webnovel

Chapter 55 A kiss for life

((( SENA )))

Walang imik naming inu ubos ang tahong hawak namin. Halos kagabi ko lang nakilala ang lalaking to, pero bakit napa kagaan ng loob ko sa kanya, kahit ubod ng kasungitan lalo na sa kanyang sariling ama. Hindi naman masungit, snub lang at napaka seryoso lang ata. Ang cool nga niya tignan sa Personality niyang to… saka… ang gwapo… ahehehe… pero may Boss Luis na ako, taken na ang crush mode ko Aaron… Sorry ka.

" Don't trust to anyone again." Sabi niya… na ikinagulat ko.

Hay naku Sena. Bakit kasi ambilis mo maniwala at magtiwala, hindi lahat ng Tao parang si Boss Luis, okey.

"Sabagay. Pero sayo pwede ba akong magtiwala."

"Hindi."

Ha?!

"Eh bakit mo ko tuturuan!"

"Para next time na mangyari to sayo marunong ka lumangoy! Hindi yung pupulupot ka sa katawan ng isang lalaki na kababae mo pa naman. " giit niya na parang ang kuya ko lang ang nagsasalita.

Natameme ako, yun ata ang pinakamahabang sinabi niya sa akin.

Tumayo ako. Sa may pride din akong nasasagasahan dito.

"Che, wag mo na ako turuan."

"Im fine with that."

Saka humakbang palayo sa kanya… ng….

" Take your shoes or I am going to throw it away…"

Napalingon ako… yun pa naman ang una kong nabili ng mag-OJT ako. Lumapit ako sa kanya… at inilahad yung kamay ko…

"Akin na…"

Ngunit tinapon niya sa dagat… at paglingon ko sa kanya…

"Opss… I already throw the trash."

"Aaron!"

Ngumiti na siya at parang tanga na tumakbo ng dagat.

"Now lady, chase me as you can."

"Kala mo Uurungan kita! Bwisit ka, importante yun sakin!"

" I can bought as many as you like of that Trash, now chase me."

Ay wow! Sa asar ko muling napaapak ako sa tubig dagat… malilintikan ka talaga saking lalaki ka.

Hindi ako lumalangoy, hinahakbang ko ang aking mga paa… at habang palapit ng palapit ako sa kanya… sya naman itong lumalayo… palalim na ng palalim… hangang sa balikat ko na yung tubig… di na ako makagalaw dahil… umaalon… at baka dumating yung malaking alon, bigla akong matumba…

"What's wrong?"

"Aaron… hehehe, balik na ako, dun na lang tayo sa lupa maghabulan… please."

"Oh… why would I?"

"Letche ka! Kapag ako ….Argh!"

Lumapit siya sa akin… ng bigla niyang hilahin ang kamay ko… at lumangoy siya pailalim… halos di ko na maramdaman yung lupa kaya nataranta ako… at muling napapulupot sa kanya. Pinaghahampas ko siya…

"Hey!"

"Gago ka Aaron!"

"Haist… Sena…"

Huh? Narinig ko pangalan ko sa kanya?

" I am serious to teach you… be a good student please."

Hala siya na itong nag-please.

"Relax's okey. Treat that fears of your like a little creature…"

Yun parang unti- unti niya akong nirerelease sa katawan niya. Napatitig ako sa kanya… Naktitig din siya sa akin… hawak ang dalawa kong kamay…. Sa hawak niyang yun… lumulutang ako…

"Magpadala ka lang sa alon at tubig… "

"Wag mo ko bibitawan…"

"What did I say a while ago… don't trust anyone else."

At binitawan niya ako saka lumayo sa akin… bigla akong nakaramdam ng taranta at hinampas ako ng alon… parang hinila ako pailalim na…. napapainom na din ako ng maalat na tubig… ahhhh… mamatay ako.

Nang may humawak ng bewang ko at inahon ako… bigla akong napasinghap… naiyak at sumigaw ng…

"Gusto ko na umuwi!"

Nang bigla na naman niya ako hinila pa ilalim…

Papatayin ako ng lalaking to!

At bigla na naman ako inahon…

"Aaron! Papatayin mo ba------."

Bigla na naman ako nilublub sa tubig dagat.

At napaharap siya sa akin sa ilalim… matikas niyang hinawakan ang bewang ko…

Mawawalan na ako ng hininga… pumapalag ako sa kanya para makaangat ako… ngunit ang hawak niya… pinipigilan ako… Papatayin ako ng lalaking to talaga!

Napatitig na ako sa kanya… nakita ko sa drama, kapag di ka na makahinga…no choice… hinawakan ko mukha niya … at parang nagmamaka awa akong mabuhay sa ginawa ko… hinalikan ko siya… upang bigyan niya ako ng hininga…

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter