webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Teen
Not enough ratings
45 Chs

|37| Bali

We are near to the ending. Happy reading!

Faith's Point of View

Nalaman ko kagabi na dito pala kami magi-stay sa Bali for two days. Akala ko huli lang ako sa balita, pero lutang pala ako noong panahong chinismis 'yon sa amin ng baklang si Brent. Kaya pala may dala s'yang swimsuit, gano'n rin si Macey, ako lang ang wala. But guess what's exciting? We're here in Nua Dua Beach!

Isa raw ito sa pinaka-malinis na beach ng Bali, Indonesia. Syempre I made a bucket list to do here for two days. This is one of my dream when I was young. And now I can do it! I can travel the whole world and escape from reality. Ilang countries na nga ba ang napuntahan ko sa two years kong pagiging flight attendant?

Ah, oo.

12 countries!

Kasama na doon ang bakasyon sa Thailand, China, Korea, Japan, California, France at marami pang iba. Specially sa West part ng mundo. I feel like I'm in heaven for I reached already my dreams.

Naandito kami sa Pantai Geger, this is one of the public beaches and perfect for sunbathing. Kasalukuyang naglalaro ang mga kasama kong FA at Captains (including Stay) sa pinong buhangin ng dalampasigan. They're playing volleyball while I'm here, sitting in the beach chair. Nanonood lang ako sa kanila dahil hindi naman ako into sports.

"Guess who's safe from the list?!" Biglang sumulpot si Yumi na nakaupo na rin sa beach chair. She's the little sister of Macey, my friend. She has this long and silky hair. Naka-two piece s'ya kaya kitang kita ang kinis at puti ng balat n'ya. Kagaya ko, FA rin s'ya.

Bigla akong nag alala dahil baka umitim s'ya.

"B-bakit? Don't tell me..."

Nagkaroon agad ako ng conclusion. Kinikilig n'yang ipinakita sa'kin ang kamay n'yang may suot na singsing, maganda iyon at mukhang mamahalin. Sabagay, kano ang boyfriend n'ya. Dinaig pa si Macey na mag-30 na next month.

Kaming mga 27 years old na FA ay nagkaroon ng listahan. Anim kaming nasa listahan at ang mahuling ikasal or ma-engage ay may parusa. Well, ako iyon. Yumi have a fiancé now, na hindi ko akalain. They're all expecting that Yumi is in the bottom of the list. Pero ako pa pala.

Bakit namin 'to ginawa?

Well, hindi ko alam. They say 27 is the ideal age for the woman to be engaged or married. It's something I'm not assured of... Naniniwala naman akong kahit gaano ka pa katanda, kung gusto mong magpakasal, eh 'di magpakasal ka. I have no issues for that.

Pero isang araw, nakita ko na lang nakalagay na ko sa listahan. Hindi naman daw sila magtataka, may boyfriend naman ako. Little did they know Samuel's proposing me for the ninth time.

"Oh, really? Congratulations! Siguro naman invited ako?" Pagbibiro ko.

"Oo naman! Ano ka ba, syempre, bridesmaid kita!"

Bridesmaid... Pang ilang beses ko na bang ginawa 'to? Apat na beses na. Pang lima na ngayon kay Yumi. Nakakatawa lang dahil ako ang pangbansang bridesmaid para sa kanila. Pati pagiging Ninang sa binyag, nagawa ko na.

Nilipat ko ang tingin sa mga kasamahan kong naglalaro. They're all enjoying it. Hindi ko tuloy maiwasan titigan si Stay na puno ng saya sa mga labi habang pinapalo ang bola. Beads of sweats are visible to his receding hairline. Wala s'yang suot pang-itaas kaya kitang kita ang abs n'ya. Wala naman s'yang ganoon dati, maybe he worked out a lot these days... Tanging suot n'ya lang ay black shorts.

"Napag-iiwanan ka na," sambit ni Yumi na parang naaawa. Katulad ko, nakatanaw lang rin s'ya sa mga nagvo-volley ball.

"Wala naman akong nakikitang mali..."

"Halos lahat ng babae sa'tin, kasal na. May mga anak na nga, eh. At may mga engaged na ring katulad ko. Ikaw? Anong plano n'yo ni Samuel? Don't tell me he's not proposing?"

"H-ha?"

I don't know what to say. Sasabihin ko bang hindi pa? Pero baka magalit s'ya kay Samuel. Kapag sinabi kong oo, at nalaman n'yang hindi ako pumayag, baka magalit s'ya sa'kin at pilitin ako.

"Seven years na kayo ni Samuel. Wala ba talaga s'yang balak na pakasalan ka? Are you two that busy? Don't tell me may third party?!"

"Hindi ah! Hindi gano'n si Samuel, he's faithful! Alam mo 'yon..."

Nanatili lang akong nakatingin sa harapan. I don't know why I can't get off my eyes to Stay. I don't find him hot either... pero kahit anong gawin kong iwas, I'm still looking back at him. Ngayon pang magkasama na kami sa trabaho. Na tinupad n'ya kung anong ipinangako ko.

"Then sa photoshoot, naka uniform ako ng piloto, ikaw naman, wedding gown. Ayos ba?"

This thought flashes to my mind again. I felt guilty that time. Kitang kita ko sa kan'ya ang saya at excitement habang pinaguusapan ang tungkol sa kasal namin.

If I didn't leave... Are we still happy now?

Do we have a child now?

Pero hindi dapat ako magsisi. I did the best decision, and that's when I came back to my family. Na nagkaayos kami ni nanay, nagka-bonding kami ni Elizabeth at nasamahan ko si Kuya Fin hanggang sa kanyang huling hantungan. I shouldn't be regretting those.

"S'ya ba?" Yumi asks out of the blue. Nakatingin s'ya sa direksyon kung saan ako nakatingin. Kay Stay.

"Anong s'ya?" I frown.

"S'ya. S'ya yung sinasabi mo noong uminom tayo sa bahay namin." Sa mukha n'ya, parang sigurado s'ya.

"W-what do you mean?"

Ngumiti s'ya. "S'ya yung dahilan kung bakit may guwapo kang boyfriend nga'yon."

That was last year then. Uminom kami sa kanila that night. Hindi ko alam na nagiging matabil ang dila ko tuwing lasing kaya nasabi ko ang mga bagay na 'yon.

"Paano mo naman nalaman?"

"Alam ko na kung bakit hindi ka pa nagpapakasal kay Samuel. Dati isang malaking tanong pa lang sa'kin ang sinabi mo, pero nga'yon alam ko na ang sagot."

"Hindi kita maintindihan..." Naguguluhan ako sa mga sinasabi n'ya.

"Nakita ko kayo sa lounge kahapon, rinig na rinig ko ang mga masasakit na binato mo sa kan'ya. And for me, Captain Montemor was really hurt. You said he should move on, but what happened? Parang matutunaw na s'ya sa kakatitig mo."

Iniwas ko ang tingin kay Yumi. So, nakita n'ya pala kaming nagtatalo... Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil habang nakatitig ako kay Stay, parang wala akong boyfriend.

"Hindi pwede 'to..."

Tumayo na ako sa beach chair at nang makatalikod ako para bumalik sa hotel, agad akong napatigil dahil nagsalita ulit s'ya.

"Faith, I will not judge you for what you have done. But I'm wishing you the best. Sana mapili mo na ang lalaking kukumpleto sa buhay mo. Iyong lalo kang papasayahin, lalo kang papahalagahan, because I know Samuel can't do it though I don't know how Stay loved you before..."

---

We spend the whole day riding a Camel, roaming around the beach and eating at the Nusa Dua Beach Grill. Somehow, iyon pa lang ang na-fulfill ko sa bucket list. Nakakapagod pala gawin lahat sa isang buong araw kaya the rest of the plans will be tomorrow. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng dinner sa St. Regis.

Here we're enjoying finger food, cakes, and dainty sandwiches. All of it while listening to dainty songs played on the piano. This is served as buffet style kaya naman sulit na sulit ang dinner namin ngayon. Tuwang tuwa naman si Yumi, Macey at Brent dahil may champange at ibang alak. Mga laklakera kasi sila.

"So, how's the Camel riding?" tanong ni Stay na ikinagulat ko. Kaharap ko s'ya sa mahabang lamesa, katabi ko naman si Yumi at Brent sa magkabilaan. The four of us rode the Camel earlier.

And it's freaking creepy!

Pero hindi ko na lang pinansin at in-enjoy 'yung moment kahit creepy ang leeg ng Camel.

"Uhmm -- okay naman! Ikaw fafa Montero, free ka ba i-ride? Hihi!"

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Macey. Si Stay naman ay parang gustong isuka ang kinakain dahil sa rudeness ng kaibigan ko.

"It's Montemor, not Montero," sabat ko. Nakatungo kong isinubo ang cake dahil sa hiya pero nahagip kong napatingin sa'kin si Stay. He looks startled. Hindi ko na naman napigilan ang bunganga ko.

Nang-aasar na tumingin sa'kin si Yumi na pinanlakihan ko na lang ng mata para tumigil na at baka mahalata.

"Bakla! Anong ride ka d'yan? Alam mo namang mamahalin 'yan at made from California! By the way high way, I'm Brent!" Inilahad ni Brent ang kamay n'ya kay Stay. Tinanggap n'ya naman iyon at nag-shake hands sila.

"I'm Stay. Stay Montemor."

"Nice name! What if you stay from me? Stay from my heart!" Bumungisngis si Brent, hindi pa rin inaalis ang magkahawak nilang kamay. "Kidding! Free ka ba tonight? You know, I can--"

"No. It will be rather stay away from me."

Nagpipigil ang magkapatid na si Macey at Yumi ng tawa. Habang ako ay napatigil nang ngisian ako ni Stay matapos tanggihan si Brent. Namalayan kong matagal na akong nakatitig sa kan'ya pero agad na iniwas ko ang tingin at bumalik sa dating gawi.

"Anong feeling ng ma-reject bakla?" kantyaw ko kay Brent at siniko pa s'ya para asarin. Mukhang nabadtrip yata dahil hindi s'ya sinakyan ni Stay.

"Keri lang! Parang hindi pa ko nasanay 'no! Reject lang nila tong beauty ko, ang chaka naman ng pilotong 'to! Pwe!" Hindi ko mabilang kung ilang beses s'yang patagong umirap at bumulong ng kung ano ano.

"Cheers sa ating bagong Captain!"

"Cheers!"