

"Hala? Kailan ka pa naging bolero in Tagalog? Ang sweet na sana kaso hindi bagay sa'yo!"

"Psh, nevermind."

Tapos ay naglakad na s'ya papuntang cockpit pero bigla ring napatigil at lumingon sa'kin. Gosh, sobrang guwapo n'ya talaga sa pilot uniform n'ya! Ang aliwalas tignan at amoy na amoy ang pabango n'ya kahit kakakalas n'ya lang sa'kin!

His brows met when he noticed that I'm staring at him. Dahil don napaayos ako ng tayo at hinawakan ang nakatali kong buhok, pinapakiramdaman kung nagulo ko ba iyon. 

"When's your day-off?" He asks.

"H-ha? Pareho lang naman tayo ng day-off ah..."

Napangiti s'ya. "Next week? Labas tayo."

Nahawa ako sa pagngiti n'ya at nakaramdam ng kilig. Pinilit kong itago 'yon at kinagat ang labi. "Uhh-- sure! Saan ba?"

"Faith, bakla!"

Automatic akong napalingon kay Brent na kakapasok lang ng airplane. Buti na lang medyo malayo ang agwat namin ni Stay at hindi n'ya namalayan na nag-uusap kami.

"Tara dito, may chika ako!" Then he shows me a paper bag from a make-up brand. Mukhang nakabili na naman ng bagong products si bakla kahapon sa Nusa Dua.

"O-oo, sige wait lang!"

Nilingon ko ulit si Stay na ngayon ay wala na sa harapan ko. Marahil nakapasok na s'ya sa cockpit dahil pasakay na ang mga pasahero. Lumapit na ako kay Brent na ngayon ay pini-picture-an ang bawat products at ipino-post sa IG.

"Hoy, tama na 'yan, mag-trabaho ka na," bulong ko.

As a Flight Attendant, our duty is to take care of our passengers. Inaalalayan namin ang mga pasahero sa uupuan nila, at sinisigurado rin namin na komportable sila. Pakiramdam ko lalo ang bumait dahil tinutulungan ko sila, I know it's my job pero duh, it's more than that.

"Uhm -- Miss, can I know your social media accounts? Or number?" Bigla akong napatigil sa isang maputi at maamo ang mukha na lalaki. Tinulungan ko rin s'ya sa pagaayos ng gamit n'ya sa upper compartment at hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya 'yon.

Sa halip, ngumiti na lang ako at umiling. "I'm sorry, Sir. But we're prohibited to give our numbers or accounts in --"

"Even your name?" He says and gave a smirk. Kung tutuusin mukhang nasa early 20's pa lang ang lalaking 'to at mukha ring mayaman. "Ah, I see. Nice to meet you, Faith Santimoza." Nakatingin s'ya sa name tag na nakalagay sa upper-left part ng uniform ko kaya napatingin na rin ako roon.

"I-i'm sorry, Sir... But I don't have social media accounts, you can't find me there."

Bumuntong hininga s'ya at dumikwatro, para bang confident s'ya na mapapasagot ako ng lalaking 'to within five minutes, ah? "Then, do you have a boyfriend?"

Ngumiti ako ng napakalapad at ipinakita ang kamay kong may suot na singsing. "Honestly, Sir, I'm engaged..."

"Good evening passengers. This is your captain speaking. We will cruise at an altitude of 35,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 7:15 PM. The weather looks good. The cabin crew will be coming around in about 20 minutes time to offer you a light snack and beverage. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight."

"...and that Captain speaking is my fiancé."

The young guy manages to smile though it's visible that he's disappointed. Hindi ko mapigilan matawa sa loob-loob ko and at the same time, naaawa rin.

"Naalala ko, gan'yang edad rin ako, masyado akong nagpapadalos-dalos makaramdam ng pagmamahal mula sa isang lalaki. Pero I ended up being rejected... Gusto ko na rin maikasal that time, nainggit ako sa classmates ko. Nagkaroon rin naman ako ng boyfriend, but it didn't worked."

Bahagya s'yang natawa. "I'm sorry but--"

Marahan na lamang akong tumango. "Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na... Hindi hinahanap ang pagmamahal. Hinihintay 'yan at kahit sa mali mang lugar, kahit mali mang panahon, magpasalamat ka pa rin dahil naranasan mong mahalin ng isang tao."

Umiwas s'ya ng tingin, at doon pa lang alam kong pareho kami ng point of view noong 20 years old ako.

"I thought I'll find a girl here, but turns out nothing, hanggang sa makauwi na naman ako ng Pilipinas."

"Marami ka pang pwedeng gawin, travel, have fun and enjoy. Bata ka pa." My lips form a smile, napangiti rin s'ya pagkatapos ay umalis na nang magplay na ang isang video sa TV monitors na naglalahad ng safety features ng aircraft.

"Flight attendants, prepare for take off please."

We fasten the passenger's seat belt. The take off went well and after 20 minutes, nag prepare na kami ng light snack and beverages. Isa ako sa nag o-offer no'n, at hindi maiiwasan maka-encounter ng patay gutom. Pero pinagbabawalan naman ang sobrang pagbibigay ng pagkain.

"What kind of soda do you have?" tanong nung balbas-sarado na nasa mid 50's na lalaki. Mataba s'ya at kamukha ni Santa Claus. Ngayon ko lang nalaman na sa eroplano pala s'ya nasakay at kami ang mga reindeer.

Itinigil ko ang serving cart. "Coke, Diet Coke, Sprite and Orange, Sir."

"A diet coke, no ice, please."

Kinuha ko naman ang isang baso ng Diet Coke with no ice at ibinigay 'yon sa kan'ya. "Here you go."

"Thanks."

Everything went well but as the minutes pass by, things became weird.

"Flight attendants, please be seated."

Umupo naman kami nina Brent sa may dulo ng aircraft, katabi ko si bakla habang kaharap naman namin ang magkapatid na Yumi at Macey. Naka-seat belt kaming lahat dahil sa dumaang turbulence. Isa iyong violent or unsteady movement ng hangin.

Madalas naman namin tong nararanasan tuwing flight pero hindi ko maiwasan kabahan. Marahil siguro dahil naandito si Stay at , hindi ako mapakali dahil baka may mangyaring masama. Ayoko man isipin, pero masyado lang talaga akong nadadala ng anxiety. Haays, naaadik na yata ako sa kape.

"Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the fasten seat belt sign. We are now crossing a zone of turbulence. Please return to your seats and keep your seat belts fastened. Thank you."

I let out a deep sigh. Nagdasal ulit ako na kinaugalian ko na tuwing may turbulence na nangyayari.

---

| THIRD PERSON'S POV |

Tahimik lang ang dalawang piloto na si Stay at si Soni. Si Stay ang nagmamaneho ng eroplano, everyone knows he's a great Captain for four years. Kampante lamang s'ya ngunit hindi n'ya inaasahan ang pag-alog ang eroplano. Lahat ng pasahero ay napatagilid at nagsimulang mag-panic, ganoon rin si Faith at mga kaibigan n'ya.

"What happened?" Soni asks.

"The elevator is so stiff, Sir. I can't control it," bakas sa boses ni Stay ang pagaalala habang mahigpit ang hawak sa manibela. Naging maayos rin naman ang lahat at hindi na iyon naulit pa.

There are sings of thunderstorms near them,  and as the turbulence intensifies, the high winds and heavy rain strikes them. Hindi makontrol ni Stay ang manibela at doon nagsimula ang kan'yang pagka-bagabag.

"What the fuck!" singhal n'ya na nagpakaba lalo sa kanila ni Soni.