Maverick's Pov
Humahalakhak nanaman ang bruha. Tinitigan ko ito ng matagal. Napakaganda niya at hindi mo aakalaing ganoon kasama ang babaeng ito upang naisin ang kapangyarihan ng anak ng kanyang kapatid.
Tinitigan ko rin ang isa pang babae sa harapan ko. Masasabi kong anak nga siya ng aking ina, kamukhang kamukha niya ito. Ngunit iyon ay hindi sapat na dahilan upang maging masama ito katulad ni Ina. Sana ay sa puso nito ay may natitira paring kabaitan dito.
"Nakakatuwa ka naman. Seryoso ka bang liligawan mo si Sam?"sabi ni Mizore habang humahalakhak ng humahalakhak.
"Alam naman nating maaari tayong linlangin ni Morioka at Sam." dagdag pa nito bago maupo sa upuan nito na kulay lila.
"Seryoso ako para sa plano natin." seryoso kong sabi sa harap niya saka ako tumayo sa kinauupuan ko at inayos ang kwelyo ng damit ko.
"Sana ay-" hindi na naituloy ni Martha ang kanyang sasabihin ng biglang lumindol at bumuka ang lupa kasabay noon ay ang paglitaw ng Reyna.
"Fleariza." sambit ni Mizore ng tuluyan na naming makita ang mukha nito.
"Kamusta ka na?" sabi nito kay Mizore saka ngumisi.
"Ina, anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Martha sa kanyang ina saka ito tinitigan ng diretso.
Hindi ko alam kung bakit kusa na lamang naglakad ang aking paa papunta sa pinto palabas ng bahay.
"Walang sino man ang kayang linlangin ang Reyna ng Lavreska, mahal kong anak!" mariin nitong sabi na dinig na dinig ko. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng kirot saakit dibdib.
Hinawakan ko ito at nasilayan ko ang pagdanak ng aking dugo sa dibdib.
"Walang sinuman ang makakaalis dito, tandaan mo iyan!" dinig kong sabi nito kasabay ang malakas na paghalakhak. Agad naman akong nilamon ng kadiliman ngunit bago ako tuluyang nawalan ng malay ay nasilayan ko pa ang pagdating ni Morioka o ni Sam dahilan ng pagkatuwa ko bago ako mawalan ng ulirat.
🌺🌺🌺
Morioka's POV
Sa pagyanig ng lupa ay nakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan. Naalala ko si Maverick, Marlene at Zoren. Sila lang naman kasi ang kapit bahay namin dito ni Sam.
Tumakbo ako papunta sa silid ni Sam upang magpasama ako dito na kamustahin ang tatlo sa kabilang bahay.
"Anong kailangan mo?" pagtataray nito saakin ng katukin ko ang pinto nito. Hindi ko alam kong bakit ko pa kasi ito kinatok sa kuwarto niya eh. Batid ko namang hindi ako nito sasamahan upang kamustahin sila.
"Shakira!" sigaw ko dito. Agad naman nitong binuksan ang pinto saakin. Nangungulangot nanaman ito habang diretso ako nitong tinititigan.
"Ano ba kasi yun?" inis nitong sabi saakin.
"Samahan mo ako pumunta kela Maverick." ani ko dito. Agad naman nitong isinara ang pinto pagkatapos nun.
"Shakira!" tawag ko ulit dito. Maya maya ay binuksan na muli nito ang pinto ng kanyang kwarto.
"Putang ina Morioka! May sariling paa at kamay ka! Pinatay mo si Mao, pinaalis mo ang kasambahay ko, inagaw mo ang pwesto ko! Tang ina mo!" Inis nitong sabi saakin dahilan upang ilabas ang kapangyarihan ko.
"Can you just give me a peace! Kung pwede ko lang ibigay itong lecheng kapangyarihang ito, ibibigay ko na sainyo, sakanila! I don't want to be like this! No body wants to be like this! Putang ina! Nagkagulo gulo na ang buhay ko dahil dito! Isa pa, I am Ivery Samantha Louise now and not Shakira! Stop calling me like that!" inis nitong sabi saakin bago nito isara ng malakas ang pinto nito.
Hindi ko na ito tinawag pa. Alam ko namang sobrang inis na ito saakin kaya naman ay ako na lamang mag isa ang pumunta sa bahay nila Maverick.
Hindi ko alam kong bakit nakakaramdam ako ng sobrang kaba at kasabay nun ay malakas na kapangyarihan nanggagaling sa loob ng bahay nila.
Pakiramdam ko ay kapangyarihan ni Ina.
"Maverick!" dinig kong sigaw mula sa labas dahilan upang mapatakbo ako papunta sa loob ng kanilang bahay.
Pagkabukas ko ng pintuan nila ay bigla na lamang natumba sa harap ko si Maverick. Napatakip na lamang ako ng aking bibig dahil sa nakita ko.
"The long lost Princess was already here. Hindi naman pala kayo nagkakalayo sa isa't isa eh." sabi nito saka biglang sa isang kisap mata ko ay nasa harapan ko na ito. Bampira? Maya maya ay ihinawi nito ang kanyang kapangyarihan saka nito pinalabas ang mga totoong mga anyo nila Zoren at Marlene.
Tama nga ang pakiramdam ko sakanilang dalawa. Ang pumapatay sa Academy noon at ang anak nang Reyna Fleariza. Mga manlilinlang nga naman talaga.
"Tama na ang laro Mizore at Martha! Bumalik na tayo sa Lavreska!" wika nito saka tumitig saakin. Lavreska, ang tahanan namin.
Maya maya ay inihawi na nito ang kanyang kamay at ibinalot saakin nito ang kapangyarihan nito. Sinubukan kong lumabas sa loob ng kapangyarihan nito ngunit wala man lang akong magawa sapagkat sa pagkakataong iyon ay ginamit na nila saakin ang kanilang pinag sama samang kapangyarihan. Maya maya pa ay tuluyan na akong nabalutan ng kapangyarihan ng mga ito.
Maiisipan pa kaya ako ni Shakira hanapin? Tama. Si Kevin, hahanapin niya ako. Unti unting maglalaho si Kevin sa pagkawala ko dito dahil ako naman ang nagbigay dito ng buhay.
Sana lamang ay maisipan ni Shakira, tulungan ang kaibigan niya.
"Panahon na para bumalik sa Lavreska, Prinsesa." ani ng Reyna saakin. Alam kong ako ang kausap nito at ramdam kong saakin ito nakatitig ngayon. Maya maya ay nadinig ko ang sigaw ni Martha.
"Ina!" malakas nitong sigaw.
"Ina, patawarin mo ako!" dagdag pa nito ngunit wala akong ibang nadinig kundi ang malakas na hiyaw ni Martha.
"Wala kang silbi, Martha!" sigaw ng Reyna bago nito tapusin ang kanyang anak.
"Magsama sama kayo ng ama mo sa kabilang buhay!" mariin pa nitong sabi. Maya maya ay wala na akong nadinig na pag iyak mula kay Martha. Ano ng nangyari? Pinatay niya ang kaniyang anak? Walang pusong, Reyna.
"Alam ko Mizore na may dahilan ka kung bakit mo iyon ginawa, magpaliwanag ka saakin sa pagdating natin sa Lavreska." sabi nito kay Mizore. Hindi naman nagtagal ay nakaramdam na ako ng pagkahilo dahilan upang pumikit ako.
A/N: Please do vote the story and give some comments and suggestion. Thank you!