@International_Pen
((( SENA )))
Nang magising ako nasa loob na ako ng isang silid. Masakit ang ulo ko. Babangon sana ako ng… may mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Si Sean. Nakatulog na din ito.
Saka nanumbalik yung alaala ko kanina.
Hinugot ko ang kamay ko sa kanya. Dahil… yun ba talaga ang kagustuhan niya na mawala ang dinadala ko? Nataranta akong napahawak sa tiyan ko… at baka may ginawa na sila sa akin. Tinignan ko ang pulso ko kung may itinurok sila sa akin.
Napabangon upo ako. At tahimik na naiyak… Bakit gusto ni Sean malaglag ang dinadala ko? Naalala ko nang ibalita niya sa akin na nagdadalang tao ako. Masaya siya noon… anong nangyari ngayon. Parang may kung anong kumuha sa kilala kong Sean na yun. Kailangan ko na nga atang umalis sa puder ni Sean. Kailangan na.
Gumalaw siya… at napapunas ako ng luha ko. Umangat ang paningin niya sa akin.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com