webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|38| Sorry

Faith's Point of View

"Balik na tayo sa hotel?" tanong ni Macey at pinagpag ang short na nalagyan na ng mga buhangin.

Dito kami dumiretso sa dalampasigan pagkatapos naming kumain. Nagtatayuan na sila Yumi at Brent pero yakap ko pa rin ang mga tuhod ko dahil sa lamig.

"Huy, Faith. Malamig na, tara na." Yumi lend her hand to help me stand but I refuse. Ayoko pa umalis, gusto kong mapag-isa.

"Una na kayo, sunod na lang ako," ani ko at ngumiti sa kanila.

"Oh sige, ingat ka girl, haggardo versoza na akesh!" Si Brent, tapos ay sinakbit n'ya ang kamay sa braso ni Macey at naglakad-kembot palayo. Si Yumi ay kumaway muna sa'kin at hinabol ang dalawa.

Hinarap ko ang dagat. May mga barkong naglalayag sa malayo pero ang nakakuha ng aking pansin ay mga yabag hindi kalayuan. Si Stay, he's talking to someone through phone while walking towards the sea. Ilang metro lang ang layo namin at hindi ko s'ya gaanong marinig.

"I love you, too."

Nabasa ko ang mga labi n'ya, pero nang banggitin n'ya 'yon ay walang halong sinseridad dahil sa seryosong mukha. He's now wearing a simple shirt and black shorts. Umupo s'ya sa buhanginan katulad ko. Hindi ko alam pero bigla kong naisipang tumayo at lumapit sa kan'ya.  

Gaya n'ya, pinagmasdan ko na lang din ang tahimik na dagat. Ilang segundo na ang nakakaraan pero parang wala lang sa kan'yang tumabi ako, kaya naman binasag ko ang nakakabinging katahimikan.

"Girlfriend mo?"

Nahagip kong bahagya s'yang tumango. "Yeah."

"Ah."

Naubusan ako ng itatanong. Buti na lang ay nabawasan ang awkwardness nang tumunog ang phone ko. Isang dm mula kay Samuel.

SamuelAdams_sj

Hey, when will you come back? I miss you. Take care, alright?

FaithSantimoza

Sa isang araw. Yeah, I miss you too. Take care!

SamuelAdams_sj

Okay, just message me, I'll fetch you in the airport.

"Boyfriend mo?"

I'm about to reply but I turn my phone off when he started to talk. Unexplainable feeling runs throughout myself and my heart begin to pound.

"Oo..."

"Marry me now, Faith."

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Inulit na naman n'ya ang linyang iyon, pakiramdam ko isa pang ulit ay bibigay na ako. This is freaking insane!

"Why marry? We have our own lovers, right? We can't break other's heart just because of what you want."

Ngumisi s'ya at tumingin sa'kin, "Nahiya ka pang sabihin na gusto mo ring pakasalan ako."

"What the hell are you saying?"

"Because you used 'we' insted of 'you'. Ang ibig mong sabihin hindi natin kayang magpakasal dahil may masasaktan, hindi ba? You want it, but you care for Samuel's feelings."

Para akong napagtaksilan ng sariling bibig. I'm trying to be a cold-hearted here, bakit ba napaka talino n'ya?

"H-hindi ba pwedeng malito?"

"Nalilito ka kung sinong pipiliin mo samin, Faith? If you're going to choose me, the problem is solved. Why are you taking situations hard?"

"Mahal ko si Samuel, mahal n'ya ako. Hindi ako pwedeng magcheat! It's unfair, Stay. I know you understand me, right?" Pero hindi s'ya sumagot, dahilan para mapabuntong-hininga ako.

Why can't he understand things? Bakit iniisip n'yang mabilis lang ayusin ang lahat?

"Choosing what you love over what you're used of... Is not cheating or being selfish at all." Tumingin s'ya sa akin ng mariin. "It's about making yourself happy, because that's the purpose of love." Tumayo na s'ya at tumalikod sa'kin para makalayo.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib, hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. "Pero paano si Samuel? Paano yung mga nasaktan ko? Si Nanay?"

"You believe that life is hard -- because that's how you handle it. But everything's easy... If you're not a coward," he says and walks away from me.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang sariling kamay at walang ano-anong tumayo. Tumakbo ako ng mabilis palapit sa kan'ya, at nang maabot ay niyakap ko s'ya ng mahigpit mula sa kan'yang likuran. Humahangos at humahagulgol akong yumakap sa kan'ya, habang s'ya ay nakatigil lamang na nakatalikod sa'kin.

"Stay, I-i'm sorry... I shouldn't have let you go," I say between my sobs. All I can do is to regret everything... Hindi na pwedeng ibalik ang dati.

Naramdaman ko ang mga kamay n'yang nakahawak sa mga kamay kong nakayakap sa kan'ya. Inalis n'ya iyon na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.  Napaluhod ako sa pinong buhangin habang nakatungong humahagulgol. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

Sorry... Sorry kung iniwan kita.

Sa gitna ng paghagulgol ko, tinulungan n'ya akong makatayo at ang mas nakakagulat pa sa lahat, ay ang yakapin n'ya ako ng mas mahigpit. Inilabas ko ang lahat ng sakit sa balikat n'ya, katulad ng nakasanayan ko noon.

"As long as you're calling my name, I'll Stay," he whispers to my ear.

Nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Pero hindi pa rin maiaalis sa'kin na wala ng pag-asa ang lahat... Na maii-stuck ako sa isang taong hindi ko kailanman minahal.

"W-what's with the kneeling?" nagtataka kong tanong. Lumuhod s'ya sa harap ko at kinuha ang ring box sa bulsa.

Isinuot n'ya na ang singsing na ikinalito ko. "My Mom said kneeling represents respect to your girl." Tapos ay ngumiti s'ya habang pinagmamasdan ang kakasuot lang na singsing sa darili ko.

"S-stay..."

Ganoon pa rin ang disenyo ng singsing na ipinakita n'ya sa'kin seven years ago.

Ngumisi s'ya at nagsalita, "I don't care whatever they'll feel. Don't you dare to turn it back, alright?"

And then I realized one thing Samuel didn't do. He never kneels whenever he proposes.

"How about your girlfriend?"

Umiling s'ya at ngumiti. "I'm talking to my Mom, Faith."

I sigh in disbelief. How can he do that?

"Kaya kong talikuran ang lahat para sayo. And I'll do everything to take you back from him. Let's start again, even this is forbidden."

We, sometimes go to a certain point that when you love someone, you can do the hardest thing of all.

And in the end, we're all selfish.

---

For our last day here in Bali, Stay and I planned a date around Nusa Dua. Sinimulan namin sa paglalaro ng golf, which is called Nusa Dua Golf and Country Club. Dinadayo raw talaga ang place na ito pero buti na lang nakapag book na si Stay kagabi.

"Ano ba 'yan, ang bobo mo!" Patuloy lang ako sa pang-aasar kay Stay dahil hindi naman n'ya mailagay sa hole yung golf ball. Ang duya nga n'ya eh, ayaw n'ya sumuko hangga't 'di n'ya magagawa yung challenge!

"Agh! Why can't I put that shit in?!"

"Hoy, hoy! It's my turn!" Lumapit ako sa starting point or 'tee' at hinayaan n'yang ako naman ang tumira.

I stand with my knees and hips slightly bent. Ipinokus ko ang tingin sa maliit na bola at saka'y itinira ang pinakaastig kong moves gamit ang club. Nagpagulong gulong iyon hanggang sa unting unting magpaikot ikot sa paligid ng hole, ilang sandali pa ay napatalon ako sa tuwa nang makitang pumasok ang bola.

"Tignan mo! Kita mo 'yon ha? Oh, libre mo ang lunch!" tuwang-tuwa kong sabi at pumalakpak pa. Humalukipkip na lamang si Stay at napailing marahil dahil sa pagkaasar.

Nang sumapit ang tanghali, dinala n'ya ako rito sa Pirate's Bay. This is a Pirate themed restaurant that also has a huge scale of a wooden pirate ship. Oh 'diba bongga?! Isa ito sa mga chineck ko sa bucket list, nakita ko rin kasi ito sa google na dapat puntahan sa Nusa Dua.

"Huy, salamat ah," sabi ko kay Stay na ngayon ay kakatapos lang kumain.

"No problem, are you ready for the next?" He asks.

Napangiti naman ako at kinuha ang cellphone sa bag. Syempre kailan ko munang i-post ang picture ng pagkain at namin ni Stay habang nandito sa Pirate's Bay. One click, then, tadaaaa! May maganda na namang memories ang nadagdag sa Instagram ko.

---

"S-sigurado ka bang gagawin natin 'to?"

Napalunok na lang ako sa kaba ng malamang magpa-parasailing kami. Parasailing is a recreational kiting activity, sa beach ito makikita like jetskiing. We'll be attached to a parasail canopy and will be towed by a high-speed boat. Nakakatakot dahil medyo may takot ako sa heights.

"Yeah, bakit? It's up to you kung gusto mong mabasa. Sa bangka ang take-off na'tin."

"Nakakatakot, ih. Paano kung hindi safe 'yan?"

"Ano ng mangyayari sa'yo kung palagi ka na lang takot?" He pinches my cheeck then gave a smile that makes me calm. "Don't worry, buhay ka pa hanggang sa magka-anak tayo."

"Psh. Ewan ko sa'yo!"

Mainit at masaya ang lahat ng tao, may nag je-jetskiing sa hindi kalayuan ng beach, may mga batang nagtatampisaw sa malapit, at may gumagawa ng sand castles. Ang saya nilang lahat, masaya rin naman ako pero hindi maikakailang nagaalala ako para sa buhay ko. Hindi maiwasan atakihin ng anxiety 'no!

"Hindi mo ba alam na may takot ako sa mga gan'yan? Swimming pool pa nga lang hinihimatay na 'ko! Nakalimutan mo na ba?!" reklamo ko nang makasakay na kami sa bangka. Nakasuot na kami ng life vessel.

Bali pupuntahan namin yung medyo malayong parte ng dagat tapos doon na kami pasasakayin. Dala dala yung parasail canopy.

"Relax, okay? Masyado kang OA." Tapos ay tumawa s'ya. Ito na ba yung ganti n'ya sa'kin dahil inasar ko s'ya kanina sa Golf and Country Club?

Hindi na ako umimik pa dahil na nararamdamang takot. But Stay holds my hand freezing in nervousness. Mas malamig pa 'tong kamay ko sa yelo sa sobrang kaba.

"Heto na."

Inalalayan kami noong Captain na sumakay doon sa canopy. Ito na ba talaga? Wala nang atrasan? Diyos ko, Lord! Hindi ko pa kayang mamatay!

"Huhu, Stay! Napakasama mo talaga!"

Dahan-dahan kaming tumataas. Kung tutuusin para lang kaming nags-swing pero dagat nga lang ang bagsak. Diyos ko, bakit ang sama sa'kin nitong mapapangasawa ko?!

"Whoooo! Ang saya! Faith, open your eyes, ang ganda ng view oh!"

Pero pumikit pa rin ako, mahigpit ang hawak ko sa gilid ng swing-like na inuupuan ko. Magkatabi kami at lalo akong nabibingi sa mga hiyaw n'ya. Ramdam kong tumataas, pasulong na gumagalaw at nananangay ang hangin.

Oh Lord, mas gugustuhin ko pang sumakay sa Vikings kaysa gawin 'tong parasailing!

"Stay..." Naiiyak na ako kasi ang tagal. Akala ba nung Captain nage-enjoy ako sa ganito? Hello! Pinilit lang ako ni Stay!

"Open your eyes, Faith... Just open," he says calmly. "Look, I'm holding your hand, katabi mo ako, hindi tayo mahuhulog."

At dahil sa sinabi n'ya ay nakumbinsi ako. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at namangha sa kulay berdeng dagat ng Nusa Dua.

Medyo huli na nang ma-enjoy ko ang view dahil pababa na ng pababa ang canopy. Palapit na rin kami ng palapit sa bangka, tinuruan kami kung paano tyumempo ng landing kanina kaya't alam ko na. I feel disappointed when we step on the boat. Napatingin na lang ako sa dagat.

"Ano ang mangyayari sa'yo kung palagi ka na lang takot?"

Indeed. Stay always makes me feel loved by the nature.

---

Nang maghapon pagkatapos magpahinga ay dumiretso kami sa Nusa dua beach grill. Kumain kami roon ng iba't-ibang klase ng pagkain. I insisted na ako na lang ang manglibre. Pero dahil malawak ang utak ni Stay, naisipan n'yang bayaran ang kinain ko, ako naman ang magbabayad sa kinain n'ya. Weird 'di ba?

Last stop: Bali Collection

Dito makakabili ng souvenir, bags, jewelries, mugs at kung ano ano pa. Syempre bumili ako para kay Nanay. Si Stay naman ay niregaluhan ako ng kwintas na nakita n'ya.

Tumingin s'ya sa'kin matapos isuot sa leeg ko ang kwintas. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kilig, bukod sa maganda ang kwintas ay buong maghapon lang naman kaming magkasama.

Hinawakan n'ya ang kamay ko. "I love you, Faith."

"You always do?"

Ngumiti s'ya at tumango. Pagkuway inilapit n'ya ang mukha sa tenga ko at bumulong, "I will always do, baby."

I hug him tight. Nahihiya kasi akong sabihin sa kan'ya ng harapan at mata sa mata. "I love you more, Stay."

This day is really the best day Lord have given to us. Wala regrets, sobrang saya ng puso ko at wala iyong katumbas. Alam kong s'ya ang tamang tao para sa'kin. Hindi ako nagkakamaling minahal ko s'ya, for seven years. And I know no one can break us.

Pero nagkakamali pala ako...