webnovel

Chapter 33 It must be F.U.C.K.

(Sena POV)

Naglakad ako ng malaya palabas ng prisinto. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Napalapit ako sa may information desk. 

"Miss, si Atty. Guan po? Saan ko ba siya makikita?" nakangiting tanong ko sa babaeng naka-uniforme. 

"Ah. Nag-usap-usap sila ni Chief, sa tingin ko lalabas na sila mamaya lang." 

"Maari ko ba siyang hintayin. Gusto ko lang magpasalamat sa kanya." Napatango ito at naupo ako sa may lodge. Kinakalma ang sarili. Akala ko di ako makakatakas sa problemang ganto. Ngunit gagawin ko naman ang sa tingin ko talaga nararapat. Kaya lang… ang pinagpaguran ko sa loob ng limang taon… nagkaganito lang. Si Sean… talagang ginugulo niya ang buhay ko. 

Ngunit dahil nga umaaligid na si Sean sa paligid ko. Nanganganib nang malaman niya ang tungkol sa aming dalawa. Ang tungkol sa aming mga anak na lubos kong iniiwasan. Dahil nga sinira niya ako… di ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa amin ng mga anak ko. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter